Kinabukasan ay maaga na silang nagbiyahe ng anak at ng Yaya Nida nito papuntang Bacolod-Silay International Airport. Karga naman ni Yaya Nida ang kanyang anak habang nasa Airport na sila. Sumunod ito sa kanya papuntang eroplano kung saan sila naka schedule habang karga nito ang anak n'ya. Umakyat na sila sa eroplano at agad silang iginiya ng flight attendant kung saan sila maupo. Nang makaupo na sila ng maayos ng anak at yaya ay kinuha niya ang anak niya rito at s'ya na ang kumandong rito. Pagkaraan ng ilang sandali ay nag anunsyo na ang flight attendant na aalis na ang eroplanong sinakyan nila. "Please ensure all carry-on baggage is stowed under the seat in front of you or in the overhead bins, and that your seatbelts are fastened." Malakas na anunsyo ng isang dalagang flight att

