VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 7
I DROP THE BROOM and shout as loudly as I could. Kinginang buhay 'to! Ang layo-layo ng propesyon ko sa ginagawa ko! Galit na galit akong pagmasdan ang kwarto niyang winawalis ko kahit wala namang dumi. Alam mo kung ano ang marumi? Iyong mukha niya!
'Yung ugali niya! Bwesit siya!
"I can see that you're upset," boses ni Akim, habang ang paa niya'y nakapatong sa maliit na mesa at siya naman itong nakaupo sa sofa niya't hawak-hawak ang telepono nito't para bang nagda-drive sa screen nito. Kahit sino naman ay hindi gaganahan na maglinis kung nakikita niyang may nakahilata!
Son of a b***h! Pigil na pigil ko iyong sabihin at baka dagdagan niya pa ang tatlong buwan kong paghihirap dito. Pangatlong araw ko pa lang, pero mukhang susuko na ako agad. Hindi ko man lang nakikitaan ng vacation potential ang tatlong buwan ko. Iniisip ko nga minsan na kasalanan ko talaga ang lahat ng ito.
Dapat pala ay hindi ko na lang pinuntahan ang de pungal na 'to. Kung alam ko lang talaga! Hindi ko naman sinasabi na hinayaan ko na lang sana si Cara na palakihin ang anak niya na walang ama.
"Are you upset, Anastacia?" Hindi naman ako nakangiti para hindi niya pa rin makita na hindi naman ako nasisiyahan! "No, boss!" Sabay ngiti kong sagot. Ang plastik talaga!
"Naayos ko na po 'yung kwarto niyo, Sir? Saan naman po ako next?" Tinatak ko na lang sa isip ko na kunyari ay nasa loob lang ako ng isang film. Kunyari ay ako ang artista at ganito ang role ko, para naman malibang naman ang isip ko.
"Magpahinga ka na," bawi naman niya sa akin na ikinawala ng kunot kong noo. Okay? Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin? Wala na ba talaga akong gagawin kung hindi ang magpahinga? "Sure na 'yan, Boss?" Tanong ko pa.
"Bakit? Gusto mo pa ba maglinis?"
"Ayaw na, Boss!"
Halos madaliin ko iyong isagot sa kaniya. Sino ba naman ang gustong maglinis, ha? Lumabas ako ng kwarto't hinayaan ko na lamang ang sarili kong dinala ang mga hawak-hawak ko sa dapat nitong paglagyan. Syempre, una, ay nilinis ko muna ang mop bago ko isampay.
Last time, nahirapan din ako nang kulay black na ang sahig imbis na pumusyaw ang tunay na kulay ng tiles nito. Ngayon ay binabanlawan ko na siya para bukas ay hindi na ako mahirapan.
Mamaya naman ay may pagagawa pa iyan sa akin. Sasabihin lang niya na magpahinga na ako mamaya uutusan nanaman ako n'yan na kumuha ng kahit anong gusto niya sa ibaba tulad ng tubig, kape na malapit ko nang ipukpok sa ulo niya ang pinaglalagyan ng mga utos niya.
“Anastacia!” Mabilis kong ihinagis ang mop at tila galit na galit na tumingin sa second floor. Agad kong iniangat ang aking gitnang daliri’t pinagpa-f**k you-han siya kahit hindi naman niya kita. Kakasabi niya ang sa akin na magpahinga na ako, tapos ngayon ay tatawagin nanaman niya ako? Ang masaklap pa roon ay tinatawag niya akong Anastacia! Sino siyang hangal siya para tawagin akong Anastacia?
“Kaunti na lang at tatawagin ko na siyang Alejandro…” Mahina kong sambit at tumaray na lamang. Iniayos ko ang aking postura at umakyta na muli. Ang dakilang aktres activate!
“Yes, Boss?” Silip ko pagbukas ko pa lamang ng pintuan. Nakaupo pa rin siya sa kung saan ko siya iniwan kanina. Hindi pa rin siya naalis doon.
“Remote, please.” Turo niya pa sa lagayan nito ng tv. Syempre at hindi naman ako pwedeng tumanggi at nakakahiya naman sa kaniya’t boss ko siya. Kinuha ko iyon at inabot naman sa kaniya. “Ito na po, boss,” ani ko.
“Okay.” Iyon lamang ang sagot niya, saka niya ginamit ang remote na kinuha nito sa kamay ko bilang pantabi sa akin at hindi niya siguro kita ang screen ng tv nito. Akma naman akong tumabi at tila naghintay pa kung may iuutos pa siya sa akin, para hindi naman ako akyat panaog, ginoo! Baka iyang remote na hawak niya ay masungalngal ko sa lalamunan niya.
Talagang ide-deep throat ko ‘yang remote na ‘yan sa kaniya!
“May kailangan pa, Boss?”
“Wala na.” Parang narinig ko na ang linya na ‘yan kanina. Parang may ka-same ng vibes ‘yang sinabi niya, e! tapos mamaya ay tatawagin nanaman niya ako? “Pwede na talaga akong magpahinga?” tanong ko pa sa kaniya.
“Sure.” May hilaw na ngiti sa labi niya na hindi ko mapagkakatiwalaan. Tinignan ko ang baso niyang wala ng laman, kaya’t nilagyan kinuha ko ang pitsel sa gilid at nilagyan naman ang baso niya ng tubig. “Incase na nauuhaw ka, Boss. Nilagyan na kita ng tubig, lalagukin mo na lang ‘yan.” baka kasi pag-inom niya ay tatawagin niya pa ako.
“Thanks.” Huling sabi niya, nang makalabas na ako sa kwarto niya. Dali-dali naman akong pumasok na talaga sa kwarto ko’t doon naman humiga. Wala pa siyang nabibiling damit sa akin at ang ibinigay niya lang sa akin ay iyong malalaki niyang tshirts at iyong dala lang ng manager ko noong kailan. Ilang pirasong damit lang iyon at panty, halos araw-araw ko pang labhan ang ilan sa mga damit ko, para lang may masuot ako kinabukasan at sa makalawa.
Pagbukas ko pa lamang ng tv, ay bungad nanaman agad ang mukha ni Daisy. Agad nagrolyo ang mga mata ko’t hindi rin naman pinatay ang tv o inilipat, dahil gusto ko siya panoorin. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa akin, pero sa tuwing pinapanood ko siya ay nakikita ko kung bakit ako pinagpalit ni Sandro.
Maganda si Daisy sa akin, mas maganda sa akin! May lubog siyang dimples at maputi, habang ako ay morena. Dito lang naman ako sa Pinas, hindi tanggap ang kulay ko. Kapag morena ka rito sa Pinas, kalimitan sa mga tao ay hindi magagandahan sa ‘yo.
Ibahin naman sa Florida. Ang mga speaking dollars, ay umiiyak na lahat-lahat para lang maging tan. Samantalang ako? Perfect tan! Kaya sa mga swimswears ay panalo talaga ako roon, lalo na kapag nasa beach ako. Maraming nahingi ng digits ko, pero syempre hindi ko rin naman ibibigay.
“Perfect white skin? I choose Glutanaks soap. Lalabas ang puting tisay sa loob ng pitong araw.” ani iyon ni Daisy, habang hinahaplos niya pa ang kaniyang braso’t ngumiti naman sa camera, habang nakapikit. Suot-suot niya ang sandalong asul na mas lalong nagpapusyal ng balat nito. “Lahat naman ata ng gluta soap, sinasabi na puputi sila ng seven days? Habang ako two years na akong hindi naputi.” ngumuso naman ako at tinignan ang balat ko.
May time na naputi ako, pero kapag naarawan ako, wala na agad. Mangingitim na ako, kaya’t mahihirapan nanaman ako ipantay ang kulay ko, dahil kalimitan ng role ko sa ibang bansa ay kita ang balat lalo na minsan ay nagmo-model din ako ng mga swimwears.
Halos puro na nga si Daisy ang nasa commercial at wala na akong napanood na maayos na palabas, dahil kakasimula pa lang ng palabas maya-maya, commercial nanaman. Naghintay ka ng ilang minuto, sandali lang din naman ang mapapanood.
Saka ko lang naalala ang camera. Kaso hindi ko naman magawa ang task ko at makapag-post sa social media accounts ko, dahil na kay Akim ang camera ko, saka saan ko naman ipo-post? Wala akong phone.
Ramdam ko ang gutom sa aking katawan, nang bumaba ako. Magtatanghalian pa lang pero pagbaba ko ay wala ng bread. Iyon kasi ang lagi kong kinakain dito, hindi ko naman pinaglulutuan pa si boss, dahil hindi naman niya iyan inuutos sa akin. Ako naman ay may sarili akong diet plan, kaya’t okay sa akin ang wheat bread at mga dahon-dahon sa ref niya.
Ngunit ngayon ay wala.
Kagabi ay mayroon pa nu’n! ngayon ay wala na! Saan naman napunta ang mga ‘yon? Hinawakan ko muli ang t’yan ko, no choice ako kung hindi lutuin na lamang itong manok na naririto. Napansin ko rin na naka-on ang rice cooker kaya’t pinatay ko na rin iyon sa saksakan.
Nagsaing si Boss? Kumain na kaya ‘yon? Hindi ko pa ‘yon nakakasabay kumain. Hindi ko nga alam kung nakain pa ‘yon, e. hindi ko na lang din tinatanong sa kaniya at baka ako pa ang utusan niya.
Marunong naman ako magluto… iyong manok, ginawa kong kambing. Charis! Fried na lamang ang ginawa ko sa manok, para hindi na rin hassle. Ibinalot ko lang sa harina na may cornstarch at kaunting paminta na rin. Ginawa ko na lamang na tatlo ang niluto ko, para if ever man na magutom siya ay may makakain siya.
“Sarap! Nakaka-miss kumain ng manok at kanin!” Para akong maiiyak sa sarap ng manok na ginawa ko. Solid ‘yung Mang Tommy na sawsawan sa manok tapos mainit na kanin! Hindi ko na nga napansin na nakailang kanin na pala ako! Nang dumighay ako ay natawa pa ako, dahil hindi ko na iyon narinig simula noon.
Bibihira na lamang!
Napatingin ako sa itaas, nang mapagtanto kong nakatutok pala ang cctv sa akin. Iniisip ko kung nanonood ba si Akim sa akin, pero palagay ko naman ay hindi, dahil mas gusto niya pa manood ng tv kaysa sa panoorin ang ginagawa ko’t sino ba ako para panoodin niya?
Hindi naman ‘to segment show niya na Bahay ni Akim?
“Kain ka!” Kahit hindi ko naman alam kung naririnig niya rin ba ang sinasabi ko’t tinuro ko naman ang manok na luto ko. “Kain na, Alejandro!” Saka pa ako natatawa, dahil first time ko siyang tawagin sa pangalan niya.
“Alejandro Farrell!”
“Uhm? Why?” Halos natahimik ang buong kaluluwa ko nang marinig ko ang boses niya sa cctv! What the hell? Ibig sabihin ay nakita niya akong magsayaw-sayaw habang nagluluto? My god! Nagte-twerk pa ako kanina!