ANG MAINGAY na tunog ng alarm ang nagpagising kay Xander kinabukasan.Nai- set nga pala iyon kahapon dahil sa maaga ang flight niya. Pagod na pagod ang pakiramdam ng binata at tinatamad pa siyang bumangon.Pero bigla siyang napamulat ng maramdaman ang mainit na hininga sa may leeg niya. Pati na rin ang mga kamay na nakayakap sa kanyang bewang.He could feel na may nakadagan maging sa mga hita niya. At nang tumingin siya sa kanyang tabi ay para syang binuhusan ng malamig na tubig.Biglang nag- flashback ang mga alaala ng kaganapan kagabi.At kung bakit niya katabi sa kama si Kali. But today's her wedding! Tila tunog ng kampana iyon na nag- echo sa isip ni Xander.Mas matindi pa ang impact na dulot kaysa sa ingay ng alarm kanina. Muli na naman siyang nalito sa inasal ni Kali kagabi.Kung baki

