CHAPTER 35 CHIASEB POV Dalawang linggo na ang lumipas simula nang maaksidente si Ivy, ngunit hindi pa rin siya nagigising. Araw-araw akong bumibisita sa ospital, nakaupo sa tabi ng kanyang kama, hinahawakan ang kanyang kamay at umaasang magising siya. Sa bawat araw na lumilipas, lalo akong kinakain ng aking konsensya. Isang umaga, habang nakaupo ako sa tabi ni Ivy, pumasok si Caelan sa kwarto. Halata sa kanyang mga mata ang pag-aalala at sama ng loob. "Daddy, gisingin mo na si Mommy," sabi ni Caelan, halos luhaan. "Miss na miss ko na siya." "Anak, ginagawa ko ang lahat," sabi ko, pilit na ngumiti upang pagaanin ang loob niya. "Magtiwala tayo. Magigising din si Mommy." Ngunit alam kong malalim ang tampo ni Caelan sa akin. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyari sa mall. Sa tuwin

