Para s'yang itinulos sa kinatatayuan nang malingunan niya si Samuel. Patuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya habang nakatingin ito sa kanyang mukha. Biglang kumulo ang ang kanyang dugo nang muli niyang makita ngayon ang babaerong mukha ng kanyang dating kasintahan. Totoo nga ang sinabi ni Elsa, mas lalo itong naging guwapo na nag matured ito ngayon. Mas lalo pa itong naging matikas ngunit hindi pweding hahayaan na naman niya ang kanyang sarili na muling mahulog sa diskarte nito sa ikalawang pagkakataon. Nais niya itong takasan ng mga sandaling iyon pero iyon na nga ang sinabi ng kanyang kaibigan at sa mismong isip niya na hindi niya ito maiiwasan. Nainis s'ya nang isipin na baka nagduda lang pala talaga itong nasa loob lang siya ng bahay nina Elsa kaya inabangan talaga siya nito

