Nakakahilo ang patay sinding ilaw ng bar, isama mo pang maraming tao at naghalo halong amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako sa bar pero ito ang unang beses na magtatagal ako.
"Sage! You look so good!" si Kuya Maru ang unang kumausap sa akin mula sa kabilang table. "Bakit nakahiwalay kayo ng table? Ayaw niyong makisalo sa amin?" halos sumigaw na siya dahil maingay talaga ang musika.
"Nah, we're good. I'm with Leon," turo ko sa kaibigan ko na tumayo at lumapit sa akin, inakbayan pa talaga ako. Inilibot ko naman ang kamay ko sa beywang niya. "Kaibigan ko." sabi ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Kuya Maru, hindi naniniwala sa sinabi ko. Pinagsadaan pa niya ng tingin ang pustura namin ni Leon.
I can say that I am comfortable with Leon that's why I can do this stuff with him. Gano'n din siya sa akin, siguro. And plus, we're doing this for show.
"Weh? Naka-akbay pero kaibigan?" aniya at natawa nang irapan ko siya.
"Makisalo na kayo sa amin, bruh! Mas masaya kapag mas madami!" pangungumbinsi ni Kuya Maru kay Leon.
Kaagad kong pinisil ang beywang ni Leon. Napatingin siya sa akin, "Mamaya na siguro, bruh. The night is still young." sagot naman nito.
Nakahinga ako ng maluwag nang makuha ni Leon ang gusto ko. Ayaw kong makisalo sa table nila dahil ayaw kong makasalo si Kuya Red! Si Kuya Red na ramdam na ramdam ko ang intensidad ng titig niya sa akin ngayon!
"Mamaya na siguro? You have plan to join them?" tanong ko nang makaupo na ulit kami.
"Syempre, joke lang."
Sabay kaming natawa. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang in-order ni Cliff na alak. Isang set ng tequila, may mga side dish na.
We're talking and laughing. Ang random ng topic namin at halos magbulungan kami para lang magka-intindihan. Hindi ko nga alam kung kailan pa naging close 'tong dalawang 'to.
"Lumabas siya," rinig kong sabi ni Cliff.
Tumaas ang kilay ko at pasimpleng tumingin.
"May kasama na siyang babae, Leon." maya maya ay rinig kong sabi ni Cliff kaya napatingin ako sa entrance, at ayon na nga, may kasamang babae. The man is standing tall protecting the girl from the crowd just like what Leon did to me earlier no'ng papasok pa lang kami.
Tumaas muli ang kilay ko at napangisi. Bumawi ang loko.
Tinignan ko si Leon na lumikot kaagad ang kamay at umakbay sa akin.
Pareho naming pinakiramdaman ni Leon ang taong kakarating lang sa kabilang table. Naupo ito sa mismong likod ng pwesto namin ni Leon! At narinig namin ang sinabi niya sa babae niya na nagpa-init ng ulo ni Leon.
"Don't mind them. I got you, babe." Leon's ex said with his husky voice.
Pareho kaming napangisi ni Cliff nang magtama ang tingin namin.
"Hey, stop being possessive." sabi ko nang maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Leon sa balikat ko. Mukhang hindi niya napansin na napisil niya 'yon sa inis. At imbes na magreklamo ay umakto na lang ako.
"Oh, sorry." kaagad na-realize ni Leon ang ginawa niya.
Uminom ako at tequila dahil nakaka-excite ang happenings. Napangiti ako bago ako kumuha ng lemon pero nawala ang ngiting 'yon nang magtama ang mata naming dalawa ni Kuya Red.
Parang ang dami niyang gustong sabihin sa akin sa tingin niyang 'yon pero inirapan ko lang siya.
Nagpaalam lang din saglit si Cliff na makikisalo muna siya sa banda at may Kuya niya. Kaya kami na lang ni Leon ang naiwanan sa table namin. Dahil doon ay inaya ko siyang sa may gitna na kami umupo dahil alam kong nahihirapan siya sa naririnig at nakikita niya sa tabi namin. Ang landi ng ex niya at ang babaeng kasama nito! Nakakainis!
Mukha si Leon pa ang nagseselos eh imbes na 'yong ex niya! The tables turned.
"Huwag kang masyadong uminom, hmm?" sabi ni Leon sa akin nang muli na naman akong nag-shot ng tequila. Inabotan niya ako ng lemon. "Mas malakas 'to alcohol na 'to keysa sa ininom natin sa apartment mo. You know what happened when you're drunk."
I know, talagang pinapaalalahanan lang ako ng lalaki pero kita ko sa peripheral vision ko na nagreak ang ex niya.
"I know. Ititigil ko kapag nahihilo na ako." tumawa ako at sumandal sa kaniya.
"Uh huh." hindi naniniwalang aniya.
"Totoo nga!" sabi kong muli.
Muling bumalik si Clifford at kasama na niya si Kuya Maru at Kuya Cole! Nagpakilala lang sila kay Leon at nakisalo na. Natawa na lang ako dahil kinuha nila ang ilan sa pagkain nila at dinala sa amin.
"Sabi ko kasi sa table na namin kayo eh! At dahil ayaw niyo, kami na lang ang lumipat!" sabi ni Kuya Maru. "Cheers!" sigaw niya pa.
The night really begin! Mas naging magulo ang paligid! Mas naging wild ang mga tao! At medyo lasing na ang mga kasama namin sa table maliban sa amin ni Leon.
Kinukuha niya kasi lagi ang shot ko at naghahati kami. Gano'n lang.
"I really hate him." bulong ni Leon.
Pinanood kong hinila ng babae ang ex ni Leon sa dance floor. At dahil doon, ang kaninang hindi ko pa pinapansin na si Kuya Red ay nakita ko. Nag-init bigla ang ulo ko nang makita ko na tuwang tuwa siya habang may babaeng sumasayaw sa harapan niya.
"I really hate him too." sabi ko rin.
Pareho kaming nakatingin ngayon sa dance floor pero magka-ibang tao ang pinapanood namin.
"Nakakainis."
"Nakakainis talaga." sabi ko. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. "Tara! Sayaw rin tayo." aya ko na.
"I don't want to." sabi niya. Nakatingin pa rin siya sa ex niya na nakikipagsayaw sa babaeng kasama niya sa dance floor. He looks so down.
"Ayaw mo na?" tanong ko, "mukha kang luging lugi, Leon. Parang pinakita mo na rin sa kaniya na apektado ka pa rin. Paano ba 'yan, talo ka sa sarili mong laro?" ngumisi ako nang sumama ang tingin niya sa akin.
"I'm not." kaagad na aniya.
"Then let's dance. Ipakita mo kung sino ka." sabi ko.
Ngumisi siya, kinuha niya ang kamay ko at tumayo. Siya pa mismo ang nanguna na hilain ako papunta sa gitna ng dance floor. Magulo, maingay, halo halo ang amoy. Pero pinagsawalang bahala ko na lahat ng 'yon, pinalibot ko ang braso ko sa leeg ni Leon, hinawakan niya ang beywang ko. At doon, nagsayaw kami na parang kaming dalawa lang.
"Nakatingin siya sayo." sabi ko nang pasimple kong nasilip ang ex niya.
"Nakatingin din siya sayo." sabi niya.
"Who?"
"Red," sagot niya. Natawa siya at mas hinapit ako papalapit sa kaniya kaya nagdikit ang katawan naming dalawa. "Dang, Sage, you look so hot tonight that your Kuya Red is being so possessive towards you. ." bulong niya.
"The f-ck are you saying, Leon?" mas yumakap ako sa kaniya para marinig pa ang sasabihin niya. Nagtaka at naging kuryuso ako sa kung ano pa ang napansin niya.
"Hmm. . Ang sama ng tingin niya sa akin kanina pa nang dumating tayo. He was checking me out, lahat ng galaw ko nakabantay siya. . . Hindi ko alam kong dahil ba 'little sister' ka niya o dahil nagseselos siya." tawang sabi niya.
Humiwalay kaming dalawa at inikot niya ako.
"But I think, nagseselos siya." bulong niyang ulit.
Umiling iling na lang ako. Si Kuya Red, nagseselos? Asa!
"Gaya ng ex mo, nagseselos na siya." bulong ko na lang din.
"Yeah?"
"Uh-huh."
"Body shot! Body shot!"
