bc

You're Still My Man (Tagalog)

book_age18+
393
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
teacherxstudent
second chance
twisted
sweet
first love
friendship
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

Pagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama.

Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan.

Nakaraang matagal na niyang ibinaon sa limot.

At ngayon ay magiging lamat pa iyon sa samahan nilang magkapatid.

Ano ang pipiliin niya sa pagitan ng tama at mali?

Susundin ba niyang muli ang t***k ng puso?

Pero paano kung ang kaligayahan ng kapatid ang nakasalalay sa pagkakataong ito?

Sa huli ay napagtanto ng dalaga na handa siyang gawin lahat para sa kaisa- isang kapatid kahit ang kapalit noon ay habambuhay niyang pagdurusa.

This a story about life

Family

Friendship 

Betrayal 

And

TRUE LOVE.

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI mawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Xander habang nagmamaneho pauwi sa condo niya sa Ohana Homes,Alabang. Laman pa rin ng isip ang kanyang nobya.Pero kailan ba niya ito hindi naalala?He was crazy over her at ngayon lang nangyari sa kanya ang ganoon. His girlfriend was really beautiful not just in physical appearance, she also has a good heart.Sa paglipas ng mga araw ay lalo niya pa itong nakikilala. Sa kabila ng karangyaan ay simpleng pamumuhay lang ang gusto nito.He was so lucky to have her.In fact,he was already planning for their future. Siguradong- sigurado na siya na ito lang ang babaeng ibig niyang makasama habang buhay.. ang tanging babaeng nais niyang iharap sa altar sa tamang panahon. And they'll surely make a big and happy family someday. He tried all his best para hindi matukso kapag kasama niya ang nobya. May pangako siya kay yaya at sa sarili niya na igagalang ito hanggang sa araw ng kanilang kasal. Pero napakahirap gawin niyon lalo pa at napakaganda ng dalaga.Paminsan- minsan ay di pa rin nila maiwasang makalimot. They almost made out the night after her party, sa garden ng bahay ng mga ito.It was her eighteenth birthday. Napakaganda naman kasi nito noon at halos iuwi na niya ang nobya,kung pwede lang sana. Pero mabuti na lamang at pinigilan siya bago pa siya tuluyang matalo ng pagnanasa. Noong gabing iyon ay doon siya nito pinatulog pero sa guest room. He hugged her tight and thanked her for stopping him. He didn't really want to take advantage of her kahit pa alam niyang mahal na mahal din siya nito. Kailangang makapagatapos ito ng pag- aaral.She was also dreaming to be a teacher someday.At full support silang lahat dito lalo na ang ate nito sa Canada na wala pa ring alam sa sitwasyon nila. Thanks to yaya Nora na napaka- understanding.Alam ng binata na makikita at makikilala niya din ang ate ng nobya when the right time comes. Hindi inaasahan ni Xander na isang araw ay bubulabugin siya ng isang malungkot na balita. May malalang karamdaman daw ang kanyang ama at kailangan nitong madala sa ibang bansa.Naroon kasi ang mahuhusay na espesyalista at manggamot at mas mapapabilis ang paggamot dito. Nakiusap sa kanya ang kanyang inang si Doña Zandra na kubg maaari ay magresign na siya sa pagtuturo para asikasuhin ang ama at ang kanilang mga negosyo. Matindi ang naging pagtutol ng binata.Hindi niya kayang i- up ang kanyang trabaho. At lalong hindi niya kakayanin na malayo sa pinakamamahal na nobya.Pero kailangan din siya ng pamilya niya. Litung- lito si Xander at di alam ang gagawin.Tanging sa kaibigang si Ram lamang ang nakaalam ng pinagdadaanan niya.Inilihim niya iyon sa nobya. Ayaw niyang magkaproblema ang dalaga at baka maapektuhan ang pag- aaral nito.Pinayuhan siya ni Ram na sundin ang kanyang ina dahil nanganganib ang buhay ng kanyang ama. Pwede naman daw na humingi siya ng leave sa trabaho. Gulung- gulo ang isip niya pag- uwi sa condo niya.He cried in frustration nang makausap ang nobya sa telepono. Nahimigan nitong lasing siya kaya labis itong nag- alala.Dahil doon ay lalo siyang napaiyak. Nagulat pa siya nang bigla itong dumating kasama ang mag kaibigan nito.Napaiyak ang dalaga sa dinatnang kalagayan niya. He looked so miserable! Nagpaiwan ito doon para asikasuhin siya.Niligpit ang mga kalat at pinalitan siya ng damit. Panay ang tanong nito kung anong problema pero hindi niya magawang ipagtapat dito ang lahat. Hindi niya kayang saktan ang damdamin ng babaeng kanyang pinakamamahal. Naubos na ang natitirang pagtitimpi ni Xander sa sarili.Dala ng labis na pagmamahal at pati na rin ng kalasingan,he made her his that night. At buong- pusong nagpaubaya naman ang dalaga. Napakaligaya niya pagkatapos habang pinagmamasdan ang maamo at maganda nitong mukha. Nakaunan ito sa bisig niya at doon na nakatulog kaya hinayaan na lamang niya.Handa siyang panagutan ang nobya.Kung maaari nga lang ay gusto na niya itong pakasalan. She looked like an angel.He showered her face and lips with small kisses.Hindi mawala ang magandang ngiti sa mga labi niya habang patuloy na tinitigam ito. Wala siyang balak matulog,he just wanted to stare at her hanggang magising ito kinabukasan. Naputol ang pagmo-moment niya nang biglang mag- vibrate ang cp niya.It was Ram! Nakasaad sa text nito na may emergency daw sa mansion nila.He was avoiding calls from his mother lately.Kaya ang kaibigan niya ang kinontak nito. Aburido si Xander habang nakatitig sa nobya.Hindi matanggap ng kalooban niya na itong iwanang mag- isa. Sa lahat ng pagkakataon bakit ngayon pa?!Nasapo niya ang noo nang marealize kung anong petsa na. Paano niya nagawang kalimutan ang napakagalagang araw na iyon? Sa huli ay nakapagdesisyon din ang binata. It was a matter between life and death!Tuliro man ay naggawa pa rin niyang mag- iwan ng note para sa nobya. May sariling susi naman ito ng condo niya.Lihim na nagpasalamat na lamang siya walang pasok kinabukasan. Pagkatapos maihanda ang mahahalagang gamit ay nilapitan niya ang nobya.Napakahimbing ng tulog nito. Naninikip man ang dibdib ay maingat na kinintalan niya ito ng halik mula sa noo pababa sa labi. "Babalikan kita l,sweetheart.Sana hintayin mo ako.I love you." Then,mabibigat ang mga paang nilisan niya ang lugar at muling nangako sa isip na babalikan ang kanyang minamahal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Unwanted

read
532.2K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

SILENCE

read
393.7K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook