(ROMEO AND JULIET MARANAO VERSION)
Gusto ko lang po ishare yung high school "love story" ko po. Throwback lang. Nagbabasa lang ako dito pero heto na nga ako at nagsend na din.? I am not good at story telling but I hope you can catch a lesson from this one.
Way back 2016, last year ko na as a junior high student. Sabi nila being a high school student is the best among the rest. Kasi daw kapag tumuntong ka na ng college taghirap na—wala ng saya saya moments kailangan ng magseryoso. So sabi ko ibibigay ko na lahat ng best ko. Walang lalaki, walang lovelife, friends lang and focus lang sa acads lang. Not until magpasukan. Public school po yun and dito lang din po samin. So ayun po. First day ng pasukan, hindi talaga ako don sa section na yon(di ko na ikukwento kung bakit basta pinapasok lang kami ng isa ko pang kasama sa section na yon, pagdedesisyunan pa ganon). Btw, pangit ako, tinigyawat face ko that time. Pero achiever mga sis (dyan ako proud). Then, yung mukha ko that time nagkaron ng irritation dahil ata sa ginamit ko na mga products. But still, pumasok ako ng walang hiya-hiya. Kasi nga no to love ako kumbaga. Okay naman so far yung first day. Nandon yung saya, excitement kasi panibagong taon na naman, plus bagong mga mukha (nakashuffled po kami), and last year na as a junior high student. May mga gwapo pero hindi ako interesado. Huwaw kala mo maganda??Nah, acads is life tayo. Then sa pangalawang araw ng pasukan, nung pagkapasok ko sa classroom nakita ko kaagad mga kaklase ko last year (grade 9) then usap-usap, kwentuhan ganon hanggang sa inikot ko yung paningin ko sa loob ng room(nakashuffle kasi yung section namin) and nagstop don sa isang lalaki sa pinakadulo(nasa first row kasi kami nakaupo tapos sya nasa pinakadulo talaga). Nasabi ko kaagad sa isip ko "ang gwapo".Tapos di ko namalayan nakatitig na pala ako. Nung timingin sakin si "Romeo"(yan na lang tawag natin sa kanya) hindi agad ako nagdalawang isip na rolyohan ko ng mata. In short, tinarayan ko.? I was like "porke gwapo bibigay ka na? Anong nangyari sa acads is life?" sabi ko yan sa isip ko. Yes, pinapagalitan ko sarili ko. Ang gwapo naman kasi talaga. Tapos ang lakas ko magtaray noh?? Sis, NBSB ako at motto ko ang "I want my husband to be my first and last". So ayun nga balik tayo. Pagkataray ko harap agad ako sa unahan tapos inisa isa ko na mga napansin ko. Una, panibagong mukha kasi wala naman sya nung first day. Pangalawa, kulot ang buhok nya yung sakto lang. Pero nakahair cut (clean cut ba yon, ang neat kasi tignan) ang buhok so ang angas tignan(bad boy ang datingan at awra ganon). Hindi ko alam anong tawag sa gupit na yon pero bagay sa kanya. Yung panga dagdag points din, ang gwapo ni Romeo. Oha? ang linaw ng mata ko kapag sya ang tinitignan ko. Hanggang sa kinalabit ako ng katabi (yung kasama ko na pumasok sa section na yon) sabi nya "ano na naman yan Juliet? nakangiti ka dyan, di ka nakikinig samin" tapos tumawa lang ako kasi totoo naman. By the way very masculine ang physique nya so ayun hahaha. Di ko pa alam name nya non. Basta nasa isip ko lang basagulero plus babaero tong loko na to.
FF: Nagpakilala na lahat nung first day and obviously di pa sya nagpapapakilala kasi absent sya( which is dumagdag sa isip ko na cuttingero pa ata 'to). Hanggang sa pinakilala nya na sarili nya(at syempre hinihintay ko talaga, gusto kong malaman anong name mong loko ka). So ayun nung nagsalita na sya, natatawa ako tapos tinignan ako ng kasama ko. Alam mo yung tingin na "Oyy ikaw ah" pero ayun nginitian ko lang. Hindi ako lumingon nakikinig lang, ayaw ko nga HAHAHA mahalata pa eh. Natatawa ako kasi hindi akma yung boses nya sa katawan nya. Ang cute ng boses, paos na pangbata ganon. ??♀Namangha din ako sa name nya unique eh tapos kapag nagsasalita fluent pa sa English (plus pogi points). Then sabi ko ang badboy ng hitsura, pero baliktad sa boses. Sabi ko wag tayo dyan, delikado.?
FF: Nung nagstart na ang klase. Isa pa lang napatunayan ko. Matalino si Romeo. Active sa klase, puro sige pa sa English. Pero oops, hindi tayo magpapatalo.✊? Sigeng sagot din ako sa mga recitations.?Nagpapakitang gilas ganon. And every time na sasagot ako, uupo ako syempre then wait lang ng kaunti sabay sisimplehan kong sumulyap kay Romeo, and ewan ko ba ang lakas ng pakiramdam nya. Sa tuwing titingin ako nakatingin din sya.?♀?Pero katulad nung ginawa ko nung una, poker face lang tayo (wag magpapahalata ganon?) then tinarayan ko ulit. Pero sa loob ko natutuwa ako hahaha. Kumpirmado mga sis, crush ko si Romeo.
Then may subject kami (MAPEH) tapos nandon kami sa grandstand. Tapos yung seating arrangement namin, malapit ako sa kanya pero hindi enough para makita ko sya. Kaya ang ginawa ko tumayo ako, then kunyari may hinahanap HAHAHAHA pero ang totoo naghahanap ako ng way para matignan ko sya. Pagtingin ko sa kanya, nakatulala sa oval. Ano ba iniisip mo, hmm? Haaay. Eh nung oras nayon ang ganda ng panahon, maliwanag. Kaya yung sinag ng araw, nagrereflect sa mata nya. Kung naattract ako dahil gwapo at matalino sya, mas lalo akong naattract sa ganda ng mata nya which is kulay brown. Dahil maliwanag yung paligid, ang ganda ng pagkareflect sa mata nya, light brown. Sa buong araw na yon wala akong ibang ginawa kung hindi isipin sya hahaha opps acads nga kasi??♀. Pag may recitations? nagrerecite ako sabay sulyap then nirorolyohan ko ng mata kapag nagkakasalubong paningin namin(yes, whole day pa kasi non wala pang shifting ng classes). So ayun nga, naikwento ko na sa kasama ko na crush ko si Romeo(nahalata eh) Crush lang naman.?♀?
FF: Pag-uwi ko sa bahay, kinuwento ko kaagad kay ome yung crush ko. Pero hindi katulad ng ibang nanay na support. Baliktad sa nanay ko. Sinamaan nya agad ako ng tingin. Bukod kasi sa gusto nya kaming makapagtapos ng pag-aaral (di kasi sila nakapagtapos?), ayaw nya ng may naririnig na ganon. Pero open kasi ako kay ome. Di nya rin nagustuhan yung sinabi kong crush ko si Romeo. Pano kasi magkaiba kami ng religion ni Romeo.? Pure muslim ako, sya naman ay hindi. Sinabi ko naman na crush lang. Pero sabi ni ome, "Hindi mo alam kung san ka dadalhin ng pacrush crush na yan, tigilan mo yan sa umpisa pa lang." Which is true naman.
Hi! It's me, Ms. Juliet again.?☺So let's continue. Nagkaron ng eleksyon sa room. Time ng Filipino sub. Sya ang napiling escort. Bumoto din ako sis, gwapo naman kasi hahaha. Tapos nung muse na, wala tayong pag-asa kahit maging muse man lang nya. ?Pangit tayo sis. Ang dami pang magaganda sa room. Barbie be like ang ganda. Hahaha. So ayun nga pinapunta sa harap yung mga candidateS (madami kasi magaganda kasi talaga) for muse and tinawag din si Romeo sa harap. Hahaha itatabi sa kanya mga muse ganon, tamang matchmaker si ma'am eh??♀. Tumatawa ako, pero sa loob ko naiingit ako. Maganda kasi sila pero ako hindi.? Btw, ako lang ang muslim sa room hahaha. Then nung madami dami ng candidates for muse nagtanong na na sino daw ang magsasara para sa pagpasok ng pangalan para sa lakambini so nagtaas ako ng kamay. Yes, ako na Romeo.? Nung tinawag pangalan ko, tumayo na ako tapos sabay sabing "Malugod ko pong isinasara ang pagpaso—" "MAAM MAY HAHABOL"-sabi nung isa sa mga kuya sa room namin. Tapos syempre nanahimik ako, tapos umupo ulit. Pagtingin ko kay kuya, nakatingin sakin tapos ngumisi. Nanlaki mata ko kasi alam ko na. Magsasalita sana ako kaso nagsalita si kuya, sinigaw PA talaga nya " Ma'am, MALUGOD KO PONG IPINAPASOK ANG PANGALAN NI JULIET, 70 % MAPAGMAHAL!!" tapos nagsigawan na sa room.?♀? Tabi mga candidates, may nanalo na. ?Charot! Pero ako talaga ang binoto bilang muse. Ayyyiiee (kumalat kasi na crush ko daw si Romeo, weh? dinedeny ko pero totoo naman hahahaha) kahit don man lang partners tayo. Tapos sumulyap ako kay Romeo, nakatingin kang loko ka ah tinarayan ko nga.HAHAHAHA Hindi ako bibigay kahit gwapo ka Romeo. Kaya PA!✊?. Then after non, nagkaron ng groupings, and fortunately magkagrupo kami ni Romeo, tadhana nga naman oh. So sabi ni Ma'am, kolektahin daw mga index cards. Ipapasa daw kinabukasan. Btw, ako pala leader nila sa Filipino. So ayun nga, nagkaron tuloy ako ng rason para I add at imessage sya directly. So sabi ko, "Kuya yung index card nyo daw po, ipapasa bukas". Aidaww sa loob loob ko na masaya ako. Oo, masaya, crush lang naman hahaha. Tapos sabi nya "Makakuya ka naman". Ano ba gusto mo tawag ko sayo Romeo, hmm? Char, hindi tayo bibigay sis.?
FF: Kinabukasan, Inarrange kami by group and yes ang lapit ko sa kanya like isang upuan ang pagitan??♀. Bakit ba? malapit na yon HAHAHA! Kaso ayun nga. Yung mukha ko, haaay. Nagkaron ng task, tapos susulat sa Manila paper sabay paskil sa black board. Ako pa talaga pinagsulat nila?♀. Syempre, ginandahan ko sulat ko. Andyan si Romeo eh?. Todo recite din ako. Sya din naman hahahaha. Yung kaba, excitement, yung tuwa at kilig nandon sakin that time. Active kami parehas sa acads.
FF: Todo stalk kami ng mga kaibigan ko, yes mga kaibigan. Tatlo silang kaibigan ko so apat kami hahaha. Inistalk namin si Romeo, don ko nalaman na may ex pala sya. First gf, and unfortunately nagkahiwalay sila. Salamat sa kaibigan ko at nalaman kong mapagmahal si Romeo kaso sinaktan. Galante daw, at talagang maalaga. Bes, bakit mo sinaktan? Matalino, mabait, gentleman (yes gentleman, kaya daming napofall eh?), mapagmahal, makulit pa, kavibes ko ganon, bonus na yung gwapo.?
FF: Araw-araw excited akong pumasok. Dahil kay Romeo. Inspirasyon ko ang mga magulang ko, nadagdagan dahil sa kanya. Everytime na may groupings, minsan di kami magkagrupo pero madalas, oo. Hahahaha. Nagkakausap din kami parati pero always acads and asaran ganon. Hanggang sa napag-usapan namin si ex gf nya. Naow, nung una naawa ako, pero sa huli nagustuhan ko din si Romeo haaay. Solid magmahal si Romeo pero solid din manindigan.? So ayun, ang sipag nya mag-aral, pursigido sa buhay at sya yung tipo ng lalaki na gwapo pero hindi manloloko. Plus, talagang may paninindigan at may plano sa buhay, at mapagmahal pa sa magulang. Kaya hibahabol sya ni ex pabalik eh! Post ng post si ex nya about kay Romeo hanggang sa nakausap ko yung ex. Sabi ko tutulong ako. In short, maging daan para makapagbalikan sila at the same time maging daan para mawala na tong feelings ko kay Romeo, tsk. So ayun, ang ending nagalit sya sakin. ? Sorry na nga?✌ Pero syempre yung samin naayos pa pero yung sa sa kanila ni ex nya, malabo na. So ayun.
Ff: Nagkakalapit kami ni Romeo (groupings, chats, more on acads pero hindi pisikal na magkalapit hahaha tinatarayan ko parati eh), at masaya ako kasi inspirasyon sya sa pag-aaral ko. Nag-uusap kami madalas sa chats pero sa personal? Nah, hindi ako ganon. Tinatarayan ko talaga. Hanggang sa tinanong na ako ni Romeo bakit daw ako ganon? Kasi kaclose nya talaga lahat sa room. Ako lang hindi??. So umamin ako.? After non wala na. HAHAHAHAHA FINISH NA. Charot! Sanay naman kasi yon kasi dami ding nagkakagusto. Kaya sabi nya, okay lang daw. Kaya daw pala ako ganon umasta (mataray).?
So ayun, nagkakausap na kami ng madalas. Pero hindi kami yung harutan dito harutan doon. At syempre, hindi sya mapaglaro sa babae.? May oras talaga kami ng pag-uusap (thru chats hindi personal). Ewan ko ba, hahaha. Nagpacheck up din ako sa dermatologist for my skin's condition. Nairritate si balat so niresetahan ako ng gamot and Alhamdulillah bumalik naman sa dati yung mukha ko (nakadagdag sa self-esteem ko). Nawala mga pimples, kuminis din hahaha. Pero pinipimple pa din naman lalo na pag stress. So balik tayo. Kahit thru chats, masaya pa din. Pero syempre nandon yung ilang or awkwardness lalo na sa personal. Mas lalo na nya akong inaasar, at syempre bwiset din ako pero kinikilig inside. Kapag nag-uusap kami thru chats, una muna acads, gawaing bahay, at huli na yung asaran. hihi!???♀Ayon nga, never kong inexpect na magkakagusto sya sakin. HAHAHAHA
Ff: Nagtataka na ako kasi tanong na sya ng tanong, mga unusual ganon. Sobrang concern na sya sakin hahahaha. Parati kaming magkachat pero may bago ganon. "Kumain ka na ba?"?♀?✌ tapos puro paalala. Madalas ka ding tumulong sakin sa acads hehe. Mas matalino ka eh.? ? Then, di ko makakalimutan yung absent ako non tapos kinagabihan puro ka tanong? then kinabukasan may long quiz non sa English and hindi ako prepared at humabol lang ako non. Nagulat ako tumabi ka sakin tapos tinulungan mo na ako sa pagsagot. Result? Pasado? Ayun nga. Dahil sa nararamdaman kong may bago sayo, pinatanong ko na sa mga kaibigan ko non kung may gusto ka ba sakin. Oha!?? Assuming HAHAHAHA. Nasa bahay kami non ni D (isa sa mga kaibigan ko) and mag-aalasais na kaya umuwi na ako. Kabado ako sobra nung pauwi na ako kahit nung nakarating na ako sa bahay. Ayoko mag online. Then ayun nung di na ako nakatiis inopen ko din account ko. Sabog ang notifs ng gc naming magkakaibigan. Umamin ka eh! Grabe tumilapon talagang literal yung cp ko. Tapos tili na ako ng tili. Kilig syempre. Go with the flow lang ako eh.? Tapos ayun Dec. 20 2016 official na. Oooppz hindi kami, official na umamin sya sakin. Sabi kong hindi ako bibigay diba???✊
Ff: After non, mas lalo tayong naging close. Hindi man sa personal pero ramdam na ramdam ko. Hindi mo ako itinatanggi pero ako, OO. Parati kang naghihintay sa labas ng room naming mga girls ( hiwalay kasi ang TLE ng boys and girls). Tapos sabay sabay na tayong pupunta sa grandstand for the next subject.? Then one time, lumabas kami ng room ng TLE girls and wala kayo don kasi di PA kayo tapos hanggang sa may sumigaw sa pangalan ko, beki. So hinanap ko pa. Nasa second floor sila at nakatingin samin, sakin. Sabay sabing " Ikaw ba yung nililigawan ni Romeo?" Nagulat ako. Anong ligaw? HAHAHAHA sabi ko Hindi. Eh hindi naman talaga. Hanggang sa nakarating kay ex na ako na pala ang gusto nya. Kung anu-anong pagpapaalala sinabi nya sakin na kesyo wag kong saktan si Romeo ganon. Ang weird but I said yes, I won't. Yung dating tagacomfort lang, kaM.U na ngayon. Chill guys. Hindi kami, walang kami.?
