VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS
CHAPTER 13
Pagsarado ko ng pintuan ng aking kwarto ay dali-dali akong pumunta sa hagdan para bumaba. Gusto ko kasing gumawa ng tea, para naman kunyari talaga ay clean girl ang ate mo!
Agad kong nakita ang likod ni Akim sa dulo ng hagdan, kaya nang pababa na ako para makalapit sa kaniya ay nabalot na ng ngiti ang labi ko.
Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang may tumakbong babae at yumakap sa kaniya. Ang paghakbang ng aking isang paa pababa ay natigil.
"Akim!" Malakas pang sigaw nito, nang sabayan din ng yakap ni Akim ang babae ito. Wala pang sandali, nang maaninag niya ang pwesto ko't nawala unti-unti ang ngiti sa labi niya.
"Oh..." Humina ang boses niya't humiwalay naman ng yakap kay Akim. Dahan-dahan na akong nakababa ng tuluyan at hinawakan naman ang braso niya. Halata ang gulat ni Akim nang makita niya ako sa gilid niya.
"Leo! Hindi ba at sinabi ko na sa 'yo na--" Hindi iyon natuloy ng isang matandang ginang nang makita niya ako sa katabi ni Akim. Lumipat ang tingin nito sa kaniyang anak at bumalik naman sa akin. Naramdaman ko ang takot sa aking dibdib, dahil hindi siya mukhang mabait tignan. Kamukha niya ang lola kong sumalangit nawa ang kaluluwa na matapobre.
"Ma," tawag ni Akim sa kaniyang ina.
"Akim? Who's she?" Tanong naman ng babaeng yumakap sa kaniya kanina. "Anastacia; my girl friend," pakilala niya pa sa akin.
Hindi ata nagustuhan ng babaeng nagtanong ang sagot ni Akim sa kaniya. Kumunot pa ang noo niya kung tignan ako at lumingon naman sa likod nito't tinignan ang nanay ni Akim.
"I-I didn't know that you have a girl friend?" Sa mahinhin niyang tanong ay parang nawalan siya ng pag-asa. Siguro ay gusto niya si Akim, halata na rin naman sa mga kilos niya. Sino ba ang babaeng 'to, at parang sad girl ang atake niya? Ano, 'te? Kamot na kamot?
"I have now." Saka ko naramdaman ang palad ni Akim sa bewang kong nagmistulang ahas na kumapit sa akin. Hindi mawala ang tingin ko na may takot sa kaniyang nanay na kanina pa nakatingin sa akin. Alam ko na kung kanino nagmana ang lalaking ito pagdating sa masasama ang tingin.
Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa kaniyang gilid para makabulong sa kaniya, "Hindi ata gusto ng nanay mo," mahina kong bulong sa kaniya at umayos naman ako muli ng tayo para ngumiti sa ina nito.
"Hello po," mahina kong bati na kunyari ay mahinhin na babae. Well, mahinhin naman talaga ako, sadyang hindi lang gaano nalalabas ang pagkamahinhin na iyon. Nawala ang tingin ng ina niya sa akin at inilipat sa anak nito.
"Alejandro, saan mo naman napulot ang babaeng 'to?" Turo niya pa sa akin na ikinagulat ko. Hindi na nga ako magtataka kung sa una pa lang na kita ko sa kaniya ay masama na talaga ang ihip ng hangin nito sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi ako ang totoo niyang girl friend.
Naramdaman ko ang lungkot para sa best friend ko, kung sakaling ipakilala ni Akim si Cara sa nanay niya.
Magsasalita na sana si Akim, nang pigilan ko siya. Ngumiti lang ako rito at umiling, saka ako nagsalita.
"I'm Anastacia Placino--"
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Barado ang lola mo! Natikom ko muli ang bibig ko, dahil sa sinabi niya sa akin. Putek na 'yan! Malaking kahihiyan 'yon para sa akin. "Saan mo naman napulot ang babaeng 'to, Alejandro? Baka naman pera lang ang habol sa 'yo n'yan?" sunod niya pang tanong.
Walang filter ang bunganga ni mother.
Pinakukulo nito ang dugo ko, pero dahil nanay naman ito ni Akim ay kailangan ko magtimpi. Baka mamaya kapag sumabat pa ako ay imbis na makaalis na rito'y mag-stay pa ako ng matagal.
"May sariling pera si Ancee. She's an actress in Hollywood. Mabuti nga at sinagot pa niya ako sa lahat nang maraming nanliligaw sa kaniya na mas mayaman pa sa akin," sagot ni Akim sa nanay niya. Siraulo ka! Wala ngang bumalak na manligaw sa akin na mayaman! Iyong mas mayaman pa sa lalaking 'to!
"Ancee? She's Ancee?" Nanlalaki niyang mga mata kung tignan ako. Iyong babaeng yumakap kay Akim.
"Maila, do you know her?" Tanong ng nanay ni Akim sa babae. Maila pala ang pangalan niya. "Of course, Tita! Kasama niya ang ultimate crush ko na si Keanu Reeves sa palabas na Die Knives!" Mabilis niya akong niyakap na ikinagulat ko.
"Maila, calm down!" Saway ng nanay ni Akim sa pagtatalon-talon ni Maila habang yakap ako. "Oh, my gosh! This is why you're so familiar! Blonde hair ka kasi sa palabas, e! oh, my gosh!" Hinawakan niya pa ang mukha ko.
"You know what? Tanggap na kita agad! I will call you my Ate from now on! I respect you with a heart!" Hawak niya pa sa dibdib niya nang makaalis siya ng yakap sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi nito sa akin. Parang bumait ata siya, kanina lang ay ang sama-sama ng tingin nito sa 'kin.
"Maila," tawag naman ni Akim.
"What? I will never call you brother. I will never respect you, you evil!" Taray pa ni Maila at kumapit naman ngayon sa aking braso.
"Tita! You will like her, Ate Ancee! She's so underrated actress and she also represents the Philippines! My God, I can't believe you fell in love with the retarted bastard..." ngumiwi pa siya sa akin.
"Ma!" Sigaw naman ni Akim sa kaniyang ina.
"Maila, language." Saway naman ng ina nito.
"What? I'm just stating the facts, Tita! Sinira niya ang image ni Jang Woo Eun! Pakalat-kalat pa kasi ng bully scandal, ayan tuloy hindi ko na siya makikitang um-acting!" Nguso pa niyang sigaw kay Akim at mas lalong hinigpitan ang hawak sa braso ko.
Tinignan ko naman si Akim na ngayon ay parang gusto magpaliwanag pero napahinga na lamang siya ng malalim.
"That's Entertainment news. Nilalabas ko lang ang baho nila para aware ang mga fans niya." Paliwanag ni Akim sa kawawang si Maila. Pinsan niya kaya 'to? Ang tawag niya kasi sa mama ni Akim ay tita, kaya napapaisip ako kung kaano-ano niya ba itong babae na 'to.
Matangkad si Maila, at maganda. Maputi siya't mahaba ang buhok.
"Alejandro, hindi ba't sinabi ko na sa 'yo ay ipagbili mo na lang iyang kumpanya mo na 'yan? Baka mamaya ay madali ka ng dali ka ng mga nababangga mong tao." Paalala ng nanay niya.
"Actually, po ay napag-usapan na po namin 'yan. Pina-plano na po niya iyan gawin po, Ma'am." Bumalik ang tingin ko kay Akim na ngayon ay pinanlalakihan ako ng mata. Akala mo, ha? Tignan natin ngayon ay angas mo, tignan natin kung magagawa mo pa akong siraan ngayon sa media kung mawawala na 'yang company mo na 'yan.
"Nakinig sa 'yo ang anak ko?"
"Nakikinig naman po siya. Masarap din po siya magluto at maalaga rin po. Mabuti nga po at nakinig na huwag na masyadong uminom ng alak kasi po noong kailan ay nahulog po siya sa hagdan." Inilabas ko ang pagka-best actress ko. Syempre, kailangan natin iyong kuhang-kuha mo ang kiliti ng nanay niya.
Halatang ayaw niya lang na napapano ang anak niya.
"Nagluto siya?" Mas malakas pa na tanong ni Leo na halatang gulat na gulat din at itinuro pa si Akim at umiling-iling. "Iyong kinain mong adobo na may pinya, luto niya 'yon. Hindi mo hinugasan 'yung kinainan mo, ha!" Nanlaki pa ang mata kong tignan si Leo na natahimik na lang din.
Wala pang sandali ay narinig kong tumawa ang nanay ni Akim.
Hindi ko man alam kung bakit siya tumawa, pero nakita ko ang ligaya sa mata niya. "Finally! Nakahanap na rin ang anak ko, nang babaeng magpapatino sa kaniya. Come here, hija!" Tawag niya pa sa akin at pinalalapit ako.
Kinalas ni Maila ang hawak niya sa braso ko at ang nanay naman ni Akim ay nilakihan ang buka ng kaniyang dalawang braso na animo'y hinihintay ako na makalapit sa kaniya.
Nang makalapit ako sa kaniya ay dahan-dahan naman niya akong niyakap. "Pasensiya ka na kung ganoon ang inasal ko sa 'yo kanina. Sadyang maraming babae si Akim na puro habol lang ang pera sa kaniya at siya naman itong nilulustay ang mga pinapuyatan niyang pera para sa mga putang babae."
Hindi ako sanay na ganoon ako kausapin, lalo na kapag may mura. Ganito ba talaga sila?
"Leo? Ang mga prutas, ha! Huwag mong kakalimutan hugasan--"
"Ako na po ang bahala sa prutas po. Gusto niyo po ba ng tea?" tanong ko sa nanay niya na napangit na lang din muli sa akin. "Oh, sweet dear! May kapatid ka pa bang babae? Ipapakilala ko kay Dejandro iyong kam--"
"Pwede ko na ba hiramin ang girl friend ko, Ma?" Singit naman ni Akim sa gilid ko. "Nakikita mo naman na nag-uusap kami, hindi ba?" galit kong tanong kay Akim, pero hindi naman niya ako pinansin.
"Hay nako, hayaan mo na, Ancee at sumama ka r'yan kay Alejandro. Naparito lang naman ako, dahil ayon sa sinabi ni Leo sa akin ay hindi tinanggap ni Akim ang mga files na maari niyang I-date, and now I know why. Hindi ko na pipilitin ang anak ko, dahil nariyan ka na." hawak niya pa sa buhok ko at tumungo naman para sumama na ako kay Akim.
Ngayon pa nga lang kami nagkakasundo ng nanay niya ay umalis na kami agad. Ano ba 'tong si Akim.
"Maila, hindi na rin tayo magtatagal at kailangan mong pumasok sa art class mo," ani pa ng nanay ni Akim. "By the way, Ancee. Tawagin mo na lang akong Mama Alexandra. Ito nga pala si Maila, ang anak ng step-father ni Akim." Kumaway naman si Maila sa akin.
"Ate Ancee? Punta ako ulit dito, ha? Gusto ko kwentuhan mo ako kung ano ang ugali nila--teka! Kuya Leo!" Nang hilain na siya ni Leo at sumunod naman si Mama Alexandra. Ngayon ay naiwan naman kaming dalawa ni Akim.
"Iyon na 'yon? Umalis na agad sila? Hindi ko man lang siya nagawan ng tea," nguso ko pang wika kay Akim, pero nakatingin lamang siya sa akin. Iyong tingin na parang ayaw niya nang mawala pa ang mga titig nito sa mukha ko. "May dumi ba ako sa mukha at ganiyan ka makatingin sa akin?"
"Nagustuhan ka niya."
"I-I guess so..."
"Naghahanda na 'yan ng simbahan at magbibigay na 'yan ng invitations." Hindi ko siya naintindihan. Ang sinasabi niya ba ay ang nanay niya? Ano naman ang ibibigay niyang invitations? "Bakit? Bakit kailangan ng simbahan? May ikakasal ba?"
"Tsk..." iyon lang ang narinig ko sa kaniya, nang dilaan niya ang kaniyang labi. Ito nanaman ang puso kong parang king kong kung magtambol! "L-lakad lang ako sa gilid ng dagat, ha?" hindi ko na siya hinihintay pa at ako naman itong nagmadali.
Binuksan ako ang slide door niya at tumakbo na. Tago akong napangiti nang maisip ko na nagustuhan ako ng nanay niya. Mabuti na lang at kahit paano'y naranasan kong magustahan ng ina. Iyong nanay ni Sandro, ay ayaw sa akin.
Wala raw akong madudulat at hindi raw aangat ang anak niya kung ako ang kasama niya.
Nilingon ko kung saan ako lumabas kanina at nakita ko si Akim na nakatayo lamang sa loob, habang bukas ang sliding door nito.
Habang pinagmamasdan ko siya ay pinilit kong sikapin na huwag isigaw ang nararamdaman ko, ngunit huli na ang lahat nang bumuka na ang bibig ko at isinigaw ang pangalan niya.
"Akim!"
Wala siyang reaksyon kung pagmasdan ako. Siguro ay hindi niya ako naririnig, dahil medyo malayo naman na ako sa kaniya. Medyo bingi pa naman ang isang 'to. "Gusto na ata kita!" sunod kong sigaw sa hindi naman masyadong kalakasan, baka kasi marinig niya, e.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang masilayan ko ang ngiti niya. Hindi kaya ay narinig niya? Binalot ako agad ng kaba at baka narinig niya nga ang sinabi ko, pero malayo ako sa kaniya... medyo impossible na marinig niya ang hindi kalakasang sigaw ko.
