Chapter 6

2185 Words
"Sage!" gulat na bulalas ni Tita Jonah nang makita niya ako sa labas ng gate ng hacienda. Nagulat din ako, nagdadalaeang isip kasi ako kung papasok ba ako at magpapakita o hindi na. Baka kasi magalit si Tita, may pasok ako ngayon eh. Iyon ang hindi sumagi sa isip ko kahapon. "Tita!" malambing at may siglang bati ko. Patakbo akong lumapit kay Tita at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. "Tita. . . Tita ko. . " at tuluyan na nga akong naiyak. "Hmm? Bakit umiiyak ang Sagy ko?" malambing na tanong ni Tita habang hinihimas himas niya nang marahan ang likod ko. "Tita. ." para akong bata na umiyak sa bisig niya. "Si Mama, Tita. . Nakita ko si Mama, Tita. . " Kumalas si Tita Jonah sa yakap at tinulungan niya akong punasan ang luha na hindi matigil sa pagbagsak. "Hmm? Saan? At bakit ka umiiyak? Anong sinabi niya? Anong ginawa niya sa Sagy ko, hmm?" tanong niya, "huwag ka ng umiyak, tara na sa loob. Magsumbong ka sa akin. . " inakbayan niya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Pina-upo niya ako sa sofa. Pinakalma niya muna ako bago niya ako pinakwento. Kinuhanan din niya ako ng tubig. "Tita, si Mama. . . may bagong pamilya na siya." panimula ko sa kwento. "nakita ko sa pinagtatrabahoan kong coffee shop, kasama niya ang bago niyang pamilya. May. . May dalawa siyang anak, Tita, 10 years old na lalaki tapos isang sanggol." mapait na napangiti ako nang maalala ko ang itsura ng dalawang bata. They're cute. "Tapos?" "Tinawag niya akong ‘anak’, Tita. Kinamusta niya ako. . Pinakilala niya rin ako sa batang lalaki. Ang cute nga no'ng bata eh." sabi ko at napahikbi. Kaagad kong tinuyo ang nakatakas na luha ko. "Alam mo, Tita, tanggap ko naman ng ayaw sa akin ni Mama eh. . . Iniwanan nga niya ako sa amponan pero Tita. . . no'ng. . no'ng tinanong ng Asawa niya kung sino ako. . . tinanggi niya ako. Sabi niya kakilala lang niya ako. . Ang sakit sakit lang." Napahawak ako sa puso ko nang sumikip 'yon. Muli akong niyakap ni Tita. Doon ko inilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ilang taon na ang nakalipas. Akala ko kasi maayos na ako. Akala ko lang pala. May mga sugat talagang nakatago lang at hindi pa naghihilom. Masakit pa rin eh. Nakatulog ako matapos kong umiyak. Nagising na lang ako na gabi na. Siguro dahil na rin sa pagod kaya gano'n. Bumaba ako at naabotan ko si Tita Jonah na nasa sala. "Good evening, Tita." bati ko sa ginang na kaagad namang ngumiti nang makita ako. "Kamusta ka na?" tanong nito. "Maayos na po." sagot ko. "Halika, ipaghahanda kita ng dinner." aya nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya niya ako sa kusina. Naupo ako sa counter at pinanood ko siyang i-init ang mga pagkaing galing sa ref. "Sagy, may kasalanan ka pala." biglang sabi ng Tita kaya nagtataka ko siyang tinignan. "Kahapon ka pa hinahanap ni Red, hindi ka nagpaalam sa kaniyang aalis ka?" Doon ko lang naalala si Kuya Red. Na oo pala, galit na galit siya sa akin kaninang madaling araw. "And this is your second day na hindi pumasok ng school." Nagpa-cute na ngumiti ako kay Tita. "Sorry na po." at nag-peace sign ako. Ngumiti naman ang ginang. "It will be your first and last, okay? Because your reason for coming here is valid, at least for me." Buong maghapon na magkasama lang kami ni Tita Jonah, nagbonding lang kaming dalawa. Bago pa tuluyang maggabi ay ipinahatid na ako ni Tita sa syudad kay Manong Luis. Habang nasa byahe ay bigla akong nalungkot ulit pero pinili kong iwaksi sa utak ko 'yong pakiramdam na 'yon. You are well loved and cared, Sage. You don't need your mother's love or attention. You don't need her. "Well, mabuti naman at umuwi ka na." iyan ang salubong sa akin ni Kuya Red nang pumasok ako sa apartment namin. At hindi siya nag-iisa, kasama niya ang banda. Kaagad akong tumalikod at lalabas na sana ng apartment pero napahiyaw ako nang hinawakan ni Kuya Red ang kwelyo ng damit ko sa likod at hinila ako papasok. "Kuya!" bulyaw ko. "Saan ka na naman pupunta?" tanong niya habang hila hila ako. Binitiwan niya ako nang nasa sala