“Nasaan ang mga tao?’ tanong ko habang palinga-linga kasi parang biglang naging ghost town ang palasyo at wala masyadong tao. "May ginagawa lang po sila, Madam," sagot nito sa 'kin. Tumango-tango na lang ako at naglalakad papunta sa library kasi naman may kailangan pa akong aralin. Pisteng yan! Akala ko pag naka-graduate na ako ng college wala na akong poproblemahin hindi pala paepal kasi si Alexandro, may mga nalalaman pa syang pa-assignment chuchu. Kung hindi ko lang sya mahal baka napakain ko na sa kanya 'tong napakakapal na history book na ibinigay niya sa 'kin. "It's better if you learn a lot of things with our own history. Better read this in your free time." Nag-eecho na naman yung mga linyahan niyang yun sa utak ko. Seriously he sounds like my history

