Hindi pa nga sumisikat ang araw ay handa na si Telly para mag deliver sa kanyang mga produkto sa lungsod kung saan ang kanyang buyers sa kanyang mga gulay.
" Ate, maaga pa lang ah. 5:00 am pa lang. Diba 7:00 am madalas ang deliver niyo po?" Tanong naman sa kanya ni Troy. Ginising n'ya kasi ito upang ikarga na ang kanyang mga hinarvest sa kalesa ng kanilang kalabaw at siya'y ihatid na nito sa parking area ng mga traysikel.
"Gusto ko lang maaga." Tanging sagot niya sa kanyang kapatid.
Sinadya n'ya ang maaga upang di s'ya maabangan ng bisita ni Carlos. Baka ma bad trip na naman ang araw niya at mapapahiya pa s'ya kung sakaling may mga makakita na inaabangan siya nito at baka kung ano pa ang sasabihin ng mga tao sa buong barangay nila.
Hindi pa naman s'ya sanay na may umaaligid sa kanya. Parang ikinakahiya n'ya iyon at ikakasira talaga ng araw n'ya. Lalo na't malayo lang talaga ang espiritu n'ya sa mga katulad ni Lt. Colonel Samuel Hernandez. Oo nga at sobrang guwapo nito, ngunit hindi n'ya hahayaan ang sariling madala sa tulad nito kahit gaano pa ito kaguwapo ay tulad rin ito sa bwis*t n'yang ama na tinalikuran lang sila at hindi na binalikan pa. Biglang sumikip na naman ang kanyang dibdib nang maalala ang nakaraan...
Flash back:
"Armando, bakit mo dinala ang lahat ng mga damit mo?" Nagtatakang tanong ni Tanya ang ina nina Telly.
"Alam mo na ang totoo hindi ba, Tanya? na may pamilya talaga ako?" Tanong pa ng ama nilang si Armando na isang Sergeant Militar noong panahong iyon.
" Oo, alam ko na. Pero kahit niloko mo ako na sabi mo ay binata ka pa ay pinatawad na kita, Armando. Wala na rin kasi akong magagawa dahil may tatlong anak na tayo." Umiiyak na wika ng Ina nilang si Tanya.
Habang si Telly naman ay nakikinig lang at napahalukipkip lamang sa tabi at
hindi nagsasalita na nakamasid sa mga magulang at ang kanyang dalawang kapatid naman na walang mga muwang ay naglalaro lang ang mga ito at Minsan lang mapatingin sa ina nilang umiiyak habang pinigilan ang kanilang ama.
"Alam na rin kasi ng asawa ko ang tungkol sa inyo. Pinapipili n'ya ako, kaya sana'y mapatawad mo ako, Tanya, dahil mas pinili ko ang tunay kong pamilya. Patawarin niyo ako kung tuloyan ko na kayong iiwan. Ma-aasign na rin akong muli sa lugar namin kaya babalik na ako sa tunay kong pamilya. Heto, tanggapin mo itong sobre, iyan lang ang maiiwan ko sa inyo. E- negosyo niyo iyan, dahil wala na ako sa tabi niyo, Tanya." Habilin pa nito sa Ina nila.
Hindi napigilan ng ina ni Telly ang umiyak ng malakas.
" Armando, h'wag, kailangan ka namin!hindi ko naman
kasalanan ang lahat na pumatol ako sa'yo dahil pinaniwala mo akong binata ka! maawa ka sa amin ng mga anak mo, may sakit pa naman ako kaya mas kakailanganin kita sa tabi ko!" Iyak na iyak na sabi ng ina ni Telly na si Tanya at napayakap sa ama nila.
"Bitawan mo ako, Tanya. Hindi nga maari, hindi pweding mas pipiliin ko kayo. Mas mahal ko ang tunay kong pamilya." Mariing wika ng ama nina Telly at kinalas ang mahigpit na yakap ng kanilang Ina sa ama nila.
"Sige na, aalis na ako. Telly anak, tulongan mo ang iyong Ina dahil ikaw ang panganay." Sabi pa sa kanya ng kanyang ama.
Hindi naman napigilan ni Telly ang mapatayo at lumapit sa kanilang ama.
"Bakit papa? bakit mo ito gagawin sa amin? kami po bang mga anak niyo ang magsakripisyo dahil sa mga kasalanang ginawa niyo? nabuo mo kami dahil sa ginawa mong panloloko sa tunay mong asawa. Kaya ngayon ay iiwan mo na talaga kami at kami ang magsakripisyo at magpakahirap dahil sa ginawa mong kasalanan. Paano na kami, kung wala ka na sa tabi namin? kawawa na kami dahil may sakit pa si Mama." Umiiyak at matapang na wika ni Telly sa kanyang ama.
"H'wag mo akong pagsalitaan ng ganyan Telly! masyado ka pang bata upang magsalita sa akin ng ganyan! pasalamat kayo at may iniwan pa akong cash. Magagamit niyo iyan at manegosyo ngayong iiwan ko na kayo. Sige, aalis na ako, Troy, Rina! mga anak, hali na muna kayo kay papa. Hahalik muna ako sa inyo sa huling pagkakataon!" Tawag pa ni Sergeant Armando Jatulan sa mga maliliit pang mga anak na mga kapatid ni Telly.
Lumapit naman ang dalawang bata na walong taon na si Troy at ang limang taon na si Rina. Hinalikan agad ang mga ito sa ama at niyakap.Habang patuloy naman ang pag-iiyak nina Telly at ng kanyang Inang si Tanya.
"Mga anak, aalis na si Papa, hindi na ninyo ako makakasama pa. At mag-iingat kayo lagi. H'wag niyong iisipin na hindi ko kayo mahal dahil iiwan ko kayo. Mahal na mahal ko kayo mga anak. Darating din ang araw na babalikan ko parin kayo." Sabi pa ng kanilang ama.
Kinuha na ng kanilang ama ang bag nito at isinoot na nito sa likod at tuloyan nang umalis.
"Armando!!" Malakas pang iyak at tawag ng kanilang ina.
At gumaya na rin
silang magkakapatid. Isa-isa nilang tinawag ang kanilang ama na papalayo na. Ngunit hindi na sila nilingon pa nito hangga't
sa mawala ito sa kanilang paningin.
End of Flash back.
Sa araw-araw ay pinanghahawakan ni Telly na muli silang babalikan ng kanilang ama. At isang taon lang mula nang umalis ang kanilang ama ay namatay na ang kanilang Ina dahil sa sobrang kalungkutan nito at lalo na't may sakit pa ito. Naubos lang naman ang pera na iniwan ng kanilang Military'ng ama dahil sa pabalik-balik sa hospital ang kanilang Ina. Para siyang binagsakan ng langit dahil sa nangyari at takot na takot pa s'ya noong una na naiwan sa kanya ang obligasyon sa kanyang mga kapatid. Noong una'y lagi na lang s'yang humihingi ng pagkain sa mga kapit-bahay para lang makakain ang kanyang mga kapatid. Minsan ay hahatiran sila ng bigas at ulam sa kanilang mga kapit-bahay. Hangga't sa natuto siyang magtanim ng mga gulay at nakapag seminar talaga siya ng anim na buwan kung paano mabubuhay ang mga gulay na tinanim n'ya. May isang agriculture na nag seminar sa kanilang barangay noon at nagbabayad lang sila bawat buwan sa loob ng anim na buwan nitong pagtuturo sa kanila. Kaya ang kanyang nalalaman sa pagtatanim o pagsasaka ng mga gulay o kahit ano pa man ay talagang nagagamit n'ya iyon upang buhayin n'ya ang kanyang mga kapatid at papaaralin. Mabuti na lang at may naiwang munting lupain ang kanyang ina kaya iyon ang kanyang pinagtataniman ng mga gulay ngayon at pati paligid ng bahay nila ay nasasayangan s'ya na hindi n'ya tamnan. Sinungaling ang kanyang ama. Hindi nito alam kung gaano kahirap ang kanyang pinagdaanan. Sabi nito ay babalikan sila nito ngunit lumipas na lang ang walong taon ay hindi na talaga ito nagpapakita pa sa kanila. Talagang gano'n pala ang mga militar na tulad nito mga manloloko at babaero. Basta-basta na lang iiwan ang obligasyon sa mga anak na hindi naman kasalanan nilang mga anak kung bakit sila na isilang sa mundo. Hindi porke't anak sila nito sa labas ay hindi na sila mahalaga at wala na silang karapatang bigyan ng sustento dahil mga bunga lang sila sa kasalanang ginawa nito. Mga inosente naman sila at may mga puso din silang masasaktan. Kaya isinumpa n'yang hindi n'ya mapapatawad ang kanyang ama. Kaya galit na galit s'ya sa mga lalaking militar dahil nakikinita n'ya ang kanyang ama na manloloko at iniwan sila at di na binalikan pa.
" Ate? bakit natulala po kayo? at parang umiiyak?" Pansin at tanong pa sa kanya ni Troy.
Natigilan naman s'ya sa tanong ni Troy at mabilis na pinahid ang kanyang mga luha.
"Wala naman, Troy. Halika na, habang hindi pa sumisikat ang araw, aalis na tayo." Aniya sa kapatid.
" H'wag kang mag-alala ate. Tutulongan talaga kita dahil malaki na ako, h'wag na po kayong malungkot kung maisipan n'yong muli ang mga pinagdaanan natin." Sabi naman ng kanyang kapatid na si Troy.
" Salamat, Troy." Sabi naman niya sa kanyang kapatid.
___
Maagang-maaga pa ay nasa lungsod na si Telly. Kaya hindi na ito naabangan pa ni Sir Samuel. Nalaman na lang nito sa mga nakakita na alas singko pa lang ay nag deliver na si Telly. Mga 9:00 am ng umaga ay nakauwi na si Telly mula sa kanyang pagdeliver sa lungsod.
Mga Isang oras din mula nang siya'y dumating sa bahay nila ay saka naman dumating ang kanyang kaibigang si Elsa.
"Totoo ba best na nagkakagusto sa'yo si Sir Samuel? naku, naku, sabi ko na nga ba eh, magugustohan ka niya dahil magandang babae ka." Kinikilig na wika nito.
" Tumigil ka nga, Elsa. Mabuti pa kumain ka nitong dala kong siopao." Sabi naman n'ya rito.
" Ay thank you best. Teka, sandali best magpapasama sana ako sa'yo ngayon, kailangan talaga kasi ni Tatay eh." Sabi pa nito.
" Ang ano?" Takang-tanong naman n'ya rito.
"Diba kilala mo kung ano yung halamang gamot para sa liver? saan nga ba yun makukuha?" Tanong nito sa kanya.
" Ahh.. oo, alam ko. Nasa ibabaw ng ilog yun. Sa ibabaw ng munting talon. Nandoon, marami." Sabi naman n'ya rito.
" Hindi ko kilala, please samahan mo ako saglit best, kailangan talaga ni Tatay eh." Sabi naman nito.
" Okay Sige." Aniya rito.
Nagpaalam muna siya sa kanyang dalawang kapatid na nag harvest ng gulay upang sasamahan ang kanyang kaibigang si Elsa.
Nakarating naman sila sa may ibabaw ng ilog na sa ulohan ng munting talon at itinuro naman n'ya agad ang halamang mga gamot para sa liver. At habang nanguha sila ay may narinig naman silang matinis na tawa ng isang babae.
" Ano yun? may naliligo ba sa ibaba?" Tanong pa ni Telly sa kaibigang kasama.
" Baka meron. Wait, silipin ko sa ibaba." Sabi pa nito.
Nanlaki pa ang mga mata nito sa nakita sa ibaba.
" Jusko, halika, Telly.. bilis." Mahinang tawag nito sa kanya.
Nagtaka naman s'yang lumapit rito.
" Bakit? anong nakita mo?" Tanong naman n'ya rito.
" Silipin mo sa ibaba.." Utos nito sa kanya.
Kaya sinilip na lang n'ya. At gano'n na lang ang pagkagulat n'ya sa nakita. Si Rose iyon at si Sir Samuel naliligo sa ilog at napapaliyad si Rose habang niromansa ito ng binatang Military!
" Oh, sh*t! bilisan mo na Sir! please.." Malanding wika pa ng boses ni Rose.
Inilayo agad niya ang kanyang mga mata sa pagsilip sa ibaba at nagkatinginan sila ng kaibigan.
"Oh, diba? di nga ako nagkamali, babaero ang lalaking yan. pwee!" Sabi ni Telly sa kaibigan.
" Wait, sisilipin kong muli." Sabi pa ng kaibigan.
" Ay ano kaba, h'wag na. Halika na nga, uuwi na tayo, hayaan mo ang mga yan." Sabi naman n'ya.
" Isang silip na lang." Sabi pa ng kanyang kaibigan na nakangiti.
At sinilip nga nitong muli ang mga nasa ibaba. Ngunit sa malas ay bigla na lang itong nadulas sa kinatatayuan nito ngunit mabilis naman n'ya itong nahawakan kaya di naman ito dumeretso sa ilalim.
"Naku! paano na to, ang hirap mong paahunin, ang bigat mo, Elsa." Nahirapang sabi n'ya sa kaibigan na halos inubos na ang kanyang lakas upang pigilan itong hindi bubulosok sa ilalim.
" H'wag mo akong bitawan best Telly.. please.." Pagmamakaawa pa nito.
Kaya sa pagnanais n'yang maiahon ang kaibigan ay ang dalawang kamay na talaga n'ya ang naghila rito paitaas at nagpakawala ng malakas na pwersa.
" Ahhhgggh.." Aniyang hinila ito.
Ngunit nagulat na lang siya nang siya naman ang nadulas sa mga bato roon kaya na tambling s'ya at kapwa sila bumulosok ni Elsa sa ilalim!
" Ahhhhhh!!!" Sabay nilang sigaw at nahulog sila sa tubig kung saan naroon sina Sir Samuel at Rose naghahalikan at nag romansa.
Kapwa naman nagulat sina Sir Samuel at ang nagngangalang Rose nang mahulog sa tapat nila sina Elsa at Telly.