Tinugon niya ang maiinit na mga halik ni Samuel ng mga sandaling iyon. Halik na palalim ng palalim. Naroon na naman ang feeling na nais mo agad isuko lahat kung ano ang gusto nito. Tila ba may kapangyarihan si Samuel na paamuin at pasukuin agad s'ya sa pamamagitan ng mga halik nito. Damang-dama niya ang kasabikan nito sa kanya. At nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay muli s'ya nitong tinitigan habang nanatiling nakahawak ang isang palad nito sa kanyang mukha. "Namiss mo ako no?" Tanong nito sa kanya. "Medyo. Nag-alala lang talaga ako." Sagot naman niya rito. "Bakit medyo pa? ikaw talaga. Alam mo bang sa gitna ng laban ay naiisip parin kita? ikaw ang naging dahilan kung bakit naging matapang ako. Ayoko pang mamatay, dahil nais pa kitang makasama, Telly. At kung pagbigyan na ako