Nagtatakang napahinto kami ni Leon sa pagsasayaw dahil sabay sabay na isinigaw 'yong ng crowd. Humina rin ang music at medyo lumiwanag. Naka-akbay siya sa akin habang ang kamay ko naman ay nakapalibot sa likod niya.
Pareho kaming mabigat ang paghinga dahil sa pagsasayaw.
Napatingin kami sa taong nasa stage. It was his ex with the girl. . . Magbo-body shot sila.
"Just don't look." sabi ko kay Leon pero napako roon ang tingin niya. "Leon!" tawag ko sa lalaki pero hindi niya ako nilingon.
Inis na hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya upang tumingin siya sa akin. Alam kong masasaktan siya dahil ang pwesto ng salt ay nasa exposed na dib-dib ng babae at ang lemon ay nasa labi nito. Iyong ex ni Leon ang iinom ng alak at. . .
"Body shot! Bosy shot!" sigawan ng crowd.
"Huwag mo na lang tignan." sabi ko at napailing nang makita ko na paluha na siya.
"Mahal ko pa eh."
"I know." sabi ko at binitiwan ko na ang mukha niya at hinila ko na siya pabalik sa table namin.
Naiinis na napamura na lamang ako nang makita ko na kompleto na ang banda sa lamesa namin. Mabuti na lang at medyo malawak. At mas lalo akong nainis nang andoon na rin si Kuya Red, kasama niya ang babae niya. Pero mukhang multo na lang 'to dahil hindi naman niya pinapansin.
Kung kanina, body shot ang palaro ng DJ. Ngayon naman ay '10 SECOND SHOT' at lahat ng nasa VIP ay papainomin. Wala akong takas doon.
"Here," natatawang inabot ni Leon ang lemon sa akin at pinunasan ang tumulong alak sa baba ko gamit ang tissue.
"Saya mo ah." ungos ko.
At mas lalo akong naasar nang pinakita niya ang picture ko habang naka-nganga habang naka-nganga kanina! Nakakainis!
"Bwesit!"
Maya maya ay iba na naman ang palaro ng DJ. Truth or dare ang laro at lahat ng VIP seat at normal seat ay kasali. Pupunta sa gitna ng dance floor ang gustong sumali at ikaw ang taya kapag sayo natapat ang spotlight.
Ang makakagawa ng dare ay may libring alak.
Muling nag-ingay ang crowd at may iilang pumunta sa gitna. Mukhang ayaw sumali ng iba.
"Let's go!" sigaw ni Kuya Maru. At nagulat ako nang tumayo silang lahat. "Come! Maglaro ka rin!" aya niya sa akin nang hindi ako tumayo. Hindi ako nakapalag nang hilain niya ako at napunta sa gitna, nakasunod ang mga kasama ko sa akin.
Naghiyawan sila nang sinabi ng DJ na start na.
Muling dumagundong ang malakas na musika at nagkagulo ang dance floor. Mabuti na lang at nakasunod din si Leon, nasa tabi ko siya kaya naman kami ang nagharap.
Pero nagulat ako nang biglang may humawak sa pala-pulsuhan ko.
"What?!" wala pa man ay inis ko ng tanong sa taong humawak sa akin at mas lalo akong nainis nang makita na si Kuya Red 'to. "Ano?"
"Bumalik ka na sa table, hindi ka dapat sumali." sabi niya.
"Ano ba, Kuya Red! Pati ba naman paglalaro lang ng truth or dare, balaw?!"
"This is not a simple game that you know!"
"And I don't care!" Inirapan ko lang uli siya.
"Don't roll your eyes on me, Sage. Dapat nga wala ka rin dito sa bar eh! Hindi ka dapat pumupunta sa lugar na ganito."
"Andito ka rin naman!" tatalikuran ko na sana siya pero hawak niya pala ang pala-pulsuhan ko kaya muli niya akong hinila pabalik. Pero saktong tumigil ang music at saktong huminto at tumutok ang spotlight sa akin!
Sa akin talaga?!
Nagsihiyawan ang crowd!
"D-mn." rinig kong pagmumura ni Kuya Red.
"Miss! Come here in the stage!" sabi ng DJ.
Inis na tinignan ko si Kuya Red at binawi ko ang kamay ko at naglakad papunta sa stage. Nagsitabi ang mga tao para bigyan ako ng daan. Nakakaloko ang ngiti ng ilan, ang ilan naman ay inggit dahil ako ang napili. .
"Naku, delikado ka." bulong ni Kuya Maru sa akin nang madaanan ko siya.
"Hey, just enjoy the game." bilin sa akin ni Clifford.
Nagsibalikan na sila sa mga seat nila kaya nagtaka ako. Oh. . . One time game lang pala. Akala ko, after ko ay may sunod ulit.
"Okay! We have our winner here! Are you familiar with our game? Or are you new here?"
"I'm new." sagot ko nang tinapat ang mic sa bibig ko.
"Name?"
"I'm Sage."
"Okay, Sage! The game is TRUTH OR DARE! You need to answer our questions honestly and do our dare!"
"Wait, I thought I'm gonna choose between truth or dare?" takang ani ko.
"That's not our rule."
"The f-ck?" bulalas ko at nakuha 'yon ng mic kaya rinig ng lahat at nagtawanan sila.
Will, Kuya Red is right after all. This is not a simple 'truth or dare' that I know. Tsk. Dapat kasi truth and dare, not or. It's make me confused. But now that I am here! Let's play the game!
"Yeah. The f-ck." gaya ng DJ sa akin, "so now! Tell us honestly. . . Do you have a type here?"
"Oh that's the truth?" tanong ko.
"Yes!"
"Yes!" sagot ko, "the man who's holding a can of beer in the number 3 VIP seat." kaagad na sagot ko.
Napangiwi na lamang ako nang mapagtanto ko na dalawa silang nakahawak ng can of beer. Dapat si Leon lang eh! Bakit naman may hawak din pala si Kuya Red!
"Woah, exciting!" sabi ng DJ nang makita niya na dalawa ang may hawak ng lata ng alak. "Dalawa ang type mo!" dagdag nito.
Kainis!
"No!" sabi ko pero hindi nakuha ng mic ang sinabi ko. Sinasadya yata ng DJ.
"Now, the dare."
"Sh-t." bulong ko na lang dahil hindi ko gusto ang naglalarong ngiti sa labi ng DJ.
"Dahil dalawa ang lalaking type mo! The dare is. . . Halikan mo ang pinaka-type mo sa kanilang dalawa."
Madali na lang sana kaso may dinagdag pa ang isang DJ na may hawak ng mic.
"French kiss!"
Dahil doon ay naghiyawan ang mga tao sa bar! Muling dumagundong ang malakas na musika! Patay sindi na ang ilaw.
"Here." ibinigay kaagad sa akin ang alak na premyo! "enjoy your night!" sabi ng DJ at nagkagulo na ang mga tao sa dance floor, sa seat. Nagsi-sayawan na sila.
Naglakad na ako pabalik sa table namin. Akala ko ayos na ang lahat dahil naging busy na sila sa pagsasayaw at naging maligalig. Hindi na nila mapapansin kung ginawa ko ba ang dare o hindi pero nagkamali ako.
"Now, Ms. Sage is in their seat!" sigaw ng DJ sa mic na hawak niya!
Kahit hindi ko ilibot ang tingin ko ay alam kong nanonood ang ilang interesado na gawin ko ang dare ngayon!
Matalim ang tingin sa akin ni Kuya Red. Nakatingin din ako sa kaniya. Naglakad ako papalapit kay Kuya Red at nagreact kaagad ang mga ka-banda niya, even Kuya Maru looks so thrilled. Mayabang na ngumisi si Kuya Red.
Ngumisi lang din ako at nilagpasan siya. . . Kitang kita ko na nawala ang ngisi niya.
Napangisi ako nang makita kong nanonood din ang ex ni Leon. Nakatingin siya sa akin na para bang sinasabi na 'subukan mo lang' pero nginisian ko lang siya nang si Leon na mismo ang tumayo. Lumapit siya papalapit sa akin, hinila ang batok ko at siniil ako ng halik. Naghiyawan ang mga tao! And unconsciously, I clung my arms around his nape, closed my eyes, and responded to his sen-sual kiss, and not minding the people watching us.
Muling naghiyawan ang tao dahil may nagbasag ng bote.