Chapter 7

2228 Words
"Sage, I think it's better if dito na lang tayo sa sala." sabi ni Leon nang nasa loob na rin siya ng apartment. "Actually. . . Tutal wala naman pala si Kuya Red. Suhesyon ko lang naman sa kwarto ko kanina kasi akala ko andito siya." sabi ko naman at tinulungan ko na siyang maglatag ng mga pinamili namin. "Magpapalit lang ako ah?" paalam ko at pumasok sa kwarto ko. Nagsuot ako ng over size na damit at nag-pajama. Kaagad naming sinimulan ang pag-inom. Sa sala na kami, naka-upo kaming pareho sa sahig dahil malayo ang lamesa kung sa sofa pa kami uupo. Magkatabi kaming nakaupo. "Malakas ba tolerance mo sa alak?" tanong ni Leon nang matapos akong tumagay sa unang tagay. "Not really. Ikaw?" "Sakto lang." sagot niya at tumagay na rin. "Kapag naubos natin 'tong dalawa, kaya mo pa kayang umuwi?" tanong ko. "Wala na kasing extra kwarto rito, nakakahiya naman kung dito ka lang sa sala. Kaya, kaya mo bang umuwi?" "Uubusin talaga natin 'to?" "Sana. . . pero sa safety mo at dahil may pasok bukas, itong isa na lang. Tapos 'tong isa, next time na." sabi ko at niyakap ko pa ang malaking bote ng clvb. "It will be our first and last, Sage. Hindi na kita sasamahang uminom ulit. At isa pa, sabi mo one night lang?" Ngumuso ako, "okay. Pwede ko namang unti untihin 'tong isa ng mag-isa lang ako." "You should, keysa 'yong kung sino sino inaaya mo." sabi niya sabay karga ng alak sa maliit na baso at tinulak 'yong papunta sa akin. "Hindi ka naman kung sino sino eh, you're Leon, my one in only closest classmate and workmate." sabi ko sabay tagay. Tuloy tuloy na ang pag-ikot ng tagay namin ni Leon at tuloy tuloy din ang usapan namin. "Kaya mo pa ba?" tanong ni Leon nang sumandal na ako sa sofa. Napadaing ako nang makaramdam ng hilo. "Uhm." "You sure?" tanong niya sabay abot sa akin ng tagay ko. "Pwede na nating itigil 'to. Matulog ka na lang at uuwi na ako." sabi niya. Dahil doon ay mabilis akong umayos ng upo at kinuba ang tagay ko at parang tubig na nilagok 'yon. "Kaya ko pa, ikaw kaya mo pa?" tanong ko sa lalaki pero tumawa lang siya. Napaismid naman ako, of course kaya pa niya. Ang tino pa niyang tignan eh. Habang nagtatagal ang oras ay mas lalong lumalalim ang usapan namin. "Sino pa lang kasama mo rito? Akala ko ba, hindi ka mayaman?" iyan na naman ang tanong niya. "Si Red," "Red, as in Richard Elix Dax Davenport?" gulat na usal niya. Napalingon pa siya sa akin. "Yap. At huwag mo akong tignan ng ganiyan. He's my Kuya. We're. . . family." paglilinaw ko kaagad. Labas din sa ilong ang pagsasabi ko na 'family' kami ni Kuya Red, pero wala akong ibang pagpipilian kasi ang tinginan na ni Leon sa akin ay puno ng kuryusodad at pagbintang. Kagaya rin siya no'ng mga babae ni Kuya Red. Kainis. Iniisip kaagad nila na may relasyon kami ni Kuya Red no'ng nalaman nilang nasa iisang apartment lang kami naka-tira. "Family?" "Oo." tumango ako, "Pamilya ni Red Davenport ang umampon sa akin." hindi ko na napigilang magkwento. Ayos lang naman. Kanina pa kasi nagkwe-kwento si Leon ng buhay niya tungkol sa akin. Marami na akong alam tungkol sa kaniya. Kaya ako naman ang magkwekwento kasi naubusan na siya. Sa pustura niya ay parang ginagawa niya ang lahat para mapanatiling ukupado ang utak ko. He's trying to hold my feelings but occupying my mind with his stories and it's working. "So technically. . . kapatid mo na si Davenport?" "Hindi naman ako legally adopted, actually, so nope. Kinuha lang ako ng Mama niya sa ampunan noon dahil kaibigan niya raw ang Mama ko. Tapos ayon, lumaki kami in same household." sabi ko sabay tagay ulit. "Oh, kaya pala. . " "Hmm?" napatingin ako sa kaniya. "Naalala mo no'ng tinanong ko kung kilala mo si Richard Elix Dax Davenport ng Architecture Department?" "Oo," "Kinausap niya kasi ako. . ." panimula niya at tumagay. "Sabi niya sa akin layuan daw kita." "Iyon lang?" "Oo, layuan daw kita kung ayaw ko raw masaktan. Angas nga niya eh pero hindi ko na pinatulan." sabi niya sabay kibit balikat. "Siraulo talaga. Pinatulan mo sana." ani ko at ako naman ang tumagay. Umiiling na tumawa si Leon sa sinabi ko. "And why is that?" "Kasi, kahit naman lumaki kami sa iisang bahay hindi kami magkasundo no'n. Kung sinuntok mo siya sa mukha, papalakpak pa ako." Sabay kaming tumawa at nagpatuloy sa pag-iinom. Hanggang sa umabot na nagsusuka na ako. Hawak hawak ngayon ni Leon ang buhok ko gamit ang isang kamay niya at nakaalalay ang isa sa beywang ko upang hindi ako matumba dahil nakasubsob ako sa lababo. "F-ck. Akala ko ba kaya mo pa. . " natatawang sabi ni Leon nang matapos kong ilabas lahat ng kinunsumo ng tiyan ko ngayong gabi. "Kaya ko pa naman." sagot ko at sinubukan kong tumayo ng maayos pero hindi ko magawa nang wala ang alalay ni Leon. Actually, hindi ko na kaya. Umiikot na ang buong munto ko at hindi ko na kayang tumayo ng maayos. Bangingi na ako. Pero alam ko pa ang nangyayari sa paligid ko. Alam ko nga na hindi pa lasing si Leon at pinagtatawanan ako. Pina-upo niya ako sa sofa at kumuha siya ng tubig at ibinigay sa akin. "Ayos ka na ba?" tanong niya. Naupo siya sa sahig at tumagay pa. "Oo yata." sagot ko at natawa naman siya. Napatingin ako sa kwarto ni Kuya Red. Anong oras na kasi tapos wala pa siya. . . Nag-good time na naman siguro siya sa labas. At baka may bagong babae na naman siya. Sino nga ba ulit 'yong huling babae niya? Tapos iba pa yata 'yong babae na nagsuot ng damit ko no'ng kailan eh. Bumusangot ako nang maisip ko 'yon. Nakakainis! Nababanas ako. Muli akong tumabi kay Leon at kinuha ang tagay niya at ako ang uminom no'n. "Tama na, Sage, baka hindi ka makabangon bukas niyan." awat niya sa akin pero hindi ako nagpapigil. Hanggang wala na lang siyang nagawa pa. Muli kaming nagpatuloy. . . "Leon. . " tawag ko sa lalaki. "Oh, bakit?" tanong niya. "Pangit ba ako?" tanong ko. Umayos ako ng upo upang matanaw ko siya. Pinatong ko ang mukha ko sa kamay kong nakapatong sa tuhod ko. "Iyong legit na sagot ah." Natawa naman siya, "you're so random, but to answer your question. No, you're not ugly." seryoso namang sagot niya. "Talaga?" "Yep. Why did you asked tho?" "Maganda ako?" parang wala na sa sariling tanong ko. "Oo." "Then, let's have s-x." casual na aya ko na siyang kinagulat niya. Naibuga niya ang iniinom niyang alak at umubo ubo. Natawa naman ako sa reaksyon niya. "What the f-ck, Sage! Lasing ka na ngang talaga!" aniya sabay punas ng bibig niya. "Hoy, nakainom lang. I'm still aware of what I'm saying right now." at muli sana akong tatagay nang inagaw na ni Leon ang bote sa kamay ko. Itinago na rin niya 'yong shoting glass na gamit namin. Ngumuso ako. "Nagbiro lang naman ako eh." ani ko. Inis na kinuha ko na lang ang plastic na pinaglagayanan ng pinamili namin kanina upang kunin ang natitirang mint candy. Binuhos ko ang laman no'n sa mesa at natawa na lamang ako nang makita ang pinamili kong condom! Natawa ako at hinawakan ang isa. "Pero pwede naman nating seryosohin." hirit ko sabay pakita sa kaniya no'n. Masama na ang timpla ng mukha ni Leon na nakatingin sa akin kaya alam kong hindi na siya natutuwa kaya sumimangot ako at ibinaba na ang hawak ko. "Hindi ka na nakakatawa, Sage." sabi niya, "Your joke is tempting. Kung ibang lalaki lang ako ay papatulan na kita eh. But I respect you, Sage, and we're just friends." seryoso ng aniya. "Sorry. . ." lumabi ako, "pumasok lang kasi sa isip ko. . . You know, Kuya Red told me that s-x after a stressful day is like a refreshment." sabi ko at muli kong hinawak hawakan ang mga condom na nasa mesa. Leon scoffed. "Eh stress kasi ako. . ." Gusto ko ring malaman kung totoo ba na nakakawala ng stress ang s-x. Kuryuso lamang ako gano'n. After one, then it's done. Hindi ko na susubukan ulit. "That's bullsh-t, Sage. . " iiling iling na sabi ni Leon. "Yeah, totally bullsh-t. Pero kasi. . . naisip ko lang. . Paano kung. . . " lumunok ako at bigla akong nakaramdam ng kaba sa iniisip. "Paano kung ikaw na lang?" Hindi makapaniwalang tinignan niya ako. "Gwapo ka naman. Matangkad at matalino. Malaki rin ang katawan mo tapos mabait ka rin. Nirerespeto mo ako kaya okay nang ikaw na lang kumuha ng virginity ko. At least, Ikaw. . hindi ka magde-demand ng relationship." "Lasing ka na talaga. Really, Sage? You want me to take your virginity?" "Oo sana. . " "Hindi kita type." agarang sabi niya. "Ni hindi nga ako tinitigasan habang nakatingin sayo ngayon. . ." "Edi papatigasin ko." Matapos kong sabihin 'yon ay biglang bumukas ang pinto. Pareho kaming napatingin ni Leon sa taong niluwa no'n. It was Red f-cking Davenport. Sobrang sama ng tingin niya sa akin na parang ano mang oras ay handa na siyang manakit pero pinipigilan niya lamang. At mas lalong sumama ang timpla nang mukha niya nang makita niya ang hawak hawak ko. "You," matigas ang boses na sabi ni Kuya Red, nakaturo siya kay Leon na nakatayo na pala. "Umalis ka na ngayon kung ayaw mong masaktan." Nagsalubong ang kilay ko, "No." ani ko sabay hawak sa kamay ni Leon. "Now!" parang kulog na dumagundong ang boses ni Kuya Red sa buong apartment. "Sage, aalis na ako. See you tomorrow." sabi ni Leon. Mabilis niyang tinipon ang gamit niya at nagmamadaling lumabas. Nakangusong pinanood ko si Leon hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Hindi ko tinignan si Kuya Red na alam kong nakatingin sa akin ngayon. Ramdam na ramdam ko ang tensidad ng tingin niya. Ramdam ko ang galit at inis niya. Pero bakit ba siya naiinis? Bakit siya nagagalit? Kinuha ko ang malaking plastic na lalagyan ng pinamili namin at kahit na hilong hilo ako ay pinilit kong tipunin ang lahat ng pinagkainan namin ni Leon. "Do you really mean what you said?" maya maya ay tanong ni Kuya Red. Hindi ko siya pinansin dahil hindi ko rin naman siya maintindihan sa tinanong niya. Sinubukan kong tumayo pero mabilis lang akong napasalampak sa sahig. "F-ck." inis na mura ko. Tinulungan ko ang sarili ko na mapa-upo na lang sa sofa. "Sage!" nauubusang pasensiya na bulyaw ni Kuya Red. "What?!" bulyaw ko rin pabalik. "Really, Sage? Nag-uuwi ka na rin ng lalaki rito?" "Blah blah, whatever you say." inis na sabi ko na lang dahil ang sakit na ng ulo ko, umiikot ang mundo ko. "At talagang ibibigay mo sa lalaking 'yon ang virginity mo? Talaga lang ah, Sage." para siyang na-e-stress. Pero hindi ko pa rin siya panagka-abalahang tignan. Napayuko ako, "labas ka na ro'n." lasing na sabi ko. Napamura si Kuya Red sa isinagot ko. "Sage," madiin at puno ng awtoridad na banggit niya sa pangalan ko, "hindi mo dapat basta bastang inaalok sa kung sino ang virginity mo. Nag-iisip ka pa ba—" "F-ck you, Kuya Red! The hell you care? Ano? Ikaw lang pwedeng mag-explore at makipag-s*x sa kung sino, tapos ako hindi?!" Doon ko siya tinignan. Ang sama pa rin ng tingin niya sa akin. Kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Mabilis na lumapit siya sa akin at nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko, hindi mahigpit 'yon pero sapat para makontrol niya at i-angat ang mukha ko para magsalubong ang mata naming dalawa. "Hindi ka talaga nag-iisip. Nagdala ka ng lalaki rito, naglasing, tapos bigla mong aalokin ng s-x? Kasi ano? Stress ka? Curios ka? Stu-pid. You should be smarter than this, Sage. Pinapaaral ka ni Mama para tumalino, hindi para maging ta-nga. Naintindihan mo?" Napalunok ako at gusto kong umiyak sa sinabi niya pero may parte sa akin na ayaw ipakita sa kaniya na natatalo ako. "Bintawan mo nga ako!" inis na tinulak ko siya pero mabilis na hinuli niya ang kamay ko at hinawakan niya ako ng mahigpit. Hindi ako makapalag. "Keep your f-cking legs close, Sage. . . I am warning you." "Why do you care so much?! It's just a piece of hymen, goodness gracious!" parang nawawala ang kalasingan ko dahil sa posisyon namin ngayon. "Then stick your f-cking finger inside your pu-ssy and break it yourself, Sage. Huwag na huwag kong mababalitaan na nagpapagalaw ka ng basta-basta sa kahit na sino lang. Naiintindihan mo 'ba?" Napaawang ang labi ko. Wow, he really thinks he's the boss of me?. And stick my finger in? Napahinga ako ng malalim dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. "Fine," mahinahong sabi ko. He eyed me skeptically as if shocked I easily agreed. I stared at him and looked him up and down. "Take it yourself then," I blurt out before I could rethink my thoughts. Sh-t. Nababaliw na ako. Hindi ko na mababawi ang sinabi ko. Mabilis na binitiwan niya ako at napaatras talaga na para bang tinulak ko siya ng malakas. He looked stricken and caught offguard. "What the f**k?" He choked out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD