Chapter Seventeen

2649 Words
NASA likuran nina Kali at Troy ang mag- asawang Trish at Tyler at katabi naman ng mga ito sina yaya Nora at Mang Dante. Kinailangan nila maghiwalay ng nobyo at pumisan sa mga kasamahang groomsmen at bridesmaids. Ilang saglit nalang at magsisimula na ang seremonya- her sister's greatest dream but unfortunately a nightmare to her. Nakadaupang palad din nya kanina ang ina ni Xander na si Doña Zandra.Hindi siya nagkatoon ng pagkakataon na makilala ang pamilya ng dating nobyo noong sila pa.How ironic dahil kapatid nya ang magiging manugang nito. Hindi niya ipinahalata ang tunay na nadarama at kung may nakakaalam man niyon ay walang iba kundi ang bestfriend nyang si Beatris. Mabait ang mama ni Xander at palangiti.Kamukha ito ng binata lalo na ang mga mata.Katabi nito ang kanilang tito Kamilo na siyang maghahatid sa ate niya sa groom nito. Naagaw din ang kanyang atensyon ng isa pang grupo sa likuran ng donya at tiyuhin,buong pamilya ni Ram.Halos kasabay nilang dumating sa simbahan kanina ang mga ito.Talaga ngang napaka- espesyal ng araw na ito para kay Xander at gusto nitong masaksihan iyon ng buong mundo,aniya sa isip ni Kali. Biglang nagbalik sa kanyang gunita ang nasaksihan noon sa parking lot kung saan siya nakita ni Xander.Sa totoo lang,napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ng dalaga. Nahiya naman siyang tanungin ang ate niya lalo pa at nitong mga nakaraang araw ay abala ito sa paghahanda para sa kasal. Dahil sa naalala ay lumipad ang tingin niya sa kinaroroonan ni Ram.She looked at him intently and and she noticed that he was too serious.Ito ang best man pero mas mukha pang groom sa outfit nito.Napakakisig at gwapo din ng binata. Sa apat na na lalaki- Xander,Troy,Tyler at Ram,ay walang itulak- kabigin.Kanina niya pa naririnig ang impit na hagikhikan ng mga dalagitang naroon.Bakas sa inosenteng mga mukha ang paghanga para sa kanilang mga binata. Nang alisin nya ang mga mata kay Ram ay nagtama naman ang paningin nila ni Xander.Napakislot ang dalaga sa kinatatayuan.Pero hindi niya binawi ang mata sa dating nobyo.Lumaban siya ng titigan dito.Kahit sa huling pagkakataon man lang ay maging totoo siya sa sarili. Wala na siyang pakialam kung mabasa man nito ang tunay niyang saloobin.Nasa mga mata niya ay pahiwatig ng pagpaparaya at pamamaalam.Sana ay mabasa rin iyon ni Xander. Sari- saring emosyon ang naramdaman ng dalaga.Kung ibang babae lang siguro ang pakakasalan nito ay ipaglalaban niya.Pero hindi,hindi maaari.Hindi niya maaaring agawan ng kaligayahan si Seana. Bago pa siya tuluyang maiyak ay iniiwas niya ang tingin sa binata.Nagdurugo ang puso niya sa sobrang pighating nararamdaman.Hindi niya alam kung tatagal siya hanggang matapos ang kasal. Lahat ay napatigil at napako ang atensyon sa kabubukas lang na entrada ng simbahan.Iniluwa roon ang isang napakagandang Seana na tila isang royal queen sa suot nito at ayos.Litaw na litaw pa rin ang kagandahan sa kabila ng simpleng make up. Maganda at bongga din ang wedding gown nito na gaya ng dati ay dinisenyo ng paborito nilang fashion designer.Pero pinakamaganda sa lahat ang ngiti ng bride.Tila ito isang diyosa.Bakas sa mukha ng mga naroon ang paghanga at pagkainip. Agad sinalubong si Seana ng kanilang tito Kamilo na di rin naman pahuhuli sa kakisigan at taglay na kagwapuhan kahit nasa late 50's na ito.Malaki ang pagkakahawig nito sa yumao nilang ama na si Don Kalisto. Nang muling mapadako ang mga mata niya kay Xander ay kitang- kita nya ang napakatamis na ngiti sa labi ng binata.He looks at his bride with so much admiration.Habang tumatagal ang oras ay lalong nadadagdagan ang torture para sa kanya.How she wished she could just vanish or better yet be invisible. Ilang saglit na lang ay magiging opisyal na mag- asawa na ang dalawa.Bagong kabanata na naman sa buhay nya ang haharapin ni Kali. Instinct brought her to Ram's direction na katabi lang ng groom.Titig na titig ito sa bride at hindi rin maikubli ang labis na paghanga sa mga mata nito.Ngunit hindi rin nakaligtas sa paningin nya ang pagkislap ng lungkot sa mga mata ng best man. Muling nalito si Kali sa nakitang reaksyon sa binata subalit masyadong matindi ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon para pagtuunan ng pansin ang ibang bagay. Halos hindi humihinga ang dalaga habang habang naglalakad sa aisle ang ate nya na akay ng kanilang tiyuhin.Naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya kanina pa at nang alamin nya kung sino ay si Trish pala.Isang nakauunawang ngiti ang ibinigay sa kanya ng matalik na kaibigan. Kanina nya pa iniiwasan na wag mapasulyap kay Troy dahil ayaw niyang mabasa at makita nito ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Ayaw rin nyang saktan ang damdamin ng nobyo. Tila naestatwa sya sa kinatatayuan nang tumigil na sa tapat ni Xander sina Seana.Mahigpit na nagkamay ang lalaki at ang tiyuhin nila.Makahulugang nagngitian naman ang ate nya at groom nito pagkatapos ay nagyakapan. Miss na miss pa rin ang isa't- isa kahit halos isang araw lang na hindi nagkita bilang pagsunod sa pamahiin. Inihanda na ni Kali ang sarili sa mga susunod na kaganapan at nagpakatatag upang hindi mapaluha.Pero ni isa sa mga naroon ay walang nag- akala ng sumunod na eksena.Hawak ang kamay ni Seana ay humarap si Xander sa matalik na kaibigang si Ram at iniabot ang palad ng bride sa huli. Tila tumigil sa pag- ikot ang mundo at maging ang takbo ng oras.Ang lahat ay nagulat at hindi makapaniwala.Litung- lito naman si Kali na hindi pa rin nauunawaan ang kasalukuyang nagaganap.Halos mabingi sya sa biglang pag- iingay ng mga tao sa simbahan. Pakiramdam ni Kali ay literal na tumigil sa pagtibok ang puso nya! Kung hindi lamang dahil sa ingay ng mga naroroon ay tuluyang lulutang ang kanyang diwa sa kawalan. Katulad niya ay nakaawang din ang labi ni Ram at tila itinulos sa kinatatayuan nito.Bakas na bakas ang labis na kalituhan at pagkagulat sa gwapong mukha ng binata. Tila maiiyak naman ang ate niya nang hindi pa rin abutin ng supposedly best man ang palad nito na hawak ng groom.Nang tapikin ni Xander sa balikat si Ram ay puno ng katanungan ang mga mata ng huli. Makahulugang nginitian ni Xander ang kaibigan at nang tila maunawaan nito ang mga nagaganap ay napalitan ng labis na kaligayahan ang kanina ay pagkagulat nito.Mahigpit na nagyakap ang dalawang lalaki. What a dramatic scene,naisip ni Kali.Pero reyalidad ito,totoong nagaganap at nasasaksihan ng kanyang mga mata.Nilinga nya ang mag- asawang Trish at Tyler at kita niyang yakap ni Ty ang asawa.Hindi tiyak kinaya ng bestfriend nya ang mga eksena. Iniwasan nya muli mapagawi ang tingin sa kinaroroonan ni Troy at dahil doon ay sa isang grupo ng mga bisita napadako ang kanyang mga mata.Sa pwesto nina Doña Zandra na katabi ang tila buong pamilya ni Ram.At hindi maikakaila ang tuwang nakikita nya sa mga mukha ng mga ito. Tila siya nalula sa mga nasaksihan.Lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isip niya.Nang ibalik niya ang paningin kina Xander ay halos kabibitaw lang ng yakapan nito at ni Ram.Labis na pasasalamat ang nababasa niya sa mga mata ng dapat ay best man. Bumaling si Ram kay tito Kamilo at mahigpit ding nagkamay ang dalawa na tila ba matagal ng magkakilala.Pagkatapos ay dahan- dahang bumaling ang binata sa ate niya na noon ay lumuluha na.Tears of joy!Pakiramdam ni Kali ay maiiyak na din siya sa maemosyong tanawing iyon. Masuyong pinahid ni Ram ang mga luha sa pisngi ni Seana at pagkatapos ay ilang minutong nagtitigan ang mga ito.Tila hindi pa rin makapaniwala pareho at kinakabisa ang mukha ng bawat isa. Natulala si Kali at hindi namalayang kaharap na ng pari ang dalawa.Saka lamang siya natauhan nang magsalita na ang pari hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang lahat ng naroon ay nagpalakpakan ng matapos ang seremonya.Samantalang si Kali ay tila nakalutang lamang."You may now kiss the bride!",boses ng pari ang muling pumukaw sa naglalakbay na diwa ng dalaga.Gusto niyang matawa dahil imbes na Mrs. Perez ay Mrs. Agoncillo na ang ate niya. Marami itong dapat ipaliwanag sa kanya.At si Xander,hindi ba ito nasasaktan man lang?Bakit parang balewala lang dito ang lahat ng mga nangyari?Akala niya mahal nito ang ate niya pero bakit basta nalang nito isinuko ang bride nito kay Ram? She should be happy dahil hindi kay Xander ikinasal ang ate niya pero wala siyang maramdamang tuwa.Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang buong sistema.Palihimna kinurot niya ang pisngi at baka sakaling panaginip lang lahat-"You're not just dreaming, sweetheart.Totoo lahat ng nasasaksihan mo." Napaigtad siya at nagtayuan ang mga balahibo sa katawan nang may biglang bumulong sa tenga niya.Hindi na niya kailangan lumingon pa para malaman kung sino ang taong iyon.At kung may balak man siyang lumingon ay mabibigo lang siya dahil may biglang humila sa kanya palayo roon."Troy...",halos pabulong niyang wika nang mapagsino ang humila sa kanya palayo kay Xander. Nilingon siya ng nobyo ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.She could clearly see anger and confusion on his handsome face.Ibinuka ni Kali ang bibig but just like Troy,she didn't manage to utter a single word. Hanggang sa reception ay napansin ni Kali na tahimik ang ang kanyang nobyo.Mukhang malalim ang iniisip nito at hindi maitago ang disappointment nito sa mga sudden turn of events. Well,she couldn't blame him kse kahit siya ay hindi pa rin nakakaget- over.Walang panama ang mga teleserye sa tindi ng mga eksena sa kasal ng ate niya. Bago magsalita ang party ay inagaw ng tito Kamilo ang atensyon ng lahat ng naroroon.Mukhang may nakahanda itong speech na puno ng pasabog at sorpresa. Hindi pa rin sila nakakapag- usap ni Trish dahil ramdam niyang ayaw ni Troy na umalis siya sa tabi nito.Hindi niya pa rin naman pwedeng kausapin ang bagong kasal kahit kanina pa sya nangangati na lapitan ang ate niya.At lalong hindi niya pwedeng tanungin ang dating nobyo. Sa kabila ng mga tanong sa isip at pagkalito pa rin ay gumaan naman ang pakiramdam ni Kali sa nakikitang happiness sa mukha ni Seana na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito.Hindi rin halos nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi ng kanyang bayaw.Tunay na bayaw. All her life,ngayon niya lang nakitang ganoon kaligaya ang ate niya at hindi niya mapigilang mapaluha sa sari- saring emosyong nadarama. Matamang nakinig ang lahat kay tito Kamilo habang nagpapaliwanag ito.Mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. "Alam kong lahat kayo ay nagulat at nagtataka sa mga biglaang kaganapan sa araw na ito.",simula ng tiyuhin nila."Maging ako,kami-"tumutok ang mga mata nito sa pwesto nina Doña Zandra at ng pamilya Agoncillo, "ay namamangha pa rin hanggang ngayon sa mga pangyayari."Naiiling pero nakangiting patuloy nito. "Life is really full of surprises.At nasaksihan din nating lahat how powerful and magical love could be."Kamilo looked at the newlyweds and smiled.Nagtinginan naman ng malagkit ang bagong kasal at ngumiti din sa tiyuhin. Nanlalamig ang mga kamay ni Kali habang hinihintay ang mga susunod pang sasabihin ng kanyang tito Kamilo.Sinulyapan niya si Troy na seryosong- seryoso pa rin at anuman ang iniisip ng binata ng mga oras na iyon ay ito lang ang tanging nakakaaalam. Ayon sa speech ng tiyuhin ay matagal na palang may ugnayan ang pamilya Morales at pamilya Perez.Malapit na magkaibigan daw mula pa pagkabata ang ang ama nilang si Don Kalisto at ang papa ni Xander na si Don Antonio. Mga bata pa sila noon ni Seana at nagkataong madalas maglagi sa Canada ang matandang Perez kaya halos hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong makilala ang mga ito noon.Isa pa,maagang namatay ang kanilang mga magulang. Nagkaroon daw ng mahigpit na kasunduan ang dalawang pamilya na ipapakasal ang mga panganay na anak.Lalo iyong napagtibay ng parehong magkaanak ang mga asawa ng mga ito,iyon ay sina Xander at Seana. Ibig sabihin ay may alam din si yaya Nora sa kasunduan dahil matagal na itong naninilbihan sa kanila at dito sila inihabilin ng mag- asawang Morales bago mawala sa mundo.Pero bakit inilihim iyon sa kanya ng matanda gayong alam naman nito ang naging relasyon nila ni Xander? Sumakit ang ulo ni Kali sa mga walang katapusang rebelasyon.How about Xander?May alam na kaya ito simula pa lang?Pinaglaruan lang ba talaga siya nito noon?Lihim na naikuyom ng dalaga ang mga palad dahil sa mga namumuong hinala sa isipan. They needed to talk.She needed to hear Xander's side of the story.Kailangang mabigyan ng kasagutan ang napakaraming katanungan sa utak niya. "Nangako kami noon kina Kalisto at Antonio na anuman ang mangyari eh kailangang matuloy ang kasunduan nilang dalawa.",muling napaangat ang tingin ni Kali sa tiyuhing hawak pa rin ang mikropono.Hindi pa pala tapos ang speech "Pero dahil natuklasan namin na walang pag- ibig sa isa't- isa sina Xander at Seana.It was just a brotherly love at hindi naman namin sila maaaring pilitin sa isang bagay na makasisira lamang sa mga buhay at kinabukasan nila." Kamilo looked at Xander and they exchanged smiles.No doubt na malapit din ang dalawa sa isa't isa. And then her uncle looked at Doña Zandras group. "Kaya nag- usap kami ni Doña Zandra tungkol doon kaharap sina Seana at Xander at napagpasyahan na huwag na ituloy ang kasunduan. But then again, since everything was all set,itinuloy na rin as a surprise.Ikinasal pa rin ang pamangkin kong si Seana sa lalaking tunay niyang minamahal." Madamdaming tinitigan ng tiyuhin ang kanyang ate na noon ay umiiyak na naman.Nilapitan ni Kamilo ang bagong kasal. "Seana's very lucky to have someone like her husband,Ramgen Agoncillo.Matagal man ang panahong lumipas and despite all the obstacles,nanatili siyang naghihintay sa aking pamangkin. Hindi na hinayaan ni Kamilo na magsalita pa ang bagong kasal.Sa mga tinginan pa lang ng tatlo ay halatang nagkakaunawaan ang mga ito.Pakiramdam tuloy ni Kali ay bigla siyang na- out of place sa sariling pamilya. "Bueno,hindi ko na pahahabain ito.Nilinaw ko lamang po ang lahat because I know nagtaka kayo kung bakit iba ang pinakasalan ng bride.She married the best man instead and her supposedly groom was full support sa kanilang dalawa." Pinukol ni Kamilo ng ngiting nagpapasalamat si Xander at nakangiting tumango naman ang huli."Ngayong nasa mabuting kamay na si Seana,isa na lang ang hiling ko sa Diyos." Napaigtad si Kali sa kinauupuan nang dumako sa kanya ang paningin ng tiyuhin.Naramdaman niya ang mabilis na pag- akbay ni Troy habang pisil ang isa niyang palad.Alanganing nilingon niya ang nobyo at nginitian. "Sana ay maikasal na rin ang bunso ng pamilya.Nasa tamang edad na rin siya at may magandang trabaho.Gusto na namin ni yaya Nora magkaroon ng maraming apo." Sinundan ng tiyuhin nila ng isang malakas na tawa ang sinabi.Nakitawa din ang mga bisitang naroroon.Pagkatapos muling magpasalamat sa lahat ay ibinalik na nito sa emcee ang mic.Pulang- pula ang mukha ng dalaga dahil natuon sa kanya ang paningin ng lahat dahil sa pahayag ng tiyuhin. Hindi na niya nakita ang kakaibang kislap sa mga mata ng kanyang nobyong si Troy. ISANG LINGGO na ang nakalipas mula nang ikasal sina Seana at Ram ay tila lutang pa rin ang diwa ni Kali.Kasalukuyang nasa Thailand ang mga ito at sinusulit ang honeymoon.The two were also planning to extend their vacation para mag- tour sa ibat- iba pang mga bansa around Asia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD