CHAPTER 7

1708 Words
" Pero ate Telly-" Reklamo pa sana ni Rina ngunit ni-lock na agad ni Telly ang kanilang kuwarto. Kapapasok nga lang ni Telly sa kanyang kuwarto ay tumahol na saglit ang kanilang aso. "Tao po! magandang hapon, Telly!" Anang tinig ni Carlos na narinig n'ya. Narinig naman ni Telly ang pagbukas ng kanyang bunsong kapatid na si Rina sa pinto nila. "Kuya Carlos at Sir Sam, wala po si Ate dito, pasensya na po kayo." Malungkot pang wika agad ni Rina nang maubusan nito agad ang pintuan. " Ano? wala? bakit, nasaan s'ya?" Tanong naman ni Carlos. " Di ko nga rin po alam eh. P-pagdating ko po dito sa bahay ay walang tao, w-wala dito sa bahay si ate." Sabi pa ni Rina. Nagkatinginan pa sina Carlos at Samuel. "Hihintayin na lang namin s'ya, baka may saglit lang na pinuntahan." Nakangiting wika naman ni Samuel. " P-po? hihintayin niyo si ate? baka po matagalan si ate." Sabi naman ni Rina. " Okay lang Rina. Maghihintay na lang kami sa ate mo." Sabi naman ni Carlos. "O-okay po, tuloy po muna kayo dito sa loob, Kuya Carlos at Sir Samuel." Ani Rina. " No, hindi na. Bigyan mo na lang kami ng upuan dito sa labas." Sabi naman ni Carlos. " O-opo, sandali lang po." Tugon naman ni Rina. Mabilis namang kumuha ng upuan si Rina sa loob. May tatlong upuan naman sila na yari sa kahoy at kinuha nito ang dalawa at ibinigay iyon sa labas sa mga bisita ng ate nito. "Thank you, Rina." Ani Samuel. " Siya nga pala, kunin mo muna to, Rina. Kaldereta yan at pork adobo. Tapos may Sahing na saba din diyan na niluto sa brown sugar, coconut milk at pandan. Masarap yan." Sabi naman ni Samuel kay Rina sabay abot nito sa bitbit nito. "Wow, thank you po, sir." Ani Rina at tinanggap agad ang iniabot rito ni Samuel. "Favorite ba 'yan ng ate mo?" Nakangiting tanong ni Samuel kay Rina. "Aba, opo! lagi s'yang bumibili nito. Minsan din Barbecueng manok o lechon. At ito ding pork adobo at kaldereta favorite din n'ya ito, pati na itong minatamis." Natuwang sagot naman ni Rina. " Mabuti naman kung gano'n." Sabi naman ni Samuel. Gusto din sanang magtanong ng batang si Rina kung ano ang dala ng mga ito. Malaking bagay iyon at nakabalot kaya di nito makilala kung ano iyon. Dumating naman ang kapatid nilang isa na si Troy. Naabutan pa nito ang mga bisita ng ate Telly nila sa labas na kapwa nakaupo. Sina Sir Samuel at ang tinatawag nilang kuya Carlos. "Magandang hapon po sa inyo Kuya Carlos at Sir Samuel." Bati naman ni Troy sa mga ito. "Magandang hapon din sa'yo, Troy." Halos magkasabay na tugon naman nina Carlos at Samuel. "Bakit po kayo nandito? may kailangan po ba kayo, Kuya Carlos?" Tanong naman ni Troy. " Oo, meron. Si ate mo ang kailangan namin. Mag-akyat ligaw sana ang kaibigan ko sa kanya." Tugon naman ni Carlos. Parang nagulat pa si Troy sa narinig. " Tapos, nasaan si ate?" Nagtatakang tanong naman ni Troy. "Hinihintay nga namin si ate mo, wala daw ito sabi ng kapatid mong si Rina. Siya lang ang nasa loob." Seryosong sabi naman ni Samuel. " Gano'n po? hali po kayo sa loob. Tuloy po muna kayo habang wala pa si ate." Ang sabi pa ni Troy sa dalawa. " Okay, tutuloy na lang kami dahil dalawa na kayo ni Rina." Sagot naman ni Carlos. Tumuloy nga ang mga ito sa loob. Nilibot pa ni Samuel ang kanyang paningin sa loob ng buong paligid ng bahay nina Telly. Kahit simple lang ay malinis iyon at maayos ang pagkaka arrange sa loob at parang kay lamig tulogan ng dalawang kuwarto roon na nakita nito. Pinaupo naman ang mga ito ni Troy sa upuang papag roon. "Wow! gusto ko dito sa loob, ang linis at ang lamig sa pakiramdam ng bahay niyo, Troy." Nakangiting wika ni Samuel. "Salamat po, Sir. Laging malinis talaga ang bahay namin dahil maaga pa lang ay iyon na agad ang ginagawa ni ate Telly. Naglilinis s'ya sa tuwing umaga habang nagsaing." Nakangiti ring tugon ni Troy. "Gano'n ba? mas Lalo yata akong nagkakagusto sa ate niyo. Pero.. nasaan nga ba kaya s'ya? hapon na ah. Di pa s'ya nauwi?" Sabi naman ni Samuel sabay tingin sa relo nitong pambisig. " Kaya nga, nasaan na kaya ang ate niyo?" Sabad naman ni Carlos. "Ewan ko, nagtataka rin ako eh, ganitong oras ay nandito lang naman lagi si ate sa bahay kapag umuwi kami mula sa school." Nagtaka namang sagot ni Troy. Si Rina naman ay tahimik lang dahil alam naman nitong nasa loob ng kuwarto lang ang kanilang ate. " Pero ang pagkalaalam ko po kay ate ay hindi po s'ya nagpapaligaw dahil gusto niya pong maging matandang dalaga. Baka hindi n'ya magustohan ang pag akyat ligaw niyo ngayon, Sir. "Sabi naman ni Troy. Natigilan naman si Samuel. "What? gusto niyang maging matandang dalaga? hindi yan dapat sa kanya. Maganda s'ya at napakasayang kung maging matandang dalaga na lang s'ya." Nakangiting wika ni Samuel sa lalaking kapatid ni Telly. "Tama, papayag din ba kayo na maging matandang dalaga na lang ang ate niyo?" Tanong pa ni Carlos. " Sabi ko nga sa kanya eh, na hindi dapat kaya lang parang tigre si ate, nanininghal agad." Sabi pa ni Troy. " Hindi bagay na susundin n'ya ang mga hindi magandang plano sa buhay n'ya. Kung papayag s'ya sa akin ay willing akong pakasalan ang ate niyo at tutulongan ko pa s'ya sa mga gastusin kung mag college kayo. Papaaralin ko kayo ng course na gusto n'yo. Bibilhan ko pa kayo ng mga importanteng gamit sa school, like laptop." Seryosong wika na ni Samuel. Nagulat pa sina Troy at Rina sa narinig. " Wow naman." Naisambit pa ni Troy. " Yes. Ayaw pa n'ya no'n? isasama ko kayo kung kasal na kami at papaaralin ko kayo sa siyudad. Bibilhan ko kayo ng mga magagandang gamit like mamahaling cellphone at yung sinabi kong laptop. importante talaga yun sa pag-aaral. Then.. magkakaroon pa kayo ng mga pamangkin na magiging anak namin ng ate niyo." Patuloy na sabi ni Samuel. " Wow na wow! talaga po, Sir Samuel?" Bulalas pa ni Rina. "Yes. At di na magtatrabaho pa ang ate niyo." Dugtong pa ni Samuel. " Naku po, ate Telly! lumabas ka po diyan sa kuwarto! ang ganda po ng mga offer ni Sir Samuel!" Hindi napigilang tawag ni Rina sa ate nila. Nanlaki ang mga mata ni Troy na napatingin sa bunsong kapatid at pati na sina Samuel at Carlos. "Ano sabi mo? nasa loob lang pala ng kuwarto ang ate niyo?" Salubong ang mga kilay na tanong ng binatang militar. " O-opo, nagtatago po s'ya." Nakangiwing alanganing sagot ni Rina. Di naman napigilang mapatawa si Carlos nang malamang nasa loob ng kuwarto lang pala si Telly. Samantalang si Telly naman ay namilog din ang mga mata niya sa gulat nang bigla na lang s'yang tawagin ng kanyang kapatid na si Rina. " Ano bang nakain ng batang to? bakit bigla na lang akong tinawag dahil lang sa laptop at cellphone?" Sobrang nanggigil na bulong niya sa sarili. At inis na inis sa kanyang bunsong kapatid. Nabisto tuloy s'yang nagtatago dahil lang sa laptop at cellphone na pinagsasabi ng babaerong si Sir Samuel! "Hello, Telly! labas na nga diyan, nandiyan ka lang pala, kanina pa kami dito naghihintay sa'yo, tapos nagtatago ka lang pala diyan sa loob!" Nakangising wikang tawag ni Carlos sa kanya mula sa labas. Nakagat ni Telly ang kanyang ibabang labi dahil sa kanyang inis at galit sa bunsong kapatid kung bakit bigla s'yang binisto nito! pakiramdam ni Telly ay bigla s'yang pinagpawisan sa kanyang noo dahil sa nangyari. "Hindi kami aalis, Telly, kapag hindi mo ako hinarap." Anang tinig ni Lt. Colonel Samuel. Napatampal s'ya sa kanyang noo dahil sa sobrang inis na nararamdaman n'ya. Dahil sa galit n'ya ay humarap muna s'ya saglit sa salamin at ginulo n'ya ng ginulo ang kanyang buhok para pangit s'yang tingnan. Nagpalit na rin s'ya ng damit na parang nagmukhang dabyana ang dating n'ya. Gusto n'yang madiscourage sa kanya ang babaerong militar. Para hindi na ito pabalik-balik pa at di na ito mangungulit sa kanya. Dahil nakaka apekto na iyon sa kanya. Ayaw n'ya ng ganitong may lalaking manligaw sa kanya, lalo na't military at babaero pa! grrr. Pagkatapos n'yang pinangit ang kanyang porma ay inis s'yang lumabas. Di pa n'ya napigilang maisara ng malakas ang pinto ng kanilang kuwarto nang sya'y makalabas na. Natigilan pa si Samuel nang masalubong ng mga mata nito ang magulong buhok ni Telly at ang suot nitong malaking bestida na hanggang paa ang haba. Nakita naman ni Telly ang mukha ni Carlos na gustong matawa na nakatingin sa kanya. Pati ang kanyang mga kapatid ay napaurong nang makita nilang gano'n ang porma ng kanilang ate Telly at ang gulo tingnan ng buhok nito. " Naku, po! ate, ano pong nangyari sa inyo!?" Nagulat pang tanong ni Rina sa kanya. "Tumahimik ka." Matigas na saway ni Telly sa kapatid at kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkaka bad trip niya ng mga sandaling iyon. Nakatitig lang sa kanya si Samuel at hinagod s'ya ng tingin mula ulo hanggang paa. " Ano, Sir Samuel? ano ba talagang kailangan niyo? totoo bang narinig ko na manligaw kayo sa akin? oh, ano?" Deretsong tanong ni Telly rito. "Teka, teka, what happened to you?" Natawa nang tanong ni Samuel na nakatitig sa kanya nang makabawi ito sa pagkagulat sa kanyang porma. "H'wag kang matawa! hindi nakakatawa." Inis na inis n'yang wika rito. Sana ay madiscourage agad ito ngayon sa kanya at kapag nangyari iyon ay di na ito babalik pa. "Sino ba ang hindi matawa sa porma mo at sa magulong buhok mo? parang aswang ka tuloy sa ginawa mo. Oh my goodness, ayusin mo nga ako, Telly." Napapailing na wika ni Samuel. " Oo nga Telly." Natawang wika ni Carlos. " Isa lang ang solusyon, kung ayaw mong ganito ang maging girlfriend mo, idi umalis na kayo at h'wag nang bumalik! basic!" Sabi pa ni Telly. "Natawa lang ako sa ginawa mo, but I don't care, gusto parin kita, Telly." Nakangiting wika ni Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD