"Sage, sandali!" Nakangiting nilingon ko si Leon na patakbong na lumapit sa akin. Uwian na kasi namin at wala ulit kaming work. "May ibibigay ako sayo, nakita ko lang sa daan kanina, parang bagay sayo." sabi niya at iginaya niya ako sa may parking space kung nasaan ang motor niya. "Talaga huh? Baka ma-in love ako sayo sa ginagawa mo." pabirong sabi ko. "Ang rupok mo naman." sabi niya lang at sabay naman kaming natawa. Nang nasa tapat na kami ng motor niya ay binuksan niya ang u-box nito at may kinuha roon. Isang beaded bracelets! "Wow! Ang ganda naman nito!" at kaagad kong kinuha 'yon sa kaniya kahit na hindi pa niya inaabot. "Thank you so much, Leon! Talagang naisip mo pa ako." ngiting sabi ko at kaagad kong sinuot 'yon. "Gusto mong sabay na tayong umuwi? Daan tayo saglit sa

