bc

Here, There, and Everywhere

book_age12+
9
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
independent
blue collar
bxb
humorous
lighthearted
small town
virgin
mxm
actor
like
intro-logo
Blurb

It's not you; it's the pandemic. Pandemic. Natigil ang pangarap ng lahat dahil sa pandemic lalong-lalo na ang kay Anya. Pero para sa kanya na ilang milyong layo ang pagitan sa pangarap niyang nais makamtan, mukhang imposible nang marating pa niya ito. Especially now that he lives in a small town in their province, living a day-to-day life waiting for the pandemic to end.

Isang gabi, nakita niya ang lalaking babago sa takbo ng buhay niya bilang isang 22-year-old na baklang uhaw sa pag-ibig na parang tigang na lupa. Mula nang gabing iyon, palagi na lang niyang nakikita ang lalaking ito kahit saan, doon, at dito.

Paano nga ba nakikita ni Anya ang lalaking ito? Bakit nga ba nakikita niya ito kahit saan siya magpunta? Destiny na ba ang tawag dito? Anong sikreto ng lalaking ito? How does he manage to be here, there, and everywhere?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"It's not you; it's the pandemic," mahina kong basa sa caption ng isang ad na nakita ko sa f*******:. "It's not you; it's the pandemic." Kanina ko pa 'to pinagmamasdan at pinapaulit-ulit na animo'y may mensahe ito para sa akin. "It's not you; it's the pandemic." Binitawan ko ang cellphone ko at ipinatong sa kama kung saan ako nakahiga. "It's not you; it's the pandemic." Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa mukha ko. Tama ang ad na 'yun — it's not me; it's the pandemic. Pero kung hihiga lang ako rito sa kama ko sa bahay na inuupahan ko ay walang mangyayari sa akin. It may be the pandemic, but it's not the pandemic that will make me survive; it's me. Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay inalis ang unan sa mukha ko at mabilis na bumangon. Kinuha ko ang nakasampay kong maong na pantalon at sinuot ito na sa tingin ni mama noong huli akong umuwi sa amin ay taos na dahil palagi kong ginagamit. Kinuha ko naman ang shoulder bag kong kulay orange na may tribal design. Sa bag na ito ay isinilid ko ang lagayan ko ng salamin, ang wallet kong wala namang laman, ang panyo ko, at ang alcohol ko na nasa maliit na spray bottle. Kinuha ko rin ang itim kong sumbrero. Isinuot ito at pagkatapos ay pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa maliit kong salamin. May kulang sa get up ko ngayong hapon na ito — face mask. Nagtahaw ako ng bagong face mask mula sa isang kahon kong stock nito. Isinuot ko ito, pagkatapos ay dinampot ko ang cellphone ko na nasa kama at isinilid sa bulsa sa likod nitong pantalon ko. Pinatay ko ang ilaw sa kwarto ko at binunot ko rin ang saksak ng electric fan. Lumabas ako ng kwarto at isinara ang pintuan. Kahit labag na labag sa kalooban ko ay wala naman akong magagawa. Kailangan kong gawin 'to, otherwise, hindi ko mapapakain ang sarili ko rito. 04:08PM Kahit kalahating kilometro ang layo ay naglakad na ako papunta sa bahay ng tutor ko ngayong hapong ito. "Sakay ka?" alok sa akin ng tricycle driver na tumigil pa sa harap ko. Kung wala akong face mask ngayon paniguradong makikita niya ang seryoso kong mukha at sa hitsura ko pa lang malalaman na niyang ayaw kong sumakay sa tricycle niya. Umiling ako bilang sagot sa kanya. Kahit may kalayuan ang pupuntahan ko ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Sayang din kasi ang ten pesos na pamasahe. Idadagdag ko na lang 'yun sa budget ko sa pagkain. Ito ang unang araw ko sa pagtu-tutor sa bahay ng tutee ko. To be honest, ayaw kong nagtu-tutor sa bahay ng mga tutee ko. Pero dahil no choice naman ako kasi hindi conducive for studying ang inuupahan kong bahay, wala akong ibang nagawa kundi ang pumunta na lang sa bahay ng tutee ko. Hiling ko lang ay walang mga matang mapanghusga ang titingin sa akin mamaya. To be honest again, mabait naman si tita, ang nanay ng tutee ko. Mabait din naman ang tutee ko. Wala namang problema sa kanila. Pero sa akin, mayroon. Nasa sarili ko ang problema. Teka, hindi ako. Hindi ako ang problema. It's not me; it's the pandemic! Kung hindi naman pandemic, e malamang wala ako sa maliit na bayan na ito. Malamang hindi ako nagtitiis gawin ang mga bagay na hindi ko gusto katulad nitong pagtu-tutor. Ayaw ko kasing mag-tutor. Marami na kasi akong ginagawa sa trabaho ko pa lang, tapos magsa-sideline pa ako ng tutor? Pero kasi hindi naman pwedeng hindi ako magtu-tutor. Hindi ako mayaman at kakapiranggot lang ang sweldo na natatanggap ko. Hindi sasapat sa gastusin ko sa buhay. Hay! Ang hirap talagang maging mahirap. Umubo ako nang may mabilis na pick-up truck na dumaan sa kalsada. Dahil naglalakad ako sa tabi nito, natural lang na ako ang mabugahan ng usok nito. "Bwisit." Mahina kong bulalas. Nasa kabayanan siya tapos magpapatakbo siya ng gano'n kabilis? Pa'no kapag may masagasaan siya? Ulol ba siya? Nag-iisip ba siya ng tama? Kahit maraming asungot at mga nakakainis na bagay ang na-e-encounter ko sa paglalakad ay hindi ako tumigil. Again, hindi ako mayaman. Kailangan kong kumayod para sa kinabukasan ko. Teka? Bakit may usok? Saan galing ang usok na 'to? Medyo binagalan ko ang lakad ko at binagtas gamit ang mga mata ko ang pinagmumulan ng bagong usok na kakaharapin ko. At bingo! Nakita ko na ang pinagmumulan ng usok. Kung makakadaan lang sana ako sa pinagmumulan nito, hindi siguro ako magdadalawang-isip na pagalitan kung sino man ang promotor ng pagsisiga na 'yan. Pero hindi naman ako makakadaan sa pinagmumulan ng usok na 'yun, e. At isa pa, wala ako sa bayan namin kung saan hindi pwede ang pagsisiga o pagsusunog ng kahit na anong basura. Wala ako sa lugar para pagalitan ang nagsusunog ng basura. Wala na akong nagawa kundi ang damahin ang mabahong usok. Sana lang ay hindi masyadong kumapit ang usok nito sa damit ko. Hays! Nakaka-inis naman, e. Ano na lang image ang mapapakita ko sa tutee ko mamaya? Mabaho ako? Gano'n? Bwisit! Kasalanan 'to ng pandemic na 'to, e. Kung hindi pandemic ngayon, pihidong hindi ako nagrereklamo sa usok na 'yan. Tsk! Pero kung hindi nga nag-pandemic, nasaan na kaya ako ngayon? Nakalampas na ako sa usok na dulot ng pagsisiga. Sa isang kanto ay wala akong nagawa kundi magpayapos din sa usok ng nag-iihaw na tindahan. Pinabayaan ko na lang. At least, kung mag-amoy usok man ako, may halong usok ng iniihaw na barbecue. And of course, ano pa bang aasahan ko? Sa tabing kalsada ako naglalakad. Technically, malalanghap din ng damit ko ang usok na nagmumula sa mga tricycle, mga motor, sasakyan, at kahit sa mga pick-up truck na dumadaan sa kalsada. Maiiwasan ko ba 'to? Alangan namang lumipad ako, di'ba? Buti na lang mandatory ang pagsusuot ng face mask. Salamat na lang kay Lord dahil mas maraming dumadaan na nagbibisikleta kaysa sa mga motorista. Kung hindi pa magpa-pandemic, hindi pa magiging in sa karamihan ang pagba-bike. Ang ganda kayang mag-bike. Although hindi naman ako marunong nito. Pero pinangarap ko 'tong matutunan. Ang lakas kasi nitong maka-Janelle sa Koreanovela na "Princess Hours." Madalas naming panuorin 'yun no'ng bata pa kami ng mga kapatid ko. Favorite na favorite namin 'yun. And aside from that Koreanovela, napansin ko rin na karamihan nga sa mga bidang babae sa kdrama, 'yung mga katulad kong average lang ang buhay at ganap sa lipunan, ay marunong mag-bike. Sayang lang at hindi nga ako marunong. At least somehow, mafe-feel ko sanang bida rin ako sa kdrama ng buhay ko. "Ayh bastos!" bulalas ko nang mabangga ako ng isang lalaking nagbibisikleta. Tumigil siya at nilingon ako. Pambihira! Kung kdrama 'to, lalapitan niya ako at tutulungang tumayo. Pero hindi, e. Reality ito kaya naman tiningnan lang niya ako at saka siya sumigaw ng... "Sorry!" Nag-bike na ulit siya para maka-catch up sa lupon ng mga nagba-bike rin na kasamahan niya. Shuta! Mahulog ka sana d'yan sa bike mo! Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Ni isa sa kanila ay wala man lang tumulong sa akin so why do I even care na pansinin ang mga tingin nila? Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinitingnan ang bisikletang bumangga sa akin na siyang papalayo na ngayon. Blue ang bike. Hindi pangkaraniwan. Mountain bike ba ang tawag do'n? Ewan ko, basta blue ang bike ng mokong na 'yun. At naka-itim siyang rubber shoes na de-sintas. Malas lang niya kapag nagkita ulit kami. Pero mukhang hindi na, e. Sa dami ng nagba-bike ngayon? Baka nga sa ibang bayan pa 'yun nakatira, e. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa bahay ng tutee ko. Nagsimula na agad kami sa module niya para marami kaming matapos ngayong hapon. 07:09PM "Thank you po, tita," pamamaalam ko sa nanay ng tutee ko. Okay pa naman ang naging takbo ng pagtu-tutor ko sa anak niya. Sana bukas ay ganito ulit. Sana ay hindi sumakit ang ulo ko. Well, isa pa lang naman siya. Bukas, tatlo na sila. Yes, tatlo sila bukas. Nagpapa-tutor din kasi sa akin ang pinsan ng batang tutee ko, e. Alangan namang tangggihan ko? Hello? Grasiya na ang lumalapit sa akin, o. Mag-iinarte pa ba ako? Nagsimula na akong maglakad pauwi. Again, sayang ang ten pesos na pamasahe kung magta-tricycle pa ako. Kaya ko namang lakarin ito kahit madilim na. May streetlights naman. Dahil medyo liblib na bayan ito ng probinsya namin, kahit ala-siete pa lang ng gabi ay tahimik na ang kalsada. Wala nang masyadong mga tao sa labas. Kung mayroon man ay mga kabataan lang na siguro ay mga naglalaro ng ML. Iilan lang din naman sila. Bumagal ang lakad ko nang makitang medyo madilim ang parte ng kalsada na kasunod kong babagtasin. Tanaw ko ang parteng maliwanag kaya lang ay malayo-layo pa. Sa katunayan ay hindi naman ako natatakot maglakad sa dilim. Sa nakikita ko sa ilalim ng maliwanag na streetlight ako natatakot — may mga lalaking umiinom ng alak. Okay lang. Malabo naman nila akong bastusin. À SUIVRE

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook