Gumising ako ng mabigat ang pakiramdam, nababalot ng labis-labis na longkot ang aking puso dahil padin sa pag iisip kung paano ako tita trato ni Ian. kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon dahil alam kong mas lalo lamang akong makaka ramdam ng longkot kapag nag mokmok ako dito sa kwarto ko. Haayyy… kung nand’to lang sana si Myla ay sigurado akong d’to ‘yon matotolog at dadamayan n’ya ako, at papayohan sa mga dapat kong gawin. Napa bontong hininga ako sa naisip ko at mas lalo lamang akong naka ramdam ng longkot ng maalala ang yumao kong mga kaibigan. Alam kong mapag kakatiwalaan naman din ang mga iba ko pang mga kaibigan pero ‘wan ko ba, hindi parin talaga ako komportabling I share sa kanila ang lahat ng bigat na nararamdaman ko, hindi nga nila alam na may nangyari na

