CHAPTER 1

1681 Words
"Oh sige, salamat po, Sir, kahit nanerbyos ako sa ginawa mo." Sabi naman n'ya rito at dahan-dahang kinuha ang kanyang palanggana na puno ng mga labahin upang dumistansiya sa ahas na wala ng buhay. Kahit wala ng buhay ang ahas na ito ay nakakatayo parin ng balahibo kapag tingnan n'ya ang mukha ng ahas. " Gano'n ka lang magpasalamat? sana hinayaan ko na lang yung ahas na tuklawin ka." Sabi pa nito sa kanya ngunit nakita naman n'yang gumuhit ang kunting ngiti sa labi nito na nakatingin sa kanya para bang biniro lang s'ya nito. Totoo nga talaga ang sabi ng lahat na ang guwapo ng lalaking ito. "Tumulong ka nga pero parang pinagsisihan mo naman, Sir." Galit ang tonong wika n'ya rito na hindi naman n'ya sinasadyang magalit. " Eh kasi, nagpasalamat ka nga pero wala namang kalambing-lambing ang boses mo. Lambingan mo naman ng kahit kunti ang boses mo para ganahan naman akong makinig sa pagpapasalamat mo." Pilyong wika pa nito sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata n'ya sa sinabi nito. Sus ko! ito talaga ang pinaka ayaw n'ya. Ang lalaking tulad nito na parang nagpapa akit ng mga babae! army pa naman ang tsokoy na to. "Lambingin mo mukha mo, Sir!" Di naman n'ya napigilang salita rito na pakiramdam niya'y parang namula pa ang kanyang mukha. Hindi s'ya takot kahit na isang Lieutenant Colonel pa ito ay wala siyang paki. Narinig naman n'ya ang pagtawa nang makita ang pamumula ng mukha n'ya. "Tingin ko'y hindi ka sanay sa ganitong mga biruan? masyado kang pikon. Bye the way, ano nga palang pangalan mo?" Tanong pa nito sa kanya. "H'wag niyo na pong itanong." Nakasimangot na sagot n'ya rito. Nakakainis ang tulad nito dahil bukod sa mukhang babaero pa ang dating nito ay naalala pa n'ya ang kanyang amang manloloko na isa ding Army tulad nito. At yun talaga ang pinaka ayaw n'ya sa lahat. "What? kahit pangalan mo ay ipinagkait mo? bakit parang galit ka ata sa mundo?" Wika pa nito sa kanya. Bigla namang dumating roon sa ilog ang tatlong dalagang taga roon lang din sa kanila. Nakita kasi ng mga ito na pumasyal ang bisita ni Carlos papuntang ilog kaya hindi na nahiya ang tatlong ito na sumunod roon. At mas lalong naintriga pa ang mga ito nang marinig ang dalawang beses na pagputok ng isang baril. Magsalita sana siya ngunit hindi iyon natuloy nang biglang dumating roon ang tatlong dalaga na halos kababata lang nya. Sina Rose, Karla at Jessa. May ipagmamalaking ganda ang isa sa mga ito at iyon ay si Rose. At ang dalawang kasama nito ay sina Jessa at Karla ay maganda rin naman. "Hi! sir, Samuel! good morning! nandito ka pala. Sinilip kasi namin dito kung bakit may putok ng baril dito. Nandito ka pala, Sir." Nagpapa cute pang wika ni Rose rito at napatingin naman kay Telly habang siya'y naglalaba. " Good morning too, ladies. May ahas kasi kaya binaril ko." Matamis namang ganting bati ng binatang Army at ininguso nito ang ahas. Kapwa naman nagulat ang tatlong bagong dating nang makita ang ahas na patay na. " Kakatakot! malaki na yan ah!" Wika pa ni Rose. Nakatingin naman sa kanya muli si Rose at ang dalawang kasama nito na sina Jessa at Karla. " Nandito ka rin pala, Telly." Sabi pa ni Jessa sa kanya. "Oo, maaga akong naglaba rito." Pormal na sagot naman n'ya kay Jessa. " Ahh! Telly pala ang pangalan n'ya, ayaw kasing magpakilala." Nakangiting wika pa ng binatang Army na muling napatingin sa kanya. Nagsalubong na naman ang mga kilay niya habang todo ang kuskos niya sa kanyang mga nilabhan. Hindi na n'ya pinansin pa ang binata at tahimik na s'yang patuloy lang sa kanyang ginagawa. Pero ang totoo'y kahit tahimik na s'ya. Kahit gaano pa ka guwapo ang Army na ito ay hindi n'ya talaga type kapag tulad na sa kanyang ama. " Sir, Pasensya ka na kay Telly. Ganyan lang talaga yan. Come on, Sir. Kung gusto mong ipasyal kita dito sa paligid ay sasamahan na kita. Pwede din tayo maligo dito sa ilog Sir, kung gusto mo. May malalim na tubig sa unahan sa bahagi ng ilog na ito." Nakangiti ng matamis na wika ni Rose sa binata. " Okay! tayong dalawa lang ba?" Tanong pa nito. Napatingin naman si Rose kina Jessa at Karla at sumenyas itong ito na lang muna at ang binata ang mamasyal. Tumango naman sina Jessa at Karla rito kahit naiinggit ang mga ito kay Rose. Pagkaalis nina Rose at ng binati ay sabay pang napatili sina Jessa at Karla dahil kilig na kilig ito sa binata. "Naku, naku, ang swerte ni Rose! baka siya na ang susunod na matikman ni Sir Sam." Kilig na kilig pang wika ni Jessa. "Yes, sabi pa naman ni Carlos na isa na daw sa taga atin ang natikman ni Sir Samuel. Wow naman, sana bago s'ya uuwi ay matikman din n'ya tayo. OMG!" Tili pa ni Karla at napatili na rin si Jessa sa kilig. Nanlaki pa ang mga mata ni Telly sa narinig mula sa mga ito. Napansin naman s'ya ng dalawa. " Hoy, Telly. Manhid ka ba talaga? dahil di ka naaakit sa kaguwapohan ni Sir Samuel?" Nakangiting tanong pa sa kanya ni Jessa. " Kaya nga. Kayo lang kanina rito ni Sir, pero parang biyernes Santo naman yang mukha mo." Sabi pa ni Karla sa kanya. "Naku, h'wag na nga kayong mandamay diyan! hindi ako magkakapera kung mag kilig-kilig din ako tulad niyo. At isa pa, sa mukha pa lang ng lalaking yun ay wala ka nang aasahan no'n. Daming babae yun. Alam niyo namang bihira lang siguro ang matinong Army ngayon." Irap n'ya sa mga ito. " Naku, bahala na, Telly kung babaero! ang sarap kaya kung mahalikan ng tulad ni Sir Sam!" Kinikilig paring wika ni Karla. "Yes! Karla!" Sang-ayon pang tili ni Jessa. Napapailing na lang s'ya at parang siya ang napapangitan sa mga acting nina Jessa at Karla lalo na si Rose na talagang ginusto pa nitong sumama sa lalaking yun para lang matikman din ito. Nagmamadali na n'yang tinapos ang kanyang ginawang paglaba upang makauwi na s'ya. Baka kung bigla na lang kikidlat roon sa ilog ay madamay pa siya dahil sa pagpapasaway ng mga ito. Medyo mataas na ang araw nang siya'y matapos sa kanyang nilalabhan. At pagkatapos naman n'yang nagsampay sa mga ito ay nagpahinga na muna s'ya. Mamayang hapon nalang s'ya mag garden. Kinahapunan nga ay nag garden nga siya at pagdating ng kanyang dalawang kapatid at ang babaeng kapatid niyang si Rina ang nagluto sa kusina. At ang lalaki niyang kapatid na si Troy ay s'yang bumili ng Mineral na tubig sa tindahan ni Aling Bebang. Ang tubig kasi sa hoose na s'yang ginamit n'ya sa pagdilig ng kanyang mga pananim ay galing iyon sa ibabaw kung saan may batis kaya di iyon safety na inumin nila. " Ate, tapos na po akong magsaing. May bibilhin lang po ako sa tindahan ni Aling Bebang." Paalam naman nito sa kanya. " Oh, bakit di mo na lang ipinadala kay troy?" Tanong naman n'ya rito. " Nakalimutan ko po, ate eh." Sagot naman nito sa kanya. " Oh Sige." Tango naman n'ya rito. Pagkaalis ng kanyang bunsong kapatid ay agad s'yang nagpokus muli sa kanyang pangunguha ng mga tumubong damo sa kanyang garden. Sa sabado ay maaga na naman siyang mag deliver sa lungsod. May buyer naman s'ya kaya maghahatid na lang siya roon. Maya-maya'y biglang tumahol ang kanilang aso kaya agad s'yang napasilip sa unahan kung ano ang tinahulan ng aso nila. At nabigla siya sa nakita na paparating sa bahay nila sina Carlos at ang kaibigan nitong nakatagpo n'ya kanina sa ilog! ang Lieutenant Colonel na binatang military! Bigla naman s'yang kinabahan kung anong kailangan ng mga ito sa kanila. Nagmamadali naman s'yang nagtago sa may makakapal na halamang damo unahan sa kanyang garden at sumiksik roon. Ayaw n'yang magpakita sa mga ito. Kahit di pa n'ya alam kung ano nga ba ang kailangan ng mga ito sa kanila. Tumigil naman ang pagtahol ng kanilang aso. Mabait naman kasi ang aso nila kaya kung tatahol man ito ay titigil din agad. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib n'ya habang nakasilip sa mga dumating sa mismong tapat ng kanilang bahay. " Tao po! Telly! nasaan ka? tao po!" Sambit at tawag pa sa kanya ni Carlos. At samantalang kitang-kita naman n'yang napapalibot ang tingin ng binatang kasama nito. Napatingin at nagmamasid ito sa kanyang mga gulayan at sa kanyang mga bagong tinanim. " Telly! nasaan ka ba?" Muling sambit ni Carlos sa pangalan n'ya. Ang di alam ng mga ito na nagtatago lang pala s'ya at nakamasid sa mga ito. " Wala ata si Telly rito. Sabi ng dalawang kapatid niya doon sa tindahan ni Aling bebang ay nandito lang ang ate nila." Wika pa ni Carlos sa kasamang kaibigan na si Sir Samuel. "Paano, babalik na lang tayo bukas ng umaga. Baka may nilakad lang si..si Telly. Pero hapon na ahh, saan kaya nagpunta?." Sabi pa ni Sir Samuel. "Ewan ko lang sa babaeng yun, Sam." Sabi naman ni Carlos. "Siya ba ang nagtanim sa lahat ng mga gulay na nasa paligid ng bahay nila?" Curious pang tanong ni Sir Samuel na inisa-isang tingnan ang mga matatabang gulay at marami pang mga bunga iyon. " Yes, Sam. Siya. Wala kasing ibang ginawa kundi nandito lang siya sa bahay nila at nagtatanim lang ." Tugon naman ni Carlos. "Ang sipag naman pala." Sabi pa ni Sir Samuel. " Oh sige na, uuwi na lang tayo. Walang tao eh, bukas na lang tayo ng umaga babalik." Nakangiting wika pa ni Carlos. "Uuhhmm, okay. But... duda ko lang na pinagtataguan lang n'ya tayo." Nakangiting wika ni Sir Samuel. "Grabe naman, natakot siguro si Telly sa'yo, Sam." Nakangisi pang tugon ni Carlos. Ngunit tumuloy parin sa pag-alis ang mga ito. Nanggigil tuloy si Telly na lumabas na rin mula sa kanyang pinagtataguan. Ano naman kasi ang kailangan ng mga ito sa kanya? parang nananadya yata sa kanya ang mga lokong yun ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD