"Kung ako sa ex-fiancee niyo, Sir ay babalikan ka na lang niya. Swerte na niya sa'yo, nagkamali ka nga sa kanya pero talagang minahal mo talaga s'ya. At isa pa, ayaw pa niya no'n? kung saan s'ya nadapa dati ay doon na rin s'ya babangon." Ang sabi ng isang kasamahan ni Samuel na si Sergeant Veloso. Napakunot-noo naman si Samuel na napatingin sa kasamang sundalo. "Anong ibig mong sabihin na kung saan s'ya nadapa ay doon na rin s'ya babangon?" Tanong pa ni Samuel. "Hindi mo naintindihan 'yun, Sir ?" Nakangiting wika nito. "Bakit? ano nga, naintindihan ko naman 'yan. Pero gusto ko lang linawin mo." Sabi naman ni Samuel. "Diba ex-fiancee mo s'ya, Sir? idi, ilang beses mo na rin 'yang nabembang noon. Kaya sana, makipagbalikan na lang s'ya sa'yo." Nakangiting sabi nito habang nakikinig l

