Samantalang si Samuel ng mga sandaling iyon ay nagulat talaga sa ipinagtapat ni Lora. Hindi niya akalaing iyon ang sasabihin sa kanya ni Lora. " Nagulat ka ba, Sir sa ipinagtapat ko?" Tanong nito sa kanya. Sandaling hindi nakaimik si Samuel subalit nakatitig lang ito kay Lora. "Mahal kita Sir, at kahit saang sulok dito ngayon ay pwedi mo akong angkinin." Sabi pa ni Lora. Muling nanlaki ang mga mata ni Samuel sa narinig mula kay Lora. "Bakit ganyan ka nalang ka disperada? bakit mo ba 'yan sinasabi sa akin? alam mo naman na kasintahan ako ni Telly, diba? pwede kang maghanap sa mga single sa mga kasama ko at h'wag sa akin. May kasintahan na ako, Lora." Ani Samuel rito. " Gusto kong magpakatotoo, matagal na kitang gusto. Alam kong may iba ka nang mahal at si Telly 'yun, pero gusto

