CHAPTER 14

2760 Words
VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS CHAPTER 14 SINUBUKAN kong lumayo sa kaniya ngunit huli na ang lahat nang tinugon ko ang halik niya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang inasal ko na hindi naman dapat gawin, pero ngayon ay namalayan ko na lang ang sarili kong nakikipaghalikan sa tapat ng dagat. "Akim..." mahina kong tawag sa pangalan niya nang humilay ako agad ng halik sa kaniya. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at doon ko narinig ang boses niya, "Let me love you, Ancee. Just let me give you the love you deserve," wika niya pa sa akin na ikinatulo ng luha ko. "Alam mo kung ano ang problema, Akim. Alam mo kung ano ang hindi pwede, 'di ba? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi pwede?" "Kapag sinabi ko ba sa 'yo na pwede, dahil..." Nahinto siya sandali. "Hindi pwede. Kahit ano pa ang rason na 'yan, Akim. Ibibigay ko na sa 'yo ang dalawang linggo na hinihingi mo, pero utang na loob lang, huwag mo na akong kulitin pa after nito." Duro ko pa sa kaniya. Nakita ko lamang siyang ngumiti at tumango-tango. Hindi ako kumbinsido sa mga galawan niya kaya masama ang kutob ko. "Seriously, Akim. Huwag mo rin sasasabihin kay Cara ang mga nangyari sa atin dito, okay?" Tumango nanaman siya muli sa akin. "Magugustuhan mo si Cara, dahil mabait siya at malambing. Baka nga kapag nakilala mo 'yon ay hindi mo na ako kulitin pa." "Sure ka?" "Oo! Maganda siya at mahinhin, mas magugustuhan siya ng mama mo kaysa sa akin!" Naningkit pa ang mata niya na animo'y nae-excited sa mga sinasabi ko. "Talaga?" sunod niya pang tanong sa akin na ikinaiinis ko na. "Yes!" "Can't wait to see her!" May kung ano sa loob ko ang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Syempre hindi rin naman ako pwedeng madala, dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. "Ingatan mo ang best friend ko, ah?" Maliit kong ngiti sa kaniya. Sa maliit na ngiti na 'yon ay tagong-tago ang pait at lungkot ko. Noong sinabi ko na mahal ko si Sandro, ay hindi naman 'yon totoo. Sadyang pinasasaya ko lang ang sarili ko, para lang hindi na ako dapuan ng lungkot. Siguro ay ibibigay ko na lang din ang hinihingi niya sa akin. Ang dalawang linggo niya... "Akim..." tawag ko pa sa pangalan niya. Tinignan niya ako na may taka sa mga mukha nito. "Alejandro..." tawag ko muli sa kaniya na ikinalabas ng ngiti nito. Ang ngiti na alam kong nagpapakabog ng puso ko. Ang ngiti na alam kong hinahanap-hanap ng puso ko. "Payagan mo akong gustuhin ka ng dalawang linggo," sunod ko pa na mas lalong ikinalawak ng ngiti niya. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinila ang damit nito. Doon ko siya binuhas ng halik sa labi at naramdaman naman ang pagganti nito sa akin. Niyakap ko ang kaniyang leeg na mas lalong nagpadiin ng halikan naming dalawa. Ngayong araw na 'to, mag-start na ang dalawang linggo na kailangan namin para sa isa't-isa. Second Day... "Wow! Nagluluto na ang girl friend ko, ah!" Niyakap niya ako mula sa aking likod, habang ako naman itong busy sa paghahalo ng aking ginisa. Nagluluto ako ngayon ng ginisang toge na may baboy at tokwa. Nakita ko lang din ito sa cookbook, kaya ginaya ko na lang din. Mayroon naman dito ng ilang mga sahog, kaya ayon na lang din ang niluto ko para maiba naman. Last na tikim ko pa nito ay iyong nag-shooting kami at ito ang ulam sa kalinderya. Hindi ako nakain nito noon, pero dahil kailangan kumain ay wala akong nagawa, hanggang sa nagustuhan ko. Ayon nga lang ay hindi ko alam kung paano ang pagluto at wala na rin naman na akong oras. "Nakain ka ba nito?" Sa malambing kong tono na tanong sa kaniya. Ipinatong niya ang baba nito sa aking balikat na ikinangiti ko. Hindi ko alam kung nakain siya nito, pero sabi naman niya sa akin ay kahit ano'ng ulam ay kakainin niya. Basta raw... luto ko. "What's that again?" "Toge." "Baby, they look like sperms." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito sa akin at hinampas ko naman ang braso niya. "Hoy! Pagkain 'to! Umayos ka nga!" Saway ko sa kaniya na ikinatawa lang naman nito. "It's my first time to eat this dish, but I'll try it with all my heart, just for my baby..." Dahan-dahan akong napangiti at tumungo. "Kapag hindi mo 'to kinain, magtatampo ako sa 'yo." "Ay! Ayaw ko..." Sa panguso niya pang pagbigkas ay mas lalo akong natawa. Para siyang batang nagmamaktol sa gilid ko. Umalis na rin naman siya sa likod ko at tumabi sa gilid ko. Naghahalo lamang ako matapos kong lagyan ng tubig ang ginisa kong toge na may kamatis at tokwa. Amoy na amoy ko na agad ang toge na ikinatakam na ng t'yan ko. Sayang at walang isda, masarap pa naman 'to kapag may tilapia o hindi naman kaya ay galunggong. Nang matapos na akong magluto ay narinig ko na si Akim na maglagay ng pinggan sa mesa. Doon ko lang napagtanto ang pakiramdam na mayroong asawa. Ganito kaya kami nang mapapangasawa ko? Kapag ako ba ang nagluto ay siya na ang maglalagay ng pinggan sa mesa? Siya na ba ang maghuhugas ng pinggan? Siya na ba ang magsasaing? Iyong tipong equal kami sa gawain. Ako maghuhugas ng mga kutsara at plato, habang siya naman ang magpupunas ng mesa o hindi naman kaya ay siya ang magpupunas ng plato? "Ano ang nasa isip mo?" “W-wala lang…” Ngumiti ako sa kaniya at umiling na lamang. Alam kong nag-iisip na siya, pero ipinakita ko ang isang mukha na wala siya dapat na ipag-alala. Ayoko na malaman niyang siya ang gusto kong mapangasawa. “Nag-iisip lang ako nang pwede pa nating lutuin.” Mukha namang sangayon naman siya sinabi ko kaya’t nagsimula na kaming kumain. Pangalawang araw pa lang pero nararamdaman ko na ang lungkot, dahil alam kong mabilis lang ang araw. Alam kong darating na rin ang pinakanakakatakot na mangyayari sa akin. Ang paggising ko ay tapos na ang lahat ng ito. Kung sasabihin ko ba sa kaniya na mahal ko siya? Mapapatawad pa ba ako ni Cara? Mapapatawad niya pa ba ako kung ako ang dahilan kung bakit walang ama ang anak niya? I mean, pwede namang magpakatatay si Akim sa kaniya, hindi ba? Mabilis akong umiling, dahil mali na ang nasa isip ko. Hindi na iyon maganda para sa magiging inaanak ko. Third Day… “Look!” sigaw ko kay Akim nang may makuha akong starfish sa dagat. “Ancee, drop it.” Suway niya sa akin kaya naman agad ko iyong binaba. Sandali siyang lumapit sa akin at agad naman na may ibinulong. “Next time ay huwag kang kukuha ng starfish, dahil mamatay sila. Kahit ilagay mo pa sa tubig ulit.” Nanlaki naman ang mata ko. Hindi ko alam na mamatay pala sila! Agad akong nalungkot at nanghingi ng pasensiya sa nakuha kong starfish. “Sorry, Akim.” “It’s fine. Hindi mo naman alam.” “Sorry, Starfish…” Sandali lamang nang marinig ko ang tawa ni Akim. Ginulo pa niya ang buhok ko’t hinalikan naman ang pisngi ko. “Basta sa susunod ay huwag mo na ulit gagawin ‘yan, ha?” Tumango naman ako na para ba akong bata. Ginawa ko ang trabaho ko kasama si Akim. Kinuhaan niya ako ng picture at siya na raw ang magse-send nito sa manager ko. Hindi ko nga alam na close na pala sila ng manager ko! Nag-pose ako at salamat na lang talaga’t hindi ako nailang kay Akim. Mas lalo ko pa ngang nagustuhan na mag-pose, dahil siya pa mismo ang natuturo sa akin ng pose ko. “Nice pose, baby!” Cheer niya pa sa akin na ikinatawa ko pa. Sa bawat ngiti ko sa picture na kuha niya ay hindi iyon peke, totoong tawa iyon at ngiti na kitang-kita sa bawat litrato na nakukuha niya. Sabi nga nila sa akin, kailangan sa bawat litrato na ipo-promote mo ay dapat iyong nakakaakit sa mga makakakita. Iyong mapu-push mo sila o hihikayatin mong bilhin ang product o pumunta sa ano mang lokasyon ang pino-promote mo. “Alejandro! Ancee!” Parehas kaming napatingin ni Akim, nang marinig naman ang tawag ni Mama Alexandra. Mukhang napadaan siya rito, pero hindi namin alam ang dahilan kung bakit. “Pagpatuloy na lang natin mamaya.” Hinihintay niya ang palad ko kaya agad ko naman iyong kinuha. Binigyan niya ako ng jacket at nang makapasok kami sa loob ay naabutan na namin si Mama Alexandra na naghahanda ng meryenda. “Nag-swim kayo?” Natatawa niyang tanong sa amin, kahit pa halata naman na nag-swimming kami ay tinanong niya pa rin iyon sa amin. “Opo, nagpatulong po kasi ako magpa-picture sa kaniya para sa ip-promote po sa media.” Ngumiti naman muli ang nanay ni Akim sa akin at tinignan naman ang kaniyang anak na nakikipagtalo sa kapatid nitong si Maila. “Ngayon ko na lang ulit nakita na ganiyan si Alejandro. Mabarkada siya, pero hindi niya sineseryoso ang isang babae. Maliban na lang sa ‘yo…” Natikom ko ang aking bibig at pinagmasdan lang din si Akim na hinila ang buhok ni Maila. “Ang dalawa niya pang kapatid, ay nako! Ayoko na lamang isipin at sa kanilang tatlo ay si Akim lang ang pinakamalambing. Ang pangalawa ko ay ubos ng babaero, inihahanda ko na lang ang sarili ko kung balang araw ay may ipapakilala siya sa akin na nabuntis niya lang ng biglaan.” Agad kong naalala si Akim, patay tayo, dahil kapag nalaman ni Mama Alexandra na nakabuntis si Akim ng ibang babae, ay mukhang magagalit ‘to. Hindi sa akin, kung hindi sa sinasabi niyang malambing niyang anak na si Akim. “Ang pangtalo ko naman ay ubod ng sipag. Ubod ng linis sa katawan at sa kahit ano. Gusto niya ay laging perfect ang lahat, hindi ko alam kung kanino ba nagmana ang isang iyon na parang takot sa babae--Maila! Hindi pantay ang pagbuhos mo ng juice sa baso, ano ka ba, anak!” Patago akong napangiwi, dahil nagtataka pa siya kung kanino nagmana ang anak niyang sinasabi nito na perfectionist pero makikita mo na siya itong nagagalit nang makitang hindi pantay ang pagbuhos nito ng juice. “Itong si Maila talaga!” Sunod niya pa. “Bali po… si Maila ay step-daughter niyo?” “Yes. Ang unang asawa ko kasi ay hindi kami pinalad dalawa, dahil arranged marriage lang naman iyon. Mabuti na lang at sa ibang bansa kami ikinasal. Ngayon ang tatay nila Akim ay nakahanap na rin ng babaeng mahal niya ng totoo.” Maliit lamang ang ngiti ko, habang pinagmamasdan si Mama Alex. “Doon ko nakilala ang tatay ni Maila.” “Ano po ang buong pangalan ni Maila?” Tanong ko pa sa kaniya muli. “Ang pangalan niya talaga ay Maria Isla Wetfields.” Ang ganda pala ng pangalan ni Maila… ang ganda rin ng apelido niya. Maila Wet…fields… Hindi ko napigilan na itago ang tawag ko, dahil hindi pala bagay kung pagdudugtungin ko ang pangalan niya at ang apelido nito. “Buti po ay okay lang po kayla Akim?” “Noong una, hindi. Ang mas lalong napuruhan sa paghihiwalay namin ng tatay nila ang gitna na kong anak. Si Dejandro.” Kita ko ang lungkot nito. “Pakiramdam ko kaya naging ganoon siya; naging babaero, dahil sa akin. Siya ang nakakita kung paano kami nag-away ng daddy niya, kung paano ako saktan ng daddy niya.” “Itinago niya iyon sa mga kapatid niya. Siguro ay nasa isip ng batang iyon na wala na talagang matino sa pagmamahal. Ginawa niyang laro ang pag-ibig,” paliwanag pa nito sa akin. “Ano ang pinag-uusapan niyo? Are you talking about me?” Singit naman ni Akim. “Ha? Feeling ka, ah! Si Dejandro ang pinag-uusapan namin.” Tila nawala ang ngiti ni Akim, nang marinig niya ang pangalan ng kapatid niya. Bakit ba parang ayaw niyang malaman ko o marinig niya sa akin na tinatawag ko ang pangalan ng kapatid niya? O hindi naman kaya ay magalit lang talaga siya sa kapatid niya? “What about him?” May galit sa tono niya. “Wala naman, ‘nak. Sinasabi ko lang na babaero ang kapatid mo.” Napahinga siya ng maluwag sa narinig niya sa nanay niya. Pakiramdam ko ay may tinatago itong si Akim na ayaw malaman naming dalawa ng nanay niya. Natapos kaming magmeryenda ay tinulungan naman ako magbalot ni Maila ng toge sa lumpia wrapper. Sayang kasi kung itatapon na lang ‘yon at medyo marami-rami pa naman ang naluto. Ang iba ay inilagay ko sa tupperware para dalhin nila Maila. “He’s never been this happy, Ate Ancee. Huwag mo sanang saktan si Kuya Akim.” kahit ako ay nagulat nang tawagin niyang kuya si Akim. Sabi sa akin ni Akim ay hindi raw siya nito ginalang kahit isang beses. “Kapag pinakasalan ka niya ay doon ko pa lang siya tatawagin kuya.” sabay tawa nito sa akin. “By the way, Ate! Kilala mo ba si Sandro Santiago? Nakita ko siya kanina sa art class namin kanina, grabe! Ang hot niya!” Sasabihin ko ba sa batang ‘to na ex ko ang sinasabi niyang hot? “Hindi ko talaga gusto ‘yung girl friend no’n, Ate. Alam mo ba na manipulative ‘yon, Ate? One time raw ay narinig daw iyon ng classmate ko sa art class na pinaniwalaan daw siya ng management sa kasinungalingan niya, pero masama raw talaga ang ugali no’n.” Ang haba pa nang sinabi niya na hindi pa siya huminga sa pagsasalita. Parang nagra-rap pa ito sa gilid ko. “Ano ba ulit pangalan no’n? Ayon! Daisy ang pangalan!” “’Wag mo na lang silang gagayahin, Maila, ha? Saka ikaw maganda ka, darating ang araw na makikilala mo rin ang super star ng buhay mo.” Mukha naman siyang natuwa sa sinabi ko at agad naman akong niyakap. “Finally! May big sister na ako! Hindi kasi ako nabiyayaan ng big sister, Ate. Binigyan ako ng tatlong lalaking napaka-protective at mga mamasama ang ugali--hmp!” Parang umusok pa ang ilong niya. “Maila? May tanong sana ako sa ‘yo.” “Ano po ‘yun, Ate?” “Iyong kapatid ba ni Akim? Magkakagalit ba sila? Hindi magkakasundo?” Nag-isip pa siya sandali at agad naman na umiling. “Itong villa na ‘to, Ate. Sa kanila talaga ‘tong tatlo. May secret ‘to na hindi alam ni Tita.” Nanayo ang balahibo ko. “Huwag mo sanang iiwan ang kuya ko kapag nalaman ang secret ng villa na ‘to, Ate, ah…” mahina niya pang bulong sa akin, kaya naman ako naman itong lumapit pa sa kaniya, para hindi na siya mahirapan pa na hinaan ang boses niya. “Itong villa na ‘to ay private. Makakapasok lang kung inupahan mo or invited ka. ‘Yung mga kwarto sa taas, Ate? Tuwing may party dito ay kanya-kanya silang kwarto sa pag-iyot, ‘te…” Umawang pa lalo ang bibig ko sa narinig. “May isang kwarto na hindi nila pwede puntahan at iyon ang kwarto ni Kuya Akim. Well, kwarto nila iyong tatlo. Kalimitan ng mga nagrerenta nito ay puro stag party, Ate. Minsan nga ay nag-orgy pa sila sa sala.” Totoo ba ang naririnig ko sa batang ‘to? “Ang totoong may pasimuno nito ay si Kuya Dejandro. Maharot kasi ‘yon, Ate. Mahilig sa babae, kaya pinush niya ‘to at ang gusto naman ni Kuya Akim at Kuya Zach ay peace lang. So, kapag sila naman ang narito ay walang orgy na nagaganap or stag. Solo lang sila… doon lang kami nakakapunta ni Tita.” Sa mahabang paliwanag sa akin ni Maila ay na-creepy-han naman ako. Ibig sabihin ba iyong mga naupuan kong sofa ay may mga talsik ‘yan ng t***d? Ang mga baso ba na naririto ay napag-inuman na rin ng kung sino? “Don’t worry, Ate. Pag si Kuya Dash naman ang narito sa Villa, ay pinapalitan niya ang mga baso at mga gamit na nagamit ng mga barkada niya o hindi naman kaya ‘yung mga naimbitahan niya.” “Dash?” “Si Kuya Dejandro. Tawag sa kaniya ay Dash…” Hindi ko na nabigyan ng pansin ang mga pinagsasabi pa ni Maila nang libutin ko ng tingin ang buong sala. Napailing ako nang ma-imagine ko ang mga pinagsasabi ng bata ito sa akin kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD