Chapter 3

1555 Words
Kdrama. Kdrama kung maituturing. Charot! Hindi pa sure. Mako-confim ko lang na kdrama nga kung magkikita ulit kami, kung magugustuhan niya ako, at kung magmamahalan kami. Kaya lang medyo nalimutan ko na 'yung hitsura niya, e. Tumawid ako ng kalsada. Kahit mag-aala-siete pa lang ng umaga ay marami na agad na sasakyan. Gano'n talaga rito sa bayan ng Matador, maaaga ang mga tao. No'ng una, nahihirapan akong mag-adjust, pero nasanay na rin ako. Kahit hindi naman talaga ako morning person, wala, naging morning person na rin ako. Kahit puyat ako, nagigising na rin ako ng maaga. Tulad kanina, nagising ako ng maaga kahit puyat ako kagabi. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Nagfa-flashback sa utak ko 'yung mga clone ng mga kakampi ni Paquito Diaz sa mga palabas ni FPJ. Pero kapag naaalala ko rin naman 'yung... sige, I'm claiming it... 'yung nagligtas sa akin, kinikilig ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Imagine naman kasi, sa tagal ko nang naghahasik ng kagandahan sa Earth, kagabi lang nangyari sa akin 'yung parang damsel in distress ako tapos may prince charming na nagligtas sa akin. Kaya lang si prince charming, nasa blue bicycle, wala sa white horse. At okay lang kung nabangga niya ako kahapon, absuwelto na si--- "Aaaaahhhh!" Sigaw ko matapos kong matumba. Nilingon ko ang bisikleta at ang may-ari nitong nakabangga sa akin mula sa likod ko kahit may mga kirot akong nararamdaman sa ilang parte ng katawan ko. Natumba rin pala siya. "Bulag ka ba!? Ang lawak-lawak ng kalsada tapos babanggain mo ako!?" tumayo ako ng buong puso. Tinitingnan ako ng ilang kasamahan niyang tumigil sa pagba-bike dahil nga nabangga niya ako. Wait lang, parang gusto kong umupo. Ang sakit ng balakang ko. Hindi yata maganda ang pagkakabagsak ko. Tumayo ang natumbang nakabangga sa akin at nilingon ako. Shit. Pamilyar ang mga mata niya. Mabilis kong tiningnan ang bike niya at ang sapatos. Asul ang bike niya at itim naman ang rubber shoes niyang de-sintas. It's him! "Teka, ikaw ulit?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot. Mula sa pagiging tigre kanina ay mukhang naging kuting ako. Hindi ako makapaniwala na magkikita ulit kami. "Kilala mo 'yan?" narinig kong tanong ng mga kasamahan niya. "Tara na!" Mga atat naman 'tong mga 'to, e. Bwisit. "Sorry, ha. Ingat ka," hinimas niya ang kanang braso ko pagkatapos ay itinayo niya ang natumbang bisikleta, sumakay dito at nagpatuloy na sa pagba-bike nila ng mga kaibigan niya. Tiningnan ko lang siya hanggang sa makaliko na sila sa ikalawang kanto ng mahabang kalye na ito. Nalipat ang tingin ko sa kanang braso ko. Hinawakan niya ito. Hahawakan ko rin sana ang parteng hinawakan niya kaya lang nagbago ang isip ko. Aba! Paano kung may virus ang kamay niya? E 'di nagka-virus din ako? Kinuha ko ang alcohol ko at ini-spray sa braso kong hinawakan niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad kahit medyo paika-ika ako dahil sa sakit ng balakang. Nagkita nga kami. Naaksidente naman ako. Kdrama pa rin ba ang tawag dito? Hay! Kakapanuod ko 'to ng kdrama, e. Pero kailan nga ba ako huling nakapanuod ng kdrama? No'ng May 2020 pa pala. Isang taon at mahigit na rin ang nakalipas. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa tindahan. Siguro naman makakapasok na si Kuya Tiago ngayon. Ilang araw nang sumasakit ang kamay at braso ko kakabukas ng tindahan mag-isa. Nang matanaw kong bukas na ang tindahan ay medyo bumilis ang lakad ko kahit masakit ang balakang ko. Nasa akin ang susi kaya naman nakakapagtaka kung mabubuksan agad ang tindahan. Unless, nandyan si boss. At hindi nga ako nagkamali. Nandito sa tindahan si boss Ken. "Good morning, sir!" bati ko sa kanya nang makapasok na ako sa loob. "Good morning, kuya Tiago," bati ko rin sa kanya na siyang nasa may pintuan. "Mabuti naman at nakapasok ka na." "Anya," si sir Ken. "Nand'yan ka na pala." "Opo, sir," sagot ko. "Nakakahiya naman po at kayo pa ang nagbukas nitong tindahan." "Wala 'yun. May kailangan din naman akong gawin dito kaya okay lang," paliwanag niya. "Ahh, okay po." "Siya nga pala, Anya, may parating tayong bagong mga tinda, dito mo ilagay ang mga 'yun para mabilis makita ng mga tao," itinuro pa ni sir ang estante kung saan ko iyon ilalagay. "Ano na pong gagawin ko sa mga nakalagay d'yan?" tanong ko habang nakatingin sa mga gamit sa estante kung saan pinapalagyan ni sir ng bagong tinda. "Ilipat mo. Ikaw na ang bahala." "Okay po." Tumalikod na ako para ilagay ang gamit ko sa locker sa likod. "Tapos Anya, makiki-post sa f*******: page natin no'ng mga bagong tinda na 'yun, ha. Siguradong maraming bibili sa atin." Hindi ko pa man lang naibaba ang mga gamit ko ang dami na agad utos ni sir. "Opo," sagot ko na lang. Hindi nagtagal, habang inililipat ko ang mga tinda sa estanteng nasa harapan ay dumating na ang mga bagong tinda na pinagmamalaki ni sir Ken. Medyo umismid ako dahil hindi naman pala essential ang mga ito katulad ng lugaw. Paano namang maraming bibili sa amin ng bike parts? Hay, ewan! Pinaliwanag sa akin ni sir ang bawat parts na pinabebenta niya pati na rin ang pricing ng mga ito. May ilang hindi ko naintindihan pero nakikinig naman si kuya Tiago kaya sana maalala niya. "Maraming bibili niyan, 'yang bahay kasi sa tapat, mahilig mag-bike kasama ng mga kaibigan niya. Mahilig din magkalikot ng bisikleta nila. Kaya bebenta 'yan. Tapos ang dami pang mahilig mag-bike ngayon," nakangiting-nakangiting saad ni sir, kumpiyansang-kumpiyansa sa bagong tinda niyang ito. E pa'no kapag hindi na uso ang bike? Nalipat naman ang tingin ko sa bahay na nasa tapat namin. May tao palang nakatira d'yan? Sa tinagal-tagal ko na kasing nagtatrabaho rito, wala pa akong nakikitang pumapasok sa loob niyan, e. Sabi ni kuya Tiago, palagi raw walang tao d'yan. Hay, ewan. Inayos ko na ang mga pa-bike parts ni sir. Umalis na rin siya. Wala pang tanghali pero parang pang-ala-cinco na ng hapon ang amoy ko. Wala pa naman akong dalang extra shirt. Natapos ko na ring i-display ang mga bagong tinda, nai-post ko na rin ito sa f*******: account ng shop ni sir. Sa totoo lang ay hindi ko medyo gusto ang pagiging sari-sari nitong tindahan ni sir Ken. Kung sa sari-sari store lang naman kasi, ay literal na sari-sari ang mayroon sa tindahan niyang ito. Pero sino ba naman ako para mag-reklamo, di'ba? Storekeeper lang naman ako s***h magandang tindera. Sari-sari kasi itong tindahan ni sir. Parang mini-grocery store na convenience store. Pero ang pinagkaiba, this pandemic, hindi nakakapasok dito sa loob ang mga gustong bumili. Over the counter lang sila. At ang mga bagay na pwede nilang mabili? Sari-sari. May mga biscuits ditong tinda, junk food, kahit nga alak at yelo, e. May juice pa. Mayroon ding school supplies, mini-hardware rin, nagpapatinda rin si sir ng ilang mga tela at sinulid, at ito nga, may pa-bike parts pa siya. Hay! Sabi niya, mainam na rin daw na ganito ang negosyo niya rito sa bayan, para more chances of winning. I can see his point nga naman. Kasi isipin mo, they can find it all here. Name it, we have it. 04:36PM "Tumal ng benta, 'no?" puna ni kuya Tiago habang nagliligpit ng ilang gamit sa labas. "Opo, tatlo lang bumili sa atin ngayon, kuya," sagot ko. "Di bale na, sana bukas maraming customers na ulit." Hindi naman kami komi-komisyon ni kuya Tiago rito. May bumili man o wala sa loob ng isang araw, tuloy pa rin ang sahod namin. 'yun nga lang, may kaliitan. Di bale na, ang mga mahalaga naman may trabaho pa rin ngayong pandemic. Mabilis pumihit ang leeg ko nang makitang may grupo ng mga lalaking nagbibisikleta ang pumasok sa malaking bahay sa tapat. Aba! Akala ko ay haunted house o display lang ang bahay na 'to. May nakatira rin pala d'yan. At tama nga si sir Ken, mahilig silang magbisikleta. E ang tanong, bibili ba 'yang mga 'yan dito? "Pabili po!" Agad bumaling ang tingin ko sa customer. May bumibili na pala hindi ko agad napansin. Pero kung wala siguro akong face mask ngayon, siguradong kapansin-pansin ang unti-unting paglapad ng ngiti ko. Buti na lang mayroon. "Ano po?" tanong ko. "May coke kayo? 'yung 1.5 liters. Pabili ng dalawa." Mabilis akong kumilos para pagbentahan siya. Hindi ko alam kung natatandaan niya ako ngayon pero ako? Tandang-tanda ko siya. Ini-abot ko ang dalawang 1.5 liters na coke. Tinanggap ko ang bayad niya. Sinuklian ko siya. Pesteng pandemic 'to. Kung wala lang sanang virus, e 'di sana baka nagdampi pa ang mga kamay namin habang ini-aabot ko sa kanya ang sukli. Ngumiti na lang ako ng malapad habang pinagmamasdan ang itim niyang rubber shoes na de-sintas. Hindi na maayos ang tali ng sintas ng kanang sapatos. Dumiretso siya sa loob ng malaking bahay sa tapat. Sinalubong siya ng isang lalaki galing sa loob na sa hitsura ay mukhang bagong gising. Ito siguro ang may-ari ng bahay. Wala akong pakialam sa kanya. Sa isang tao lang nakapako ang atensyon ko. Ano kayang pangalan niya? "Anya? Malapit nang mag-ala cinco. Wala ka bang tutor?" Medyo sumama ang tingin ko kay kuya Tiago. Talaga lang, kuya Tiago, ha? Kailangan sinisira ang pagmamasid ko sa future ko? Ha! Ha! Ha! Kdrama. Kdrama kung maituturing. Nagkita ulit kami at parang Kdrama nga. À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD