Five years ago...
"Kaliiiii!!!!I missed you beb!",tili ng bestfriend nyang si Trish kasabay ng pagsugod ng yakap sa kanya.
"Ano ka ba beb,two days lang tayong hindi nagkita makareact ka naman wagas.", natatawang tinanggal ni Kali ang kamay ng kaibigan.
"Ouch!That hurts,huh..",kunway nagtampo ito at medyo lumayo sa kanya. "I thought the feeling was mutual,hindi pala.Advance lang ako masyado mag- isip...",nakalabing patuloy ni Trish.
Napahalakhak si Kali sa kaartehan ng bestfriend. "Of course I missed you,too.But not enough reason to make a scene,okay?Lalo pa at ganito kaaga.Wag ka na magtampo jan,alam ko namang di mo ako kayang tiisin."
Niyakap niya ang kaibigan at ito naman ang kunway lumalayo.Hinampas niya ito at nagkatawanan silang dalawa.
They were seatmates kaya lalo silang naging close ni Trish.Share sila sa lahat ng bagay.Unang beses pa lang sila nagkita ay gusto na niya ito.
Jolly type si Trish.Medyo kikay kaya walang dull moments pag kasama niya ito. Buti na lang at sila pa lang ang tao sa room kaya malaya silang nakakapagkulitan.
"Okay,you're forgiven.Kung hindi lang talaga kita mahal,itatakwil kita." Trish smiled at her sweetly at nag- wink pa ito."Luka- luka talaga" sabi niya sa isip.
"Thank you beb.Alabyu,muah!O ayan okay na ha?Pwede bigyan mo muna po ako ng konting time at magrereview lang ako.May short quiz tayo mamaya,remember?" Pero hindi na tumugon ang kaibigan.
Silence means yes,she thought. "Oh my G!",impit na tili ni Trish at bigla siyang siniko nito dahilan para malaglag ang notebook niya.
"Beb,ang gwapo!At ang yummy pa!" Hindi pa rin ito maawat sa kilig.May nakita na naman siguro itong new target at umiiral na naman ang pagka- playgirl.
"I think I already found the one,Kali.Siya na yung pakakasalan ko,swear!",hindi pa rin talaga ito maawat. But Kali didn't care to know what's going on.
Balak niyang pulutin ang nahulog na notebook dahil sa pagsiko ni Trish sa kanya kanina.Medyo naiinis na siya kaibigan sa sobrang kakulitan at kakirihan nito.
Eksaktong aabutin na niya ang notebook nang biglang may kumuha din nito.Nauna siya kaya ang lapastangang kamay ay nakapatong sa kamay niya.
May tila kuryenteng dumaloy sa kaibuturan niya kaya napapitlag siya.Noon niya lang iyon naramdaman sa buong buhay niya. Unti- unti siyang nag- angat ng tingin.
Balak niyang tarayan ito katulad ng madalas niyang gawin pag naiinis siya.Pero naumid ang dila niya when her eyes met his.
Yes,he was a man.A very gorgeous one. Pakiramdam niya tumigil ang mundo.Tila kakatwa din na sobrang tahimik sa loob ng klase samantalang kapag ganoong oras ay nagkukulitan ang mga kaklase niya,especilally the girls.
Halos hindi makagalaw si Kali sa kinauupuan.Bumilis ang t***k ng kanyang puso.Pakiramdam niya walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa ng lalaki.
Hindi niya rin maramdaman si Trish sa tabi niyniya at ang iba pang kaklase.Naging invisible na yata lahat.The only visible is the beautiful creature in front of her.
Seryosong nakatingin este nakatitig pala sa kanya ang lalaki.Hindi niya ugali mag- examine ng hitsura ng isang tao lalo na sa mga lalaki but this time mataman niyang sinuri ang kabuuan ng kaharap.
He has the most beautiful and expressive eyes she'd ever seen.May mumunting bigote at balbas,halatang bagong ahit.
Clean cut ang malago at maitim na buhok. Ang kamay nito na nakapatong sa kamay niya ay napansin niya agad na mabalahibo kaya sigurado siyang mabalahibo din ang iba pang parte ng katawan nito.
She blushed at the idea.Epekto yata yun ng kakabasa niya ng romance novels. The man looked fresh and yummy?Teka,linya yun ng bestfriend niyang si Trish na isa sa kinaiinisan niya.
Maganda ang built ng katawan ng lalaki,napansin niya rin yun.Matangos ang ilong.And his lips- Nanlaki ang mata ni Kali.Bakit kung anu- anong kamanyakan na yata ang naiisip niya.
The man smiled secretly upon seeing Kali's reaction pero hindi iyon nakaligtas sa paningin ng dalaga.Lalo tuloy siyang namula.
Mukhang na- aamaze ito sa kanya base sa kislap sa mga mata nito."Here",he said as he handed her the notebook.
Bumilis ang t***k ng puso niya.What a beautiful voice!Baritono,masarap pakinggan.Pwedeng- pwede itong dj sa radyo at siguradong hinding- hindi siya magsasawang pakinggan ito.
Kali was surprised.Never in her life na na- attract siya sa boses pa lang ng isang lalaki.Pero hindi lang siya sa boses nito naakit kundi sa buong pagkatao nito.What was happening to her?!
"Don't I deserve even just a simple thank you miss- - -?ibinitin nito ang sinabi at pinasadahan ng tingin ang id nya.Second semester na pero kinailangan nila magsuot ulit ng id dahil may bago silang propesor.
Natutop niya ang bibig!Ang kaharap niya ay walang iba kundi ang bago nilang propesor!
"Kaliana Morales.Hmmm.Nice name.",he smiled at Kali sweetly.Lumitaw ang mapuputi at pantay- pantay na ngipin ng binata.
The way he mentioned her name was different.It sounded very sexy!He has a husky voice.Lalong tumindig ang mga balahibo ni Kali.
"Alexandro Perez, your new professor.",hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya na di pa rin pala nito binibitawan.Bakit parang sa kanya lang ito nagpapakilala?Di ba dapat ay sa buong klase?
"Ah,sir.excuse me but it's already five minutes before eight.",Trish interrupted. Bumaling dito ang propesor at tumango.
Lalong namula si Kali sa pagkapahiya.Buong klase ay nakatingin kanila,partikular kanya.
Hindi niya napansin nag nag- aalab na tingin ng tatlong pares na mata.Mga tingin na punung- puno ng inggit at poot.
"Oh I'm really sorry class.I was just carried away...,"matalinghagang wika ng binata.Pinisil pa nito ang palad niya bago tuluyang bitawan.
Mabuti naman at natauhan na rin ito.Para silang may sariling mundo kanina.Siniko si Kali ni Trish at may nakapaskil na nanununksong ngiti s mga labi nito.
"Well,miss Morales,kindly stand in front and lead the opening prayer,"anito at hndi na hinintay makasagot ang dalaga.Naglakad an ito papunta sa mesa nito.
"Ay,iba din.," dagdag pang- aasar ni Trish at ngumiti ng nakakaloko."Gora na beb,antay ka na ni sir,oh"Trish winked at her sabay nguso sa propesor.
"Kabogera talaga yang beauty mo,no?"
Kilig na kilig ito pero pinandilatan lang ito ni Kali bago tinalikuran para sundin ang utos ni King Alexandro!
Yes,gwapo nga ito.But she was pissed off.Daig pa kasi nito tatay niya kung makautos.Bossy masyado akala kung sino.She let a deep sigh before she started the prayer.
RECESS TIME
Magkasamang sa school canteen sina Kali at Trish. Ang lapad ng ngiti ng huli samantalang hindi maipinta ang mukha niya. Late reaction dahil ngayon niya lang napagtanto ang katangahan niya kanina.
Para siyang hibang.And yes,hibang was the best term to describe her a while ago.Never in her life na nakaranas siya ng ganoong embarrassment that's why she suddenly felt irritated.
Sandwich at coke lang ang inorder niya samantalang si Trish ay mukhang walang balak kumain.Andon lang ito para mag- usyuso.
"Oh my G,beb!Di pa rin talaga ako makaget over sa inyo ni Sir kanina!" May paghawak pa si Trish sa dibdib.OA lang.
"Aren't you gonna stop,Beatris?Ayoko ng pag- usapan yan.Change topic!" Sa sobrang inis ni Kali ay hindi siya aware na napataas na pala ang boses niya.
Paglinga niya ay nahuli niyang nakatingin sa sa kaniya ang mga iba pang estudyante.
"Hey,beb,what's wrong?Meron ka ba ngayon?Wait,I'll just buy you a pad- -,"akmang tatayo si Trish pero maagap niyang napigilan ito.
Seryoso masyado ang bruha.Alam na alam kasi nito kung paano siya magalit.Even her mouth don't say it,her face definitely does.Pero madalang pa sa patak ng ulan kung magalit siya.
Ayaw niya kasi bigyan ng problema ang yaya niya lalo na ang ate niyang nasa Canada. "Sit down,beb,okay?I'm not mad.I just don't want to talk about what happened this morning. That was so embarrassing..."
Napasimangot na naman ang dalaga.Si Trish naman ay tila nabunutan ng tinik sa lalamunan nang muling umupo.
"Eh bakit ba parang inis na inis ka?Inggit much nga ako sayo eh haba ng hair mo.First day pa lang apple of the eye ka na agad ni sir Xander.All eyes sayo di man lang pinansin ang beauty ko." Mas mukhang kinikilig pa si Trish kesa nagtatampo.
"Xander?",kunot- noong tanong ng dalaga.
"Yes beb,kinausap ko kasi siya kanina at nagpakilala akong bff mo.So I can call him Xander na lang kasi parang bff niya na rin daw ako.Hahahaha.O diba ang sweet niya?Hindi suplado sobrang gwapo pa!Wag ko lang daw kakalimutan yung 'Sir'.Hihi."
Umandar na naman ang katabilan ng bestfriend niya. "Eh bat naman pati ako napasali sa usapan niyo?" Kunway inis pa rin siya at ayaw magpahalatang naku- curious din.
"Sus,kunwari ka pa beb,ha Alam ko namang deads ka din kay sir.At malinaw pa sa mineral water na crush ka ni sir.Or should I say na - love at first sight siya sayo Grabe ang titigan moment niyo kanina pang pelikula ha.Sayang nga eh nakunan ng video."
Kali blushed again.Talagang baliw si Trish matindi ang sapi nito.Hindi niya ipinahalata na kinikilig din siya.
"I hate him!" she murmured.
"Hate him ka diyan.Don't me beb.Halos lahat ng girls sa klase natin inlab kay sir.At sigurado ako magiging viral ang kagwapuhan niya!Kulang na lang malaglag ang panty ko,grabe ang hot niya!At in fairness,beb,mabalahibo" impit na tumili si Trish."Sigurado ako malaki pati yung ano- - -" maagap na tinakpan ni Kali ang bibig ng kaibigan.
Luminga siya sa paligid at tahimik na nagpasalamat dahil abala ang lahat kaya siguradong walang nakarinig sa mga kamanyakang lumabas sa bibig ng kaibigan.
Malaswa talaga ang bibig ng babaeng ito.Pero diba kanina ikaw din?Tulo- laway ka nga kay sir,eh,tudyo ng isang bahagi ng isip nya.Dahilan para mag- init ang pisngi ng dalaga.
"Hay naku beb,kj mo.Pero teka bat ka namumula?",Trish smiled devilishly."Iniisip mo din ang iniisip ko kanina,no?"Inilapit ni Trish ang mukha sa kanya."Sabi na eh,kunwari ka pa diyan.Pinagnanasaan mo din pala si sir Xander..."
Trish laughed loudly upon seeing her blushed more.Walang pakialam sa paligid kahit mukha na itong baliw sa kakatawa.Napailing si Kali na nooy namumula pa rin.
"Naiinis lang ako kasi diba hindi naman talaga common dito s school natin yung opening prayers blah blah blah."Muling sumimangot ang dalaga.
"Puwes,masanay ka na Kaliana Morales,dahil mula ngayon uso na!Astig ni sir no?Hilig magpauso.Di lang sa prayers blah blah blah- ginaya nito ang sinabi niya kanina-pati na rin pagtitig sa at paghawak sa kamay ng estudyante..."Nanunuksong muli ang mga titig ni Trish.
"Isa pa yan,ang bastos niya kaya.." saad niya pero kulang naman sa diin.
"That's exactly the point,beb.Ang perfect ni sir..Gwapo,matalino,macho!May animalistic kind of appeal.And relihiyoso siya.He's a total package,Kali.Yung tipong maginoo pero medyo bastos.Exciting,isn't he?"
Hininaan nito ang huling sinabi na talagang para sa kanya lang.Manyak talaga nito mag- isip.Ang dami nito alam lalo na pagdating sa kabastusan.
Pero alam niya intact pa ang kaibigan.Ganoon lang talaga ito magsalita.
"Stop it,Trish!Baka may makarinig pa sayo isumbong tayo sa teachers.Gusto mo ba ma- guidance?At saka kelan ka pa natutong pagtaksilan si Tyler?"
Kumislap ang mata nito pagkarinig sa pangalan ng kababata pero agad ding napalitan ng lungkot.LQ na naman siguro ang mga ito.
"Basta I hate him.Too bad at mukha niya ang una kong makikita sa umaga." Pinanindigan niya ang pagkainis sa propesor.
"The more you hate,the more you love."
Huling hirit ni Trish sa kanya at kinindatan pa siya.
Kasalukuyang kumakain mag- isa si Kali sa canteen ng umagang iyon.Hindi niya kasama si Trish dahil pinuntahan nito ang childhood sweetheart nito na si Tyler.Niyaya siya nito pero hindi siya sumama.
"Mind if I join you?"
Halos mapatalon ang dalaga sa kinauupuan niya.Pero hindi na nito hinintay pa siyang makasagot dahil umupo na ito sa pwestong dapat ay kay Trish.
Good for two lang lagi ang pinipili niyang upuan dahil ayaw niyang may iba pang makasalo maliban kay Trish.
Nahihiya man at naiilang ay pumayag na rin siya.May magagawa pa ba siya eh nakaupo na ito?And besides,he was their professor.
Luminga siya sa paligid.Napakarami namang bakanteng mesa pero bakit doon pa ito sumiksik?
Nagpasalamt na lang siya at may basketball league kaya halos sila lang dalawa ang tao s canteen at ang mga staff nito.
"Bakit nag- iisa ka,Kaliana?Where's Trish?" basag nito s katahimikan niya.He began eating his sandwich habang siya ay tila nawalan ng gana.Pati pagkain nila ay pareho.
Coincidence lang ba?Ibig niyang matawa.Pinaglalaruan yata siya ng tadhana. Gusto niyang isiping stalker si Xander pero parang ang assuming naman yata niya masyado.
"Nanood po siya ng laban ni Tyler Collins,sir.Childhood sweethearts sila kaya andon si Trish para suportahan si Ty.Siguradong mabibingi na naman ang mga tao sa gym sa lakas tumili ng babaeng iyon."
Di maiwasang mapangiti ni Kali habang nagkukwento.
Xander smiled. Nanunuksong ngiti.Napakunot- noo ang dalaga.
"I was right.You were not that silent.Depende lang siguro sa sitwasyon.Lalo na kapag di mo pa gaanong kilala ang isang tao.",makahulugang
makahulugang turan mg binata.
Natauhan naman bigla si Kali nang mapagtanto na masyado siyang naging madaldal.Bakit nga ba bigla siyang napakwento na tila ba matagal na silang magkakilala?Ni hindi nga sila close.
Kasi ayaw mo makipagclose,Kali,pabebe ka pa siya na nga itong lumalapit,anang isip niya.
Hindi close ha?Kaya pala kung magtitigan kayo nung first day wagas,at with matching hawak pa ng kamay,muli niyang narinig ang munting tinig sa isip niya.Wala si Trish pero naiwan yata ang espiritu nito sa tabi nya.
"Tyler Collins?The famous bsketball player.I heard malakas ang team nila at hindi malayong sila ang mag- champion.Bagay sila ni Trish,they looked cute together."
He smiled again.Nagrigodon na naman tuloy ang puso ng dalaga.Mas madaldal pa pala ito kaysa sa bestfriend niya.Nailang tuloy siya lalo na nang titigan siya nito ng matiim.
Gusto niyang maglaho sa harap nito ng mga sandaling iyon.
What's with the stares?
"Don't be shy and tensed,Kaliana.I'm not gonna eat you,okay?",he teased her.Lalo siyang namula.Maliban sa mga magulang niyang yumao at sa ate Seana niya ito lang ang tumatawag sa kaniya sa buo niyang pangalan.
Tinatawag lang iyon sa kanya ng pamilya kapag galit mag mga ito.She was used to be called by her nickname alone.
"Hope you still won't mind kung sasabay na ako sayo pabalik sa room niyo?"Xander spoke again.Napaangat ng tingin ang dalaga,nagtatanong ang mga mata.
"Well,hindi daw makaka- attend ng class yung prof nyo for next subject,Physics right?May emergency sa bahay nila so he asked me if I could do him a favor."
Tila nahulaan naman ng dalaga ang ibig sabigin nito.Lalo siyang kinabahan dahil mahihirapan na namn siyang mag- focus.
"Since we're good friends and nagkataong mamayang 4pm pa ang next subject ko,pumayag na ako.So yeah,di pa dito natatapos ang pagkikita natin ngayong araw,Kaliana.Marami pa akong oras para- - -" sinadya nitong wag ituloy ang sasabihin pero ngumiti ng matamis sa kanya.
Bakit ba lagi nalang itong may palaisipan? She couldn't help herself from staring at Xander's handsome face.Hindi talaga ito nakakasawang titigan.
Mas guwapo pa ito sa mga bida sa telenovela na pinapanuod niya. Maihahambing niya ito sa kagwapuhan ng mga bidang lalaki sa paborito niyang romance novel.
Xander was a picture of perfection. Nakadagdag pa lalo ang good personality nito.Friendly ito sa lahat pero istrikto ito pag nasa klase na.Kaya naman ginagalingan niya talaga sa klase para hindi mapahiya dito.
Akala ko ba kaya ka nag- aaral mabuti ay para maging proud ang ate Seana mo?Kelan pa nadagdagan ang listahan mo ng priorities?Ang alam ko hindi kabilang don ang magpa- impress sa propesor?,muling nag- ingay ang tinig na iyon sa isip niya.
Muli tuloy nag- init ang pisngi ng dalaga.
"Baka naman matunaw na ako niyan,Kaliana?" Xander teased her again.Dahilan para lalo siyang mamula.Xander laughed.It was a very sexy laugh. Para tuloy gusto niyang iuwi ang binata.
"Know what Kali?- finally he called her by her nickname- the first time I laid eyes on you I was amazed by your beauty.Very feminine and innocent."
He stared at her intently.Lalong namula ang dalaga.May kung anong naramdaman siya sa kanyang puson.Naalala niya ang madalas niyang mabasa na butterflies in the stomach.
Malakas ang kutob niyang iyon mismo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
"But you're more beautiful when blushing." Tila nahirapan itong bigkasin ang huling pangungusap.Not because he was lying but because she saw something in his eyes.
Was it desire?
Ito na mismo ang pumutol sa tila mahiwagang sandali na naman sa pagitan nila.It always seem magical kapag magkasama sila ng binata.
"Thank you for letting me eat with you,Kaliana.See you later." He smiled again.Tinanguan lang niya ito.Tila nasa loob pa rin siya ng isang panaginip. "Hope it's not the last time.."
Nagulat siya nang muling magsalita si Xander. Naroon pa pala ito? Bakit tingin niya rito ay nahihirapan itong umalis.As if he wanted to kiss her before leaving.
Naipilig niya ang ulo.Masyado na yata siyang nadadala ng mga binabasa niya. Dali- dali siyang tumayo at nagpaalam kay Xander.Inunahan na niya itong umalis bago pa may makakita sa kanila.
Pero ramdam niya sa likod niya ang maiinit na pagtitig nito habang papalabas siya ng canteen.Muling gumapang ang masarap na kilabot sa pagkatao niya.
TRISH was very happy nang ibalita nito sa kanya na nag- champion ang team ni Tyler.Tama nga si Xander sa sinabi nito kanina.Pinilit niyang pasayahin ang awra.
She didn't want to spoil her bestfriend's happiness.Thankful siya dahil sa sobrang excitement nito ay hindi na siya kinulit kahit si Xander ang naging sub- teacher nila sa Physics.Nahalata niyang seryoso din ang binata.
Hindi nakatulog ng gabing iyon si Kali.Naguguluhan siya at naninibago sa damdaming sumibol para sa guro.Hindi iyon tama.
Hindi pa siya pwedeng magnobyo dahil may usapan sila ng ate niya na magtatapos muna siya ng pag- aaral.At nangako siya na hindi niya ito bibiguin.Hindi masasayang lahat ng paghihirap at sakripisyo nito para sa kanila lalo na para sa kanya.
At sino namang nagsabi sayong magiging nobyo mo siya?Bakit nililigawan ka ba niya?,
ayaw talaga siyang tigilan ng makulit na boses.
Pero tama naman ito.Masyado ng malayo ang narating ng imahinasyon niya at kasalanan yun ng binata.
Napabuntung- hininga siya.
Buo na ang pasya niya.Gagawin niya ang lahat para iwasan ang propesor.