VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 6
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?" Galit nitong tanong sa akin.
"Cleaning!" Tila natataranta ko pang sagot sa kaniya. "I can see that, Anastasia." turo niya pa sa akin, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong mapalunok. Ramdam ko kasi ang titig niyang sagad ata sa laman ko.
"S-sabi mo kasi ay maglinis ako sa kwarto mo."
"Uh-huh..."
Sinusundan siya ng mga mata ko kung saan siya tutungo. Kahit ang pagpasok niya sa kaniyang walk-in closet ay niyapak pa ng mga mata ko. Kagat-kagat ang labi ko kung gawin ang mga bagay na hindi pabor ang utak ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba ngayon ko pa naisipan na maglinis ng kwarto niya, kahit hindi pa naman niya sa akin sinasabi.
Nang makalabas na siya sa kaniyang closet, doon ko napagtanto na bakat pa rin ang kaniyang alaga sa suot nitong abong short at white t-shirt na round neck. Tumaas pa ang kilay niya sa akin nang makita niya kung saan nakaturo ang mga mata ko.
"And I want you to knock first before you enter." Pagsisimula niya muli manermon sa akin. Imbis na pansinin pa siya sa mga pinagsasabi ay kungyari na lamang ako na nakinig. Ayoko naman na I-click niya iyang daliri niya sa katakot-takot niyang telepono. Kapag naiisip ko ang lahat ng pwedeng mawala sa akin ay nakakapanlamig talaga ng katawan, e.
Relax lang, Ancee... three months lang 'yan! Kaya mo 'yan!
Lahat na ata ng pampakalma sa utak ko ay nasabi ko na. Nag-suffer na ako noon sa stress, lalo na kapag may shooting noong mga times na extra lang ako at second lead. Mas nakaka-stress pa iyon, kaysa sa nagkaroon ako ng main lead.
"I already talked to your manager," wika niya na ikinatayo ko ng maayos. Hindi ko alam kung paano niya iyon nakuha, pero batid kong ginamit nanaman niya ang kaniyang so-called "source" nito.
"Ano ang sinabi mo sa kaniya?" May kaba ko pang tanong sa kaniya. Iniwan ko ang hawak-hawak ko sa lapag, dahil hindi ako makapag-focus at baka maibato ko iyon sa mukha niya, kapag hindi ko nagustuhan ang sinagot niya sa akin.
"I made it clear that you are on vacation. You have rented my family villa under the condition that no gadgets are allowed as per the contract." Gusto ko na lamang matawa sa pinagsasabi nitong ni Akim Guindesalvus. Satingin ba niya ay kakagatin iyan ng manager ko? E, kahit sabihin ko na may sakit ako, ay hindi papayag 'yan na hindi ako magpapakita or mag-iingay sa media ng tatlong buwan.
"Hindi siya papayag d'yan."
"I know."
"Kaya, hindi ko kailangan magtagal ng tatlong buwan dito, Guindesalvus. May trabaho ako, hindi naman bakasyon ang pinunta ko rito." May lambing kong tono at pakumbaba sa kaniya para lang maintindihan niya ang bawat ibinibigkas ko at makapasok naman sa kokote niya. "I don't buy that. You already signed the contract."
"Hindi naman ako tatakas, e! pwede ko naman gawin 'yung isang buwan, after ko tapusin 'yung trabaho ko." Turo ko pa sa aking sarili, habang nagsasalita. Alam kong wala naman siyang pakialam sa kung ano man ang estato ng career ko ngayon. Hindi rin ba siya natatakot sa career niya? Mas'yadong nakakatakot ang pinapasok niya, dahil pwede siyang kasuhan ng mga artista o mas malaki pang tao sa mga pinaggagawa niya!
Bakit ba walang nagsasampa ng kaso sa kaniya?
"I sent some clips of you to your manager-" Hindi niya rin naman iyon natapos, nang may tumawag sa kaniyang telepono. Itinaas naman niya ang kamay niya sa akin na para bang nanghihingi ng kaunting segundo para sagutin ang tawag nito.
Nang malagay niya ang kaniyang cell phone sa tainga nito ay saka naman siya sumagot, "Let him in." Iyon agad ang narinig ko.
Hindi rin namang tagal ang usapan nilang dalawa sa telepono, nang tumingin na siya muli sa akin. "Your manager is here." Umawang ang labi ko sa narinig.
Iniwan ko kaagad ang mga dala-dala kong gamit, saka tumakbo papuntang ibaba. Hinintay ko kaagad ang manager ko nang makita ko na siyang naglalakad patungo sa sala.
"Ate Agie!" Tawag ko kaagad sa kaniya at niyakap naman ito. Ngunit sa pagsalo niya ng yakap ko ay sandali lamang nang hampasin naman niya ang braso ko. "Ikaw na bata ka! Sinabi ko naman sa 'yo na mag-iingat ka at kakasibol pa lang ng career mo!" Palo nanaman niya muli sa braso ko.
"Aray! Aray! Ate Agie!" Ngunit bago niya pa mahampas sa akin ang palad nito ay nahila na ako ni Akim sa gilid nito. Umayos naman agad si Ate Agie, at saka huminga ng malalim. "Pasensiya ka na talaga, Sir. Guindesalvus." Yumuko pa siya ng kaunti.
Napanguso na lamang ako sa kinikilos nito. Hindi naman siya ganiyan sa ibang mga tao. Sa Florida ay hindi naman niya mas'yadong binibigyan ng respeto ang iba roon, dahil hindi rin naman siya binibigyan ng respeto. Tanging ito lamang si Guindesalvus ang ginanito niya at iyong noong boss namin sa station two.
"Hindi ko po talaga akalain na ganito ang gagawin ng alaga ko sa villa mo," sunod niya pang wika at pinanlakihan pa ako ng mata. "Chill! Nag-sorry na ako sa kaniya," nguso ko pang sabi kay Ate Agie.
Pinaupo ko siya sa sofa at ako naman itong umupo sa tabi niya. "I swear, Ate Angie! Ginawa ko lang 'to para kay Cara!" Sinamaan niya lamang ako ng tingin kaya hindi na rin ako nagsalita pa.
Ate Angie knows Cara. Noong bata pa lamang kami ay siya na ang nag-alaga sa akin. Siya rin ang tutor ko noon, pero ngayon ay siya na ang manager ko. Ang dami niyang ganap sa buhay ko kaya't para ko na siyang naging older sister.
Kahit si Cara ay tiklop din kay Ate Angie. Hindi ko lang alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang pinaka-wow factor ng chika ko for today.
"Cara is pregnant! Tapos nabuntis siya nito, Ate! Hindi mo akalain talaga, hindi ba? Tapos ngayon ay kinulong niya ako rito, sinabihan niya pa ako na kapag hindi ko 'yon sinunod ay katapusan na ng career ko, Ate! Magalit ka sa kaniya!" Pabulong kong ani sa kaniya sa huling salitang ibinigkas ko. "Sayo ako nagagalit, Ancee..." Mahina man niyang sabihin iyon pero may laman.
Para akong kinukurot ng mga salita niya.
"Sigurado ka bang ayan ang tatay ng anak ni Cara?"
"Oo, Ate! Nakita ko sa picture, siyang-siya!"
Umiling na lamang siya sa akin at ngumiti muli kay Akim Guindesalvus. Nakaupo na rin ito sa harap namin at pinagmamasdan lamang ako na nagsusumbong sa manager ko. "Sabihin mo na sa kaniya na hindi ako pwede magtagal, Ate," ani ko pa.
Inuutusan ko pa si Ate Angie na makipagtalo rito kay Akim, pero mukha namang hindi niya kayang gawin dahil down na down siya sa lalaking ito. Siguro ay tinakot na rin niya ang manager ko! Ano? Dalawa na kaming maglilinis dito?
God damn you, Akim Guindesalvus!
Hindi ko kakayanin ang ugali niya at napakasama! Ang sangsang! I can't!
"I'll send you the details, Sir, Guindesalvus. Maraming salamat na rin po at kahit paano ay binantayan niyo ang alaga ko." Ngumiti lamang si Guindesalvus kay Ate Angie, habang ako ay hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
"Sandali! Napayag ka na rito muna ako? Ate Angie! May trabaho ako!"
"Sorry, Ancee. Binigyan ako ng bakasyon ni Sir. Guindesalvus, kaya siya muna ang bahala sa 'yo. Finally! Makakapag-rest na rin sa walang preno at napakadaldal na bunganga nitong alaga ko!" Masaya niya pang bati na rinig na rinig naming dalawa ni Akim.
Tumayo naman si Ate Angie at ibinigay naman sa akin ang isang camera. "Take pictures, ha? Dala-dala ko ang mga two piece na kailangan mong I-upload sa media mo."
"Wala nga akong cell phone at kinuha nito!" Turo ko pa kay Akim. "Then good! Kayo na po ang bahala sa lahat, Sir." Ngiti nanamang bigkas ni Ate Angie.