Alexandro's pov Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Gustuhin ko man na huwag na lang yun pansinin pa at magpatuloy na lang sa pagtulog ay hindi ko rin naman magawa dahil na pakaingay na niya. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at ang nakangiteng imahe ni Penelope ang sumalubong sa 'kin. Those smiles... It's priceless "Good Morning Mr.President," masayang bati nito sa 'kin. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay bumangon na ako para maihanda na ang aking sarili at marami pa akong kailangang gawin. Papasok na sana ako ng bathroom nang habulin ako nito at yakapin patalikod. Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niyang yun. She never hug me before ng kaming dalawa lang. She's being sweet in public because we need