na kami. "At bakit ka umuwi sa bahay? May problema ka ba?" hindi naman tunog nag-aalala ang boses niya pero biglang nag-init ang mata ko. Gusto ko rin biglang magsumbong sa kaniya. Magsasalita pa lang sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at niluwa no'n ang isang babae. "Red, who's that?" tanong pa nito. Pero hindi siya sinagot ni Kuya Red, nanatili lang ang tingin nito sa akin na para bang hinihintay niya akong magsalita pa. "You're a f-cking ass-hole," sabi ko lang dahil nakita ko rin ang nighties ko na suot suot ng babae. "What the f-ck?" nagtatakang usal ni Kuya Red. "You let your woman wear my damn clothes, yeah, what the f-ck." inis na sabi ko at tinulak ko siya ng malakas paalis sa daraanan ko at balibag kong isinara ang pinto. Mas nadagdagan pa ang sama ng loob ko. Akala ko pa naman ay makakapagpahinga na ako. Bwenas naman. KINABUKASAN, maaga akong nagising at hindi na ako nag-abalang magluto ng almusal at dumretso na ako sa school. Buong klase ay wala ako sa sarili ko. . . Hindi ko man gusto ay hindi ako maka-focus sa pag-aaral. Minura ko ang sarili ko dahil kahit na anong gawin ko ay dinadalaw ako ng araw na nakita ko si Mama at ang pagtanggi niya sa akin. Akala ko maayos na ako dahil naiiyak ko na. Wala eh, hindi na yata gagaling ang sugat na iniwanan ng ina ko sa puso ko. At naiinis ako dahil naapektuhan ako, at ang pag-aaral ko. "Are you really sure that you're fine, Ms. Elizalde?" tanong sa akin ni Leon isang araw na tulala ako habang naka-break kami sa work. Nagpilit ako ng ngiti, "Oo naman!" pilit kong pinasigla ang boses ko. "Oo naman. . ." parang niloloko lang yata ang sarili ko. "Hmm, liar. Isang Linggo ka ng parang wala sa sarili eh. Napansin ko lang naman. Nawawalan ka na rin ng gana sa pag-aaral ah? Hindi ka na active sa recitation tapos lagi ka pang tulala kaya lagi kang napapagalitan ng mga instructors natin." he pointed out all the things I noticed about me too. Alam ko ang nangyayari sa akin. I am falling apart. Nawawala ako sa momentum. Pero hindi ko maiahon ang sarili ko. "Does seeing your mother really affects you huh." tatango tangong sabi niya. "Yeah. . . Babalik din ako sa dati, huwag kang mag-alala." "Then help yourself." aniya. "Gusto kong maglasing." biglang usal ko. "Stu-pid way of coping." kaagad ba gagad niya. Masamang tingin ang ginawad ko sa kaniya at natawa naman siya, "I'm sorry but it's true." "Samahan mo naman ako. . . Gusto ko lang talagang makalimot, kahit one night lang. Promise, babalik na ako sa pag-aaral ng mabuti." sabi ko. Ngumiti ako ng matamis sa lalaki sabay taas ng kanang kamay ko, nangangako. "You know it will not help you, right? And gimmicking in the bar is. . . not safe for you, you know?" "Sino ba nagsabing mag-bar tayo? Kahit sa apartment na lang namin, sa kwarto ko. Open door kaya huwag matakot, hindi kita gagahasahin." tawang sabi ko. "Siyaka may kasama ako sa apartment, hindi tayong dalawa lang. No worries." Pero hindi kaagad pumayag si Leon. I'm comfortable with him. Sa ilang Linggo na naming pagsasama sa school at trabaho ay parang naging matalik na kaibigan ko na siya. Prangka siyang tao at sobrang sipag mag-aral kaya maganda siyang kaibigan. "Ngayon lang naman eh. . . Segi na. . Woi, Leon." pagpupumilit ko lalo sa lalaki dahil malapit na matapos ang shift namin at baka umuwi na siya kaagad. "No. Abalahin mo na lang ang sarili mo sa pag-aaral. It's good coping mechanism, too. Hindi lang alak pwede 'no." pagtanggi na naman niya. Hindi man lang niya ako tinignan or what, talagang inabala niya ang sarili niya sa paglilinis. Sumuko na lang ako. Naglinis na lang din ako. Pero napahinto ako sa pagmo-mop ng sahig nang may magandang pares ng sapatos ang huminto sa may tapat ng mino-mop kong sahig. Umangat ang tingin ko at handa na akong batiin ang inakala kong costumer pero napahinto ako at nawala ang pekeng ngiti ko nang makita ko kung sino 'yon. Si Mama. . . Maganda ang ngiti niya sa akin. "Anak. . . Kamusta?" tanong niya at inakma niya akong lalapitan pero kaagad akong lumayo. Nalungkot ang mukha niya pero saglit lang 'yon. Ngumiti siya ulit, "Ano. . . May regalo pala ako sayo. Ito oh." sabi niya sabay abot sa akin ng malaking paper bag. "Siguro nasa 2nd year ka na ng college 'no? Laptop 'to at selpon na bagong labas lang. . Malaking tulong 'to sa pag-aaral mo." marahan na sabi niya. 2nd year? Walang ganang tinignan ko ang kamay niyang hawak hawak ang paper bag na naka-angat sa ere, hinihintay na abotin ko 'yon. "Hindi ko kailangan 'yan." sabi ko at tinalikuran ko na siya. "Anak. . " "Pwede ba. . ." hinarap ko siya at inis na tinignan. "Don't call me that." matigas at malamig na sabi ko dahilan para mapasinghap 'to at mapahawak sa dib-dib niya. "Nasa labas ang mga anak mo, kasama ng asawa mo. Hindi mo ako anak." sabi ko. "Luxy, anak naman. . " nakikusap na usal niya. "Anak? Sure ka bang anak mo ako? Akala ko ba I am someone you just knew? Anong palusot na naman ang sinabi mo sa pamilya mo para mabigyan ako niyan? Huh?" puno ng sama ng loob na sabi ko. "Na anak ako ng kaibigan mo? Na gusto mo lang akong bigyan?" "Luxury . . . " aniya lang. Mukhang hindi niya alam ang sasabihin niya kaya natawa ako. "Stop bothering me, okay?" sabi ko at iniwanan ko na siya roon. Pumasok ako sa locker room at nanghihinang napa-upo. Tang Ina. Hirap na hirap akong umahon sa isang beses na pagkikita namin at sa ginawa niyang pag-tanggi sa akin. Ngayon. . . Ngayon andito ulit siya at tatawagin akong anak. Ang kapal naman ng mukha niya. "Umalis na sila." it was Leon, kakapasok niya lang sa locker room. Tumayo ako sa nalaman ko. Kinuha kong muli ang mop na hawak ko kanina at lumabas, pinagpatuloy ko ulit ang pagmo-mop ng sahig. Walang pahinga pahinga, tuloy tuloy hanggang matapos. "Okay." sabi bigla ni Leon sa akin nang papalabas na kami ng kapehan. Nagtatakang nilingon ko siya. "Okay?" "Okay. Okay na as in okay, inom tayo ngayon." sabi niya sabay kibit balikat. Natawa naman ako kahit na wala namang nakakatawa. "Naawa ka sa akin bigla 'no? Ka-inom inom ng alak bigla ang sitwasyon ko 'no?" sabi ko pa. "Stop smiling, Sage. Halatang peke. Okay lang naman malungkot." dahil sa sinabi niya ay nawala ang pekeng tawa at ngiti sa labi ko. "Tara, anong brand ng alak gusto mo? Bumili na tayo sa convenient store bago pumunta sa apartment mo." Sumakay na kami ng motor at bumili ng iinomin at pulutan. Kumuha ako ng dalawang malalaking bote ng clvb, at nga junk foods. "Gusto ko ng mint candy, masarap pulutanin 'yon." sabi ko kay Leon na nakasunod sa akin. Hawak hawak niya ang mga pinamili namin, papunta na kami sa cashier pero wala pa akong nahahanap na mint candy. "Meron yata sa harap," sabi niya at naunang naglakad. Sumunod naman ako at tama nga siya, nasa cashier ang counter ng mga candy. Kumuha ako ng sampung mint candy. . "Mamaya, tikman mo 'to. . . Masarap 'to pagkatapos mo tumagay, mawawala 'yong pait." sabi ko pa kay Leon na tumango lang at tumawa, hindi yata naniniwala. Inismiran ko lang siya. "Ma'am and Sir, may bagong flavor din po kami ng condom, baka gusto niyo pong subukan." biglang sabi ng cashier habang inilalagay na namin sa plastic ang mga binili namin. What the f-ck? Nagkatinginan kami ni Leon at natawa. "Hey, miss—" "Pabili nga ng tatlo." sabi ko, "saan? Siyaka, anong flavor?" tanong ko sa cashier na lumawak ang ngiti at malisyosong tinignan kaming dalawa ni Leon. "Ito po Miss, strawberry banana flavor po at glow and the dark. Anong size po?" "XXL." Napasinghap naman ang cashier sa sinabi ko kaya natawa ako. "It's for my lucky charm, miss. And this man beside me, tropa ko lang 'yan." sabi ko at matamis kong nginitian ang cashier bago ko nilagay sa plastic ang tatlong condom na 'yon. "Siraulo ka talaga, Sage." natatawang sabi sa akin ni Leon habang papalabas kami. "It's fun tho." tawang sabi ko rin. Inilagay lahat ni Leon ang pinamili namin sa u-box ng motor niya. "Sana wala si Kuya," sabi ko nang nasa tapat na kami ng apartment. "please sana wala siya. . " mahinang sabi ko sabay bukas ng pinto at napa-yes ako nang makitang walang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD