Parang maiyak si Telly sa kanyang nakita, sa pagyakapan ng kanyang mag-ama. Mas masarap sana sa pakiramdam kung bumalik na ang buong alaala ni Samuel. Pagkatapos nitong niyakap ang anak ay saka naman ang pagdating ni yaya Nida na nagdala ng pagkain para kay Baby Jairo. "Excuse me po, Ma'am Telly, at Sir. Kukunin ko muna si Baby Jairo upang pakainin." Anang yaya. Napatingin si Samuel sa yaya. Nais pa sana niyang kausapin ang anak niya. "O-okay, saka ko na lang s'ya kakausapin. Baby, mag-uusap tayo mamaya ha." Nakangiting wika ni Samuel sa kanyang anak. Ibang-iba ang kanyang naramdaman sa bata. Naramdaman niya talagang anak niya ito. " Yes, Daddy!" Tugon naman ng bata sa kanya. Parang natuwa naman si Telly sa narinig mula kay Samuel. Tuloyan nang kinuha ni yaya Nida ang bata u

