F-ck. I did it. With Kuya Red.
Napapikit ako. Napamura.
Bumangon ako at kaagad ding napahiga. Ang sakit ng buong katawan ko, iyong mga hita ko, iyong braso ko, iyong likod ko, lalo na 'yong pagitan ng mga hita ko.
Mula sa bukas na pinto ay alam kong nasa kusina lang si Kuya Red. Naaamoy ko ang sigarilyo niya at ang amoy ng black coffee na iniinom niya tuwing umaga.
Natulog na lang ulit ako. Hindi ko na pinasukan ang alas syete kong pasok ngayon Sabado. Nagising na lang ako ng alas nuebe na ng umaga. Sinubukan kong umupo, napapaigik ako pero hindi na kagaya ang sakit niya kanina. Mas kaya kong gumalaw ngayon.
Pumunta ako sa banyo. Ang gulo gulo ng buhok ko, may eyebags din ako, at parang namamaga pa rin ang labi ko hanggang ngayon. Kaagad kong nilinisan ang sarili ko dahil ramdam ko ang lagkit ng katawan ko. Ang gagong si Kuya Red ay hindi gumamit ng condom kaya nagwithdrawal siya at sa tiyan o sa hita niya nilalabas. Kahit sa pag-ihi ay masakit at mahapdi.
Lumabas ako sa banyo na bagong bihis, iika ika pa ako.
"Sage," it was Kuya Red. Nakasandal siya sa bukas kong pinto, ni hindi ko man lang siya napansin. "Does it hurt?" tanong niya.
"Yeah. F-cking hurt." sagot ko.
"Buti kaya mong tumayo." ngising tanong niya.
"Kaya pa kitang sipain." sagot ko naman.
Iyong Kuya Red na sabik na sabik at gigil na gigil sa akin kagabi ay wala na, napalitan na ng bwesit at nang-aasar na Kuya Red. Parang sayang saya nga siya na hindi ako makalakad. Pinagkatitigan niya ako, mula sa mukha ko hanggang sa paa ko, at bumalik sa mukha ko na alam kong halatang walang tulog.
"You. . .look like hell." aniya.
"Thanks to you," sarkastikong sagot ko naman.
Ngumisi siya, "tired eyes. Parang hindi yata tumatalab ang 'stress relief s-x' sayo ah. Or did you stay up all night thinking about how many times you come?"
"Tired eyes because I'm stressing about my acads, Kuya Red, don't flatter yourself. At hindi ako sanay na hindi matulog ng maaga. Hindi ako tinantanan, remember?"
Pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng kalanting ng susi at pagbukas ng pinto. Nagkatinginan kami.
"Wala akong inaasahang bisita ngayon, baka ikaw? Baka babae mo," kiming sabi ko.
Nanliit naman ang mata niya.
"Sage? Red? Andito ba kayo?"
Si Tita Jonah— bigla na lang siyang pumasok sa apartment at andoon na siya sa tapat ng pinto ng kwarto ko.
"Mama!" usal ni Red.
"Tita!" gulat na bulalas ko.
"Hi!" bati ng ginang sa akin. Naka-suot siya ng floral linen dress, ang elegante niya tignan ro'n. May hawak hawak siyang box ng ensaymada at bulaklak na lilies. "Good morning, mga anak ko! Dumaan lang ako dito saglit dahil may lakad kami ng Tita Juliet niyo." tukoy niya ang Mama ni Kuya Maru na nagmamay-ari nitong Village.
Nagkatinginan kami ulit ni Kuya Red.
"Mom, let's go in the kitchen. Let's wait for Sage, kakagising lang niya, hindi pa 'yan nagsisipilyo." sabi ni Kuya Red at inakay niya si Tita Jonah paalis sa tapat ng pinto.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang at hindi siya pumasok. Hindi ka-aya aya ang amoy ng kwarto ko. Nagbihis ako ng hoodie kung saan matatakpan ang markang iniwan ni Kuya Red sa leeg ko at ilang pasa sa braso ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin kagabi.
Ang sakit pa rin ng gitna ko pero nakaya ko namang maglakad ng normal.
"Ayan na si Sage!" ani Tita Jonah, sinalubong niya ako at niyakap bago hinalikan ang gilid ng ulo ko. "Hays, namimiss ko na kayong mga anak ko. Umuwi naman kayo minsan." ngusong sabi nito.
Iginaya niya ako sa kusina kung saan naka-upo na ro'n si Kuya Red na kumakain na ng ensaymada na dala ni Tita.
Nanatili akong nakatayo sa tapat ng lamesa. Masakit pa rin at alam ko sa sarili ko na madadaing ako kapag umupo ako.
"Sage, you look so exhausted." sabi ni Tita nang makita na niya ng malinaw ang mukha ko. Sinapo niya pa 'to at pinagkatitigan ako. "Ang mga mata mo, ang lalalim na. Dahil ba sa work? O sa mama mo?"
Sasagot pa lang sana ako nang hinarap ni Tita si Kuya Red.
"Red, sabi ko naman sayo alagaan mo si Sage. Why aren't you making sure she sleeps?" aniya sa anak.
Kuya Red took a slow sip of his coffee, his eyes meeting mine. At may ngisi sa labi niya na hindi ko nagustuhan. "Oh, I'm making sure she gets exactly what she deserve, Ma. Pero kilala mo naman si Sage, hindi 'yan sumusunod sa akin. Matigas ang ulo niya. She insists on. . . staying up late." kibit balikat na aniya.
"Kayong mga bata kayo, hindi na talaga kayo nagkasundo." sabi ni Tita, halatang apektado sa pagbabangayan namin lagi ng anak niya. "But Sage, anak ko, please lang matulog ka naman ng maayos, hmm?"
"I'm fine, Tita." I whispered. "Just a long night."
"Hmm. . . Babawi ka ng tulog ah?" sabi niya, tumango naman ako. "Red, alagaan mo naman si Sage, hmm?" sabi nito sa anak niya na hindi man lang sumagot.
Ramdam na ramdam ko ang mariing titig sa akin ni Kuya Red habang nagtitimpla ako ng iinomin kong hot chocolate. Si Tita Jonah naman ay nasa sala at inaayos ang dala niyang bulaklak ng lilies sa vase. Naghu-hum pa siya na parang masaya siya. Hindi niya alam may tension na palang namumuo sa pagitan namin ng anak niya.
Bigla akong nakaramdam ng guilt. Hindi niya alam na may ginagawa na kaming kalokohan ng anak niya sa likod niya.
Paghawak ko pa lang ng mug ko ay parang mabibitawan ko 'yon.
"Sit down, Sage." biglang nagsalita si Kuya Red, nang-uutos ang tono ng boses niya. "Mama went through all the trouble of bringing breakfast. At least you can do is look like you're enjoying it."
"I am enjoying it. Ayaw kong umupo, masakit pa." halos pabulong na sagot ko dahil ayaw kong marinig ni Tita Jonah 'yon.
Ngumisi naman si Kuya Red na siyang kinainis ko. At naghugot pa talaga siya ng upuan sa tabi niya, walang pakialam na sinabi kong ayaw kong maupo.
"Sit down. You want her to ask you huh?" ngising sabi niya. Alam ko ang ginagawa niya, gusto niyang makita na nasasaktan ako.
Inirapan ko siya at umupo ako sa upuang hinugot niya. At hindi ko pinakita ang nasasaktang mukha ko gaya ng gusto niya. I won't give him a satisfaction.
Maya maya ay nasa kusina na si Tita Jonah at naglapag siya ng ensaymada sa tapat ko.
"Red, anak, I heard you were seen at the new club. Iwasan mo sanang pumasok sa mga lugar na gaya no'n, alam mo naman na kapag nakarating sa Papa mo ang ginagawa mo ay mapagsasabihan ka naman niya. At alam mo ba na nakakarating sa amin ng Papa mo ang mga kalokohan mo. Ang mga babae mo kada araw o Linggo." puno ng pag-aalala na sabi ni Tita Jonah.
Hindi man lang nagreak si Kuya Red sa sinabi ng Ina niya. He didn't even look guilty. "I'm collage student, Mom, it's expected. At hindi na ako bata, alam ko ang ginagawa ko."
Gumalaw siya sa kinauupuan niya at naramdaman ko ang tuhod niya sa tuhod ko sa ilalim ng table. Sinubukan kong lumayo pero mabilis na humawak ang kamay niya sa legs ko para pigilan ako. Napasinghap ako ng mahina. He kept the pressure there, steady, and hot, a silent reminder of the friction last night.
"And what about you, Sage?" tanong ni Tita at ako naman ngayon ang hinarap niya. Ang soft niya tignan eh, kahit no'ng pinagsasabihan niya si Kuya Red. Ibang iba sa asawa niya. "Red said he's looking out for you, but you look thinner. Kumakain ka pa ba? Baka naman napapabayaan mo na ang sarili mo. Dahil ba 'to sa Mama mo?"
"No, Tita." I lied, "dahil 'to sa acads ko,"
"She spend times on her knees—in front of her table." sabi ni Kuya Red. Napa-ubo naman ako sa iniinom kong hot chocolate. Mabilis na binigyan ako ni Tita ng tissue.
"Hays, dapat magrelax ka na, Sage. Minsan umuwi naman kayo sa bahay. Doon walang stress, 'di ba, Red? At pwede mo namang dalhin si Sage sa ibang lugar dito, Red, para makapagrelax kayo."
"That's a good idea, Ma." Kuya Red murmured. Tinignan niya ako at nginisian, at hindi ko gusto ang ngisi niyang 'yon. "I'll make sure she relaxes. I'll make sure she's so relaxed she can barely stand."
The double meaning of his words is so loud and I am glad na hindi napapansin ni Tita Jonah.
Napatitig na lang ako sa plato ko, ang bilis ng kabog ng puso ko, dinadaga dahil ayaw kong may mapansin si Tita. Tang Ina ni Kuya Red eh. I hated him. I hated the way he could weaponize his mother's love to torment me. I hated that I wanted him to keep his knee pressed against mine.
Natapos na kaming nag-almusal ay nagpaalam na si Tita na aalis na siya. Hinatid namin siya sa pinto.
"Gusto ko mang magtagal ay may iba akong lakad." sabi niya at hinalikan kaming dalawa ng anak niya, "Sage, call me if your Kuya Red gives you any trouble. I know how difficult he can be."
"She knows exactly how to handle me, Ma," si Kuya Red ang sumagot.
As soon as the front door clicked shut, the air in the apartment changed. The "dutiful son" mask dropped, replaced by the dark, heavy energy that always defined our private moments. I stood up to flee to my room, but Kuya Red was faster. He caught my arm, spinning me around until I was pinned against the kitchen counter.
"Tired eyes, Sage?" he whispered, his face inches from mine. "You should have seen yourself while I was holding you last night. You didn't look tired then. You looked. . .hungry."
"Let go of me, Kuya Red," I hissed, my hands bunched into fists against his chest. "The contract said no one will know. Discretion. Ikaw ang may gusto no'n tapos ikaw ang sumusuway. Ga-go ka." inis na pagpapaalala ko sa kaniya ng rules na hinawakan niya.
"It's fun." sabi niya lang. "Lucky us, she didn't pick up." He leaned down, his lips brushing against my ear, his breath hot and smelling of the coffee he'd just finished. "I love seeing you looking so scared and helpless."
"You piece of sh-t."
"Yeah. Buti nga hindi niya nakita 'yang naka-disply na hickeys mo. Lucky us."
Inis na tinulak ko siya palayo. Pinilit kong maglakad ng maayos habang naglalakad papalayo sa kaniya at pumasok sa kwarto ko. Doon tinignan ko kung ano ang tinutukoy niyang naka-expose at napamura na lang nang makita ko. High on the side of my neck, where the skin was the most sensitive, was a dark, plum-colored mark. It wasn't a bruise; it was a brand.