VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 5
"LAHAT BA LILINISIN KO?" Tanong ko iyon ngayon sa kaniya, pero agad naman siyang huminto't tumingin sa akin. Iniisip ko nga kung paano ko ba 'to lilinisin lahat, dahil ang laki nito, Panginoon!
Baka ubos na ang pasensiya ko, pero ang buong villa na 'to, ay hindi ko pa tapos linisin.
"Kaya mo?" Balik niyang tanong naman sa akin.
"You're not serious, right?" Tila napanganga ako sandali nang maisip kong baka ipalinis niya sa akin ang buong villa.
"You only clean my room." Kumunot naman ang noo ko. Bakit room niya? "Wala ba kayong naglilinis dito? Mukha namang malinis at wala namang alikabok."
"Kasi araw-araw siyang nililinis," wika naman nito sa akin. Natahimik naman ako at hindi na lamang sumabat pa. "What about my clothes? Wala akong susuotin? Gagamitin ko 'tong damit na 'to araw-araw? Baka mabutas 'to. Paano ang panty ko?" Sinapo naman niya ang noo niya sa mga tanong kong ibinabato sa kaniya.
Aba'y dapat lang na alam niya! Hindi ako pa-sosyal-sosyal dito! Sasabihin ko talaga ang gusto kong sabihin, dahil una sa lahat ay siya ang nagkulong sa akin dito! This prick!
"Ano? Titingin ka na lang sa akin? Hindi ka sasagot?" tanong ko pa sa kaniya na animo'y parang ako pa ang amo niya. Na para bang siya ang may sala sa akin. Well, in some terms, ay may sala rin siya sa akin. Sinira niya ang sasakyan ko! Kapag naalala ko iyon ay parang kinukurot ng kaunti ang tingle--este puso ko!
"Fine, I buy clothes."
"Do you know my size?" Taas kilay ko pa.
"You're flat-chested, kahit baby bra ay okay na sa 'yo." Mas lalong umawang ang labi ko sa sagot niya. Ang hayop na 'to! Nagawa pa akong insultuhin! Hindi ko alam kung namumula na ang mukha ko sa inis sa kaniya at baka ang mukha niya ang gamitin kong pang lampasa sa buong kwarto niya!
"I guess your size is small, right?" Alam ko ang tinutukoy niya at iyon ang panty ko. "Ano pa ang gusto mo?" sunod niyang tanong sa akin.
Doon naman gumana ang evil plan ko.
"Marami, kaya mo bang bilhin?" Titignan ko lang kung gagana ang pagpapaawa ko sa kaniya. Ginawa ko ang aking ultimate puppy eyes look, nang tignan niya lamang ako na parang walang emosyon.
"What are you doing?" Napaayos ako ng aking tayo at ngumisi na lamang. Hindi gumana sa kaniya ang aking ultimate puppy eyes look! Bakit kay Sandro ay nagana iyon? Speaking of the animal, animal siyang hayop siya.
"Bilhan mo na lang ako ng underwear. Iyong cotton ang ibili mo sa akin. Sa bra naman, kahit n****e bra na lang. Hindi ako sanay na may strap. Iyong ganito sana..." Sa sobrang comfortable ko sa kaniya ay akmang ipapakita ko pa sa kaniya ang n****e tape na nakadikit pa sa u***g ko. "God!" Saka niya hinila ang damit ko pababa.
"What? In case na hindi mo alam! Hindi mo naman makikita ang dibdib ko. Ano ka? Swerte?"
"You fvcking serious? You almost--fvck!" Hindi na niya iyon tinuloy nang hilutin niya pa ang sentido nito. "Relax! Pasensiya ka na at mas'yado lang akong naging comfortable sa 'yo. Sa Florida kasi ay wala namang pakialam ang mga tao roon kahit maghubad ka."
"We are not in Florida, Lady."
"I know! I'm sorry!"
Sus! Baka nga gustong-gusto niya, e! hayok ka bang animal ka? Tumaray na lamang ako ng patago, dahil sa tuwing nasagi nanaman sa isip ko kung bakit ako narito at bakit ako narito pa rin, iyon ay ang dahilan kung saan kailangan ko siyang dalhin kay Cara. Pangalawa, ay kailangan ko alagaan ang image ko.
Pure evil INPOP! Sila ang dahilan kung bakit marami ang nawawalan ng trabaho sa hollywood at sa ibang bansa rin, lalo na sa Korea! Sila iyong naglalabas ng mga dating scandals at iyong mga past issues tulad ng bullying. Hindi ba pwedeng magbago ang isang tao?
Tuwing may nasikat na artista ay ganoon ang ginagawa nila.
"What are you looking at?" Hindi ko napansin na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya nang hindi ko namamalayan. "'Yung kasamaan mong mukha." Walang preno ko pang banggit.
"Should I call my secretary?"
"Joke lang, boss! Ang pogi-pogi mo, e!" Kinurot ko pa ang pisngi niya bilang bawi at patunay na pogi siya, kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na lamang masuka. Oo, sabihin na natin na gwapo talaga siya, pero hindi talaga iyon ang una kong tinitignan, e.
Masasabi ko lang na gwapo, kapag gwapo rin ang kalooban. Hindi tulad nito na gwapo nga ang itsura, ang animal naman ng kalooban. Sinong gago ang iiwan ang mag-ina niya? Alam kong hindi niya alam na nabuntis niya ang best friend ko, pero iyong kahit man lang puntahan niya si Cara.
Ang hirap kasi sa mga gwapo, porket alam nilang gwapo sila ay kana naman sila ng kana. Ang mahirap din naman sa babae, porket nakakita ng gwapo, bibigay naman ang gulay nila! Hindi ko naman sinasabi na si Cara 'to, pero iyon talaga, e.
Ano pa ba ang rason, para magpachukchak si Cara sa lalaking 'to? Aba'y syempre, dahil sa gwapo!
"Unahin mong linisan ang kwarto ko. Kumukha ka na lang ng pamunas sa ibaba."
"Yes, boss!" Nag-stand straight pa ako at mabilis na tumalikod para bumaba't kumuha ng kailangan ko. Dahil nga nalibot niya naman na ako rito kanina, ay kahit paano'y pamilyar na ako sa loob. Hawak-hawak ako ang mop spinner nila na may lamang liquid detergent at tubig.
Sa Florida ay naglilinis din naman ako, pero more on vacuum lang ako.
Hindi na ako kumatok sa loob ng kwarto niya't pumasok na lamang ako. Ang alam ko naman ay hindi naman iyon tatambay sa kwarto niya, dahil may nakita akong office sa ibaba. Feeling ko ay naroon iyon ngayon.
Tulad nga nang inaasahan ko ay wala nga siya roon, kaya't nagsimula na akong mag-mop. Sa pagbasa ko pa lang ng mop at paglapat nito sa sahig ay kitang-kita ang mga puting bula sa sahig.
Habang natagal naman ay nawawala rin naman ang bula't babanlawan ko rin naman 'to mamaya. Hindi pa nga ako nagtatagal sa pagma-mop ay gusto ko na humiga. Iniisip ko lang na bakit sa tuwing gusto kong mag-ayos noon sa Florida ay halos mabaliktad ko na ang apartment ko para lang malinis ko, pero ngayon dito ay hindi ko magawa.
Hindi ko kasi talaga gusto na inuutusan ako. Iyon talaga iyon, para akong nababanas. Parang may something sa akin na hindi ko gusto gawin.
Isinandal ko lamang ang mabigat na handle ng mop nito sa pintuan ng banyo ni Akim. Iyon lang kasi ang malapit sa pwesto ko. Mabilis ko namang kinuha ang mga kalat sa ilalim ng kama nito. Sa madaling salita ay ipinasok ko ang ulo ko, habang ang pwet ko'y nakaaawang lamang.
"Ahh!!" Agad akong umalis sa ilalim ng kama niya, nang humarap ako sa banyo't nakita si Akim na nakatapis lamang ng puting tuwalya nito sa kaniyang bewang. Ano ang ginagawa niya rito? Akala ko nasa office siya?!
Ang handle ng mop ay nasa ulo niya. Siguro pagbukas niya'y tumama iyon sa ulo niya.