Chapter 19

1678 Words
"What's up! Hi, Sage!" Nagulat ako nang andito na naman ang buong banda ni Kuya Red sa Kapiko. Abala kami ni Leon sa paglilinis ng kalat nang bigla silang nagdatingan. Inirapan ko lang silang lahat bago ako nagpatuloy sa ginagawa. Rinig ko ang pagtawa nila. "Sage, bakit naman naka-turtle neck ka? Ang init init ng Pilipins." natatawang sabi ni Kuya Maru nang matapos niyang mag-order at napili talaga nilang pwesto ang kakatapos ko lang linisan. "May sakit kasi ako." palusot ko na lang. "Siguro dahil sa puyat 'no?" natatawang sabi nito sabay tingin kay Kuya Red. Napatingin din tuloy ako sa lalaki na nakakalokong nakangisi ngayon. Biglang dinaga ang puso ko. Teka, anong nalalaman ni Kuya Maru? "Kawawa ka naman Sage, pinupuyat ka ni Red." sabi pa nito. "What the f-ck are you saying?" naging defensive ang tono ko. "Woah. . woah. . Kalma, alam kong kulang ka sa tulog dahil ang ingay na naman ni Red at ng babae niya no'ng pero huwag naman ako ang pagbuntunan mo." sabi ni Kuya Maru, nakaharang pa ang kamay niya sa harapan ko na para bang takot na sugurin ko siya bigla. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Puta. Akala ko kami ang tinutukoy niya. Akala ko alam niya. "Nasa kabilang apartment ako last time, doon ako tumuloy. Halos wala rin akong tulog sa ingay nila." natatawang kwento niya, "Buti ikaw, natitiis mo ang gano'n." "Sino may sabing natitiis ko?" pinasungit ko ang tono ko upang itago ang kaba na naramdaman ko kanina. "Oh I see," napatingin naman ako kay Kuya Cole nang magsalita siya, "is that why Cliff said you're looking for an apartment." Kaagad na binaling ko ang tingin ko kay Kuya Red matapos sabihin ni Kuya Cole 'yon at kitang kita ko ang pagtangis ng panga niya. Napamura ako sa isip ko. Hindi niya dapat alam 'yon. Nakakainis. Mamaya kung ano ano na naman ang sabihin niya. "Oh really, Sage, you wanted to leave the apartment?" sarkastikong aniya. "Sawang sawa na kasi akong marinig ang mga ungol mo." inis na sabi ko at mabilis na tinalikuran sila, rinig ko ang pagtawa at pang-aasar nila kay Kuya Red bago ako makalayo sa kanila. Sa ibang table naman ang inabala kong linisan. At habang ginagawa ko 'yon ay alam kong may matang nanonood sa bawat galaw ko pero pinili kong hindi na pansinin 'yon. "Hindi mo ba talaga aalisin 'yang turtle neck na suot mo? Ang init init oh. Pinatungan mo pa ng uniform natin. Ako ang naiinitan para sayo." sabi ni Leon. Mukhang tapos na ang shift niya sa counter at sasamahan niya na ako sa paglilinis. "You look like you were suffocating." dagdag niya. I was suffocating. "I'm fine, really." paninigurado ko sa kaniya. Kanina pa niya pinupuna ang suot ko eh. Alas diyes sakto ay lumabas na kami ni Leon sa kapehan. Sabi niya ay mauuna na siya dahil may susunod pa siyang trabaho. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Makalipas ang minuto ay may nasakyan na rin ako kaya naman mabilis lang na nakauwi ako. "Oh my gosh! Sage!" iyan ang sumalubong sa akin nang pagbukas ko ng pinto. It was Tita Jonah. Andito pa pala siya sa syudad. Akala ko naman ay umuwi na siya ng probinsiya kahapon. "Tita. . " magiliw na sabi ko at niyakap siya. "Ano ba 'yan, 'nak! Pawis na pawis ka! Tapos naka-suot ka pa ng ganiyan. Sabi sa akin ni Red na may sakit ka raw. But wearing a turtle neck underneath with your uniform? That's too much. Alisin mo na bago ka pa mahimatay sa init." Aalis ko? Andito pa siya, at baka magtagal pa siya. Ayaw kong makita niya ang marka sa leeg ko na iniwanan ng hinayupak niyang anak na nakaupo sa may counter ngayon. "I'm okay, Tita, really. At gabi na oh, hindi na mainit." ngiting sabi ko, tinatago ang panic ko. Nilingon ko si Kuya Red na pinapanood kami, nakangisi siya na parang natutuwa sa napapanood. Natutuwa siya na nakokorner ako at hindi ko alam ang ipapalusot ko dahil sa markang iniwan niya! "Nonsense. Halata naman na hindi ka komportable, ihja. At mas maganda na mahanginan ka. ." "Leave her alone, Ma. She's being stubborn." sabi ni Kuya Red, ang boses niya ay malalim, mapanganib. Hindi ko nga lang alam kong matutuwa ako na nakialam na siya sa usapan o hindi dahil bigla siyang tumayo, pumagitna sa amin ng Mama niya. "You don't want anyone to see what's underneath huh?" bulong niya. Napasinghap ako. The challenge in his voice was a physical blow. Talagang gusto niyang ipahamak ako. Gusto niyang makita ng Mama niya ang lahat. "Ayaw ko lang na. . . na may mahawang iba. Lalo ka na, you forgot? You're fragile, just like your ego." sarkastikong sagot ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Dahil ba nagtatakang nakatingin sa amin si Tita Jonah ngayon, o dahil ba sa sobrang lapit ni Kuya Red sa akin at hindi ako makahinga ng maayos. Napatingin ako kay Kuya Red at nakakatuwa na nakikita ko ang repleka ko sa mga mata niyang mapanganib. I was so small and trapped but acting too smug. "See, Ma? So considerate." he said, mocking me. Bigla niyang hinawakan ang balikat ko at pinisil 'yon na parang nagpapaalala. "She will keep it on, Ma, gusto niya 'yan eh. Don't you, Sage?" Inis na inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at nginitian si Tita. "Kayo talaga. . " iling na lang ni Tita Jonah. "Anyways, andito ako para magpaalam na. Buti na lang at medyo maaga kang umuwi, nahintay pa kita. Uuwi na ako," ngumuso si Tita, nalungkot. "Aww. . . May susunod pa naman Tita eh. Baka ako na lang ulit ang dumalaw sayo." sabi ko naman sa ginang na ngumiti kaagad. "Talaga ah? Promise mo 'yan ah." tumango naman ako, "isama mo ang anak kong si Red, please. . " Kaagad na umirap naman ako pero ngumiti rin. "Para sayo Tita, pagtitiisan ko ang anak mo." Nanggigil na niyakap naman ako ni Tita dahil sa sinabi ko. "Ikaw talagang bata ka. Pero salamat." sabay pa kaming tumawa. "You know that I can haear the both of you, yeah?" Kuya Red said with his deadpan voice.. "I love you, anak. . " bawi naman kaagad ni Tita at niyakap niya ang anak niya. Gumanti naman ng yakap si Kuya Red. Habang magkayakap silang mag-ina ay nagsalubong ang tingin naming dalawa kaya naman inismiran ko siya. "Mamaya ka sa akin," he mouthed. "Tang ina mo," I mouthed too. "Oh siya! Aalis na ako ah? Mamimiss ko kayong dalawang mga anak ko. . " sabi ni Tita at kumalas na sa yakapan nila ng anak niya. Hinarap niya ako kaya nagpeke ako ng ngiti. "Magpahinga ka ah, Sage? Gusto ko kapag dumalaw na kayo sa bahay wala na 'yang malalaking eyebags mo." sabi niya sabay sapo ng mukha ko. Ngumuso naman ako. "And Red, as older, you take care of her hmm?" baling na naman niya sa anak niya, "alagaan mo siya at walang magpupuyat ng pag-aaral?" "Yes, Ma. I will make sure she stays in bed."Kuya Red promised, his voice dripping with a dark, hidden meaning. "Very good. Dapat ganiyan lagi." Tita Jonah praises her son. Tuwang tuwa siya, hindi niya alam iba na ang ibig sabihin ni Kuya Red sa sinabi niya. Baka imbes na pahinga ang makuha ko ay mas lalo lamang akong mapapagod at mapupuyat. Hinatid namin ni Kuya Red si Tita Jonah sa kotse niyang nakaparke pala sa labas. Ni hindi ko man lang napansin. Siguro nasa ilang minuto pa kami sa labas dahil ayaw umalis ni Tita, ang dami niyang bilin. Pa-ulit ulit niya kaming binalikan para yakapin at halikan tapos babalik ulit siya kasi may nakalimutan siyang ibilin. . Kumaway kaway na ako sa kotse na sa wakas ay aalis na dahil sumakay na si Tita. "So, binalak mo pa lang umalis ng apartment?" tanong bigla ni Kuya Red, pareho naming pinapanood ang kotse na papalayo. "Paki mo." "At nagta-trabaho ka talaga sa cheap na kapehan na 'yon." "Oo. At hindi cheap na kapehan 'yon. Kopiko ang pangalan, at nagkakape ka naman doon." sabad ko kaagad. "You know what pisses me off? Ni hindi ko na malalaman 'yon kung hindi sasabihin ng iba. Wala ka talagang balak sabihin sa akin? At bakit hindi mo ginagawa 'yon?" "Eh ano naman sayo kung gano'n?" "You're being sarcastic again." "Fine. Ayaw ko ng lagi mo akong sinusumbatan tungkol sa pera at pagpapakain, at pagpapaaral sa akin ng pamilya mo, ng Mama mo kaya nagtrabaho ako. At lagi kitang naririnig kasama ng babae mo. Ang ingay ng mga ungol niyo kaya naman nagsawa ako at gusto kong umalis na lang. Ano? Satisfied?" tinignan ko siya pero parang walang naman siyang pakialam sa mga sinabi ko dahil nakatingin lang siya sa labi kong gumagalaw no'ng nagsalita ko. Bwesit talaga. "And I hate you, that's one of the reasons too. Kung hindi dahil kay Tita Jonah hindi ako nagtitiis sa iisang apartment kasama ka eh." sabi ko at nauna ng maglakad. Hindi totoo ang mga sinabi ko. Pero dahil ayaw kong magpatalo sa kaniya at gusto kong gumanti dahil sa pangkokorner niya sa akin kanina kaya nasabi ko 'yon. Nang pumasok na kami sa loob ay akala ko makakapagpahinga na ako pero akala ko lang 'yon dahil marahas na hinila ni Kuya Red pababa ang turtle neck ko at na-expose na ang hickeys na iniwanan niya sa leeg ko. Ang marka niya. Nang makita niya 'yon at ngumisi siya. "Look at you," singhal niya, nakatitig siya sa namula mulang marka sa leeg ko, "you're a mess. And all because of the person you claimed to be hate the most." Tinulak ko siya palayo sa akin. "I hate you." madiing pag-uulit ko. Sinungaling ka, Sage. "Good." aniya na. Walang epekto sa kaniya kung gusto ko ba siya o hate ko siya. At iyon ang nakakainis. "Hate me all you want. I don't care as long as you're moaning and screaming my name." ngising sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD