CHAPTER 53 NAKARATING si Roxanne at Trevor sa Green hills, San Juan. "Masarap daw ang pagkain dito sabi ni Lucy," bungad na sabi sa kaniya ni Trevor nang mismong huminto ang kotse nito sa maluwag na open parking sa labas ng mga nakahilerang kainan. "Pili ka lang kung saan mo gustong kumain. You're the boss," untag pa nito sa kaniya nang maramdaman siguro nitong hindi man lang siya umiimik. "Ayos lang naman sa akin kung ikaw na ang mag-order, tulad nga ng sabi mo madalas ka rito kaya wala naman problema," tugon niya rito. Pinaghila siya ng upuan ni Trevor. "Salamat---" "Anything for you, sabi ko nga sa'yo 'diba you're the boss." Umupo ito paharap sa kaniya. Sa puso niya may hindi siya maipaliwanag na nararamdaman. Gustong-gusto niya na sabihin kay Trevor ang lahat, ang itanong k

