Inis na inis namang nagpipiglas si Telly mula rito. " Ano ba! respeto naman, Samuel! kung ayaw mong maghihiwalay na naman tayo!" Galit na sigaw ni Telly rito. Namangha si Samuel sa narinig mula kay Telly kaya binitawan nito si Telly na nagsalpukan ang mga kilay. "Hindi ako natutuwa, Telly. Ikaw itong gumagawa ng paraan upang mag away tayo! bakit hihiwalayan mo ako? dahil sa walang kuwentang pinagawa mo kay Lora?" Matigas na tanong ni Samuel sa kanya. " Anong walang kuwenta? doon kita sinubok! mahalaga iyon para sa akin na subukan ka para malaman ko kung matatag ka ba talaga sa tentasyon!" Sagot ni Telly rito na inis na inis. "Hindi naman ako nadala ah, dahil mahal na mahal kita! dati noong nasa malayo ka ay marami ding nang aakit sa akin pero nalampasan ko din sila!" Sagot naman

