CHAPTER 2

1749 Words
Maya-maya'y dumating naman ang kanyang dalawang kapatid na mula sa tindahan ni Aling Bebang. Tumigil na rin siya sa kanyang pag gagarden at pumasok na rin sa loob ng bahay nila. "Ate, saan ka pala kanina? sabi kasi nina Kuya Carlos ay wala ka daw rito." Tanong ng kanyang kapatid na si Rina. " Oo nga po, ate. Wala ka raw po dito." Segundang tanong naman ni Troy. Si Troy ay Sixteen years old at Thirteen years old naman si Rina. Kapag walang pasok ang mga ito ay masipag naman ang dalawang kapatid at siya'y tinutulongan sa trabaho tulad ng pag-aalaga sa kanyang mga pananim at paghaharvest. "Bakit ba? ano bang kailangan ng mga yun dito?" Seryosong tanong n'ya sa kanyang dalawang kapatid. "Hindi din po namin alam, ate." Sabi naman ni Troy. "Ang guwapo po ng kasama ni kuya Carlos, diba ate?" Nakangiting wika ni Rina na parang kinilig din ang trese anyos na kapatid. "Aba't ang bata mo pa alam mo na ang kilig kilig ha. Magtino kayo, dahil nagsisikap ako para sa inyo, lalo ka na Troy, h'wag munang mag Jowa. Tingnan niyo ako kung ano ang ginagawa ko araw-araw. Kaya sundin n'yo kung anong prinsipyo ko sa buhay dahil wala tayong mga magulang. Ikaw Rina ha, h'wag kang gagaya sa mga babae dito sa ating baryo. Magtino ka at mag-aral ng mabuti upang marating ang mga pangarap mo, kayo ni Troy. Malalaman ko lang talaga. May hinanda akong pamalo. Paluluhurin ko kayo habang pinapalo ko kayo. Tandaan niyo yan." Galit n'yang wika sa mga ito. Napakamot naman sa ulo si Troy. " Si ate naman. Ang strict. Si Rina lang naman yang kinikilig diyan, tapos nadamay pa ako. Alam ko naman po ate ang hirap na mga pinagdaan natin ngayon mula pa noon kaya di muna talaga ang ako mang-girlfriend kung di pa ako tapos sa pag-aaral." Sabi pa ni Troy. "Hindi naman po ako kinilig ate para sa sarili ko. Ang bata ko pa kaya. Kinilig po ako, para sa'yo." Sagot pa ng kanyang kapatid na babae. Nagsalubong naman ang kilay n'ya sa sinabi ng kanyang bunsong kapatid. "Anong para sa akin ang kilig mo?" Salubong na naman ang kilay na tanong n'ya. "Opo ate. Kinilig ako, baka kasi type ka sa kaibigan ni Kuya Carlos dahil nagtatanong siya kanina sa tindahan tungkol sa'yo kung bakit wala ka daw. Boto naman ako. Mukhang mabait naman eh at siyempre, may pera din." Sabi pa ng bunsong kapatid na ikinapanlaki pa ng kanyang mga mata. " Ano? tumigil kang bata ka ha, alam niyo naman kung gaano ako kagalit sa mga tulad niya. Ilang ulit ko bang sabihin sa inyo na hindi ako mag-aasawa. Lalo na sa lalaking tulad sa walang hiyang ama natin. Kaya ayokong maririnig na irereto niyo ako sa kahit sino. Ikaw ha, ang bata mo pa, marunong ka na." Galit n'yang sabi muli sa bunso nila. Ito naman ang napakamot sa ulo. " Si ate naman. Sorry po." Pakumbabang wika pa nito. "Tama ka po ate. Parang mga playboy ang mga army. Tulad na lang sa tunay nating ama. Hindi n'ya pala tayo totoong pamilya dahil niloko lang pala n'ya si Inay na siya'y binata. At ngayon, nakita ko rin ate na iba-iba ang babaeng kausap ng kaibigan ni Kuya Carlos. At narinig ko din na may binimbang na siya ate dito na taga atin." Sabi pa ni Troy. " Ssshhh!! ang lakas ng boses mo. Ang tsismoso mo. Yun na nga sinasabi ko na parang walang matino sa mga tulad nila. Pero wala na tayong pakialam sa buhay ng ibang tao lalo na sa lalaking yan. Sa