CHAPTER 5

1776 Words
Sabay-sabay silang bumagsak sa tubig ng kanyang kaibigang si Elsa! at sa mismong harapan pa ng mga nagroromansang binatang Militar at ng dalagang si Rose na kanilang kapit-bahay lang din. Mabilis namang napaawat sa paghahalikan ang binatang militar at ang nagngangalang Rose dahil sa gulat ng mga ito. Saglit pang lumundag sa ilalim ng tubig sina Telly at ang kanyang kaibigan. Kapwa pa namangha sina Sir Samuel at Rose sa biglang paghulog nila at pagbagsak sa malalim na bahagi ng tubig sa talon na iyon. Nasa harapan man sila bumagsak ng mga ito ngunit distansya naman iyon ng mga limang metros ang layo mula sa dalawang naghalikan. Isang malalim na bahagi ng tubig sa ilog ang binagsakan nina Telly, kung saan din bumabagsak ang maiingay na tubig mula sa talon. Nabigla at natarantang madaling nagdive at lumangoy ang binatang militar na si Sir Samuel upang uunahing iligtas nito si Telly. Nakita kasi ng binata na nakalutang agad sa tubig ang kaibigan nitong si Elsa. Mabilis lang naka recover si Elsa dahil sanay na rin kasi itong lumangoy at sumisid sa tubig, ang kinatakutan lang nito ay ang mga bato na baka sila ay tumama sa bato. Mabuti na lang na sa tubig sila bumagsak. Si Telly naman ay nagsusumikap na lumutang noong una, kaya nagmamadaling nilangoy ito ni Samuel. Ngunit hindi naman si Telly nagpapadala sa takot at huminga s'ya ng malalim. Ginamit niya ang katawan para lumutang sa tubig. Ibinaling n'ya ang katawan paitaas at inangat ang mukha upang siya'y lumutang at makahinga. Kaya sa awa ng panginoon ay sumunod na rin s'yang nakalutang sa tubig! Subalit nanlaki ang mga mata n'ya nang nang may biglang yumapos sa kanya mula sa kanyang likuran. Kaya ibinaling n'ya agad ang kanyang mukha kung sino man iyon. Si Sir Samuel! ang babaerong militar! bigla n'yang naalala ang nakita nila ng kanyang kaibigan, dahilan upang muling mapasilip si Elsa kaya sila'y nahuhulog kapwa ngayon sa ilog. "Are you okay?" Nag-alalang tanong pa nito sa kanya nang malingunan n'ya itong ito pala ang nagyapos sa kanya upang siya'y tulongan. Sa gulat naman n'ya na hinakos s'ya nito na siya'y bigla na lang nitong inakwat sa tubig ay napapiksi s'ya at itinulak ito. " H-h'wag mo akong hakusin at h-hawakan!" Galit n'yang singhal rito na sabay malakas itong itinulak kahit siya'y nanginginig sa sobrang nerbyos dahil sa kanilang pagkahulog. Ngunit ang tigas ng katawan nito at noon n'ya lang napansin na sobrang macho din pala nito. Samantalang sina Rose naman at Elsa ay nagmamasid lang sa kanila ng binatang militar. Nakapatong na sa bato si Elsa at basang-basa itong namumutla at nanginginig dahil sa tindi ng nerbyos nito. Hindi nakinig sa kanya si Sir Samuel at hindi s'ya binitawan nito kundi mas lalo pa s'yang hinigpitan ng paghakos nito habang sya'y inakwat nito. Ramdam na ramdam n'ya ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. Kaya para naman s'yang mapipisa sa tigas ng mga braso nitong nakayapos sa kanya. "B-bitawan mo ako at h'wag mo akong akwatin! k-kaya ko lang ang sarili ko!" Gigil na gigil n'yang asik rito. Iyon ang unang pagkakataon na may nakayakap sa kanyang lalaki at parang nanayo pa ang kanyang mga balahibo nang masulyapang naka brief lang pala ito. Kinarga siya ng lalaking ito na nakasuot lang ng brief. Ang bwis*t na babaerong militar pang ito ang unang nakahawak at nakayakap ng gano'n sa kanya. "Nakakairita ka!" Mainit ang ulo na singhal ni Telly sa binata dahil parang sinamantala nitong yakapin siya ng gano'n kahigpit. "Nanginginig at namumutla ka, kaya kailangang matutulongan ka para ipatong sa batong yan!" Sabi pa ni Sir Samuel sa kanya na para na ring naiinis sa kanya. Nakikita naman kasi nito ang labis na pamumutla ng kanyang mukha at panginginig sa kanyang katawan tulad sa kanyang kaibigang si Elsa. Nang maipatong na s'ya sa malapad at malaking bato sa ilog ay saka niya napansin ang kanyang kaibigan na parang hindi ito makapagsalita na napatingin sa kanya. "Hoy! Elsa, best, ligtas na tayo. Okay ka lang ba?" Nag-alalang tanong pa n'ya sa kaibigan. "Ay o-oo naman. Okay na a-ako pero a-sensya na, nanginginig pa ako." Sabi pa nito sa kanya. Nakahinga naman ng maluwag si Samuel at napaupo ito sa bato sa tapat nilang dalawa ng kanyang kaibigang si Elsa. Habang si Rose naman ay napatanga parin na nakamasid sa kanilang dalawa ni Elsa. Tinitigan silang dalawa ng binata at mas lamang ang mga titig nito sa kanya. " Anong nangyari sa inyong dalawa? bakit kayo nahuhulog?" Pangungusisa ni Sir Samuel sa kanila. Muli naman s'yang napatingin sa binata at nag alsa na naman ang dugo n'ya nang muling makitang naka brief lang ito at tiningnan naman n'ya si Rose na nakasuot ng swimsuit. "Aksidente lang ang nangyari, Sir. Pero salamat parin sa tulong niyo sa akin kahit di ko naman gustong tulongan niyo. Ayokong hinahawakan ako ng lalaki, lalo na't ganyan ang porma n'yo! patawarin sana kayo ng langit! kaya ko lang naman sana ang sarili ko." Hindi n'ya napigilang wika at sabay pa n'yang inirapan ito. Parang hindi n'ya matanggap sa sariling niyakap s'ya ng lalaking naka brief. Imbis na magalit ito sa kanyang sinabi ay natawa ito sa kanya sabay silip nito sa ibaba sa suot nitong brief. "Talagang papatawarin ako ng langit, Miss Telly, dahil hindi ko ugaling hindi tumulong, lalo na't may dapat tutulongan, kaya tinulongan kita at inakwat. Kasalanan niyo kung bakit nakikita niyo akong naka brief dahil hula ko'y naninilip kayo sa amin, tama ba?" Nakangiting wika sa kanya ni Sir Samuel. Biglang na lang namula ang kanyang mukha at napatingin s'ya sa kanyang kaibigan. "So, tama nga siguro na sinisilip niyo kami ni Sir Samuel. Ano, Elsa, Telly?" Nakataas naman ang kilay na tanong ni Rose sa kanila. "Umamin ka na, best! ikaw naman kasi talaga ang sumilip nadamay lang ako!" Aniya sa kaibigan. Napakamot naman sa ulo si Elsa. " P-pasensya ka na, Sir. Nanguha lang kami ng halamang gamot ni Telly, nagpapasama lang ako sa kanya ngunit nasilip ko kayo. Kaya tinawag ko lang din si Telly para makasilip din s'ya n-nang makita ko kayo." Napangiwing sabi pa ni Elsa. " Talaga? so, may nakita talaga kayo?" Tanong pa ni Sir Samuel sa kanila. " Teka, bakit ba nangungusisa ka pa, Sir kung may nakikita ba talaga kami? gagawa-gawa kayo ng eksena dito tapos matakot lang pala kayo kung may makakita sa inyo rito? Siyempre, makita talaga kayo rito dahil may mga mata kaming makakakita, kaloka naman ang mga 'to." Pilosopong wikang sagot ni Telly. Kunot-noong tinitigan siya ng binata dahil sa kanyang pagkapilosopo. "I know, inggit kayo sa kakasilip n'yo sa amin ni Sir Samuel." Sabi pa ni Rose sa kanilang nakangiti. "Anong inggit? saan ba kami dapat mainggit? naku, lunukin mong lagay ni Sir Samuel." Inis naman n'yang sagot kay Rose. Mahinang natawa naman si Elsa at halatang pinigilan lang nito ang sariling matawa ng todo sa sinagot n'ya kay Rose. Nagsalpukan na talaga ang kilay na tiningnan s'ya ng maigi ng binata. " Anong 'Lagay'? na dapat n'yang lunukin? hindi ko maiintindihan." Seryosong tanong pa ni Sir Samuel. "Ahh, ano eh, kaloka ka rin talaga, Telly. Walang preno ang bibig mo." Ani Rose na nag alinlangan pang sabihin sa binata ang ibig sabihin ng 'lagay' na salitang Cebuano. "Ano nga." Tanong pa ni Samuel ulit. "Itlog po, yun Sir Sam. Lunukin ko raw ang itlog n'yo." Sabi pa ni Rose. "What?? totoo ba, Telly?" Parang nagalit pang tanong ng binata sa kanya. " Sus ko, mga expression lang yan, Sir. Ano ba 'yan!" Pasupladang sagot naman n'ya rito. Muli sanang matawa ang kaibigan ni Telly na si Elsa ngunit nagpipigil ito nang makitang nagsalpukan ang mga kilay ng binata na nakatingin kay Telly. Ngunit si Telly ay talagang hindi natawa dahil ayaw n'yang ipakita na natutuwa s'ya sa mga ito. Tumayo na rin siya upang sila'y uuwi na. " Halika na, Elsa!." Aya niya sa kaibigan dahil naramdaman n'yang okay na siya at nawala na ang panginginig. "Saan ka na, Telly? uuwi na ba kayo? kung ano man ang nakita niyo rito, ay yun lang yun, at walang ibang kahulogan yun, wala kaming relasyon ni Rose. Diba Rose? nagkataon lang na nagkasabay kami ritong naligo at saglit na natukso sa isa't isa." Sabi ni Sir Samuel. Nagkatinginan naman sila ng kanyang kaibigang si Elsa. Parang nagpapaliwanag pa sa kanya si Sir Samuel! mas nairita tuloy s'ya sa narinig kung bakit parang nagpapaliwanag ito sa kanya. Subalit hindi na n'ya pinansin pa ang mga sinabi ni Sir Samuel. Hindi na n'ya pinatulan ito at tinanong kung bakit nagpapaliwanag ito sa kanya. Lihim na lang s'yang napapailing. Ang galing talaga ng mga babaero. Nagpapaliwanag kahit hindi naman bagay. Wala na siyang lingun-likod na umalis na at ang buong akala naman n'ya ay ang kanyang kaibigang si Elsa ang nagmamadaling sumunod sa kanya. Nagulat talaga s'ya nang malingunang si Sir Samuel iyon. " Wait! mag-usap tayo, Telly! ang totoo'y kanina pa ako nag-aabang sa'yo." Sabi nito sa kanya at madali itong nakarating sa kanyang kinaroroonan lalo na't saglit pa s'yang napahinto dahil sa shocked na hindi pala si Elsa ang nakasunod sa kanya. Nakabihis na ito at hindi na naka brief. " Ay bakit ka sumunod sa akin, Sir?!" Nag-iinit ang mukhang tanong n'ya rito. "Wala kaming relasyon ni Rose. Kaya h'wag kang magalit. Nagseselos ka ba sa kanya, ha? nadala lang ako, dahil inakit n'ya ako, pero wala kaming relasyon, Telly." Muling paliwanag pa nito sa kanya na nakangiti. "Ano!? nag-aakala ka palang nagseselos ako? grabe ka namang mag-isip, Sir! h'wag ako, Sir Samuel. Huwag ka na pong sumunod sa akin. Hindi ako nangarap na may lalaking manligaw sa akin na kahit poste ay pinapatulan basta nakapalda lang!" Nanggagalaiting wika n'ya rito. Namangha pa ito sa kanyang sinabi. " Wow ha! hanip kang magsalita. Talagang ganyan na pala ka lalà ang tingin mo sa akin?" Natawa nitong sabi at tanong sa kanya. "Well okay, honestly, marami nang babaeng dumaan sa akin. Yes, babaero nga ako, pero nagustohan kita, Telly at palagay ko ay ikaw na ang babaeng magpapabago sa akin." Matamis na wika nito sa kanya. "Iba-iba tayo ng pananaw sa buhay, Sir. Kung naglalaro kayo, ako naman ay hindi, h'wag niyo na akong idamay kung ano po kayo. May sarili po akong mundo na akin lang at walang ibang taong pweding papasok sa tahimik at seryoso kong mundo, kundi ako lang at ang mga kapatid ko." Matigas niyang sagot rito at nagmamadali na s'yang tumakbo palayo sa binata. Napaurong naman ang binata sa kanyang sinabi at biglang naging seryoso ang mukha. "Telly! wait!" Malakas pang tawag sa kanya ni Sir Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD