VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 9
WALANG NAGAWA SI LEO, nang hilain ko siya palabas ng villa. Bakas sa itsura niya ang hindi nito alam kung ano ang gagawin. Nabitawan ko ang braso niya, nang maramdaman ko naman ang mainit na buhangin, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang alisin niya ang kaniyang sapatos at ibinigay ang terno n'yon sa akin.
"What are you doing? Ouch!" Hindi ko mapigilang ipasok na ang paa ko sa sapatos nitong nasa buhangin. Tumaas ang paningin ko kay Leo, tila wala lamang sa kaniya kung naapakan na niya ang buhangin kahit may suot siyang itim na medyas. "T-thank you," maliit kong wika nang hindi naman siya ngumiti sa akin.
Ang sungit naman! Kapag ba ang boss ay masungit, kailangan masungit din ang secretary?
"Anyways! Halika!" Nang makarating kami sa tent ay ibinigay ko kaagad ang camera. "Kuhaan mo naman ako ng picture. Portrait sana, ah! 'Yung pang model sana, beb." Akala mo naman ay sobrang close kaming dalawa para sabihan siyang beb, pero dahil nangangailangan lang talaga ako ng tulong ay hindi ko na ito pinalampas pa.
"I don't know how to take pictures," wika niya, nang malagay ko sa kaniyang kamay ang camera ko. "I don't really know how to take pictures, Ma'am." Tumaray naman ako sandali, nang maisip ko na paulit-ulit naman ito.
"It's fine! Tuturuan kita, tatayo lang ako sa may dagat, magpo-pose lang ako tapos kuhaan mo ako ng picture, okay?" Hindi naman na siya sumagot sa akin at agad naman akong tumakbo sa dagat, dali-dali akong nagpose at kita ko naman kung paano niya hawakan ang camera.
Iyong ibinaliktad niya iyon at naging parang cellphone ang style niya. Natawa na lamang ako sandali sa ginawa n'yon at hinayaan na lamang din siya.
"Ma'am! Video po ata ang napindot ko!" Mas lalong lumabas ang tawa ko sa narinig... hindi ko rin alam kung bakit siya pa ang hiningian ko ng tulong. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang una niyang kuha, hindi naman iyon video pero ang masasabi ko lang ay hindi naman pangit ang kuha niya. Halatang kuha lang ng nagmamadaling lalaki. Gano'n!
Sa pangalawang slide ay video na nga iyon. Kita ang ngiti ko hanggang nakalapit na ako para kunin ang camera. Kahit ang boses ni Leo ay dinig na rin sa camera. "Sorry, Ma'am. Hindi po kasi ako marunong talaga mag-picture." Habang hawak ang camera ko ay napanguso ako.
"Sinabi ko na 'to, pero ayos lang. Sadyang need ko lang din talaga ng help, baka kasi mawalan ako ng trabaho." Kamot ko pa sa binti ko na ngati mula sa buhangin na nakadikit.
"Leo."
Parehas kaming napatingin ni Leo sa likod ko, nang marinig ko ang boses na iyon. Ang tingin niya sa akin ay napapalibutan ng dilim ngunit unti-unti naman iyong nagbago, nang mas makalapit na siya sa akin. "Take all the papers in my room," utos nito.
Saka ako binigyan pansin ni Leo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa akin. "It's okay! Bye, Leo!" Kaway ko pa sa kaniya.
"S-sapatos ko, Ma'am." Bumuka ang bibig ko, nang marinig ko ang sinabi niya. Kaya pala hindi makaalis ang depungal, dahil nasa akin pa ang sapatos niya! "Ay! Oo nga pala! Sorry!" saka ko iyon hinubad at tinapat naman ang sapatos sa dalawang paa niya, nang may humigit naman sa braso ko. Hinubad niya ang t-shirt nito at isinabit iyon sa dibdib ko.
Tumungo naman siya sa aming dalawa ni Akim at agad naman na umalis. Pinagmamasdan ko ang katawan ni Leo, alam mo pwede siyang maging model.
"May itsura 'yung secretary mo. Pwedeng model 'yon, ano?" Saka ko lang naramdaman ang lamig ng hangin sa aking gilid, nang mapagtanto kong hindi masaya ang mukha ni Akim. Oh? Ano ang ginawa ko? Bakit galit ang kumag na 'to? Galit ba siya? Bakit ganiyan ang itsura niya sa akin?
"Malaki ka siguro magpasahod, kaya hindi na siya nag-model." Hindi pa rin niya ako sinagot, nang napasinghap na lamang ako. "Are you angry at me? Why?" Inalis ko ang damit niya't ibinato naman sa dibdib nitong nakabalandra sa akin.
Pasalamat na lamang siya at wala na iyong effect sa akin. Marami na rin naman na akong nakitang dibdib at limpak-limpak na muscles sa Florida.
"Ito naman! Hiniram ko lang naman saglit ang secretary mo saglit." Nagulat pa ako sandali nang kunin niya ang camera ko sa kamay ko't itinuro naman niya ang dagat. "Ako na ang kukuha sa 'yo."
"Marunong ka ba?"
"Magpo-pose ka o itatapon ko 'to?"
"Magpo-pose na, Boss!" Saka ako naglakad patungo sa dagat. Hindi naman ako naiilang o ano, pero ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko man lang magawang ngumiti sa camera na hawak niya, dahil sa mukha niya ako nakatingin.
"Do you really know how to pose?" Malayo man siya, pero narinig ko iyon na itanong niya sa akin. Tanging pagtikom na lamang ng labi ko ang aking nasabi mula sa kaniyang itinanong sa akin. "M-marunong!" Malakas ko naman na sagot sa kaniya.
Ibinaba niya ang kaniyang camera na hawak at tinignan naman ako.
"Then don't waste my time, Ancee." Gusto kong sapakin ang ulo ko, dahil sa sinabi nito sa akin. Para akong nagmukhang mangmang na hindi marunong mag-pose, samantalang ito ang trabaho ko ng ilang taon! Pinag-aralan ko 'to! Dapat ngayon pa lang ay namamangha na ang lalaking ito sa mga pose ko! "Opo, Boss!"
Iniwala ko sa aking isipan ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit, pero dinadali talaga ako ng mata niya. Pakiramdam ko ay nagiging failed ako sa bawat pag-pose ko. Napapansin ko kasi ang pag-iling niya, habang kinukuhaan ako ng litrato.
"Boss!" Tawag ko sa kaniya nang ibaba nito ang camera na hawak nito. "Naiilang ata ako sa 'yo, Boss." Kamot ko naman ngayon sa kaliwang kilay ko't lumapit naman sa gawi niya.
Tumaas ang dalawang kilay nito kung tignan ako.
"Kasalanan ko pa?"
"Hindi naman, Boss! Sinasabi ko lang naman na naiilang ako, e!" Madali akong lumapit mismo sa gilid niya't tinignan naman ang mga kinuha nitong litrato sa akin. "Uy! Ang ganda ko pa rin, kahit mukhang naiilang!" Natatawa pa ako sa itsura ko, kahit fierce na hindi nage-enjoy sa ginagawa.
"Mukha kang natatae sa picture..."
"Ang sama mo naman! Baka nga hindi mo kayang mag-pose," wika ko, habang pinagmamasdan pa rin ang mga pictures. Wala na akong makitang maayos na kuha, pero maganda pa rin ako. Ang hinahanap ko kasi ay iyong nakaeenganyong itsura. Iyong maakit mo sila na maligo sa dagat gamit ang swimwear na ito.
"I can do that, but I can't wear what you're wearing. Babakat ang alaga ko sa manipis mong suot pang ibaba." Natigil ako sa pag-click ng next para makita ang kasunod na litrato sa narinig kong sinabi ni Akim. Tila parang nag-sink in sa isip ko at agad naman na na-imagine ang itsura n'yon.