kanya na din yun kung mamembang siya dito." Saway pa niya sa kanyang lalaking kapatid na daig pang babaeng mag tsismis. " Ate Telly, ano po yung mamimbang?" Curious pang tanong ni Rina sa kanya. Natawa naman si Troy sa tanong sa bunso nilang kapatid. " Hay naku. H'wag mo nang isipin yun Rina! tumahimik na kayo." Saway n'ya sabay napapailing. Sumasakit tuloy bigla ang ulo niya sa kanyang dalawang kapatid. Maaga pa silang natulog sa gabi. Pagkatapos nilang naghapunan ay kanya-kanya na silang nagpapahinga sa kanilang mga kuwarto. Iisang kuwarto lang sila ng kanyang babaeng kapatid. At ang kanyang lalaking kapatid naman ay separate ito ng kuwarto sa kanila. _____ Kinabukasan ay maaga pa siyang nagising dahil iyon na rin talaga nakasanayan niya. May pasok man o wala ang kanyang mga kapatid ay talagang maaga siyang magising. Makapagluto na agad siya para almusal ng mga ito. Nagluto lang siya ng itlog at carne norte at nagsangag ng kanin. Magsaing lang siya ng kunti dahil marami ang sinangag niyang kanin. Matapos ang paghahanda at kumain ng almusal ang kanyang mga kapatid para papasok na ay nagpapaalam na ang mga ito sa kanya. "Alis na po kami, ate." Paalam ni Rina. "Bye po, ate." Paalam din ni Troy. "Sige, ingat kayo." Tugon naman n'ya sa mga ito. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid ay kumain na rin siya para pagkatapos ay magsimula na siyang mangharvest. Biyernes kasi ang araw na iyon at araw ng kanyang harvest. Bukas ay sabado na. Magdedeliver na siya ng kanyang mga produkto at habang siya'y magdeliver ng kanyang mga produkto bukas ay ang dalawang kapatid naman n'ya ang magharvest ng tuloy sa kanyang ibang mga pananim dahil pagka linggo ay idedeliver na naman n'ya iyon. Lumabas na nga siya at nagdala ng mga sisidlan upang mag harvest na agad. Malalaki na ang mga bunga ng kanyang mga ampalaya at talong, mga sitaw at may mga kalabasa pa siya sa unahan. Kahit sa ganitong simpleng buhay n'ya ay masaya na siya. Mapapaaral at mairaraos lang n'ya sa kahirapan ang kanyang mga kapatid at makapag ipon ng malaki ay okay na sa kanya. Ang sarap kaya na magkakapera mula sa pinaghirapan at lalo na inspirasyon n'ya ang kanyang mga kapatid. Habang nag harvest siya ay tumahol na naman ang kanilang aso. Bigla naman siyang kinabahan kung sino na naman ang tinahol ng aso nila. Sinilip naman n'ya sa unahan kung sino kaya nanlaki pa ang kanyang mga mata nang makitang si Carlos na naman iyon at ang bisita nito! Jusko, ano ba kasi ang kailangan ng mga ito sa kanya. Hindi na siya dapat pang magtago dahil ano ba kasi ang katatakutan n'ya sa mga ito? wala naman siguro siyang dapat na katakutan. Tuloy lang siya sa kanyang pagharvest. Narinig pa n'ya ang pag-uusap ng mga ito nang papalapit na sa kanilang bahay. Tulad kahapon ay natigil lang naman agad pagtahol ng kanilang aso. Kahit naramdaman na n'yang papalapit na si Carlos at ang bisita nito ay ni hindi siya lumingon at kunyari ay hindi n'ya ang mga ito napansin at namalayan na dumating habang naghaharvest siya sa kanyang mga gulay. Naramdaman pa n'yang tumigil sa paghakbang ang mga ito at tumigil din sa pag-uusap. Siguro ay nagmamasid ang dalawa sa kanya. "Good morning,Telly!" Biglang bati naman sa kanya ni Carlos. Kaya napilitan siyang itigil ang kanyang ginagawa at taas noong nilingon n'ya ang mga dumating. Agad nasalubong ng kanyang mga mata ang kasamang kaibigan ni Carlos na Army. Ang guwapo talaga nito. Ngunit hanggang doon lang iyon. Hahanga lang ang isip n'ya ngunit ang puso n'ya ay never itong titibok dahil iyon ang ipinangako n'ya sa kanyang sarili noon pa man. Nakita pa niya sa mga mata nitong parang humanga ito sa kanya habang pinagmasdan siya nitong masipag na naghaharvest ng mga gulay na kanyang mga itinanim. " Hi! good morning, Telly!" Nakangiting bati din nito sabay kindat pa nito sa kanya. Kahit kapwa nakangiti ang dalawa sa kanya ay hindi talaga siya gumanti man lang ng ngiti sa mga ito. " Oh, Kuya Carlos, may kailangan po ba kayo? magandang umaga rin po sa inyo." Seryosong tanong naman n'ya kay Carlos at ganting bati sa mga ito. Nakasanayan na n'ya kasing Kuya Carlos ang tawag n'ya dito pati na din ang kanyang mga kapatid. Twenty pa lang ang edad n'ya bata pa lang siya noon ay binatilyo na si Carlos kaya Kuya ang tawag nila rito ay ng mga kaedad n'ya sa lugar nila. At ang pagkakaalam n'ya ay Eight years ang tanda nito sa kanya kaya nasa twenty eight na ito ngayon. At mukhang kaedad lang nito ang kaibigan nitong Lieutenant na bisita. "Sinamahan ko lang itong kaibigan ko. Gusto n'yang papasyal dito sa'yo." Nakangiting tugon ni Carlos sa kanya. Tinapunan naman n'ya ng tingin ang kasama nitong bisita na panay ang ngiti sa kanya ngunit hindi naman siya gumaganti ng ngiti rito. Lumapit pa ang mga ito sa kanya. " Bakit po? may importante po ba kayong kailangan, Sir?" Hindi naman nag-alinlangang tanong n'ya at tinapangan pa n'ya ang kanyang sarili na salubungin ang mga tingin nito sa kanya. Hindi man n'ya nagustohan ng umagang iyon ang pagpupunta ng mga ito sa kanya dahil una, disturbo iyon sa kanyang trabaho at isa pa ayaw n'yang makakausap ang mga ito. Subalit bastos naman kung hindi n'ya ang mga dumating kakausapin ng pormal. Lalo na't mga professional pa naman ang dalawa. Sergeant itong si Carlos at isang Lieutenant Colonel naman ang kasama nito ngayon. Kahit hate n'ya ang tulad ng mga ito ay bastos naman kung magagalit na lang siya deretso na walang dahilan. Iyon nga lang, never siyang ngingiti sa mga ito. "Masarap kumain ng Fresh na gulay lalo na't ikaw ang nagtanim.. Ibenta mo ba ang mga hinarvest mong yan?" Pormal na wika at tanong sa kanya ng bisita ni Carlos habang nakapamulsa ito. Naalala pa n'ya ang pagligtas nito sa kanya mula sa ahas. " Yes po, Sir. Ibebenta po talaga." Sagot naman agad n'ya rito. " Bibilhin ko na lang lahat yan, at ipamimigay sa mga Kapit-bahay n'yo rito. Mas mamahalan ko pa ang presyo. Pero sa isang kondisyon, una, ipagluto mo ako ng tortang talong at ginisang ampalaya na may itlog ding sahog. At pangalawa, ipakita mo sa akin ang mga magagandang ngiti mo dahil di kita nakitang ngumiti mula pa kahapon sa ilog." Sabi pa nito sa kanya. Natigilan naman siya sa offer nito at sa sinabing kondisyon nito. Pati ba naman ngiti n'ya? kaloka! "Game? By the way, ako nga pala si Samuel Hernandez. Just call me 'Sam'. At alam ko nang ikaw si Telly. Ano Miss Telly, game ka ba? tulongan pa kitang mag harvest para maaliw naman ako dito." Malawak ang ngiting wika nito sa kanya na mas lalong nakadagdag ng kaguwapohan nito. Natawa naman si Carlos sa narinig mula sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD