"Ang mga anak ko!" iyan ang masayang salubong sa amin ni Tita Jonah. Niyakap niya kaming pareho, nagkadikit tuloy kami ni Kuya Red. Si Kuya Red ang unang nag-react at pilit na kumalas sa yakap ng ina niya. Ako naman ay nanatili at mas niyakap pa si Tita. Maya maya ay sininghot singhot niya ako. "Hmm? You smell like Red, Sage." Parang hindi yata ako nakahinga ng maayos nang sabihin 'yon ni Tita. Mabilis na kumalas ako ng yakap at inamoy ang sarili ko. Kaamoy ko nga si Kuya Red! Naiwan ang amoy ng pabango niya sa damit ko dahil sa ginawa ko kanina. "Hmm, I wonder why?" ngising sabi ni Kuya Red sa gilid ko. "Tita naman, sa iisang kotse lang po kami ni Kuya Red sumakay. Baka naiwanan ang amoy niya dahil doon." kabado man ay nagawa kong mag-isip ng walang kwentang dahilan. Really, S