Ang paglunok ang tanging naging nagawa ko't pumasok sa kokote ko ang nakita ko noong kailan lamang. "You okay?" Halos mag-dive na ako sa buhangin nang marinig ko ang boses ni Akim.
Ano ba ang mayroon sa kaniya at bakit kinakabahan ako? Hindi naman ako ganito sa mga lalaki at lalong lalo naman na hindi ako kinakabahan sa mga lalaki! Tumira ako ng taon sa ibang bansa, pero hindi ko maintindihan kung ano ang mayroon kay Akim na nagpapakaba sa akin.
Baka dahil may alas siya na pwedeng magpasira ng career ko, kaya ako kinakabahan sa kaniya. Isang click lang n'yan ng daliri niya ay sirang-sira na ang kinabukasan ko. Baka nga dahil doon.
"Boss?"
"Uhm?"
"P-pasok na po muna ako sa loob," paalam ko, nang maglakad na ako papalayo sa kaniya. Hawak-hawak ko ang aking dibdib na may abot kaba't panginginig pa ng tuhod. May pakiramdam ako na hindi maganda. Palagay ko ay nagagalit siya sa akin kaya siya ganoon?
Kahit ako ay nalilito na rin.
Wala akong ginawa sa loob ng villa niya nang makapagpalit ako ng damit. Nakatingin lamang ako sa CCTV, dahil alam ko naman na nakatingin siya sa akin. Pakiramdam ko ay pinapanood niya ako.
Ano 'to? Bahay ni Kuya?
"Are you watching me?" Tanong ko kahit pa alam ko naman na pinanonood niya ako. "Siguro ay pinapanood mo ako, ano? My God, Akim! Do you like me?" Halos may arte ko pa iyong tanong sa kaniya.
"Huwag mo nga akong panoorin!" May lakas na boses ko na iyong sambitin.
"Are you okay?" Halos nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Akim sa likod ko. Lumapit naman siya't tinignan ang tinuturo ko't naningkit naman ang mga mata niya. "What are you doing?" Tanong niya pa sa akin at tinignan naman muli ang CCTV.
"Iniisip mo na pinapanood kita?" Taas kilay niya pang tanong sa akin. Ako naman itong hilaw ang ngiti agad. "Ay! Hindi, Boss! Ano lang...nagpa-practice lang ng lines ko." Lintek na palusot 'yan.
"I wasn't watching you, Ancee. Huwag ka namang assumera." I didn't expect that he would say that! Parang bumaba na ata ang panga ko sa sinabi nito. Assumera raw ang lola mo? Ang kapal! Garapal!
"Malay ko ba? Pinanonood mo naman talaga ako.
Tanging pagngisi lamang niya ang isinagot nito sa akin at unti-unti naman itong umalis sa harapan ko. Dinaanan lamang niya ako patungong hagdanan nito. Sinilip ko muli ang CCTV, naniningkit ko pa iyong gawin at agad naman inilabas ang aking gitnang daliri't itinapat iyon sa camera.
Sa ilang araw kong naririto ay mas doon ko naramdaman ang boredom. Walang maayos na palabas! At medyo nakakapagod na gawain.
“I can’t cook,” ani ko, nang tanungin ako ni Akim habang nakatayo sa harapan niya. Sa loob ng kwarto niya’y busy siya sa pagpirma nanaman ng mga dinala ni Leo na papel. Ganito ba siya ka-busy? Bakit ba kasi hindi na lang siya pumunta sa office niya? Ang tamad naman na owner na ‘to.
“Learn how to cook. Walang magluluto sa atin ngayon dito,” sunod niya pa. Hindi man siya nakatingin sa akin at nakatutok lamang sa pagbabasa niya sa papel nito ay naging pabor sa akin para tarayan siya.
“Walang video kung paano gawin ang gusto mong ulam.” Ang gusto niya kasi ay magluto ako ng adobo, hindi ko nga magawang magluto para sa sarili ko. Para sa kaniya pa kaya. “I can cook slices of bacon, egg, sausage. I can do salads too, chickens…”
Ibinaba niya ang kaniyang salamin na nasa mata nito’t ngumuso naman kung tignan ako. Kitang-kita ang pagkadismaya niya sa mga narinig nito sa aking bibig. So, what? Totoo naman! Ano naman ngayon kung hindi ako marunong?
“Adobo? Hindi mo alam?” Naiirita na ako lalo sa mga ibinabato niyang tanong. “Kung alam ko ang pagluto n’yan, hindi na sana tayo nagtatalo ngayon, Akim.”
“Okay, lang sana kung may tutorial, wala naman. Asan ang phone ko? Manood ako,” habol ko pa.
“May cookbook sa ibaba.”
“Mukha bang video ‘yon? Ang kailangan ko ay video!” Nagsisimula nang tumaas ang boses ko. “Kapag ikaw ba’y nag-aaral ng script mo ay kailangan ba’y naka-video?” Tumabingi pa ang ulo niya kung sambitin iyon.
“Ang sabihin mo, ayaw mo. Kung ayaw may dahilan, kung gusto’y may paraan—”
“Ginusto ko ba ‘to? Mukha bang gusto kong magluto? Mukha bang gusto kong maglinis ng mga kalat mo? Mukha bang gusto kong makulong sa putanginang villa mo? Hindi! Wala akong ginusto rito! Kaya may dahilan ako!” Kusang lumabas ang luha ko sa harapan niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magsisigaw.
“Alam mo kung bakit hindi ko kaya makapagluto? Kasi wala na akong oras! Kung may oras ako, hindi ako pwedeng kumain! Alam mo ba ‘yung kinakain ko araw-araw? Keso! Minsan mansanas lang! Minsan dahon-dahon! Bakit? Kasi kailangan kong maging fit para sa role! Kasi ang taas-taas ng expectation sa akin ng mga kapwa ko Filipino! Na kapag hindi ako nag-boom sa ibang bansa, sasabihin nila sa akin na sobrang taas ng pangarap ko!” Para akong nag-rap at tumutulo naman ang luha.
Nakikita ko ang sarili ko noon. Iyong nag-start pa lamang ako sa Florida. Kailangan fit, lalo na noong napadpad ako sa Korea. Ang dami kong pinanggalingan, para lang matungtong ko ang mayroon ako ngayon.
“Hindi ako katulad mo, e. Ang trabaho ay manira lang ng artistang nagpapakapagod para magkapera. Kung tutusukin mo katawan ko ay puro tubig lang lalabas! Sobrang saya ko na nga noong nakakain ako rito ng kanin!” Mas lalong lumakas ang iyak ko.
Ang paghawak ni Akim sa aking ulo ang tanging nagpatigil sa akin sa pag-iyak. Ganoon na lamang din ang gulat ko nang isandal nito ang noo ko sa kaniyang dibdib.
Ang panlalaki ng mga mata ko ay animo’y hindi makapaniwalang narito ako ngayon sa kaniyang dibdib. Ni-hindi ko ma-express ang sarili ko noon, dahil ang laging sinasabi sa akin ay ginusto ko ito.
“From now on, I will take care of the cooking. Just relax and let me handle everything.” Ngunit imbis na matigil sa pag-iyak ay mas lalo pa akong naiyak. Bakit niya ba ito ginagawa? Hindi ko naman sinabi na lutuan niya ako!
“What kind of food are you craving? I'll cook it. Just let me know, Ancee.” Hinila niya ang baba ko at ngayon ay magkatapat na kami ng mata.
Napanguso ako, dahil ayoko naman na magmukhang kawawa sa kaniya. Sapat na iyong napaiyak ako, hindi na niya kailangan gawin ‘to sa akin.
“Gusto ba ng adobo?” Parang bata pa niya ako kausapin—na effective naman, dahil para rin akong bata kung tumungo sa kaniya at sumangayon. Gustong-gusto ko ng adobo! Lalo na iyong mayroong pinya!