CHAPTER 8

1879 Words
"Ate naman. Pakiharapan mo na lang ng maayos sina Sir Samuel. Bahala na kung di mo sagutin, Basta kausapin mo na lang ng maayos, ate. Nakakahiya po, nagtatago po kayo." Sabi naman ni Troy sa kanya. Pinandilatan naman n'ya ng mga mata ang kapatid na si Troy. At pinagbantaan n'ya ito sa pamamagitan ng kanyang mga matalim na mga tingin rito. Natahimik naman si Troy dahil nakita n'ya ang nagbabantang mga tingin na ipinukol rito ng ate nito. "Tama nga Telly. Buti nga ay pormal ka talagang inakyatan ng ligaw ni pareng Samuel." Sabi pa ni Carlos sa kanya. "Alam niyo naman siguro at di na kayo inosente pa kung bakit ayaw kong may nanliligaw sa akin, lalo na't-" Aniyang hindi deneretso ang kanyang nais sabihin habang nagsalpukan ang kanyang mga kilay na nakatingin kay Samuel. "Lalo na't ano?" Tanong naman sa kanya ni Sir Samuel. Parang hindi pa ito nagsawang titigan at pagmasdan s'ya nito habang nakangiti dahil sa magulo niyang buhok at sa kanyang isinoot. "Wala!" Aniyang parang sumusuko na lang. Saglit na lang n'yang sinuklay ang kanyang magulo at mahabang buhok sa kanyang mga daliri at pagkatapos ay nagsalitang muli. "Sa labas po tayo mag-usap, Sir Samuel." Matigas na wika niya rito. "Salamat, Telly." Tugon naman nito sa kanya. "Mas mabuti pa sa labas na kayo mag-usap. May mga upuan na doon at kami ay dito lang din sa loob mag-uusap nina Troy. At h'wag mong kakalimutan ang dala mo para kay Telly, pareng Sam." Nakangiti namang wika ni Carlos. Napatingin naman siya sa tinutukoy ni Carlos na dala ni Sir Samuel na para daw sa kanya. Nagtaka s'ya kung ako iyon. Nakabalot kasi ito ng wrapper kaya di n'ya makilala kung ano iyon. Pero malaki na bagay iyon kung ano man iyon. Nagpatiuna na s'ya sa labas at naunang umupo roon. Kahit labag sa kanyang kalooban na kakausapin ito ay mapipilitan na lang siya. Ngunit never na sasagutin n'ya si Sir Samuel dahil alam n'yang babaero ito. Bukod sa tulad pa ito sa kanyang ama ay talagang babaero nga ito. Kaya sa isip niya'y basta militar na lalaki ay talagang playboy at hindi mapagkakatiwalaan. At higit naman sa lahat ay hindi na mababago pa ang kanyang desisyon na maging matandang dalaga. Sumunod naman ito sa kanya sa labas. Magtatakipsilim pa lang kaya pwedi pa silang mag-usap nito sa labas. Naupo na rin ito sa kanyang harapan. "Para sa'yo to, Telly. Sandali buksan ko ito." Sabi naman agad nito at binuksan ang malaking bagay na dala nitong nakabalot. Unti-unting tumambad kay Telly ang malaki at mamahaling sprayer. Na surprise pa siya sa nakita. " Sprayer yan ah!" Aniya rito. " Yes, at para ito sa'yo. Ibibigay ko. Nagustohan mo ba?" Tanong pa nito sa kanya. "Nagustohan sana kung walang kapalit yan." Sabi naman n'ya rito. "Bigay ko ito, at wala itong kapalit, okay? tanggapin mo na." Sabi naman nito sa kanya. "Kung ibibigay mo yan sa akin ay tatanggapin ko yan, basta h'wag niyo na akong ligawan pa, Sir Samuel." Sabi naman n'ya agad rito. "Grabe naman ang condition mong yan. Tatanggapin mo ito basta hindi kita liligawan? Sigurado ka bang hindi mo talaga ako gusto? kasi kung ako ang tatanungin ay imposibleng hindi mo ako magustohan, Telly. At hindi sa pagmamayabang ay maraming babaeng nagkakagusto sa akin." Nakangiting sabi nito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. " Napakahambog niyo po, hindi ako magkakagusto sa tulad niyong babaero." Galit n'yang wika rito. "Hindi ako hambog na tao. Nagsasabi lang ako ng totoo. At about din sa mga sinabi ko kanina sa mga kapatid mo ay totohanin ko talaga iyon kapag pumayag ka sa akin." Kampante pang wika nito sa kanya at para pang na amused ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon. "Hindi pa ako naka try mag boy friend at talagang wala akong plano. Maghanap ka na lang dito ng iba sir, h'wag lang po ako. Yung kahalikan mo, maganda naman si Rose, bakit hindi na lang s'ya ang ligawan mo. Eh, kahalikan mo na yun diba? bakit naman po dito kayo sa akin nanligaw? tingnan niyo po ako. Hindi ako kaibig-ibig. " Seryoso namang wika n'ya rito na sabay tiningnan ang sarili. Subalit natawa naman ito sa sinabi n'ya. "Kahit ano pang gagawin mo ay maganda ka parin sa akin, Telly. Kahit ano pang isusuot mo. At h'wag mo nang iisipin pa si Rose. Mas mabuti pang try mong tanungin ang sarili mo at damhin kung ano ang na feel mo sa akin? baka kasi naka feel ka ng pagseselos kay Rose pero di mo lang alam na iyon na pala yun." Mas lalong na-aamused pang wika nito sa kanya. " H'wag po kayong matawa, Sir. Dahil seryoso po ako. Walang nakakatawa. Si Rose na lang po dapat ang pinagkaabalahang niyo. Dapat kasi ay magpakatino po kayo, Sir. Kapag nakipaghalikan ka ng isang babae ay dapat gusto mo s'ya at totohanin mo. Hindi kay hinahalikan mo lang s'ya dahil lang sa tawag ng laman." Hindi n'ya napigilang sabi n'ya rito. "Wow, okay, tatandaan ko yan." Sabi pa nito sa kanya. Para naman s'yang nainis sa pa 'wow-wow' pang sambit nito. Ang sarap talagang tadyakan ang lalaking ito. "But.. Halik lang yun, at hindi nakakabuntis. Pasensya ka na sa nakita mo. Hindi ko naman s'ya gusto, ikaw ang gusto ko kaya nandito ako ngayon sa'yo. H'wag mo na yung iisipin pa." Sabi naman nito sa kanya na parang nasisilaw s'ya sa mga titig nito sa kanya kahit na wala namang araw dahil pakakagat na ang dilim. "H'wag po kayong magkagusto sa akin, Sir Samuel. H'wag niyo pong ipagpapatuloy ang panliligaw niyo. Umalis na po kayo. Makontento po sana kayo sa iisang babae. Naiintindihan niyo po ba?" May himig na galit na pagtataboy n'ya. "Na prove ko na ang sinabi nila na talagang matigas ka nga. But.. nakaka challenge ka rin, Telly. Alam mo bang mas lalo lang akong nagkakagusto sa'yo dahil sa pag-ayaw mo sa akin? Kung naka feel ka man ng pagseselos kay Rose dahil sa nakita mo, ibig sabihin ay gusto mo rin ako." Sabi pa nito sa kanya. Muli namang umalsa ang kanyang dugo sa sinabi nito na ipinagpilitan pa nitong nagseselos daw s'ya kay Rose. Sa totoo lang, ngayon pa s'ya nakaramdam ng pagkaasar sa isang lalaki. Sa lahat ng nanligaw sa kanya ay ang Army pang ito ang pinaka makulit. " Hindi ako nagseselos. H'wag kang mang-iinis sa akin, Sir Samuel." Galit na wika n'ya rito. "Oh, i'm sorrry. Sa tingin ko'y galit at naasar ka na sa akin ngayon. Wala akong intensyon na maasar ka sa akin. Alam ko namang hindi kita mapasagot sa ngayon, pero babalik-balikan parin kita, Telly. Darating din ang araw na matatagpuan mo na lang ang sarili mong nagpaparaya sa akin. At pagdating ng araw na iyon, ipapalasap ko sa'yo kung gaano kasarap itong inaayawan mo ngayon." Pilyo na namang wika nito sa kanya. Namula ang mukha n'ya sa sinabi nito at talagang bigla na lang kumukulo ang dugo n'ya sa pagkabastos nitong magsalita. "Napaka bastos mo naman Sir!" Medyo tumaas naman ang boses na wika niya rito. "Bastos? hindi yun pambabastos, Telly. Totoo ang sinabi ko. Talagang masarap ako, masarap magmahal. Napakamalisyosa mo namang mag-isip." Nakangiting wika pa nito sa kanya. Ngunit parang hinihingal parin s'ya sa kanyang inis rito. Tumayo na ito at nagpaalam sa kanya. "Thank you so much, Telly na kinausap mo ako. Maghihintay ako kung kailan mo ako sasagutin. Yun na lang talaga ang gagawin ko at hindi na lang kita mamadaliin. At siya nga pala, may dala akong mga paborito mo. Kumain ka ng mabuti at ingatan mo ang sarili mo dahil pakakasalan pa kita balang araw. Uuwi man ako ng Maynila ay babalik at babalikan parin kita rito. Dahil ikaw ang gusto ko." Sabi pa nito sabay kindat nito sa kanya. Natameme naman s'ya at hindi na nakapagsalita pa sa mga sinabi nito sa kanya. Tinawag naman nito si Carlos para aalis na ang mga ito. Muli pa itong nagpaalam sa kanya at si Carlos bago tuloyang umalis na ang dalawa. Nakahinga naman s'ya ng maluwag nang makaalis na ang mga ito. Binitbit naman niya ang mamahaling sprayer at di napigilang matuwa. Mapapalitan na ang kanyang lumang sprayer. Bahala na si Sir Samuel. Mas nagustohan pa n'ya ang sprayer kaysa makipag boy friend sa tulad nitong babaero. Pagpasok n'ya ay agad n'yang pinagalitan ang kanyang kapatid na babae. " Sorry po ate. H'wag na po kayong magalit. Tingnan niyo po, natuwa nga kayo sa mamahaling sprayer, kami pa kaya kung cellphone at laptop na ang pag-uusapan? sorry na po ate.." Paglalambing pa ng boses ni Rina. " Ewan ko na lang sa'yo, Rina!" Aniyang galit parin sa kapatid ns babae. "Mabuti pa kumain na tayo ate, ang sarap ng ulam natin, bigay ni Sir Samuel. Grabe, lakas ng tama n'ya sa'yo ate." Nakangising wika pa ni Troy. ____ Kinabukasan. "Two days na lang pareng Sam, babalik na tayo sa Maynila. Pero hindi mo talaga napasagot si Telly. Sa kanya ka lang talaga nahihirapan." Natatawa na namang sabi ni Carlos. "Yeah, right. Pero babalikan ko siya dito pare. Ipapangako kong maangkin ko rin s'ya sa huli." Sabi pa ni Samuel. " At totohanin o hindi?" Tanong naman ni Carlos. " Of course! totohanin ko siya." Sabi naman ni Samuel. " Nakz, paano na ang mga chicks mo doon sa maynila? imposible yan. Kung makabalik na tayo ng Maynila ay makakalimutan mo na rin doon si Telly. Sa dami ba naman ng girl friend mo at mga magagandang babae din." Sabi pa ni Carlos. "Hindi. Babalikan ko talaga dito si Telly, pare. Nakikita ko sa huli na maangkin ko rin s'ya at pakakasalan ko talaga s'ya." Sabi naman ni Samuel. " Naks, tinamaan ka ba talaga sa kanya? baka tatanda ka rin sa panunuyo mo at pabalik-balik dito sa probinsya namin dahil kay Telly." Natatawang wika ni Carlos. "Basta, gagawin ko 'yan. Pero bago tayo uuwi ng Maynila, ay gusto ko muna siyang mahalikan para di n'ya ako makakalimutan. At gagawa ako ng paraan kung paano s'ya mahalikan." Sabi ni Samuel. "Ano?" " Yes, pare. Gusto kong matikman niya rin kung paano ako humalik." Seryosong wika ni Samuel. " Idi mas lalong magagalit yun. Baka masumpa ka pa no'n." Natawang wika ni Carlos. " Bahala na kung magagalit s'ya. Total uuwi na tayo. Gusto ko lang naman na hindi n'ya ako makakalimutan sa pamamagitan ng mga halik ko. May inutusan na akong bata upang silipin kung nasaan si Telly ngayon, kung nasa bahay lang ba nila ito." Nakangiti nang wika ni Samuel. " Hanip!" Natatawang wika ni Carlos. Maya-maya'y dumating nga ang isang batang inutusan ni Samuel. " Sir Samuel! nasa pastulan ng mga kalabaw si Ate Telly. Nagpapainom ng kalabaw nila. Malapit sa may kubo ni Lolo Faustino!" Sabi pa ng isang bata. " Okay Sige, salamat totoy!" Sabi naman ni Samuel at binigyan agad ng two hundred pesos ang bata kaya tuwang-tuwa ito. " Salamat po, Sir!" Anang bata na kumaripas agad ng takbo papuntang tindahan. " Pupuntahan mo agad si Telly?" Tanong pa ni Carlos. "Yes. Kahit hindi n'ya ako sasagutin sa ngayon, basta ang mahalaga ay mahalikan ko s'ya bago tayo uuwi ng Maynila." Despiradong wika ni Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD