Prologue
Having a family of celebrities, Amarrie felt like she should distance herself from the media to live a peaceful and carefree life. Her mom used to be a model and beauty queen, her father is a famous actor while her two older brothers is a member of a band. She chose a different path away from the chaotic life of a celebrity. She chose to be a business woman, a café owner to be exact.
Tila mapaglaro talaga ang tadhana na kahit anong distansya nya sa mundong ginagalawan ng kanyang pamilya ay parang gumagawa talaga ito ng paraan para makilala sya ng mga tao.
Maraming lumabas sa media nang may nakapagpicture sa kanya na kausap ang isang member ng banda ng kanyang dalawang kapatid hanggang sa maraming ng mga pictures and lumalabas at mga speculations kung sino ang babaeng nasa larawan.
Dahil sa issue nay un nalaman ng mga kabanda nya kung sino talaga sya. Pero di pa rin sya handa na malaman ng mga tao kung ano ang relasyon nya sa taong kasama nya sa picture. Pilit nyang sinasabi sa sarili nya lilipas din ito at magkakaroon din ng ibang mapagtutuonan ng pansin ang mga tao. Well, that whata she thought. Also, because of that issue she gained an unexpected friendship and a foe.