Kung hiya at inis ang naramdaman ko kanina kay Kuya Red. Pure na kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin kay Leon na hindi ko alam kung pinagtatawanan ba ako sa isip niya ngayon dahil ngiting ngiti siya sa akin, iyong ngiti nang nang-aasar.
Nasa klase na kasi kami ngayon at talagang hindi ako umupo sa dating pwesto ko, sa tabi niya.
Tang Ina. Pakiramdam ko nag-iinit ang buong mukha ko sa kahihiyan?
"Edi papatigasin ko!"
Napapikit ako nang maalala ko ang eksaktong salita na sinabi ko sa kaniya.
"Oh, putcha. Asan na ang tapang mo, Sage?" si Leon ang unang lumapit sa akin nang matapos na ang klase.
"Huwag mo nga akong asarin," nahihiyang sabi ko.
"Naalala mo lahat ng ginawa mo?" tawang tanong niya at naupo sa tabi ko. "grabe. . . ang wild mo pala kapag lasing." iiling iling pa na sabi niya.
"Please lang ah." para akong maiiyak na ewan. Tumayo ako at niligpit ko ang mga gamit ko. "Sa canteen tayo," aya ko at naunang maglakad. At dahil malaking tao si Leon ay mabilis lang niya akong nahabol.
Bumili lang ako ng coke at isang siomai rice. Tubig lang ang kay Leon. Naupo kami sa sulok ng canteen at doon tahimik na kumain.
"Leon,"
"Hmm?"
"I'm sorry. . ." mahinang sabi ko. Yumuko ako at hindi siya matignan ng maayos.
"Huh? Saan?"
"Iyong ginawa ko. . . It was so inappropriate of me—"
"You're drunk and it's okay." kaagad na putol niya sa sasabihin ko, "you don't need to apologize. Actually, nakakatawa nga eh." sabi niya at tumawa ng mahina.
Napanguso ako sa sinabi niya.
"Basta, sorry. . " sabi ko na lang ulit. "baka kasi masira pa ang friendship natin dahil sa ginawa ko. . ."
"No. It's really fine, Sage. It's not a big deal for me." he assured, "but. . . " aniya. .
Napatingin ako sa kaniya.
"I'm just wondering why you suddenly ask me to do that— ah no! You don't have to answer that." bawi niya kaagad.
Buti na lang binawi niya. Hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko. Ang dahilan ko lang naman para sabihin 'yon sa kaniya ay para masubukan ko 'yong sinasabi ni Kuya Red. . . Iyong "the-mind-blowing-s*x-after-stressful-day" thing na sinasabi niya.
Siguro dahil sa alak, naging matapang akong alokin si Leon? And I know, it was so f-cking stu-pid of me. Like, asking someone to take my virginity? Tapos kaibigan ko pa? That's so f-ck off.
Pero alam ko sa sarili ko na no'ng si Kuya Red na ang kaharap ko. . . At inalok ko ng s*x. Alam ko sa sarili ko na hindi na lang alak 'yong dahilan. Dahil iyon naman talaga ang gusto ko.
D-mn.
F-ck!
Putcha naman Sage. . That's Richard Elix Dax Davenport. That's f-cking Kuya Red! That's Tita Jonah’s son! Hindi mo dapat inaasam na maka-s*x ang lalaking parang kapatid mo na, lalaking tinatawag mong KUYA!
Napasabunot na lamang ako sa buhok ko at tinawanan naman ako ni Leon.
Kainis.
Mabuti naman at hindi seneryoso ni Leon ang mga sinabi ko no'ng gabing 'yon. Nilimot na niya eh. Back to normal ulit kami at maganda 'yon para sa pagkakaibigan namin.
Sana naman. Sana naman talaga ay maging 'I don't give a f-ck' attitude ulit si Kuya Red sa nangyari, sa sinabi ko, sa inalok ko. Sana tapos na ang pang-aasar niya sa akin kanina. Sana move on na siya kagaya ng ginawa niyang pangta-trap sa akin at titignan kung birhen pa ako, at 'yong halik niya sa akin.
Nakakainis at may parte sa akin na nalulugmok kasi parang wala lang at hindi big deal ang ginawa niya. . . Pero ngayon, hinihiling ko na sana gano'n na lang ulit ang gawin niya. Dedma at walang pakialam. Gano'n!
"Hey, Sage!"
Sabay kaming napatingin ni Leon sa tumawag sa pangalan ko. It was Clifford, malawak ang ngiti niya habang papalapit sa pwesto namin.
"Cliff! Hi! Bakit? Anong meron?" tanong ko. Usually hindi naman lumalapit si Clifford sa akin, bumabati lang siya.
"Can I sit here, just for awhile." sabi ni Cliff matapos niyang batiin din si Leon.
"No problem." si Leon ang sumagot.
"Guess what, Sage. May nahanap na akong affordable apartment for you. Maayos, maganda, at malinis." imporma niya.
Nagulat ako dahil naghanap pala talaga siya ng pwede kong lipatan.
"Talaga? Magkano?" ngiting tanong ko. Maging si Leon ay parang naging interesado rin. Maganda naman kasi ang gano'n, mura at maayos.
"7,000 pesos a month lang naman."
Parang pareho ring bumaksan ang balikat namin ni Leon nang marinig namin ang presyo. 7,000 pesos a MONTH? Tapos ni-LANG niya pa talaga.
Nag-usap usap pa kaming tatlo.
"Anyways, Sage. . Gusto mong sumama sa gimmick mamaya?" maya maya ay sabi ni Clifford. Pabalik na kami sa main building para sa susunod na klase.
"Kung kasama ang banda, huwag na lang." kaagad na sabi ko at nalugmok siya, ibig sabihin kasama nga ang banda.
At siyaka, gimmick ng banda? Nah. Alam kong sa bar 'yon. Maingay, amoy alak at sigarilyo, magulo. Hindi ko brand.
"What if. . . Tayong tatlo na lang?"
"Pass." sabay na sabi namin ni Leon kaya nagkatinginan at natawa.
"Segi na. Sa may VIP seat tayo. Hindi tayo makikihalo kila Kuya."
Hindi natapos ang araw ay napapayag na ni Clifford si Leon na sumama. Parang may sinabi na sobrang nakakaakit at magandang bagay si Clifford kay Leon kaya pumayag siya. Atngayon, silang dalawa na ang namimilit sa akin. Nasa Kapiko na kami ngayon. Talagang sumama rin si Clifford para sabay nila akong kulitin.
"Pass. Galingan niyo pang pilitin ako." sabi ko at nagbihis na ako, handa ng umuwi at mag-aral.
Nang makapagbihis na ako ay niligpit ko na rin ang gamit ko.
"Psst. Sama ka na, Sage. . "
Nilingon ko si Leon at pinagkatitigan ko siya. Nag-cross arm din ako. Nag-isip kunwari.
"Ano bang sinabi sayo ni Cliff para pumayag ka?" kuryusong tanong ko.
Napangiwi siya at napakamot batok. "Ah. . eh. . " hindi ko alam kung ayaw niyang sabihin o nahihiya siya.
"Ano?"
"Sa amin na lang 'yon—"
"Sasama ako kapag sinabi mo."
"Andoon 'yong ex ko." kaagad na sabi niya.
At ngayon, siya naman ang pinagtatawanan ko. Namumula siya sa kahihiyan.
"Woi, ang sama mo."
"Bumabawi lang ako." sabi ko at kumalma na ako sa kakatawa. "At siyaka, bakit mo ako pinipilit sumama? Dapat nga wala kayong kasamang babae para maka-diskarte ka." kuryusong tanong ko.
"Gagamitin kasi kita." sabi niya at ngumisi, "pagseselosin ko lang ng kaunti, ipapakita ko kung anong mga sinayang niya."
"The f-ck?"
"Segi na. . . Iniwan ako ng tao na 'yon." aniya.
"I mean, the f-ck? Bakit ako? Maghanap ka ng mas magandang babae na gagamitin pangpaselos sa ex mo. Huwag ako, baka insultuhin lang ako no'n eh."
"Youre beautiful, Sage. . . Kung alam mo lang." seryosong sabi niya. "Pero hindi pa rin talaga ako tinitigasan sayo." sabi niya dahilan para matampal ko ng malakas ang balikat niya.
Tatawa tawa siya habang naglalakad kami palabas kung saan naghihintay si Clifford.
"Sasama na siya?" masayang salubong sa amin ni Cliff at tumango naman si Leon bilang sagot, "Ayan! Buti naman."
Nauna na munang umuwi si Leon, magbibihis daw. Si Cliff naman ang naghatid sa akin at hihintayin niya raw akong mag-ayos kaya inaya ko muna siya sa loob ng apartment.
At dahil bar ang pupuntahan namin at gagamitin daw ako ni Leon para ipa-mukha sa ex niya kung ano ang sinayang niya ay namili ako ng maganda at sexy pero presentable pa rin na damit.
I'm wearing a fitted tank top kaya hapit na hapit ang katawan ko. And I paired it with skirt. Mabuti na lang at may extra boots ako na bumagay sa porma ko. Ginawa kong messy bun ang buhok ko.
Nang tumingin ako sa salamin ay ang ganda na ng porma ko. Ang sexy ko tignan ang kaso. . . ang putla ng mukha ko.
Kinuha ko ang pouch na binigay sa akin ni Tita Jonah noon. Hindi ko naman alam gamitin 'to pero nag-lagay pa rin ako. Kaunting powder lang at red lipstick.
D-mn. Ang hot ko sa totoo lang. . . Height na lang talaga ang kulang sa akin eh.
Lumabas na ako nang makuntento sa ayos.
"Dang, Sage. Nagmukha kang babae." kaagad na pansin ni Cliff sa ayos ko. "You look hot. Dang."
"Shut up, Clifford. Hindi ko alam kung pinupuri mo ako or what." natatawang sabi ko at nag-spray ako ng perfume na bigay sa akin ni Tita Jonah na hindi ko madalas gamitin.
"I'm sure, Kuya will be surprised to see you looking like that." sabi niya at inalok niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko tinanggap 'yon.
"Hindi ko talaga alam kong nah-hot-an ka sa akin o pinagtatawanan mo ako." sabi ko at naunang maglakad palabas.
"I'm sorry. It's my first time seeing you looking like that? You know, nasanay kasi ako na baggy lagi ang suot mo. And you actually can full off that feisty red lipstick."
At iyon na nga, buong byahe ay walang ibang lumabas sa bibig ni Clifford kundi mga papuri.
First time niyang nakita dahil first time ko rin namang nagsuot ng ganito at nag-ayos. And it's for Leon's Ex. Pumayag akong sumama at mag-ayos para sa kaibigan ko. Gusto kong suportahan siya sa plano niya.
Ang gaga at ang petty but I know, it will be a fun night.
Hindi rin naman kami makikisalo kila Kuya Red at sa banda eh.
Si Cliff din ang hinintay ko sa loob na ng kotse dahil nagbihis din siya. At nang papunta na kami ay nasa tapat na raw ng bar si Leon at hinihintay na kami.
"D-mn." iyan ang nasabi ni Leon nang makita niya ako.
"Will? Tinitigasan ka na ba?" from that moment, naging inside joke na namin ni Leon ang word na 'tinitigasan' eh.
"Nah." iling niya kaya inungusan ko siya.
Nilingon ko si Clifford na gulat dahil sa biglang naging tanong ko kay Leon.
"May context 'yon, Cliff." kaagad na linaw ni Leon sa lalaki.
"Hindi na namin sasabihin ah? Para sa kahihiyan ko 'yon." sabi ko at natawa naman siya. Nakakaintinding tumango pa.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Ang pagpasok sa bar ay sakripisyo dahil hindi na ako makakalanghap ng preskong hangin.
Lumapit ako kay Leon at bumulong, "Andito ba siya ngayon?" tanong ko.
"Yeah. Kita ko siya kaagad." sabi niya, bigla niyang hinawakan ang beywang ko at sabay kaming naglalakad papasok. Sakto rin dahil maraming tao, parang inaalalayan niya lang ako.
"Where?"
"Brown leather jacket, 12 o'clock." sabi niya. "huwag kang magpahalata." bulong niya pa.
Hinanap ko ang sinasabi niyang naka-leather jacket pero ibang mata naman ang nakita ko. Ang sama sama ng tingin niya sa akin. It was Kuya Red. Nasa VIP seat din sila at kasama niya ang mga ka-banda niya. At kung nakakasunog lang ang titig ay lumiliyab na ang kamay ni Leon na nakahawak sa beywang ko.
Pero hindi lang si Kuya Red ang masama kung tumingin ngayon sa akin. Nakasalubong ko ng tingin ang taong tinutukoy ni Leon at ang sama sama ng tingin niya sa akin.
Brown leather jacket, 12 o'clock.
Dang.
"Putang Ina mo, Leon." pagmumura ko sa lalaking mas humigpit ang hawak sa beywang ko.
"You see him?" bulong niya.
It was a guy! Lalaki! Lalaki ang ex ni Leon! At sobrang sama ng tingin niya sa akin ngayon!
Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa. Kaya pala hindi tinitigasan ang lalaking 'to sa akin!
At saktong ang VIP seat na na-reserba ni Clifford ay sa gitna ng VIP seat nila Kuya Red at ang banda at ang VIP seat kung nasaan ang pwesto ng ex ni Leon at ng mga kasama niya.
"I'm sorry. . . Wala na kasing ibang available. And I don't know." iyan kaagad ang sabi ni Clifford sa amin ni Leon.
"Pahamak amputcha." bulong na sabi ni Leon.
"Bwenas." sabi ko lang din.
Kinuha ko ang kamay ni Leon at pinisil ko 'yon ng mariin saka ko siya hinila para bulungan dahil malakas ang musika.
"Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa ako bumulagta sa sahig." ani ko at nagpeke ng tawa saka umayos ng upo.
Nagulat ako nang hinila niya ulit ako palapit sa kaniya.
"Same. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa ako bumulagta sa sahig." sabi niya rin.
Nagtataka man ako sa sinabi niya ay pareho kaming tumawa.
Let's the game begin.