VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 10
PINAGMAMASDAN ko lamang siyang magluto ng adobo. Ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga mata ko habang pinapanood siya.
Napapanguso na lang din sa paghihiwa nito ng sibuyas at bawang. Nakaharap lang ako sa kaniya, nang isunod naman niyang hampas-hampasin niya ang manok na naka adobo cut na. Hindi ko alam na kasama pala ang pag-spank sa manok kapag nagluluto ng adobo.
Secret recipe ba 'yon?
"I'm sorry," wika ko.
Natigil siya sa paglalagay ng asin at tumingin naman sa akin. Kita ko ang itsura niyang binabasa ang mukha ko.
Kinakalikot ko ang aking kuko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pakiramdam ko ay kailangan ko talagang humingi ng pasensiya sa mga nasabi ko sa kaniya kanina.
"Bakit?"
"Kasi ikaw ang nagluluto ngayon."
Bumaba ang ulo ko pero nakatingin pa rin ako sa kaniya. Ngayon ay mukha akong aso na nagpapa-cute na lang sa harapan niya habang siya naman itong naglalagay ng mantika sa kaserola.
"It's fine, kaysa wala tayong kainin ngayon." Napanguso lamang ako, dahil parang sinasabi naman niya na wala rin naman akong kwenta sa pagluluto. Saka lamang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kanina sa akin.
Sa gulat ko ay mabilis kong sinampal ang sarili ko.
"What are you doing?" Nanlalaki niyang mata na itanong sa akin. Kahit ako ay nabigla na rin sa ginawa ko. Ang pagkabog ng dibdib ko ang siyang tanging aking naririnig.
Nang maalala ko ang sinabi niya sa akin kanina ay lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko naman akalain na magiging ganito ako kasama sa mismong kaibigan ko kung mararamdam ako ng kaunting kaba sa lalaking 'to.
Hindi! Wala lang ang nararamdaman mo, Ancee! Hindi ka pwedeng mahulog sa lalaking ito! Kaya nga niya nabuntis ang kaibigan mo, dahil kupal siyang lalaki.
Mabilis lang niyang makukuha ang kung sino mang babae ang gusto niya sa pamamagitan lang ng mga ngiti niya at mga pinagsasabi niyang ang lakas makahulog sa mga babae.
My God! Hindi ko man lang nahalata na ginagawa niya sa akin ang ginawa niya sa kaibigan ko! This son of a b***h!
Tumaas ang kilay kong pagmasdan siya na ngayon ay para bang nalilito pa rin sa kung ano ang nangyayari sa akin. Malamang ay nagtataka siya, dahil hindi niya alam kung bakit ko sinampal ang sarili ko. Ginawa ko lang 'yon dahil mas'yado na akong nahihibang, mabuti na lang talaga at nagawan ko ng paraan!
"Are you okay?" Tanong niya pa sa akin muli. Dahan-dahan naman akong ngumiti at tumungo. "Yes! Absolutely!" Sabay sumingit naman ang mga mata ko sa harapan niya.
"You sure you're okay? Namumula ang pisngi mo." Turo niya pa sa pisngi ko. Samantalang dapat sa pisngi na lamang niya tumama ang palad ko.
"May lamok!" Tumabingi pa ang mukha niyang animo'y hindi naniniwala sa akin. "May lamok! Really!" Tumaas pa ang hintuturo ko para lang maturo sa kaniya ang lamok na imagination ko lamang.
Hindi ako magpapahulog sa lalaking ito. Kung kaya niya akong bilugin, pwes! Kaya ko rin siyang bilugin!
Natapos siyang magluto nang tuluyan kong maamoy ang mabango nitong adobo. Imbis nga na mag-inarte ako ay para pa akong naiyak nang sandukan niya na rin ako ng kanin at sa ibabaw nito ang mamantikang sabaw ng adobo.
Ang sarap! Amoy pa lang, yummy na!
"You like pineapples?" Sabay lagay naman niya sa gilid ng plato ko ng pinya. Kasunod naman no'n ang hita ng manok. Nagtitimpi na akong kainin ang inihanda niya sa harapan ko, pero kailangan ko magmukhang hindi patay gutom.
"Ano pa ang gusto? Soft drinks?" Hindi pa ako nakakasagot nang tumalikod na siya at binuksan naman ang ref nito sa likod. Kasunod no'n ay ibinuhas niya ang soft drinks sa basong may ice cubes.
Uhmm... lahat talaga ng babae ay mahuhulog sa ugok na 'to. Ano kaya sinabi nito sa kaibigan ko at binukaka no'n ang hita niya't nagpabutas sa lalaking 'to?
Akala naman niya siguro ay madadaan ako sa pa-soft drinks niya.
Isinubo ko ang... kanin at ulam.
Oh! Ang dumi ng isip!
"Ang sarap!" Hindi ko iyon napigilan nang malasan ko ang adobo niya! Iyong tipong maiiyak ka sa sarap, dahil ngayon ka na lang ulit nakakain! "Magkanin ka sa ilong." Tumaas ang tingin ko sa kaniya, ngunit gayoon na lamang ang gulat ko nang dumampi ang daliri niya sa ilong ko.
Ang pambihirang tunog muli ng aking puso ang bumalandra sa dibdib ko. Ang lakas lakas niya talagang magpahulog!
"S-Salamat..." Iniwas ko ang tingin sa kaniya't ibinalik sa pagkain. Kakasabi ko lamang 'to kanina, pero bakit ang hirap pigilan?
"Ancee?"
"Yes?"
"Kanina ka pa tulala." Dinilaan ko ang aking labi, nang mapagtanto kong kanina pa pala ako nakatitig sa pagkain. Kakaisip ko kung paano ko pipigilan ang pagtibok ng puso ko. "Crush mo ba ako?" Dali kong tanong sa kaniya.
Kahit siya ay napahinto sa tanong ko. Ang tanging nagawa lamang niya ay takpan ang bibig nito gamit ang palad niya.
Animo’y parang hindi makapaniwala sa aking tanong.
“Iniisip mo na crush kita?” Nanlalaki pa niyang mga mata at ituro ako gamit ang kaniyang hintuturo, habang ang isang kamay ay nakatakip pa rin sa kaniyang bibig. Hindi ko sukat akalain na gagawin niya ang bagay na ito sa harapan ko ngayon. Hindi bagay sa kaniya na ganito ang asal niya.
Ang laki-laki ng katawan niya pero parang bata siya ngayon sa harapan ko.
“First time mo ba marinig ang tanong na ‘to?” Nilakasan ko pa ang loob ko, malay ko ba na baka may gusto na nga siya sa akin. Hindi pwede ‘yan at alam naman natin ang totoong dahilan. Malalgot talaga ako sa inaanak ko kung sakaling ang tatay niya ang may gusto sa akin.
“What makes you so sure that I have a crush on you?”
“Ewan ko, feeling ko lang.” Kibit pa ng aking balikat at muli naman kumain. Bumalik ang angas ko sa aking ginawa, pero hindi pa rin iyon nakaligtas sa mata ni Akim na nanglalait. Susubo pa sana ako ng adobo na may kanin, nang hilain nito ang hawak kong kutsara.
“Feeling mo, crush kita? Kasi nilutuan kita? Iluwa mo ‘yan.” Kumunot pa lalo ang noo ko sa pagsubo niya sa kutsara! Nawala na ang kihuna kong malaman-laman na part ng manok! “Pagkain ko ‘yan!” Galit kong singhal sa kaniya.
“No! Hindi ka kakain nito. Magluto ka ng iyo,” ani niya pa na ngayon ay kinukuha naman na ang plato ko. “Iniisip mo na crush kita? Hindi ka kakain,” sunod niya pa.
Napanganga ako sandali pero hindi rin naman ako nagpatalo. Hindi ko pwedeng hindi makain ang niluto niyang masarap na adobo.
“Joke lang! Joke lang! Tinatanong ko lang naman, Boss! Ako ang may crush sa ‘yo! Akin na ‘to!” Mabuti na lang talaga sa sinabi kong iyon ay nabitawan niya ang plato sa harapan ko. Napatigil pa siya sandali at seryoso akong tignan.
“You have a crush on me?” Hindi ko naman siya tinignan pero tumungo na lang ako para matapos na lang at makakain na ako. “But you said…” hindi nanaman niya iyon napagpatuloy nang hawakan niya muli ang bibig niya’t umiling-iling.
“Would you really consider betraying your best friend? Akala ko ba ay ako ang tatay ng anak niya? Bakit crush mo ‘ko?”
“Masarap kasi ang adobo mo. Pwede na ba ako kumain?” Nasapo niya ang ulo niya sa narinig niyang sagot nanaman sa akin. “So, kung may magluto sa ‘yo ng pagkain? Crush mo na agad?” Sunod pa niyang tanong.
“Maari, basta masarap ang luto niya.”
“Easy to get ka pala.”
“Yes.” Hindi na ako nakipagtalo pa talaga sa kaniya at bahala na siya mag-isip nang kung ano para sa akin. Basta ako at ang adobong ito ay magsasama ngayong tanghalian.
Halos nakailang kanin pa nga ako, kaya ramdam ko ang bigat ng t’yan ko habang naglalakad. Hapon na ngayon, tapos na rin ako maghugas at mag-drain ng mga plato.
Plato ko lang naman at plato ni Akim ang hinugasan ko. Iyong mga pinaggamitan niya kanina sa pagluluto ay hinugasan niya na rin, pagtapos niya gamitin. Ayaw pala niya nang maraming tambak na hugasin at minu-minuto siya maghugas ng kamay basta may hahawakan na kung anong sangkap o ano mang bagay sa pagluluto.
Paakyat pa lamang ako sa itaas nang makita ko si Akim na nakatalikod. Nainom ng tubig at nakatingin sa malaking bintana nito’t tinatanaw ang kagandahan ng dagat sa harapan ng kaniyang magarbong villa.
Ganitong ganito ang itsura niya noong una kong kita sa kaniya, nang umakyat ako. Ngayon ay hindi ko akalain na narito ako sa loob nang villa niya’t hindi naman makaalis.
Kung anong klasing hirap ang ginawa ko makapasok lang dito, ay ganoon din ang hirap makalabas lang dito.
“Baka matunaw.” Napatalon ako sa gulat, nang may bumulong sa likod ko malapit sa aking tainga. Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Leo na nakangiti pa akong makita.
“Leo.” Napadaing din ako sa gulat muli sa boses ni Akim. “Dala ko na ‘yung ibang papel. Kino-contact ka raw ni Tita, pero hindi ka nasagot.” Lumapit si Leo kay Akim at may ibinigay naman na brown envelope.
“Mina-match making ka nanaman ni Tita. Nand’yan na ang mga babae mo.” Turo niya sa brown envelope na bigay ni Leo. May kung ano sa sarili ko ang gustong kunin ang envelope na iyon at tignan.
Hindi ko naman akalain na ang nasa isip ko lamang kanina ay mabilis kong ginawa.
“Uy!” Si Leo na nabigla sa pagkuha ko ng envelope sa kamay niya. “Hayaan mo siya,” pigil naman ni Akim at ako itong binuklat na iyon.
Halos napanguso ako sa kapal at parang resume pa iyon ng iba’t-ibang babae.
Sarah Abad, twenty-seven years old.
Heir of AAA Corp.
Jenny Kim, twenty-eight years old.
Korean Actress.
Joni Malazarte, twenty-six years old.
Author of Villa Erotica Series.
Zen Lit, twenty-four years old.
Daughter of Kadiyot Empire.
Hindi ko na tinignan ang iba, pero kay Joni ako nagandahan. Hindi na ako makikipagtalo, nang makita ko ang litrato niya. Nakanguso akong ibigay ibaba ang envelope at pumamewang sa harap nilang dalawa ni Leo.
May binulong sandali si Akim, pero rinig na rinig ko naman iyon, dahil hindi naman magkalayo ang pagitan naming tatlo.
“Sabi niya ay crush niya ako,” bulong ni Akim kay Leo na ikinalaki rin ng mata nito. Kung ano ang reaction kanina ni Akim ay ganoon din si Leo. Magkadugo ba ang dalawang ‘to o mag-best friend lang talaga o secretary lang talaga na nag-apply sa kaniya?
“Hindi na kita crush, Akim. Kaya ko ‘to kinuha, dahil hindi mo dapat ‘to ginagawa. Papakasalan mo ang best friend ko, hindi ang babaeng ‘to, at lalong hindi si Joni Malazarte.” Pakiramdam ko ay malaki ang inggit sa babaeng ‘yon.
Ang ganda kasi ng mukha niya, parang anghel.
“Ha?” Tumabingi pa ang ulo niya kung itanong niya iyon sa akin. “Whatever! Ang akin lang naman ay hindi ka pwedeng makipag-date sa mga ‘to! Ang aasawahin mo ay ang kaibigan ko! D’yos ko! Ang dami niyang needs ngayon at nagbubuntis siya!” Bumalik nanaman ang sakit ng ulo ko at naalala ko ang best friend ko.
Alam kong nag-aalala na iyon sa akin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kinulong ako ng lalaking nakabuntis sa kaniya’t magagalit iyon, baka ano pa ang mangyari sa kaniya at sa bata.
“Saka bakit hindi ka naka-Americana?” Lumipat naman ang tingin ko kay Leo. Noong nakita ko siya ay naka Americana pa siya. Iyon ata ang attire niya, pero ngayon ay casual lang.
Tamang plain shirt na itim at sweat pants na gray.
Nilingon niya pa si Akim, tila nanghihingi ng permiso kung sasagutin niya ba ang tanong ko.
“Kasi hindi ako pumunta rito bilang secretary niya. Pumunta ako bilang pinsan niya.”
P-pinsan? Pinsan niya si Akim? No wonder! Kaya pala! Kaya pala ang hot din ng isang ‘to! Nasa lahi pala nila ang pagiging hot!
“Okay! Kaya pala, ano? Ang hot mo, e!” Hinampas ko naman si Leo sa braso niya na ikina-blush naman nito. Ambot!
“Ako?” Sumingit pa ang mukha ni Akim sa gilid ko na ikinangisi ko. “Hotdog!” Bulyaw ko.
Nawala ang ngiti ni ungas nang marinig niya ang sinabi ko. Siraulo siya, ano akala niya sa akin? Sasabihin ko na hot siya? Ano siya, chicks?
“Magpapahinga na ako sa itaas, ha. May adobo pa d’yan, Leo, kumain ka na lang tapos hugasan mo, dahil ayoko ng kalat.” Tumalikod na ako at naglakad papalayo, nang marinig ko nanamanang boses ni Leo.
“Parang nagkabaliktad ata kayo, ah? Sino ba talaga ang boss dito? Gago, cousin! Gotla ka talaga sa balka mo…” Kunot ang noo kong umakyat, dahil hindi ko naman naintindihan ang sinasabi ni Leo.
Saan ba ‘to nag-aral ng high school? Sa Jupiter?
Imbis na umakyat ng kwarto ay tumungo na lang ako sa dulo. Sa island bar ng villa na ‘to at tanaw lalo ang magandang view ng Batangas. Natatakam ako sa alak, pero hindi ko naman pwedeng buksan ‘yan, baka iumpog na ako ni Akim.
Tanging ang boteng mukhang sprite na lamang ang kinuha ko sa ref niya’t hindi ko rin naman naintindhan ang sulat dahil parang sulat ito ng Japanese. Hindi rin naman ako marunong magbasa ng nihonggo.
Pagbukas ko pa lang ay agad ko naman iyong tinungga, ngunit paglunok ko lamang ay bumakat na ang guhit ng likido sa lalamunan ko.
Napadura ako sandali at tinignan ang bote.
“Ano ba ‘to? Alak ba ‘to?” Palibot ko pang tinignan ang bote, ngunit wala naman akong nakitang alcohol kineme. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ‘tong inumin pero ayoko rin naman magsayang.
“Uy! Lilipad ba ko? Ano ako? Airplane?” Natatawa na lamang ako, habang inaabot ang langit. Malapit ko na matapos ang boteng iniinom ko pero mas lalong lumalakas ang amats ko. Pakiramdam ko ay lilipad na talaga ako.
Nasa balcony ako ng villa at sa likod lang naman din ang island bar niya at maraming alak na drawer.
“Uy! Dagat! Dagat ba ‘yon o sea? Wrong! Tawag d’yan ay swimming pool na mukhang dagat na sea! Oops!” Nang mabitawan ko ang bote’t nagulat na lamang ako nang may sumigaw sa ibaba.
“Aray!” Sigaw n’yon.
Pinilit kong silipin kung sino iyon, pero hindi ko naman makita kung sino dahil naduduling na ako. “Isa ka bang tao o isa kang person?” Saka ako tumawa, dahil pinipilit ko siyang silipin.
“Ancee!” Sigaw naman sa ibaba. “f**k!” Malakas pa na sigaw n’yon.
“Cousin! Nagdudugo ulo ko! s**t! Ancee! Huwag kang tumalon!” Hindi ko na lama kung kaninong boses ba iyon, pero tinatawag ako.
Hindi kaya ay sinusundo na ako?
Agad akong umapak sa bato nitong railings, nang may humawak agad sa bewang ko’t hilain ako. Pagtapos n’yon ay nagdilim na ang paningin ko.