CHAPTER 12 IVY'S POV Habang abala ako sa trabaho, narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Agad ko itong sinagot nang makita kong si Bryle ang tumatawag. "Ate Ivy," sabi ni Bryle, halatang nag-aalala, "si Nicolas po, may lagnat. Ang taas ng lagnat niya." Nabahala ako sa sinabi ni Bryle. "Huwag kang mag-alala, Bryle. Uuwi na ako agad." Agad akong lumapit kay Sir Chiaseb na abala sa kanyang ginagawa. "Sir Chiaseb, pasensya na po, pero kailangan ko pong umuwi. May emergency po sa bahay." Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at mabilis akong lumabas ng opisina. Alam kong maiintindihan niya ito, ngunit ang isip ko ay nasa kalagayan ni Nicolas. Mabilis akong sumakay ng taxi papunta sa aming apartment. Pagdating ko doon, agad kong nakita si Bryle na nagbabantay kay Nicolas. Ang taas nga

