Penelope's pov "Wake up you sleepyhead." That sweet voice woke me up from my nice and wonderful dream how dare that human being I slightly moved my body pero wala akong balak na bumangon kasi nga feel na feel pa ng katawang lupa kong humilata sa malambot na higaan na ito. And one more thing pinagod ako ni Alexandro kagabi... Hep Hep! Hindi 'yung pinagod na ginagawa ng normal na mag-asawa kasi naman utak ko ang pinagod ng ugok na yun nang bigla nya na lang naisipang kamustahin ang pag-aaral ko tungkol sa history ng buong galaxy este buong mundo. Ok ang oa na nung buong mundo, Pilipinas na lang yun na yun wala ng tawad kasi yun naman talaga ang totoo e. "Wala ka talagang planong bumangon dyan?" Alam ko na si Alexandro ang nagmamay-ari ng boses na yun at alam ko