Wala pang sandali nang maglakad siya palabas ng villa nito. Baka pupunta siya sa akin para tanungin kung ano ang sinabi ko. Natatawa pa ako nang hindi nagtagal ay nakalapit siya sa akin.
"What did you say?" Sabi na nga ba at iyon ang itatanong niya sa akin. "Sabi ko, gusto ko mag-swimming!" Turo ko pa sa dagat na malapit lang sa amin.
"I'm not going to buy that. Tell me what you really said, Ancee." Nawala ang ngiti ko sa labi. Ibig sabihin ba no'n ay alma niya? Narinig niya ba? Ang layo layo no'n! paano niya naintindihan ang sinabi ko?
"A-ang sinabi ko ay gusto kong mag-swimming sa dagat."
"Liar."
"Totoo! Ayon ang sinabi ko!" Pagtatago ko pa pero isang lapit niya pa sa akin ay napaurong ang isang paa ko. "Tell me, Ancee. I want to hear it."
"A-ano ba ang gusto mong sabihin k-ko?" Nauutal kong tanong sa kaniya, habang nilalayo ang mukha kong inilalapit niya sa akin. "Hindi mo talaga sasabihin? Ancee, I heard you loud and clear. But I need to hear it again. Don't make me look stupid.
"A-Akim..."
"Shy type ang girl friend ko, huh? Ako na lang ang magsasabi sa 'yo. I want you to fall inloved with me." Umiling ako agad, hindi iyon pwede.
"Alam mong bawal, Akim."
"Pero gusto mo 'ko..." sabat niya.
"Alam mo ang dahilan kung bakit ako narito. Hindi pwede kasi..." Umiling pa ako sa kaniya, habang itinatago ang nararamdaman ko. "Pero gusto mo ako, Ancee."
"Sino ba ang nagsabi na gusto kita? Wala naman akong sinabi na gusto kita." Kunyari'y galit kong tanong pa sa kaniya nang dilaan pa niya muli ang labi nito sa narinig. "Nakikita ko sa mga mata mo. I know that you like me, Ancee. I sensed your secret glances, your gentle touch on my hair and my face. Alam kong gusto mo 'ko..." bulong niya pang sabi sa akin.
Ramdam ko ang sincere sa boses niya, pero ayokong biguin ang sarili ko, dahil habambuhay ako makukunsensiya kung susundin ko ang puso ko.
"Two weeks na lang ako rito, Akim. Siguraduhin mo na hindi na magkakasalubong ang landas natin at pupuntahan mo si Cara. Pupuntahan ko ang kaibigan kong pinaglaruan mo!" turo ko pa sa kaniyang dibdib.
Pinagmasdan niya lamang ako, ngunit hindi ko binigyan ng tingin ang mata niyang alam kong nakatutok sa akin.
"After kong makaalis dito ay mabu-busy ako. May upcoming movie ako at..." Tinaas ko ang tingin ko sa kaniya. "Sisikapin kong bumalik sa akin si Sandro." Sa sinabi kong iyon ay mas lalong nagalit ang itsura niya.
Gumalaw ang panga niya at hinawakan ang noo nito.
"Sinabi mo kanina na gusto mo ako, bakit ka babalik sa lalaking 'yon?" May galit niyang tanong sa akin. "Dahil gusto lang kita, Akim! Iba ang gusto sa mahal!" Malakas kong sigaw sa kaniya na mas lalong ikinagalaw ng panga nito.
"Then try to love me! Sa loob ng dalawang linggo! Sisiguraduhin ko na mamahalin mo ako."
"Hindi 'yan mangyayari, Akim. Mahal ko si Sandro, mahal ko rin si Cara, at ikaw? Hindi ko kayang mahalin ang tulad mo." Umiling naman siya sa akin. Halatang ayaw niya maniwala sa sinasabi ko. "Try me, Ancee."
"Try you what?"
"Natatakot ka ba? Ayaw mo? Kasi kung hindi ka papayag sa gusto ko ay hindi kita tatantanan hanggang makalabas ka rito sa villa na 'to." At nakuha niya pa akong I-blackmail!
"Akim, sinabi ko na sa 'yo, hindi nga kita mamahalin. Oo, gusto kita, pero hanggang doon lang 'yon!" Bakit ba ang kulit niya?
"Ibigay mo na lang sa akin ang dalawang linggo na 'to, Ancee. Hayaan mo 'kong mahalin ka ng dalawang linggo, hahayaan na kita pagnatapos ang araw ng usapan natin," ani niya at agad niyang hinawakan ang pisngi ko't biglang binigyan ng isang banayad na halik na nagpalambot agad ng puso ko.