Ff: Kung anu-ano narereceive kong gifts even foods galing kay Romeo. And I seriously feel like ang swerte ko. Kasi nasa kanya na lahat. Religion lang talaga. Btw, nalaman ko din na dati silang muslim, nagpaconvert lang ang lolo nya. Haaay. Nagsink in sakin na muslim ako at siya ay hindi. Heto na ang simula. On and off ang nangyayari. Aayaw ka, papayag ako. Then after ilang days, okay tayo. Then ako na naman ang may ayaw sa mga nangyayari then go ka lang din kasi alam mo yung sitwasyon natin, mahirap. Then after ilang days, okay na ulit. Haaay. Hanggang sa sinabi na nga ni Romeo kung ano ang plano nya. After 2 years, ipapakilala ko daw sya. And kinabahan ako. Kasi nga sya nga yung taong may paninindigan. Kilala sya ng mga kapatid ko (pinakilala ko eh, bukambibig ko PA halos pero syempre kilala nila ako di ako yung tipong go lang ng go alam ko din Kung kailan ako titigil). Then frustrated ako that time. Hanggang sa iniyak ko lahat sa tita ko. Gustong gusto ko kasi talaga si Romeo. Pero hindi kasi pwede.? Hindi pwede.
Pakagaanan tano dun, masaya ako pero natatakot ako. Yung dating kilig, saya, excitement. Nandon pa din pero may halo ng takot. Takot sa lahat. Takot sa kung anong pwedeng mangyari. Pero tuloy pa din. Hindi kami, walang kami, pero nandon yung emosyon. Hanggang sa mag-eend na yung Class.
April 4 2017, heto na nga. Moving up na. Parehas tayong may award.?Proud ako sayo sobra. Ikaw din naman sakin. Then kinagabihan, prom na. Umamin ka na nga sakin hahahahaha. Inenjoy ko.(Chill lang kayo, enjoy with my friends syempre, walang kung ano man ang nangyari). Alam ko po limatasyon ko.? Safe ang venue at syempre bantay sarado ang lahat ng students. I will never forget what you said that night.? Syempre yung mga sinabi ko din sayo. "Magtatapos ka bilang isang pulis, at ako naman bilang isang nurse" and you replied, "Ikaw ang gagamot sakin kapag nasasaktan ako". Tinawanan ko lang sinabi mo hahaha?. Malapit na...malapit ng magtapos. It was so wonderful, amazing and one of my unforgettable moments in my life. Nag-iyakan lahat (lalo na si Romeo syempre HAHAHAHA umiyak ka daw after sabi sakin ng mga kaklase natin, kaibigan mo ) sobrang saya.
Part 4 of Romeo and Juliet
Hi, this will be the last part. Then, after that thru chats na lang ang communication. April 10, 2017 binigyan mo ulit ako ng gift. It was a jar full of hearts (letters talaga yon na nakarolyo)? Sweet. Huli na pala yon.? Kasi after non, paunti-unti na akong bumibitaw.? Hanggang sa wala ka ng maramdaman at tinanong mo na nga ako. Kung ano na ba tayo? Pano na? Ikaw pa din ba. Pano na yung mga plano. Sinagot ko lahat. Wala na. Tumigil ka na. Wala ng after 2 years. Ayoko na. Tama na at kung anu ano pang masasakit na salita. I gave up on us and you let me go.? Hanggang sa nagtuloy tayo both magsenior high. STEM student ako at ikaw naman ay HUMSS student. Wala akong paramdam ng halos isang taon. Happy Happy lang hahaha nadalaw ako sa school natin kasi nagstay ka don as senior high student. Pumupunta ako mismo sa inyo, sa room nyo para mangumusta. Wala lang. Hanggang sa nakarating sakin na may bago ka. Hmm..dun na nagstart.? I thought I was okay. I thought wala talaga. I thought I was just inlove with the idea of being inlove. So I tried na magparamdam ulit. I just tried. And it went well, successful. Nagpost sa story yung bago mo. "Huwag kang manggagamit ng tao kung may hinihintay kang bumalik". Before she came, there was me.? I was glad, because I thought you were still waiting for me. But I was wrong. After months may bago na naman. I was hurt that time. Why? How? I thought It was me? Anong nangyari? I was bitter, I am trying to move on pero wala. Alam kong ako yung nang-iwan sa kanya, pero mas masakit kasi kailangan.? Hindi pwede. Nakasubaybay lang ako sa inyo that time. Kilala ko pa yung bago mo (kareligion ko pa, so I said maghihiwalay din kayo just like what happened to us). Ako naman, ako naman ang nagsasuffer. I tried na magkagusto sa iba but I always find myself coming back to you. Sayo lang.
Hanggang sa magcollege na tayo. Still the same. I took the program of BSN(Bachelor of Science in Nursing) while you took BS Criminilogy. One time pauwi na ako galing school. At mas pinipili ko talagang maglakad lakad. Feel na feel ko kasi yung environment ft. music that fits my mood tapos nakita ko kayo. Inaayos mo yung bag nya. Wow?(dati pinapagalitan mo ako dahil laging bukas ang bag ko, ikaw na din nagsasara). I dunno napatigil talaga ako. And hindi ako nagdalawang isip na tumalikod at bumalik sa school. Walang salita, as in tumalikod ako at naglakad pabalik sa school(ang layo na ng nalakad ko). Blangko. Yun lang ang pakiramdam ko. I was hoping na Di MO AKO NAPANSIN. hahahaha But I think you did notice me.? I was wearing my uniform with my face mask. Alhamdulillah.? All white. Nung nakasakay na ako pauwi don ako nakapag-isip. HAHAHAHA Bakit ako tumalikod, bakit ganon reaction ko. What a coward.??Mapaglaro talaga tadhana noh? Ang hirap. Days, months and even turn to years ang paghihintay ko na maghiwalay kayo. Sa t'wing nakikita ko mga kaklase natin dati. Parati nila akong tinatanong. Kumusta na daw tayo? Love wins remember???Kasi nga wala ngang titibag eh. But look at us now? We are both happy now...pero hindi sa piling ng isat-isa. Sabi ko nga mas matagal pa feelings ko kaysa sa relasyon nyo HAHAHAHA but I'm happy that I am finally moved on. Nagbalik Islam ka nga din pala. If there's a will there's a way talaga. Nagulat ako, but Alhamdulillah for the both of you.? Naghihintay pa rin naman ako...hindi na sa hiwalayan nyo, kundi sa kasalan na magaganap. Mashaallah?. I guess hanggang dito na lang. I love in a hurtful way. We were like Romeo and Juliet (cause you are not my Romeo anymore). I took the potion of giving up. You mistook it and thought I was dead—the love is gone. But you were wrong. And so I took the knife that killed you, your love for me— the knife of acceptance.? Now, our love has ended. I am with you in the prologue and sadly, not with epilogue. I am just a lesson to you and so you are to me. Alhamdulillah for the lessons and bismillah for the upcoming trials in my life.? Hanggang dito na lang. I hope may natutunan kayo.
ps: Kapag naalala ko yung memories, I always utter "Alhamdulillah". Cause the fear I felt years ago was a sign that I still have this Imaan(though weak cause I got attracted and fell in love) but I did overcome not to enter in a relationship which is haram.Years bago ako nakamove on, but Alhamdulillah talaga.??
I am open for criticisms, I am ready for that, and same as well to your pieces of advice.
pps: Ang lahat ng nangyari sayo, nangyayari, at mangyayari sayo (mabuti man o masama) ay pinahintulutan ni Allah(S.W.T). Correct me po if I am wrong. I am open for criticisms, and corrections po.?
- Ms. Juliet