Hindi naman nakasagot si Telly sa tanong sa kanya ng asawa. Kahit wala ito sa memorya nito ay mukhang walang pinagbago ang mga tingin nito sa kanya. Tulad ngayon, ganoon parin ang mga tingin nito sa kanya. Sa tuwing makikita s'ya nito noon na ganitong nakatapi lang ng tuwalya ay halos didikit na ang mga mata nito sa kanya. "Pipikit ka nalang, Samuel. Saka kana tumitig kung babalik na ang memorya mo. Sige, excuse me." Wika niya rito na hindi nagbibiro at di na hinintay pang sasagot ito sa kanyang sinabi at tinalikuran niya agad ito. Talagang magsalita sana si Samuel subalit tinalikuran agad s'ya ni Telly. Sinundan nalang niya ito ng tingin. Sobrang kinis ng hita nito at dibdib. Maiksing tuwalya lang hanggang hita ang nakabalot sa hubad nitong katawan. Hindi maintindihan ni Samuel ang s

