VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 12
I WOULD RATHER hurt myself than to hurt my own best friend. Hindi ko sukat akalain na darating ang araw na magugustuhan ko ang lalaking ito. Sa loob ng ilang linggo ko sa villa niya'y kakaiba na ang inaasal ng puso ko.
Pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin. Narito na ako ngayon sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na kasi maintindihan ang puso ko, iniisip ko'y gusto ko pa si Sandro. Hindi naman agad nawawala ang pagmamahal sa isang tao, pero bakit ganoon na lang kabilis mapalitan ang damdamin kong iyon? Para bang ito ang tadhana ko.
"Open your mouth," utos ko kay Akim, nang pakainin ko siya. Ako na rin ang nagluto ng ulam. Hinanap ko ang cookbook na sinasabi niya sa kusina't doon ko pinag-aralan ang mga Filipino cuisine. Sa unang try ko ay hindi naman talaga mape-perfect, pero makakain pa rin naman.
Dahan-dahan ko siyang sinusubuan kanin at sabaw ng tinola. Doon ko lang din nalaman na hindi siya nakain ng sayote at gusto niya'y papaya ang nilalagay sa tinola. Hindi ko maisip na maglagay ng prutas sa sabaw.
Pwede rin kaya ang apple sa tinola? Halos lahat na ata nang naiisip ko ay impossible.
"Water?" Painom ko pa sa kaniya. Pang-apat na araw na niya itong siya'y pilay. In short, hindi pa siya naliligo ng apat na araw. Palit-palit lang siya ng brief at damit. Hindi pa raw niya kayang maligo at masakit. 'Yung mga inoperahan nga ay nakakaligo, ito pa kayang pilay lang? Baka mamaya ay tamad lang siya talaga.
"Maliligo ka na mamaya. Hindi na maganda ang amoy ng ulo mo."
"Hindi ko pa kaya—"
"Ako ang magpapaligo sa 'yo. Huwag kang mag-alala at naka-short ka pa rin naman. Ako na bahala magkuskos ng likod mo at binti mo." Ang ending, hindi iyon ang ginawa ko. Inihanda ko ang milk bath nito sa kaniyang malaking bathtub. Mainit-init din ang tubig n'yon, para naman ma-relax siya.
"Dahan-dahan lang sa pagbaba at baka madulas ka." Kung alam lang ng panginoon kung gaano ko labanan ang kademonyohan ng aking isip, dahil sa boxer shorts niyang light gray na naka-three o'clock ang malaki niyang Alejandro!
“Feels good?” Natatawa ko pang tanong sa kaniya, nang makaupo naman ito ng tuluyan sa bathtub nito.
“Uh-huh…”
“Lalabas na muna ako, titignan ko si Leo-”
“I need you here.” Imbis na aalis na ako para maiba ang ihip ng hangin, ay nabigla ako nang sabihin niya iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Ang ulo niya’y nakahilata na malamig na bathtub at nakatingala lamang ang itsura niya. Ang leeg niya’y bumabakat ang kinis at ilang ugat nito.
God damn! Ang sarap!
Sandali kong iniling nang iniling ang ulo ko, nang mapagtanto ko ang sinabi ng aking utak. D’yos ko, Ancee! Manahimik ka! Hindi ka ganito!
Iminulat niya ang antok niyang mata at nagtama naman ang mga tinginan namin. Halos nakuha niya ang ilan kong lakas sa tingin nito’t nanghina naman ang tuhod ko. Sandali akong lumapit sa kaniya, pakiramdam ko ay tinatawag ako ng mga mata nito.
In the end, hindi ko namalayan na nakatulog na pala talaga siya. Ang akala ko’y nakapikit lang siya, pero hindi na niya minulat ang mata niya.
Kita ang pagod sa mukha nito. May kaunting awang ang labi niya na nagpapakita ng pagod. Minsan nga ay iniisip ko kung nahilik ba si Akim, tulad ng normal na tao.
Pakiramdam ko ay naririnig ko ang kanta sa isip ko habang pinagmamasdan siyang tulog. Nakaupo lamang ako sa sahig at ang dalawa kong braso’y nakapatong sa gilid ng bathtub at pinagmamasdan lamang siya.
Can I touch you…
I can’t believe that you are real…
How did I ever find you?
You are the dream that saved my life…
Ang kantang iyon ang unang pumasok sa isip ko. Hindi nakatakas ang maliit kong ngiti sa maamo niyang mukha kapag tulog.
I never thought that I could love…
Someone as much as I love you…
I know it's crazy but it's true…
Sumunod na araw ay umayos na ang kamay ni Akim. Ang akala ko nga ay aabutin pa siya ng ilang araw para lang gumaling ang bali nito. Nagagalaw na niya iyon kaunti, pero pagdating sa pagkain ay pinipilit ko pa rin siyang subuan.
Si Leo naman ay humilom na rin ang sugat nito sa noo. Mabuti na lang din at kahit paano’y humilom, dahil mas’yado siyang conscious sa itsura niya. Ayaw niya raw pumasok sa company ni Akim na mayroong benda raw ang ulo.
Hindi ko rin naman siya masisi, at baka ang tingin sa kaniya roon ay isang malinis na tao, baka ang isipin nila’y balahura pala ang hangal na ‘to.
“You have to sign this,” wika ni Leo, nang may ibigay siyang itim na folder kay Akim. Nang buksan naman niya iyon ay napanguso siya sandali at tumingin sa akin. Sandali kong naisip na baka hindi niya kayang pirmahan iyon, kaya’t nang lalapit na ako ay agad naman akong nagulat nang makita kong tanggalin niya ang takip ng ballpen at pinirmahan iyon.
Ngunit hindi ako nagulat nang dahil sa nakaya niyang buksan ang ballpen! Nagulat ako, dahil kaya niyang pumirma at magsulat sa kaliwa niyang kamay! Kaliwete siya!
Bakit ang sinasabi niya ay hindi niya kayang magsulat sa kanan niyang kamay! Nadali nanaman ako ng de pungal!
“He’s messing with you, Ancee. Pinahirapan ka niya ng ilang araw, kaya naman niyang gawin lahat, dahil hindi naman ‘yan mas’yadong napuruhan. Nag-inarte lang ‘yan…” Kumunot lalo ang noo ko sa bulong sa akin ni Leo, pero nang tignan ako ni Akim ay parang naglinyang diretso ang kilay ko.
Ano ba ang mayroon sa mga tingin niya na kahit ang isip ko’y napapatahimik niya.
Matapos niyang pirmahan iyon ay kinuha na rin iyon ni Leo.
“Bye, Ancee!” Paalam nito sa akin kaya ngayon ay naiwan naman kaming dalawa ni Akim sa loob ng kwarto niya. “Hindi mo naman sinabi na kaliwete ka. Sana ay sinabi mo, para naman tulungan mo ‘ko pumirma.”
“Well, hindi ka naman nagtanong.” Sasakit na rin ata ang ulo ko sa lalaking ‘to. “Isang buwan na lang ako rito,” ani ko pa.
Tumaas ang kilay niya kung tignan ako. Mukhang nakuha ko muli ang atensyon niya. Napag-usapan na namin ito noon, at sinabi niya lang sa akin na tatlong buwan lang ako rito.
Ngayon ay may isang buwan na lamang ako para makasama siya. Hindi ko akalain na ganoon lang din pala kabilis ang panahon at magtatapos na rin ang usapan namin.
“Huwag mong kakalimutan ang usapan natin, Akim.”
“I never forget.”
“Edi goods!” Lumunok pa ako nang sabihin ko iyon at hindi na alam kung ano pa ang sasabihin sa kaniya. “Uhmm… lilinis na ako rito—”
“I want you to act like my girl friend, Ancee. My mother’s coming here.” Seryoso niya pang ani. Para kong nakagat ang dila nang kahit isang letra sa bibig ko ay hindi man lang nakalabas.
Gusto kong i-suggest sa kaniya na bakit hindi na lang ang best friend kong nabuntis niya? Baka matuwa pa ang nanay niya, dahil buntis na iyon. Maganda naman ang best friend ko at malinis tignan, hindi siya malaswain, kaya nagtataka ako kung bakit ako ang niyaya niya’t magpanggap sa harapan ng nanay niya.
“Makakalabas ka kaagad nang wala pang isang buwan, kung papayag ka.” Umayos ang upo ko sa bagong offer niya. Saka ko naisip na kung hindi aabot ng isang buwan? Ilang araw lang?
Isang linggo? Ganoon?
“Two weeks.” Hindi ko pa man natatanong sa kaniya kung kailan ang exact date, ay sinagot niya na iyon. Nababasa niya kaya ang nasa isip ko, o nakikita niya sa mukha ko ang tanong?
“Kailan pupunta ang nanay mo?”
“Mamaya.”
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa akin, nang para may turbo ang pwet ko sa pagtakbo patungo sa kwarto ko. Mabilis kong itinapon ang milk bomb sa bathtub. Bibilisan ko na ang pagpapaganda sa akin. Kahit mga twenty minutes sa bathtub ay hindi naman na masama, ano?
Bibilisan ko na lang mag-ayos.
Habang pinupuno ang tubig sa bathtub, ay iniayos ko na rin ang damit na susuotin ko. Sumagi sa isip ko kung ano ang special type ng nanay niya para sa anak niyang si Akim.
Nang maalala ko muli ang mga litrato ay doon ko napagtanto na ang gusto ng nanay niya’y iyong clean type. Iyong hindi bastusin, literal na ang best friend ko iyon.
Kailangan kong mas daigan si Joni—hindi ako magpapakabog sa kaniya! Walang-wala siya sa akin, kapag ako ang nag-ayos.
Inilabas ko ang simple white dress na medyo mahaba. Para kang magsisimba ang itsura—matagal ko na iyong nakita sa loob ng cabinet, pero hindi ko isinusuot. Sinong tanga ang magsusuot ng dress, habang naglalampaso ng sahig, aber?
Sa pagmamadali ko ay hindi umabot ng twenty-minutes ang pagbabad ko’t nasa labas na agad ako ng banyo—nag-aayos na ng buhok at minamadali ang pagpapaganda sa mukha. Akala mo naman ay may makeup ako rito, pero ang mayroon lang talaga ay loose powder at pink matte finish lipstick.
Iyon kasi ang tugma sa suot ko kaya hindi na ako naghanap pa ng iba.