CHAPTER 43 Ivy POV Maaga pa lamang nang magising ako. Naramdaman kong kailangan kong magbawas ng mga negatibong enerhiya sa paligid, kaya naisipan kong lumabas ng mansion para magwalis kahit may katulong kami na pwedeng gumawa nito. Habang nagwawalis, napansin ko ang isang envelope na nakaipit sa mailbox. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa labas: "Para kay Chiaseb at Ivy." Sakto namang dumating si Chiaseb mula sa company. Nakita ko siyang naglalakad papasok ng gate, may dala-dalang mga dokumento at mukhang pagod. Tumigil ako sa ginagawa ko at lumapit sa kanya, hawak ang envelope. "Chiaseb, may sulat para sa atin," sabi ko, sabay abot ng envelope sa kanya. Nagulat siya at tumingin sa envelope. "Sino kaya ang nagpadala nito?" tanong niya, habang binubuksan ang sobre. Inilabas niy

