CHAPTER 8

1587 Words
VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS CHAPTER 8 PINAGMAMASDAN ko lamang siyang kumain sa harap ko. Ayaw naman niya akong paalisin at gusto niya'y nasa harap lang niya ako habang siya ay kumakain. Ang sabihin niya ay iniisip niya'y ako ang kinakain niya! Ang bastos niya! "Can you tell me exactly why I need to be with you when you're eating?" Hindi ko na iyon nakayanan nang itanong ko naman agad sa kaniya. Pakiramdam ko talaga ay may gusto ito sa akin, e! Nako! Masama 'to! Hindi 'yan pwede! Pigilan mo ang nararamdaman mo! Ayokong maging dahilan kung bakit hindi mabubuo ang pamilya ng best friend ko. "It's lonely to eat alone." "I ate already, Boss!" Binaba ang tinidor niya at tumingin sa akin. "Can I eat with peace? Just shut parrot mouth of yours." Hindi ako nakabanat ng salita sa sinabi niya sa akin. Ang hayop na 'to! Sinabihan pang parrot ang bunganga ko! Hindi naman ako madaldal tulad ng parrot, ah! Bakit narinig niya ba ako nagsisigaw nang nagsisigaw sa villa niya? "Putangina mo, Akim!!" "Kiss mo pwet ko! Gago!" "Kinginang buhay 'to! Ayoko na maglinis!" Kumurap-kurap ako sandali, nang maisip kong napapasigaw ako kahit paano pero iyong wala siya rito. Minsan ay umaalis siya sandali, kaya pwede akong magsisisigaw dito. Hindi ko naman alam na ang CCTV pala rito ay kayang marinig ang boses ko! Tumaas ang tingin ko sa CCTV na nakatutok sa banda namin at tinarayan iyon. Pahamak na CCTV 'yan, nakapaka-secured ng villa na 'to. Hindi pwede makipagchismisan at talagang lalabas ang baho mo't maririnig mo lahat ng chismis sa camera. "Huwag mong tignan nang masama ang CCTV. Walang ginagawa sa 'yo 'yan." Bumalik ang mga mata ko sa aking kaharap at napanguso na lamang. Minsan ay napapaisip ako kung ano ba ang nagustuhan talaga rito ng kaibigan ko. Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng kaniyang mukha. Maraming ganito ang mukha sa ibang bansa. Actually marami pang mas gwapo sa kaniya, pero lume-level din siya sa mga batikang modelo o hindi naman kaya ay iyong mga aktor. Hindi ko matukoy kung maamo ba ang itsura niya, dahil lagi naman nakakunot ang noo niya. Hindi man siya mukhang laging seryoso, pero iyong style niya ay parang ang chill lang niyang tao. Hindi ko siya mabasa. "Bakit mo binuntis ang kaibigan ko?" Hindi ko mapigilang itanong iyon sa kaniya. "Hindi ko nabuntis ang kaibigan mo," sagot naman nito sa akin. "Pero kitang-kita sa camera. Ikaw ang kasama ni Cara. Bakit mo nasabi na hindi ikaw ang nakabuntis sa kaibigan ko?" Seryoso ko siyang tanungin at hindi iyong pasigaw tulad noon. "Ewan ko, baka kamukha ko lang." "Seryoso, Boss. Puntahan mo ang kaibigan ko. Hindi niya deserve ang ganito. Mabait siya at maalagain, siya na lang 'yung naging kapatid ko at sandalan ko. Ako na lang din ang mayroon siya saka ang dala-dala niyang baby." Pahina nang pahina ang boses ko sa tuwing naalala ko ang best friend ko. Totoo naman iyon at ako na lang din ang mayroon siya. "Sinabi ko na sa 'yo. Gawin mo kung ano ang napagkasunduan natin sa pinirmahan mo. Pupuntahan ko ang kaibigan mo at pagnapatunayan kong hindi ako ang ama nang dinadala niya'y malaki ang kapalit n'yan, Ancee." Tumibok ang puso ko. Ngayon ko lamang narinig na tawagin niya ako sa nakasanayan kong itawag sa akin. Ancee... Imbis na makapagsalita pa ay tanging titig lamang ang nagawa ko. Halos walang boses ang lumabas sa bibig ko't hinayaan na lamang siya na kumain ng tahimik. Paano niya nasabi na hindi siya ang ama? Sinasabi ba niya na maharot ang kaibigan ko? Hindi naman ganoong babae si Cara para ibigay na lamang niya ang kaniyang p********e sa kung sinu-sino. Wala rin naman akong nagawa nang matapos niyang kumain, ay sinagot nito ang tawag mula sa kaniyang telepono. Mabuti pa siya at pwedeng mag-phone, habang ako! Halos napataray na lamang ako sa ere, nang kunin ko ang pinggan niya para hugasan iyon. Nakaka-miss din pala maghugas ng pinggan, iyong maraming sabon. Sa Florida kasi ay may machine naman doon para hindi ka na maghugas, aalisin mo na lang siya sa machine na 'yon. "I can see that," wika ni Akim nang makalapit na siya sa gawi ko't binuksan naman ang ref nito. Kinuha niya ang bottled water nito at binuksan naman iyon. Binigyan niya pa ako ng isang tingin at ako naman itong umiwas. "Send me all the details," sunod niya pa. Pagsilip ko ulit ay nakanguso naman siya't naniningkit pa ang mga matang animo'y may iniisip sa mga naririnig nito sa kabilang linya. Hindi rin naman nagtagal ay ibinaba niya na ang hawak nitong cell phone at tinuro ang gripo. "You're wasting water, Ancee." "A-ay! Sorry, Boss!" Matapos kong maghugas ay agad naman akong pumunta sa kwarto ko. Maayos kong inilabas ang swimwear na sinabi ng manager kong dapat kong ma-flex sa media. In-open ko rin ang camera na bigay nito't nag-pic sa bintana na may puting kurtina. "Nice, maganda ang quality." Binalik ko nanaman ang pansin sa swimwear at saka naman ako nag-prepare. Ibinabad ko muna sa bathroom ang sarili ko at ang aking milk bath, para sa picture ay hindi mukhang balat ng isda ang skin ko. Sagana naman ako sa lotion, pero sa tuwing may shoot ako, hindi mawawala sa routine ko ang pagmi-milk bath. My god! Hindi ko nga napansin na halong isang oras na akong nasa bathroom. Hindi na nga ako nagkamali nang makita ko ang result ng milk bath sa balat ko. Ang smooth, hindi ako magsisisi na ito ang ginawa ko buong isang oras at tumulala lang sa dingding. Since alam naman na ni Akim na kailangan ko mag-picture, ay hindi naman niya ako pagbabawalan, ano? Hindi naman niya ako uutusan na linisan ko ang kwarto niya, habang nagtatrabaho ako? Lumabas ako sa kwarto. Iniisip ko kasi ay nasa loob lang ng kwarto nito si boss, kaya nagsuot lamang ako ng aking swimwear na two piece, habang may bandana naman sa waist ko para matakpan naman ang kiffy ko. “F*cking hell!” Halos hindi maibsan ang dibdib kong huminahon, dahil sa isang lalaki na hindi ko kakilala. Kahit siya ay nagulat na makita ako’t napatingin pa sa likod ko na akin namang sinundan. Wala naman tao pero ano ang ginagawa niya rito? “W-who are you?” Nakagat ang labi ko sandali, nang mapagtanto ko ang itsura ko. “L-Leo, Ma’am.” Kahit siya ay nauutal na rin magpakilala. “What are you doing here? This is a private villa.” Panggagaya ko sa sinabi ni Akim sa akin noong nakapasok ako rito sa loob. “Secretary po ako ni Akim.” Nawala ang poise nitong parang kinakabahan at ngayon naman ay naging mahinahon. May salamin siya at mas’yadong pormal ang itsura. Naka black tuxedo siya at halata namang nagtatrabaho sa isang corporate. “A-ah! Hindi naman kasi niya nasabi sa akin,” sagot ko. “Nasa kwarto ata siya—” Hindi ko iyon natuloy, nang kunin niya ang telepono nito’t sinagot iyon. “I’m here, Sir. Okay… copy that,” ani nito’t tumungin naman sa akin. Ngumiti naman siya saka tumungo. Nilampasan niya ako nang pumunta naman na ito sa kwarto ni Akim. Kagat-kagat ang aking labi ay nagtungo na ako sa dagat para magawa ang trabaho ko. “Sh*t! Ang init ng sand!” Kay arte ko pang sabi, nang para ba akong tanga na natakbo papunta sa isang mesa na may upuan at may malaking payong. “Ouch! Ouch! Ouch!” Para bang alimasag kong lakad—makarating lang sa may malaking payong. Inalis ko ang bandana sa aking bewang kaya’t doon naman bumungad ang katawan ko. Aminado akong may shape talaga iyon, pero hindi naman iyong sobrang bote na ng soft drinks. Ini-stand ko ang camera at agad naman iyong ini-set ng timer. Alam kong mahirap makakuha ng litrato pero wala naman akong magagawa. I rather choose to find ways, kaysa mawalan ng career, ano! Saka, this brand is hyped! Hindi ko kayang isawalang bahala, dahil ang gaganda ng mga products nila. A hundred percent fetch and dope! But all of my hard work just to get a perfect shot is hell. Kahit isa ay wala man lang maganda! Dahil hindi kaya na naka-portrait, lahat ng kuha ko ay landscape. Hindi ko alam kung ano ba ang mas nakukuhaan ng spotlight, iyong beach ba o ako. I do need help na talaga! Para nanaman akong tanga na tumalon-talon, makaakyat lamang sa villa. Isang katok ko lamang sa pintuan ni Akim, ay bigla naman itong nagsalita. “Ancee, not now.” Nag-roll naman ang mata ko’t binuksan na lamang ang pintuan niya. Wala na akong pakialam kung makita nilang naka-two piece ako sa harapan nila. Nakapamewang pa akong bigyan sila ng tingin. Umiwas agad ng tingin si Leo, ang kaniyang secretary at si Akin naman itong kumunot ang noo. “Ancee,” tawag niya sa ‘kin. “Are you busy?” Agad kong tanong. “Can’t you see?” Sabay turo niya sa papel sa harapan nito na alam ko naman na dapat lang nilang pirmahan. “So, you’re the only one who’s busy, right?” Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya na mas lalo nitong ikinakunot ng noo. Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko, pero umangat din naman iyon agad sa mga mata ko. Hinila ko ang braso ni Leo at agad naman iyong nagulat. “Do your work, I’ll need his help. Xiao!” Sabay hila palabas kay Leo sa kwarto ni Akim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD