VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 11
SABI NILA, maliwanag daw ang langit. Ibig sabihin ba nito ay nasa langit na ako? Saka bakit ang sakit ng ulo ko? Akala ko ba kapag nasa langit na ay wala ka nang mararamdaman na kahit anong sakit?
“Tangina, cousin! Ang sakit ng ulo ko!” Ha? Ganito ba sa langit? May nagmumura pa rin? Akala ko ba ay bawal magmura at hindi mapupunta sa langit? Wait? Ibig sabihin ba nito ay wala ako sa langit?
Agad kong minulat ang mata ko’t agad nakita ang dalawang tao sa harapan ko. Ang isa’y may bandage sa ulo at ang isa naman ay may bandage sa kamay.
Parehas silang nakatingin sa at nakaupo lamang silang dalawa sa dalawang single sofa sa harapan ng kama. Wait? Kwarto ‘to ni Akim, ah!
“A-ano nangyari sa inyo?” Takang tanong ko, nang. hawakan ko pa muli ang ulo dahil sa pagkahilo. “Nag-away ba kayo?” Habang hawak-hawak ko ang aking noo.
Ang pagngisi ni Leo sa akin na may kasamang iling-iling ay siyang nakakuha ng atensyon ko. Samantalang ang isa naman ay naniningkit pa ang mga mata kung tignan ako.
“Sandali! At bakit kung tignan niya ako ay parang ako ang gumawa n’yan sa inyo?” Excuse me, hindi ko kayang. manakit ng ibang tao! Hindi ako masamang persons! Ang paghinga ng malalim ni Akim at paghiga ng kaniyang ulo sa kaniyang kabilang kamay ay naging tulay para si Leo ang magsalita.
“Wala ka ba talagang naaalala? Kahit isa?” Tumabingi pa ang mukha niya sa akin. Pinilit kong isipin kung mayroon ba, pero wala talaga, e!
Umiling ako at silang dalawa naman ay napahinga na lang din ng malalim. Nag-iwas pa sila ng tingin na animo’y isang kagaguhan ang sagot ko.
“What? May ginawa ba ako? My God! You guys are framing me, ano? Para ano? May panibagong issue nanaman kayong ipapanakot sa ‘kin?” Kunot na kunot na ata ang noo kong tanungin iyon sa kanilang dalawa. Para namang maniniwala ang media sa kanila na ako ang gumawa n’yan.
“Ikaw naman talaga, e…” mahinang bigkas ni Leo. Napaawang ang labi ko, dahil nasabat pa ang de pungal! Mukha bang magagawa kong iumpog ang ulo niya, e, ang tangkad-tangkad niya.
“Alam mo ba ‘yung height ko, Leo? Satingin mo ba ay kaya kong hawakan ang ulo mo’t iuntog ‘yan sa kung ano mang bagay na magpapadugo r’yan sa matigas mong bungo?” Nanlalaki pang mata ko sa kaniya.
“At ikaw naman!” Sabay tingin ko kay Akim na natikom naman ang bibig. “Bakit may cast ‘yang kanan mong kamay? Ano ‘yan? Binali ko? Ang lambot-lambot ko, totoy! Hindi ko kayang baliin ‘yan! Ako pa ang unang mababalian kung susubukan kong batakin ‘yang buto mo!”
Hindi ko alam kung bakit ba ako napasama sa dalawang ungas na ‘to. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nakatulog at nagising na masakit ang ulo. Basta ang naalala ko lamang ang tubig na may lasang parang kumunoy.
Napatigil ako sandali nang may kung ano man sa utak ko ang nag-flashback.
“I’m a butterfly! Wieee!” Saka ko inililipad ang aking dalawang kamay. “f**k it, Ancee! Ano ba? Umayos ka nga!” Nilingon ko kung sino ang may buhat-buhat sa akin.
“Akim? Nariyan ka pala? Nalipad ka rin? Nalipad ako, Akim. Kakanta na ako! I believe I can fly! I believe I can touch the sky!” Wala ang paa ko sa lupa, kaya alam kong nalipad ako.
“Leo! ‘Yung ulo mo! Lagyan mo ng panyo!” Naririnig kong boses ni Akim. “Kingina mo, Akim! Dapat kasi pinalaya mo na lang ‘yan! Sakit sa ulo ang babaeng ‘yan!” Si Leo na ngayon ay nakita kong sinilip ako sa likod ni Akim.
Doon ko lang napagtanto na binubuhat ako ni Akim na para bang sako ng bigas.
“Gago, pre! Susuka ata ‘to—f**k!” Bago pa niya sabihin iyan ay ginawa ko na. Ang mukha ngayon ni Leo ay napupuno na rin ng suka. “Nice, Leo!” Itinaas ko pa ang daliri ko’t binigyan siya ng thumbs up. Good job, Leo!
“Pre!” Naiwan si Leo sa hagdan, kaya ako naman itong napanguso. “Wala akong makita! Pre!” Sigaw pa ni Leo muli.
“Not helping—” Hindi na iyon natuloy ni Akim, nang maramdaman ko na lamang na bumagsak kami sa hagdan, dahil sa pagdulas ni Leo sa hagdan.
“My arms!” Si Akim iyon, habang si Leo naman ay nagsisigaw na rin. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari pero ang lambot-lambot nang hinihigaan ko.
“Goodnight, guys! Cools!” Ani ko iyon, at iyon na ang huli kong alaala.
“Oh, God!” Napatakip ako sa aking bibig. Ibig sabihin ba no’n… ay ako talaga ang dahilan kung bakit sila nagkaganiyan? Kung titignan ko sila ngayon ay para ba silang mga bibinatin.
“May naalala ka na?” Si Leo.
“W-wala! Wala naman akong ginawa, ah!” Pagmamatigas ko pa na mas lalong ikinasakit ng ulo niya.
“Kayo… kayo kasi! Ang tatanga niyo! Nag-away kayo, idadamay niyo pa ako!” Syempre, hugas kamay tayo para kunyari ay hindi ko talaga alam ang lahat nang nangyari.
“Cousin!” Pagsusumbong pa ni Leo sa pinsan niyang si Akim.
“Hayaan mo na. Mahirap paaminin ang isang taong nagsisinungaling.” Agad naman akong napatahimik. Alam kong totoo ang sinabi ni Akim, kaya’t hindi na ako nakasagot pa. Pinagmasdan ko na lamang silang dalawa na may awa.
Ang isang lalaking secretary ni Akim na pinsan niya pa ay namimilipit pa rin sa sakit nitong natamo sa kaniyang ulo.
“Wala akong naalala na inumpog ko ulo mo.” Sa mahinhin kong salita ay malalim naman ang paghinga niya. “Habang umiinom ka sa balcony, hinulog mo ‘yung bote.” Ohhh! Hindi ko alam ‘yon, ah!
“‘Yung iyo…” turo ko naman sa cast ni Akim. “Dahil ba ‘yan… sa nahulog tayo sa hagdan?” Ngunit hindi naman niya ako sinagot. Tinignan niya lamang ako na may pagngisi pa.
Tinatanong, pero hindi naman nasagot! Dapat ang kaliwa niya ring kamay ay binalian ko na, e!
“Fine, I’m sorry! Hindi ko naman sinasadya ‘yon. Leo, sorry kung nahulugan kita ng bote sa ulo. Dapat kasi umilag ka.” Mas lalo pa atang sumama ang tingin sa akin nang sabihin ko iyon. “I mean! I’m really sorry… deeply.” Lumungkot pa ang mukha ko para well sorry talaga.
“Sorry din sa ‘yo, Akim. Alam kong ako ata ang may kasalanan n’yan…”
“Ata? Hindi ata! Ikaw talaga ang may kasalanan nito.” Inangat niya pa ang kanan niyang kamay nang mapahinto at mapapikit sa sakit. Agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya. “Bakit mo pa kasi ginalaw? Alam mo namang pilay ka!”
“Hindi puso ko ‘yung natibok sa ‘yo, e! Ugat ko!” May kalakasan niya pang sigaw sa harapan ko na ikinanguso ko. Hindi ko gusto ang tono niyang iyon. Ayoko nang sinisigawan ako, kaya’t napanguso ako sa harapan niya. Medyo naka-feel ng lungkot…
“S-sorry…” Mahina niya namang ani sa akin. Siguro dahil sinigawan niya ako. “Hey! Hey! Hindi ka naman nanghihingi ng pasensiya sa kahit sino, ah! Ang duga! Ouch!” Si Leo na ngayon ay hawak-hawak na ang kaniyang ulo.
“Dapat pati bibig mo tinahi na rin, e.” Sa mahina kong bigkas ay nakita ko ang mata ni Akim na nakatingin sa akin. Muli, nakaramdam nanaman ang puso ko ng pambihirang kabog. Kabog na alam kong nangyari na sa akin noon.
Noong nakilala ko si Sandro.
Bakit sa lahat ng lalaki ay sa kaniya ko pa naramdaman ang ganitong kabog ng dibdib?
“Dahil kasalanan ko naman ‘yan ay ako na ang bahala sa inyo. Papanagutan ko kayo, dahil na disgrasya ko kayo.” Pumamewang pa ako sa harap nilang dalawa. “Parang ang sagwa pakinggan.” Natatawa pang ani ni Leo, at inangat naman ang kamay niya para makipag-appear kay Akim, nang masamang tingin lamang ang binigay ng kaniyang pinsan sa kaniya.
Paano nga naman makakapag-appear ang isang ‘to kung pilay ang kamay niya?
“Leo, magpahinga ka na lang muna. Huwag ka muna pumasok sa trabaho, at baka nadali ng bote ang kokote mo sa tamang pag-iisip.”
“Ikaw naman, Akim…” Nakatingin lang din siya sa akin. Tila hinihintay kung ano ang sasabihin ko para sa kaniya. “Ako na ang mag-aalalay sa ‘yo. Ako na muna ang secretary mo.” Tumaas ang isang kilay niya sa akin.
Mukhang mali nga ang sinabi ko’t naningkit pa ang mata niya.
“You sure about that?” Tanong pa niya sa akin. “Well, sa pagpirma lang naman at papakainin ka, ganoon.” Walang kwentang secretary, hindi ba?
“I don’t think that’s what my job is. Hindi ko pinakain si Akim, hindi rin ako napirma ng papel na kailangan niya pirmahan.” Si Leo iyon na nagsalita sa gilid ko. “Hindi siya makakapirma, dahil pilay nga ang kaliwa niyang kamay!” May panggigil kong bigkas kay Leo.
“E, kaliwet—” Hindi na niya iyon natuloy, nang magsalita na si Akim muli. “Fine, sige. Hindi ako makakapirma, dahil hindi ko magagalaw ang kanang… kong kamay.” Nanlalaki pa niyang mata sa gilid niyang si Leo.
“You’re sick,” bawi naman ni Leo at umiling-iling na lamang ito.
“Saan ka pala uuwi, Leo? Kaya mo ba mag-drive? Gusto mo ako na mag-drive sa ‘yo pauwi?” Lalapitan ko na sana si Leo, nang sumigaw naman si Akim sa gilid.
“Ahh!! My hands! Ahhh!” Animo’y parang namimilipit pa siya. “Ano nangyari?!” Natataranta kong tanong kay Akim at itinuro naman niya ang kanan niyang kamay sa akin.
“Na pwersa ko… ahhh!” Malakas niya pang muli na sigaw. Halos kabang-kaba na ako, dahil hindi naman ako nurse. Hindi ko alam kung paano ba ang gagawin sa hangal na ‘to. “Leo, rito ka na lang matulog, ah? Marami pa namang kwarto sa taas, e. Aayusin ko na lang ang isang kwarto roon.” Tila parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, pero hindi na rin naman siya umangal.
Siguro ay wala na rin siyang magagawa at hindi rin naman niya kayang kumilos mag-isa. Kapag siya umalis nang walang kasama ay baka hindi lang basag sa ulo niya ang aabutin. Baka basag pa ang bungo niya.
“Masakit pa ang kamay mo?” Parang bata naman na tumungo si Akim sa akin. “Gusto mo ba na tumawag na ako ng doctor? Hindi ko kasi alam ang gagawin sa ganito, Akim. Kailangan natin ng professional sa ganito.” Wala naman kasi akong malay sa ganito.
Baka mamaya ay mas lalo ko pa mabali ang buto ng lalaking ‘to, imbis na tulungan siyang gumaling.
“We will… sa ngayon ay tulungan mo na lamang ako umakyat sa kwarto.” Hindi na rin naman na ako tumutol, nang tulungan ko na siyang umakyat. “Masakit din ang likod ko, Ancee. Nauntog din ako, ang bigat mo kasi. Hinigaan mo ‘ko. Niligtas kita.”
Medyo napaisip ako sa mga pinagsasabi niya. Sa totoo nga ay iniligtas nga niya ako, kaya mas lalong umakyat ang pagka-concern ko. Mas lalo akong binalutan ng kahihiyan. Hindi lang pala pilay sa kamay ang nagawa ko sa kaniya. Pati na rin pala sakit ng likod.
Dinala ko si Akim sa kwarto niya, habang si Leo naman ay nakasunod sa amin. Itinuro ang isang kwarto, pero hindi siya roon pumasok. Pinasok niya ang katabing kwarto ko. Ngayon ay napapagitnaan na ang kwarto ko ng dalawang lalaki.
Hindi na rin siya nagsalita, nang isara niya na agad ang pinto. Mukhang galit nga ang lalaking iyon sa akin, dahil sa ginawa ko. E, wala tayong magagawa at nariyan na ‘yan. Hindi ko rin naman talaga kasalanan kung hindi siya umilag. Tingin-tingin din kasi minsan sa itaas.
Nang makapasok kami ng kwarto niya’y dahan-dahan ko naman siyang inihiga sa kama nito. Ang malaking braso niya ay nasakop ang maliit kong balikat, habang hawak-hawak ang kaniyang bewang.
Ngunit hindi ko naman akalain na magiging nightmare pa ang inako kong trabaho sa kaniya bilang isang secretary.
Ngayon ay natambakan ako nang maraming papel na kailangan kong pirmahan. Lahat pa ng iyon ay kailangan kong sabihin sa kaniya kung para saan ang mga papel at kung ano ang agenda! Bwesit!
Doon ko lang din napagtanto na may management siya para sa mga artista. Marami siyang hawak na brands at kalimitan sa company ay isa siya sa mga major holders! Sinilip ko si Akim, habang nanonood ng movie sa malaki niyang tv screen.
Ang laki pala ng taong ito. Hindi pala siya basta-basta Akim lang.
“Ang dami mo pa lang hawak? Buti hindi ka nahihirapan mag-manage?” Tanong ko sa kaniya. Sandali niyang pinindot ang kung ano sa remote at binigyan naman ako ng pansin. “Saka ang dami mong company na under sa apelido mo—”
“Sa kapatid ko ang ilan d’yan. May shares lang ako,” sagot niya sa akin. May kapatid pala siya. Kamukha niya kaya? Babae kaya ang kapatid niya, o lalaki? Sandali akong napaisip.
“May picture ka ng kapatid mo? Pwedeng patingin?” Nanlaki naman ang mata niya’t umiling sa akin. “Hindi.” Ang damot naman nito!
Titingin lang pero ayaw niya.
“Bakit ayaw mo? Ito naman! Sige na!” Pero pinindot na lamang niya ang remote at nagpatuloy na sa panonood. Halos ilang oras din ang ibinigay ko sa pagpirma ng mga bwesit na papel na ‘to. Ngalay na ngalay na ang likod at batok ko, pero wala pa rin ako sa kalahati.
“Seryoso ka bang kailangan ko lahat ‘to gawin ngayon?” Pagod na akong magbigay ng tingin sa kaniya, pero itinuro lamang niya ang kanang kamay nito. Ipinapakita sa akin ang pinsalang nagawa ko sa kaniya. “Oo nga, sabi ko nga…” Hindi na rin ako umimik pa nang ginawa ko na lamang ang lahat ng mga kailangan.
After niya manood ng movie, ay nanood na lamang siya sa YT, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang marinig ko ang isang familiar na boses.
“May balak ka bang mag-propose kay Daisy?” Ang pipirmahan ko sana ay natigil ang pagtaas ng ballpen sa papel, nang marinig ko ang sumagot sa tanong. “Oo naman!” Masaya pa ang tono ni Sandro.
Ilang pagkurap pa ang ginawa ko, nang lakasan ko ang loob kong silipin ang screen ng TV ni Akim.
“Mukhang nagbabalak ka na, Sandro. Aabangan namin ‘yan!” Kinikilig pang ani ng kalbong lalaki, habang ang ex ko naman ay nakaupo sa malaking single sofa sa harap ng kalbong lalaki.
“Malapit na ‘yan, Tito Girl,” sagot pa ni Sandro sa kalbong lalaki.
“Now! Let’s do the fast talk! s*x or chocolate?”
“Chocolate!”
“Adobo o Sinigang?”
“Adobo!”
“Ex-girlfriend or girl best friend?”
Hindi agad nakasagot si Sandro at napangiti sandali. “Ex-girlfriend, she’s my girl best friend! Shout out, Ana!” Kaway niya pa sa camera. Inilabas niya pa ang kaniyang killer smile.
Ganoon pa man ay nagulat ako nang mamatay ang screen. Lumipat na ang tingin ko kay Akim na nakatingin lang din sa akin. Iyong tingin na parang kanina niya pa ako pinagmamasdan.
Agad kong ibinalik ang focus ko sa aking ginagawa at hindi na umimik pa. Kaya nang matapos ko ang lahat ng papel ay hindi ko akalain na madaling araw na pala.
Si Akim ay nakatingin pa rin sa akin. Ang kaliwa niyang kamay ay nakatungkod at ang palad niya’y naging patungan ng kaniyang baba, habang nakatingin sa gawi ko.
“Sorry… inaantok ka na ba?” Tumayo ako sa aking upuan at naramdaman naman ang pagod ng aking likod. Sakit pala sa likod nang ginagawa ni Leo at ni Akim. Hindi ko kaya ‘to kung araw-araw kong gagawin ang mga papel na ‘to, baka sunugin ko lang ‘to sa galit.
“Are you tired?” Umiling naman ako at hinawakan ang noo niya. Kita ko kasi sa mga mata niya ang antok at pagod.
“Higa ka na, Boss. Pahinga ka muna.” Kahit ang mata ko ay parang pipikit na rin, pero kailangan ko siyang intindihin, dahil kawawa naman ang pasyente ko.
Nang makahiga na siya sa kama niya ay napahikab ako. “Matulog ka na rin, Ancee.” Tumungo naman ako sa kaniya.
Inilagay ko ang kumot sa buong katawan niya, nang makaupo na rin sa kama nito sandali. Hihintayin ko siyang matulog at baka kapag pumunta na ako sa kwarto ay tawagin niya pa ako para sa tubig niya o sa kahit ano.
Ngunit hindi ko na rin namalayan na makakatulog na lang din pala ako sa kaniyang tabi, mula rito sa malambot at malaki niyang kama na napaka-comfortable kung higaan.
Rinig ko pa ang paglagutok ng buto ko sa likod, nang makahiga ako at iyon na ang sandaling alaala ko nang tuluyan na akong dalawin ng antok.
Hindi ko sukat akalain na makakaramdam ako nang pinaka-comfortable kong tulog na nangyari sa buong buhay ko. Matapos kong yakapin ang isang malaking unan na mas lalong nagbigay sa akin ng kagandahan ng tulog.
Sandali kong minulat ang mata ko, kahit sobrang antok na antok na ako. Bumungad sa akin ang mukha ni Akim na tulog. Napangisi ako agad at imbis na tumayo’t lumipat na sa kwarto ko ay mas tinulak pa ako ng sarili ko na pagmasdan siya.
Hindi ko napigilang hawakan ang pisngi niya’t doon nakumpirma ang nararamdaman ko.