CHAPTER 9 ---- SINADYA niyang pumasok ng maaga hindi niya akalaing nandoon na rin pala si Charie. Agad nyang binuksan ang desktop niya may kailangan siyang gawin. "Naghahanap ka ng ibang trabaho, Roxanne?" tanong sa kaniya ni Charie nang nakita siya nitong may tinitingnang site sa desk stop computer niya. Nagtaas siya ng tingin sinalubong ng tingin, ang nagtatanong na mata ng kaibigan. Wala siyang. balak sanang sabihin dito ang tungkol sa plano niya. Pero buo. ang loob niya. Tinapunan niya ng matalim na tingin ang opisina ni Trevor. "Hindi yata ako makakatagal sa opisinang 'to, Charie," tugon. niyang binalik ang tingin sa website. Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya---humalikipkip. Sa mukha nito mukhang naiintindihan naman siya ng kaibigan niya. "May kinalaman ba si Sir Trevor di

