Chapter 5

2301 Words
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Clifford, kapatid siya ni Kuya Cole, ang bass guitarist ng banda nila Kuya Red. Kasama ko siya ngayon upang magtingin tingin ng apartment na malapit at walking distance lang mula sa university. Nakilala ko siya mong freshmen pa lang kami, at dahil magkabanda ang Kuya niya at ni Kuya Red ay naging magkaibigan kami. I don't why we became this close tho. "Uhm." tumango lang ako. Hindi ko napansin na lumutang na pala ang isip ko. Nakatingin ako sa bakanteng apartment, napatitig na lang ako roon. Abot kaya lang ito at maganda siya para sa isang tao. "Why are you looking for an apartment again, Sage? Aren't you good in Kuya Maru's apartment? And you're with your Kuya Red." he asked, curiosity over his voice. "Nah, I don't want to live there anymore. Kuya Red and the band disturb my study and my sleeps." sagot ko at naglakad upang tignan ang ibang kwarto. Ayaw ko namang sabihin na dahil sa s-x life ni Kuya Red. At dahil sa halik na nangyari sa aming dalawa. No'ng araw na 'yon, pareho naming iniwasan ang isa't isa. Na kahit iisang apartment lang kami nakatira ay hindi na nagsalubong ang landas naming dalawa. Pero mabuti na rin 'yon dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. The kiss. . . I know it was accident. Dala lang siguro ng intense topic namin sa "s-x" at ayaw kong bigyan ng kahulugan 'yon. "Why here tho? May mas maganda at mas malinis naman na iba. . . " hindi maitago ni Cliff ang panghuhusga niya sa lugar. Natawa naman ako ng mahina. Anak mayaman talaga. "It's affordable, Cliff." "But Kuya Red's mom can afford other apartments. Iyong mas malawak at mas magiging komportable ka." kibit balikat na sabi niya. Gusto ko sanang sariling pera ko ang gagamitin ko kapag nagmamagaling akong umalis sa puder ni Kuya Red para naman wala siyang masumbat If ever. Pero gusto ko na lang matawa sa sarili ko kasi malabo. Cliff was right tho. Hindi maganda tignan ang masikip at may kalumaang apartment, at hindi ako magiging komportable. Lumabas na kami sa apartment na tinignan ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na naman ako. Umikot naman siya at pumunta sa driver seat. "Should I go home in Pangasinan na lang, Cliff?" "Huh?" may gulat sa tono niya. Napatingin siya sa akin. "May ibang university naman doon sa Pangasinan eh. State University pa nga, pwede roon kasi libre ang pag-aaral ko tapos malapit pa kila Tita Jonah." bumuntong hininga ako matapos kong sabihin 'yon. "Is there's a problem, Sage?" bumakas na ang pag-aalala sa boses nito. "I also don't know. Burnout lang siguro ako sa acads ko at pagod." sagot ko. Napasandal ako sa kinauupuan ko. "Miss ko na rin si Tita Jonah, ilang buwan na akong hindi umuuwi." Nginitian naman ako ni Clifford. "Is that all?" paninigurado niya. "Yep." "Does Kuya Red knows about your plans?" tanong na naman niya at sinimulan na niyang pa-andarin ang kotse. "Wala namang pakialam 'yon." sagot ko. Mas magiging masaya pa siguro ang buhay niya kapag wala na siyang inaalala na 'nakababatang kapatid' na laging binibilin ng Mama niya sa kaniya. Na mawawala na akong alalahanin niya. Magiging maayos na ulit ang buhay niya dahil wala na siyang kasama sa apartment niya. Tss. 2nd year siya nang nakitira ako sa two bedrooms apartment niya at sobrang irita na siya sa akin. Ngayon pa kayang may s-x life na siya. Alam kong naiirita na kami sa isa't isa. Ibinaba ako ni Cliff sa Kapiko, sakto rin na kadarating ni Leon. "Oh, akala ko ba hindi ka mayaman?" tanong nito. "Kay Cliff 'yon, sinabay niya lang ako." sabi ko sabay kaway kay Cliff na nakatingin pa pala sa akin, mukhang hinihintay na magpaalam ako. "Ah, oo, kilala ko 'yan." sabi niya lang. Sabay na kaming pumasok sa loob at sinimulan na ang trabaho namin. "kung hindi ka mayaman, bakit may mga kaibigan kang mayaman?" "Social climber nga ako." sabi ko at pareho kaming natawa. Naging abala ang kapehan dahil mga ganitong oras ay uwian ng mga estudiyante kaya maraming costumers. Nang lumalim na ang gabi ay naglinis lang ako ng ilang lamesa, may ilang costumers pa naman na natitira. "Luxy?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalang itinatawag lang sa akin noon ng magulang ko. Ng Ina ko. . . No. . . It can't be her. . Napatingin ako sa tumawag sa akin at biglang sumikip ang dib-dib ko. "Luxy, anak. . . " halos paos na tawag niya sa akin. "Anak, kamusta ka na?" tanong niya at inakma niyang lumapit sa akin pero kusang humakbang palayo ang mga paa ko. Anak? Still calling me that after she left me in the orphanage? Nakatingin ako ngayon sa ina kong iniwanan ako sa ampunan. Walang nagbago sa mukha niya pero. . . ang daming nagbago sa kaniya. Ang damit niya na natatandaan ko noon ay daster lamang, maluwag pa at may butas pero ngayon. . .mukhang branded at designer clothes ang suot niya. Tapos ang laging pagod niyang mukha niya ay sumigla at nababalutan na ng magandang kolorete. She looks the same yet so different. "Hindi ba inampon ka ni Jonah? Hindi ka ba inaalagaan ng maayos? Bakit ka nagta-trabaho?" tanong niya habang tinitignan ang kabuuan ko. Magulo ang pusod ng buhok ko dahil kanina pa akong nagta-trabaho. May pawis din ang mukha ko. Pagod ako. Kunot noo ko lamang siyang tinignan. Kahit na ang bilis bilis ng mabibigat at masakit na pagti-bok ng puso ay pinakita ko at umakto akong wala lang ang presensiya niya. Na wala akong pakialam kung nasa harapan ko man siya ngayon makalipas ang ilang taon. Tinignan ko siya na parang hindi ko siya kilala. Bumakas ang sakit sa mga mata niya. "Hindi mo na ako nakikilala? Ako 'to, ang Nanay Myra mo—" "Mom!" napatigil si Mama sa pagsasalita at napatingin siya sa batang lalaki na tinawag siya. Nasa edad sampu siguro 'to. Lumapit 'to sa gawi namin, "Mom, who's that?" tanong niya at nagtataka niya akong tinignan. Mom? "Ah. . . It's Ate Luxy." medyo alanganin pang sabi nito. "Si Daniel nga pala, kapatid mo. Sampung taon na siya," "Hi po!" bati nito sa akin, ang ganda pa ng pagkakasabi niya ng 'po' may accent, parang hindi sanay magtagalog. "Anong apelyido mo?" tanong ko sa bata. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti pero nagtataka lamang niya akong tinignan. "Ah, hindi siya nakakaintindi ng Tagalog." sabi naman ni Mama. "Anak mo?" tanong ko nang biglang tumakbo ang bata palayo sa kaniya, papunta 'to sa lalaking nasa counter. Nag-oorder yata ng makakain nila. "Oo, panganay namin ni Frank." turo niya sa mukhang foreigner na lalaki na nasa counter. Iyong pinuntahan ng bata. "May kapatid ka pa na isa. . Si Ania, ayon siya kasama niya 'yong Nanny niya." turo niya sa babaeng may buhat buhat na bata. "Wow. . " wala sa sariling bulalas ko. Ngumiti pa si Mama na parang papuri ang naisatinig ko. Wow. As in wow, kaya pala niyang mag-anak? Kaya pala niyang magpalaki ng anak? Bakit. . . bakit no'ng ako parang hirap na hirap siya? Bakit dinala niya ako sa ampunan? "Darling, let's sit." aya no'ng Lalaki kay Mama. Mukhang tapos na silang mag-order. Napatingin kaming pareho sa lalaki. "Oh, who's your talking to?" tanong nito. "Someone I know," Naging matunog ang pagngisi ko sa sinagot ni Mama sa lalaki. Someone I know? Talaga lang ah. Kanina lang ay anak ang tawag niya sa akin. "Your friend?" tanong pa ng lalaki at tuluyang nadurog ang puso ko nang tumango si Mama. . kitang kita sa mga mata niya na humihingi siya ng tawad sa nagawa niya at ayaw pa niya akong talikuran pero tinawag siya ulit no'ng asawa niya. "Pasensiya na." she mouthed before turning her back on me. Deja Vu. It's happened 10 years ago. . when she heartlessly turn her back on me. "Mama mo?" biglang sumulpot si Leon sa tabi ko. Umiling ako. "Tinawag kang anak eh." sabi niya kapag kuwan. Pareho kaming nakatayo at nakatingin sa buong pamilya na nasa harapan namin, masayang kumakain ng inorder nila. "Wala akong mama, patay na." "Eh sino 'yon?" "Multo." sagot ko na lang. Iniwanan ko siya at nagpatuloy sa trabaho. Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Leon. Pareho kaming tahimik na tinapos ang trabaho namin. "Hatid na kita sa inyo?" tanong niya habang nagbibihis at naghahanda na kaming umalis. "ang tahimik mo, hindi ako sanay." biglang komento niya. Sabay kaming tumayo at lumabas ng kapehan. "Ano? Hatid kita?" tanong niyang muli nang nasa tapat na kami ng motor niya. "Mama ko 'yon." sabi ko at nakita ko ang mabilis na paglingon niya sa akin. "Iyong babae kanina, Mama ko 'yon." "Oh?" "Pangalawang pamilya niya 'yong kasama niya kanina." hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi sa kaniya. . . gusto ko lang ilabas? Kasi. . . ang bigat bigat ng dib-dib ko. Yumuko ako, nahihiya man ay gusto kong ilabas ang saloobin ko. "Tang Ina, Leon. . . Anak niya 'yong dalawang bata kanina na kasama nila. Anak niya. Napa-wow na lang ako bigla eh. . kasi. . kasi tang Ina kaya naman pala niyang maging Ina. . Pero bakit niya ako iniwan sa amponan?" Nag-angat ako ng tingin sa lalaki. "F-ck, I don't know how to comfort you. Should I hug you?" aniya, natataranta at talagang kitang kita sa mukha niya hindi niya alam ang gagawin. Natawa naman ako. Ngumuso siya at napakamot sa ulo. "It's fine. Sapat na nakinig ka sa rant ko, 'no." sabi ko. "Paiyak ka na kasi. . ." mahinang sabi niya, "halika nga." at hinila niya ako at biglang kinabig para yakapin. Hindi ako pumalag. Sa oras kasi na 'to kailangan ko 'yon. Umuwi ako sa bahay. Para pa akong nakahinga ng maluwag nang makita ko na madilim at nakapatay ang mga ilaw. Ibig sabihin, wala si Kuya Red. I don't have to deal with him. Pero akala ko lang pala 'yon. Nang binuksan ko ang ilaw ay kasabay no'n ang pagbukas niya ng pinto ng kaniyang kwarto. "Oh Sage." bati niya sa akin. "You got home late, where did you go?" "I don't have time for this, Kuya." tamad na sabi ko at pabagsak akong naupo sa sofa. Ewan, tuwing kaharap ko siya ay laging bangayan napupunta eh. "Uh-huh." bulalas niya lang. "You look tired— I mean, you always look tired, just its more visible this time." he pointed out. Naglakad siya papalapit sa akin. Binalandra niya ang walang saplot pang-itaas niyang katawan sa harapan ko. "Umiyak ka ba?" tanong niya. "Paki mo?" "Answer me, Sage." "Hindi!" Tumaas ang kilay niya. Halatang hindi naniniwala sa akin pero mabuti na lang at hindi na siya nagsalita pa at nagpunta sa counter. KINABUKASAN, maaga akong umalis. Parang gusto kong makita si Tita Jonah. Parang gusto ko siyang yakapin ngayon at umiyak sa kaniya. Gusto kong magsumbong. Kahit na may pasok ay nagbyahe ako pauwi sa probinsiya. Nakatulog ako sa bus at nagising na lamang na nasa distinasyon na ako. Bumaba ako at nagtungo sa paradahan. Binati ako ng mga tricycle driver nang makita nila ako. Kilala nila ako dahil suki na nila ako noong nasa highschool pa lamang ako. Ngumiti ako. "Hello po mga Manong!" bati ko sa kanila. "Sa Hacienda de Davenport ba?" Umiling ako, "Sa Bookshire Orphanage po. . ." ani ko. Kahit gusto kong puntahan si Tita Jonah ngayon, gusto ko munang puntahan kung saan niya ako unang nakita. Gusto kong ipaalala sa sarili ko na inabandona ako ng Ina ko, na hindi ko dapat asamin ang pagmamahal niya, na hindi dapat ako umasa na. . . babalikan pa niya ako lalo na at may bago na siyang pamilya. "Sage! Diyos ko po! Sister's, andito si Sage!" anunsiyo ni Manong Renz nang makita niya akong bumaba ng tricycle. Mabilis siyang pumasok sa loob at nang lumabas siya ay kasama na niya ang mga Madre na siyang namamahala sa ampunan. Mainit at masaya nila akong sinalubong. Doon pa lang ay kaagad akong sinampal ng katotoohanan na wala talagang pagmamahal sa akin ang Ina ko. Hindi niya ako niyakap nang makita niya ako, at tinanggi niya ako bilang anak. Bakit ko aasamin ang pagmamahal niya? Hindi ako nagkulang sa pagmamahal. Madami silang nagmamahal sa akin. Hindi ko siya kailangan. Buong araw ay nag-usap kami nila Sister, kinamusta nila ako. Nakipaglaro rin ako sa mga bata. Dahil siguro sa pagod, nang dinudok ko ang mukha ko sa lamesa at nakatulog na ako. Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa bag. Napabangon ako at nagtaka dahil gumising ako na nasa malambot na kama na ako. Manok na Pula’s calling. . . Huminto ang ringing pero muling tumunog na naman. Napansin ko na may 10 missed calls na siya. Mabilis na sinagot ko ang tawag niya. "Where the f-ck are you, Sage?!" parang kulog na dumagundong ang boses niya sa kabilang linya. Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko. "Where are you? Why the f-ck you didn't came home? Who's with you?" "Calm down, Kuya Red." inaantok na sabi ko. "Tell me where are you right now." may diin na sabi niya. "Kasama mo na naman ba 'yong Leon? Were you with him right now?! Maru saw you two were hugging each other earlier! Sage. . . Don't be so foolish and come home!" Naiinis na natawa ako sa bintang niya. At ayaw ko ring maki-argumento sa kaniya ngayon. "Why do you care?" sabad ko lang at pinatay na ang tawag. Wala pa man ay tumatawag na naman siya. Pinatay ko lang 'yon at pinower off ko ang selpon ko. Natulog na lang uli ako dahil madaling araw pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD